Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

Unang Linggo - Unang Araw


I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang kahulugan ng sambayanan at bahay-kalakal
2. Naipapaliwanag ang paikot na daloy ng ekonomiya sa pamamagitan ng pangkatang
Gawain
3. Nakasusulat ng isang tula na nagpapakita ng mahalagang ugnayan ng sambahayan at
bahaykalakal.
II. Nilalaman
A. Paksa: ANG PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA
B. Sanggunian: Ekonomiks , Deped Modyul para sa Mag-aaral , ph. 228-230 Code:
AP9MAK IIIA – 1
C. Kagamitan: Kwaderno , panulat , coupon bond , mga pangkulay
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
a) Balitaan
b) Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang. Tukuyin ang mga konseptong
natalakay sa nakaraang aralin sa pamamagitan ng pagpuno sa nawawalang titk sa mga
salita. Gawin ito sa activity notebook.
1. S H __ R __ A G E
(Isang pansamantalang pangyayari sa pamilihan kung saan ang supply ng produkto ay
hindi sasapat sa planong ikonsumo ng tao)
2. __ A M __ __ I H A N
(Isang organisadong sistemang pang- ekonomiya kung saan nagtatagpo ang konsyumer
at prodyuser)
3. P R I __ __ C E __ L I N __
(Ito ay tumutukoy sa pinakamataas na presyo na maaaring ipagbili ng isang negosyante
ang kaniyang produkto.)
4. M __ N __ __ O L __ O
(Uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser)
5. __ L I __ O P O __ __ O
(Pamilihan na may iilang prodyuser at maraming konsyumer.)
c) Pagganyak:
Panuto: Papangkatin ng guro ang klase sa lima at pagkatapos ay magpapakita ang
guro ng iba’t ibang larawan . Huhulaan ng bawat pangkat ang larawan at
magpapaligsahan sila na isulat sa pisara ang nabuong salita mula sa larawan. Ang
pangkat na may pinakamaraming naitalang tamang kasagutan ay magkakamit ng
karagdagang puntos sa perpormans

DEPEDBATS-PER-F-065/R4/11-22-2021

Address: Provincial Sports Complex, Bolbok, 4200 Batangas City


(043)722-1840 / 722-1796 / 722-1437 / 722-2675 / 722-1662
deped.batangas@deped.gov.ph
www.depedbatangas.org
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

B. Paglinang ng Aralin
a. Aktibiti
Gawain 1. Hula Letra
Panuto: Isulat sa loob ng lobo ang tamang letra upang mabuo ang salita. Ang ilang letra ay
ibinigay na bilang gabay
1. Dibisyon ng ekonomiks na nakatuon sa kabuuang ekonomiya?

M K S

2. Salaping kinokolekta ng pamahalaan upang makalikom ng pondo?

3. Pinagmumulan ng mga salik ng produksiyon

B Y

4. Bumubuo ng mga serbisyo at produktong panlipunan

P H A

5. Pagbebenta ng mga produkto sa ibang bansa.

X T

b. Analisis
Gawain 2. SMILE KA DIN KAHIT KAUNTI
Panuto: Bilugan ang nakangiting mukha kung malawak na ang kaalaman sa paksa o konsepto.
Kung hindi naman bilugan ang hindi nakangiting mukha.

DEPEDBATS-PER-F-065/R4/11-22-2021

Address: Provincial Sports Complex, Bolbok, 4200 Batangas City


(043)722-1840 / 722-1796 / 722-1437 / 722-2675 / 722-1662
deped.batangas@deped.gov.ph
www.depedbatangas.org
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

Pamprosesong tanong:
1. Matapos mong sagutan ang gawain, ilang konsepto ang alam mo na sa paksa? Ilan naman
ang konseptong hindi mo pa nalalaman?
2. Base sa iyong kasagutan sa bilang isa, ano ang mabubuo mong hinuha batay sa lawak ng
iyong kaalaman sa paksa?
c. Abstraksyon:
Pagsasagawa ng isang pangkatang gawain
Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa limang grupo. Ang bawat pangkat ay
magsasagawa ng isang role playing na may kaugnayan sa kanilang nalalaman ukol sa paikot
na daloy ng ekonomiya batay sa kanilang pang-araw araw na nararanasan sa kanilang
komunidad o pamayanan . Ito ay gagawin nila sa loob ng 10 minuto at pagkatapos ay ipakikita
sa unahan.
Pangkat 1. Paggawa ng isang tula na may kaugnayan sa kahalagahan ng sambahayan sa
paikot na daloy ng ekonomiya
Pangkat 2. Paggawa ng isang jingle tungkol sa mahalagang gampanin ng bahay-kalakal sa
paikot na daloy ng ekonomiya.
Pangkat 3. Paggawa ng isang awit tungkol sa mahalagang gampanin ng sambahayan sa paikot
na daloy ng ekonomiya.
Pangkat 4. Paggawa ng isang collage na nagpapakita ng mahalagang gampanin ng bahay -
kalakal sa paikot na daloy ng ekonomiya
Pangkat 5. Paggawa ng isang slogan tungkol sa mahalagang ugnayan ng sambahayan at
bahay kalakal sa paikot na daloy ng ekonomiya.
Pamprosesong Tanong :
1. Batay sa mga ipinakitang presentasyon ng bawat pangkat, ipaliwanag ang mahahalagang
gawain ng sambahayan at bahay kalakal, sa paikot na daloy ng ekonomiya.
2. Sa iyong palagay, may mahalagang ugnayan ba ang bawat isa? Pangatwiranan
d. Aplikasyon
Panuto: Gamit ang mga larawang makikita sa palibot ng cloud web, Ipaliwanag kung papaano
gumagana ang pambansang ekonomiya upang mapabuti ang pamumuhay ng mamamayan sa
inyong lugar o sa inyong pamayanan tungo sa pagtamo ng pambansang kaunlaran. Isulat ang
kasagutan sa cloud web

DEPEDBATS-PER-F-065/R4/11-22-2021

Address: Provincial Sports Complex, Bolbok, 4200 Batangas City


(043)722-1840 / 722-1796 / 722-1437 / 722-2675 / 722-1662
deped.batangas@deped.gov.ph
www.depedbatangas.org
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

IV. Pagtataya
Tama o Mali
Panuto: Isulat ang salitang tama kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng katotohanan at
mali kung hindi wasto ang pahayag.
1. Export ang tawag sa pagbebenta ng produkto sa ibang bansa.
2. Ang makroekonomiks ay dibisyon ng ekonomiks na nakatuon sa kabuuang ekonomiya
3. Ang bahay kalakal ang pinagmumulan ng mga salik ng produksiyon.
4. Ang pamahalaan ang bumubuo ng mga produkto at serbisyong panlipunan.
5. Buwis ang tawag sa salaping kinokolekta ng pamahalaan upang makalikom ng pondo.
V. Takdang Aralin
Panuto: Gumawa ng isang venn diagram na nagpapakita ng mahalagang ugnayan ng
sambahayan at bahay kalakal.

Bahay Kalakal Pagkakaparehas Sambahayan

Inihanda ni: Pinagtibay ni:

CRISTIAN R. OGERIO JOEL D. ABREU


Teacher I T.I.C. / Teacher III

DEPEDBATS-PER-F-065/R4/11-22-2021

Address: Provincial Sports Complex, Bolbok, 4200 Batangas City


(043)722-1840 / 722-1796 / 722-1437 / 722-2675 / 722-1662
deped.batangas@deped.gov.ph
www.depedbatangas.org

You might also like