Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

EDU 568: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan

Module #20 Student Activity Sheet

Name:______________________________________________________ Class number: _______


Section: _______________ Schedule:____________________________ Date: _______________

Lesson title: Batayang Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Materials:


Kahoy, Metal, Kawayan, at Iba pa SAS
Learning Targets:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: References:
1. natatalakay ang mga mahalagang kaalaman at kasanayan sa Bernandino, Josephine C., Fulgencio,
gawaing kahoy, metal, kawayan, at iba pa; at Maria Gracia A., et.al.2019. Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayan. Phoenix
2. natutukoy ang mga uri ng kagamitan at kasangkapan sa Publishing House, Inc.
gawaing kahoy, metal, kawayan, at iba pa De Guzman, Alladin L., Gurango, Lydia R.,
et.al.2018 Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan. REX Book store
Publishing House, Inc.
Velasquez, Marcelina F.,2018.
Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan. KLEAFS Publishing
House, Inc.

A. LESSON PREVIEW/REVIEW

Introduction

Magandang araw sa inyo! Ang aking nagagalak na pagbati sa lahat. Kahapon ating tinalakay ang basic
sketching, basic shading and Outlining Techniques. Ating natalakay ang kahalagahan ng kaalaman at
kasanayan sa "basic sketching" shading at outlining at natukoy ang pamamaraan ng paggawa nito. Sa ating
pagbabalik tanaw sa mga tinalakay natin kahapon, sagutan natin ang mga sumusunod na katanungan:

*Anu-ano ang mga kahalagahan ng kaalaman at kasanayan sa "basic sketching" shading at outlining?
* Anu-ano ang mga pamamaraan ng basic sketching, shading at outlining?

Sa araw na ito, ating tatalakayin ang batayang kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy, metal,
kawayan at iba pa. Ating tatalakayin ang mga mahalagang kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy, metal,
kawayan at ang mga uri ng kagamitan at kasangkapan sa gawaing kahoy, metal, kawayan, at iba pa.

This document is the property of PHINMA EDUCATION


1
EDU 568: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan
Module #20 Student Activity Sheet

Name:______________________________________________________ Class number: _______


Section: _______________ Schedule:____________________________ Date: _______________

B.MAIN LESSON

I. Content and Skill-building


Basahin at unawaing mabuti ang konseptong aralin. Subukang salungguhitan ang mga importanteng
ideya para lalong mas maintindihan ang aralin.

A. Gawaing Kahoy – Marami ang mga kasanayan ang matutunan sa gawaing kahoy na kapaki-pakinabang. Ang
pagkakarpentero ay dapat matutunan ng mga mag-aaral hindi lamang sa panghanapbuhay kundi para sa sariling
pangangailangan sa tahanan tulag ng pagkukumpuni ng mga sirang upuan, silya, lamesa, bakod at iba pa.

B. Gawaing Metal – isa sa mga lawak sa Edukasyong Pangkabuhayan na napapanahon sapagkat sa ngayon
ay maraming nagkalat na patapong metal tulad ng mga lata na maaring gamiting muli sa pagbuo ng bagong
proyekto tulad ng dust pan, gadgaran, habonera, hahon ng resipi at kwardo.

C. Gawaing Kamay o Handicrafts – ito ay may iba’t ibang uri ayon sa mga kagamitan at materyales na
gagamitin. Dito lumalabas ang pagiging malikhain ng mga bata. Ang kasabihang ” Ang masisipag na mga
kamay, sa paggawa’y walang humpay ng magagandang mga bagay na magpapaunlad ng buhay”.

Mga Kasangkapan at Kagamitan sa Paggawa

1.Zigzag Rule – Ginagamit sa pagsukat ng taas, lapad at kapal

2. Martilyo –Ginagamit ito sa pambaluktot, pampukpok ng metal at pambaon sa pait at pao.


3. Malyete – kagamitang mukhang martilyo na yari sa kahoy o goma

4. Barena – ginagamit sa paggawa ng maliliit na butas na hihigit sa kalahating sentimetro

5. Brace – ginagamit sa paggawa ng malaking butas. Ang talim nito ay tinatawag na ” auger
bit

6. Electric Drill – barenang de kuryente na mainam na gamitan pambutas sa matitigas na


bagay tulad ng semento at bakal

7. C-clamp – isang uri pang-ipit na mainam gamitin kung walang gato.

8. Rip Saw – ginagamit na pamputol nang paayon sa hilatsa ng kahoy

9. Back Saw – ito ay maliit kaysa sa ibang lagari na may maliliit na ngipin

10. Katam – ginagamit na pampakinis sa mga ibabaw ng tabla o kahoy

11. Disturnilyador – ginagamit na pampahigpit o pampaluwag sa turnilyo

This document is the property of PHINMA EDUCATION


2
EDU 568: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan
Module #20 Student Activity Sheet

Name:______________________________________________________ Class number: _______


Section: _______________ Schedule:____________________________ Date: _______________

12. Liyabe – ginagamit na pampaluwag o panghigpit sa mga gripo at dugtungang


yari sa bakal.

13. Oil Stone – ginagamit sa paghasa ng karamihang tuwid na kasangkapang


pamputol

14. Kikil – ginagamit na panghasa sa mga ngipin ng lagari

15. Keyhole saw – patulak ang paggamit ng kasangkapang ito at maraming ibat’ibang talim na
pambutas nang pabilog

Mga Panuntunang Pangkalusagan at Pangkaligtasan sa Paggawa


1. Maglaan ng lugar, kahon o kabinet para sa mga kasangkapan at kagamitan sa paggawa.

2. Gamitin ng buong ingat ang mga kasangkapang dekuryente at kagamitang matatalim .

3. Tiyakin na ang mga kasangkapang gagamitin ay nasa maayos na kondisyon. Iwasan ang
paggamit ng mga kasangkapang kinakalawang.

4. Ibigay ang buong atensyon sa ginagawa.

5. Basahin ang tagubilin sa paggamit ng mga kasangkapang dekuryente.

Pangangalaga sa Kasangkapan
1. Gamitin nang wasto at maingat ang mga kasangkapan upang hindi kaagad masira.

2. Gamitin lamang ang angkop na kasangkapan sa bawat gawain.

3. Itago sa isang kahong matibay ang mga kasangkapang hindi ginagamit.

4. Linising mabuti at lagyan ng langis ang mga kagamitang yari sa bakal lalo na ang mga
gumagalaw na bahagi bago sila itago upang hindi kalawangin.

5. Tanggalin ang mga talim ng mga barena at brace kung hindi ginagamit.

6. Tiyakin na ang mga maliliit at magagaan ay hindi madadagdagan ng mga malalaki at


mabibigat na kasangkapan.

This document is the property of PHINMA EDUCATION


3
EDU 568: Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan
Module #20 Student Activity Sheet

Name:______________________________________________________ Class number: _______


Section: _______________ Schedule:____________________________ Date: _______________

II. Check for Understanding

Direksyon: Gumawa ng simpleng proyekto gamit ang kahoy, metal, kawayan at iba pa. Hindi
kinakailangang bumili, kung may pira-pirasong gamit sa bahay iyon na ang gagamitin. Sundin ang pormat
sa ibaba.
B. Pormat: Ilagay sa isang bond paper
I. Pangalan:
II. Pangalan ng proyekto:
III. Layunin: (Bakit gagawin mo ang proyekto?)
IV. Mga materyales at kagamitan:
V. Mga hakbang sa paggawa ng proyekto:
VI. Documentation: at least 5 pictures, isali ang larawan ng tapos na proyekto)

C. LESSON WRAP-UP

FAQs
Food for Thought!
If you have questions that you cannot ask to your teacher, this may help you clarify things out.

1. Ang pag-uukit ba ay matuturing isang gawaing kahoy?


• Oo, ang pag-uukit ba ay matuturing isang gawaing kahoy. Ang larawang inukit sa kahoy sa Pilipinas ay
isang tradisyon na nagsisimula pa noong mga panahon ng kolonyal. Ang mga Katutubong Pilipino ay
nakaukit ng mga bangka, araro, arrow, sibat, at iba pang mahahalagang bagay, madalas na lumilikha ng
mga pattern ng pandekorasyon para sa paggamit ng hierarchy ng tribo at magdiwang ng mga espesyal
na okasyon.

THINKING ABOUT LEARNING


A. Sa ibaba ay isang tracker na tumutulong sa iyo na subaybayan ang iyong nagawa. Ang bawat kahon
ay kumakatawan sa isang aralin sa isang panahon. Maglagay ng isang checkmark sa isang kahon para
sa bawat aralin na tapos na. Gawin na ngayon!

B. Sa 2 hanggang 3 pangungusap, isulat ang iyong mga karanasan sa pagkatuto habang ginagawa
ang modyul. Ipahayag ang mga paraang ginawa mo para matapos ang modyul at makamit ang mga
layunin nito.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

This document is the property of PHINMA EDUCATION


4

You might also like