Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

4

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Mga Materyal na Kagamitan,
Iingatan Ko!

AIRs - LM
Edukasyon sa Pagpapakatao 4
Ikalawang Markahan - Modyul 3: Mga Materyal na Kagamitan, Iingatan Ko!
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o pagkuha


ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Reina Joy B. Tan, T-III


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of EsP

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin
Sa nakaraang aralin, natutunan mo ang tungkol sa pagpapakita ng
mabubuting katangiang dapat mong taglayin sa patuloy na pagpapaunlad,
pagpapahalaga, at pagkalinga sa mga hayop at mga halamang likha ng
Diyos, at kung papaano alagaan at mahalin ang mga hayop na ligaw at
endangered.

Ngayon, pauunlarin naman natin ang iyong kaalaman at mga


katangiang dapat mong taglayin sa pamamagitan nang patuloy na
pagpapaunlad, pagpapahalaga, at pagkalinga sa mga materyal na
kagamitan sa ating tahanan, paaralan, at sa komunidad. Sa araling ito,
higit mong mauunawaan ang kahalagahan ng pag-iingat sa mga materyal
na kagamitang likas o gawa ng tao.

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang kaalaman,


kakayahan at pag-unawa sa:

➢ Pangangalaga sa mga materyal na kagamitang likas o gawa ng


tao
(EsP4PD-IVh-i-13)

Layunin sa Pag-aaral:

➢ Naipapakita ang pangangalaga sa mga materyal na kagamitang


likas o gawa ng tao.
Mga Kagamitang Gawa ng
Aralin
Tao, Iingatan Ko!
1

Simulan

Gawain 1

Panuto: Lagyan ng  ang patlang kung ang isinasaad ng pangungusap ay


nagpapakita ng pangangalaga sa mga gamit o kagamitan at  naman kung
hindi.

______ 1. Ginagamit ko nang may wastong pag-iingat ang mga gamit o


kagamitan sa aming bahay upang hindi masira.

______ 2. Itinatago ko sa kahong matibay ang mga gamit o kasangkapang


hindi ko na ginagamit.

______ 3. Gumagamit ako ng baso kung ako ay nagsisipilyo upang hindi


masayang ang tubig.

______ 4. Iniiwan ko sa mesa ang mga baso, pinggan, kutsara, at tinidor na


ginamit ko sa pagkain.

______ 5. Hinihikayat ko ang aking mga kamag-aral na gamiting muli ang


likod ng mga papel at kuwaderno na wala pang sulat.
Gawain 2:
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon sa
ibaba. Pagkatapos, isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.

____ 1. Isang araw, pagdating mo ng bahay, napansin mong nauulanan ang


antigong kahoy na upuan na pamana pa ng iyong lolo at lola sa
inyong terrace. Ano ang gagawin mo?
A. Uutusan ko ang aking kapatid na ayusin ito.
B. Agad ko itong isisilong upang hindi ito masira.
C. Itatapon ko na lang ito upang hindi pakalat-kalat sa bahay.
D. Hahayaan ko lang na ito ay maulanan sapagkat basa na rin ito.
_____ 2. Tuwing tanghali, pagkatapos kumain ng iyong mga kapatid ay
iniiwan na lang nila ang kagamitan sa pagkain na hindi
hinuhugasan. Ano ang gagawin mo?
A. Iiwanan ko rin ang aking mga pinagkainan.
B. Aayusin ko at ililigpit ang aming pinagkainan.
C. Hahayaan ko na gawin ng aking ina ang pagliligpit.
D. Uutusan ko ang aking nakababatang kapatid na ito ay linisin
at iligpit.

_____ 3. Nakita mong natatanggal na ang kapirasong tabla sa bahaging


sandalan ng inuupuan ng kaklase mo sa inyong silid-aralan. Ano
ang gagawin mo?
A. Sasabihin kong natanggal ang isang kahoy.
B. Sisigawan ko siya at sabihing nasisira ang kanyang upuan.
C. Sasabihin ko sa kanya at tutulungan ko siyang ayusin ito.
D. Hindi ko na lang ito papansinin dahil hindi ko naman upuan.

_____ 4. Madalas mong mapansin ang mga kaklase mo na kapag


nagkakamali sa pagsusulat sa papel o kuwaderno ay agad
pinupunit ang pahina at sabay tapon sa basurahan. Ano ang
gagawin mo?
A. Gagayahin ko rin ang kanilang ginagawa.
B. Hahayaan ko lang ang kanilang ginagawa.
C. Isusumbong ko sa aming guro ang kanilang ginagawa.
D. Kakausapin ko sila na huwag pupunitin kapag sila ay
nagkamali dahil puwede pa nila itong sulatan sa likod ng
pahina.

_____ 5. Namasyal kayo ng inyong pamilya sa isang museo at napansin


mong ang isang magandang display cabinet na maraming laman
ay malapit ng matumba. Ano ang iyong gagawin?
A. Tatawanan ko ang display cabinet na natutumba.
B. Hahayaan ko lang ang display cabinet na natutumba.
C. Sasabihin ko ito sa nagbabantay upang ito ay kanyang
ayusin.
D. Itutulak ko ito at ako ay tatakbo papalayo upang hindi nila
malaman na ako ang may gawa.

Lakbayin

Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung saan nanggagaling ang


mga kagamitang gawa ng tao? Halos lahat ng mga kagamitan na iyong
nakikita sa bahay, paaralan, o maging sa pamayanan man ay nagmumula
sa ating kalikasan.
Ang mga kagamitang ito ay ginawa ng tao at ang mga ginamit dito
upang malikha ang mga bagay na ito ay mula sa ating kalikasan. Ginawa
ang mga ito upang may magamit ang mga mamamayan. Nagbibigay ang
mga ito ng saya, ganda, at kapanatagan kapag ang mga ito ay iyong ginamit
ng may pag-aalaga at pagmamahal.

Ang mga lamesa at upuan sa ating tahanan na gawa sa puno na


galing sa kalikasan ay dapat nating ipagmalaki, pakaingatan, at
pangalagaan. Ang mga kagamitang tulad ng pisara, kabinet, at mga upuan
na ginagamit sa mga paaralan ng mga kabataan ay gawa din ng tao. Ang
mga ito ay gawa din sa puno na galing sa kalikasan na dapat ding
pangalagaan.

Ang mga kagamitang pang-araw-araw na ginagamit sa bahay,


paaralan, o maging sa pamayanan man ay dapat nating ingatan upang ang
mga ito ay mapakinabangan ng matagal at ng susunod pang henerasyon.

Ang ating mga kagamitan sa bahay, paaralan, at pamayanan ay


nagmula sa ating kalikasan na ginawa ng tao. Lubos napangangalaga at
wastong pag-iingat ang ating maiaambag upang ang lahat ng ito ay maging
kapaki-pakinabang sa loob ng maraming taon.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR)


Administrative Order No. 37 series of 1996, upang maabot ang pantay at
balanseng pang-ekonomiyang paglago at proteksiyon mula sa paggamit,
pagbuo, pamamahala, pagbabago ng likas na yaman ng bansa. Kalakip
nito ang proteksiyon at paghubog sa magandang kalidad ng ating
kapaligiran, hindi lamang para sa kasalukuyang henerasyon kundi para sa
darating na panahon.

Isinasaad naman sa Presidential Decree No. 705 o “Revised Forestry


Code” na ang mga punongkahoy na maaaring putulin ay yaong mga
punong may diyametrong 60 sentimetro (sa bahagi ng puno na kasintaas
ng dibdib ng tao). Sa paraang ito, hindi tuluyang makakalbo ang lupain, na
siyang tutulong sa pananatili ng magandang kondisyon ng lupa at para
makaiwas sa pagguho ng lupa. Ang batas na ito ay naglalayong
protektahan ang mga kagubatan at kakahuyan sa Pilipinas na
inaprubahan noong Mayo 1975. Nilalaman ng batas na ito ang epektibong
pangangasiwa ng mga lupain at yamang-lupa sa bansa, at kabilang dito
ang pagtatakda sa uri ng mga pampublikong lupain upang malaman kung
anong uri ng pangangalaga ang dapat ilaan para dito. Ang isa pang
mahalagang probisyon ng batas na ito ay ang pangangasiwa sa dami at uri
ng kakahuyan na maaaring putulin, pati na rin ang pamamaraan ng
pagkamit ng lisensiya ng mga kompanyang puputol ng puno. Alam naman
natin na ang mga punong ito ang pangunahing kagamitan sa paglikha ng
mga muwebles gaya ng mga upuan, mesa, aparador, pintuan, at maraming
pang iba.
Gamitin nang wasto ang ating mga gamit o kagamitan sa bahay,
paaralan, at pamayanan. Sa pamamagitan nito, tayo ay nakatutulong sa
pangangalaga sa ating kalikasan.
Galugarin

Gawain 1

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Itsek ang hanay ng


happy face kung wasto ang pinapahiwatig nito at kung hindi
naman, itsek ang hanay ng sad face.

Sitwasyon

1. Pinupunasan nang buong ingat ni James ang mga


muwebles sa kanilang sala upang matanggal ang
mga alikabok.

2. Kinumpuni ni Llansell ang umuugang upuan sa


kanilang silid-aralan.

3. Gamit ang pentel pen, isiunulat ni Harold sa pader


ng kanilang paaralan ang mga salitang “Iwasan
ang Bullying.”

4. Habang naglalaro ang mga magkakaibigang Dan,


Kurvy, Bruce, at Nile sa palaruan ng kanilang
barangay, sinisigurong nilang hindi nasisira ang
pasilidad na makikita rito.
5. Isinara ni Tyron nang buong lakas ang pintuan ng
kanyang silid upang sumara ito nang mabuti.
Gawain 2
Panuto: Magtala ng isang pasyalan. Itala kung papaano ito
pinangangalagaan ng pamayanan at ng taong may-ari nito. Isulat sa
loob ng kahon ang iyong sagot.

Pangalan ng
pasyalan:
May-ari:
Lugar:
Mga paraan ng
pangangalaga:

Rubrik sa Pagsagot ng mga Tanong

Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan


pa ng
PAMANTAYAN
4 3 2 Kasanayan
1
Napakahusay Mahusay ng May Maligoy ang sagot
ng pagkakabu kahusayan Nakalilito at
pagkakabuo o ng sagot. ang hindi tiyak ang
ng sagot. Malinaw at pagkakabuo mga punto.
NILALAMAN
Malawak at tiyak ang ng sagot.
(5 PUNTOS)
marami ang pahayag at Tiyak ang
angkop na paliwanag. mga pahayag
pahayag at at paliwanag.
elaborasyon.
Palalimin

Gawain 1

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang Tama kung
ikaw ay sumasang-ayon at Mali kung hindi.

______ 1. Upang tumagal ang mga kagamitan sa pag-aaral, gamitin ito nang
maayos at iligpit sa tamang lalagyan.

______ 2. Lagyan ng plastic cover ang iyong mga aklat kung kinakailangan
lamang.

______ 3. Susulatan at kukulayan ko ang aking upuan upang ito ay maging


maganda at makulay.

______ 4. Ibabahagi ko sa aking mga kamag-aral ang mga nalalaman kong


paraan sa pangangalaga ng mga kagamitang likas o gawa ng tao.

______ 5. Tutularan ko ang mga magagandang gawain na aking nakikita sa


pangangalaga ng mga kagamitang likas.

Gawain 2
Panuto: Pumili ng isang paborito mong kagamitan na makikita sa loob ng
inyong bahay. Isulat ang gamit nito at kung papaano mo ito
pinangangalagaan.
Paano mo ito
Napiling Kagamitan Gamit nito
pinangangalagaan?

10
Rubriks sa Pagsagot sa Gawain
Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan May
pa ng Kasanayan Panimulang
PAMANTAYAN Kasanayan
2 1
5 4 3
Napakahusay Mahusay ng May Maligoy ang May ilang
ng pagkakabuo kahusayan sagot naisulat
pagkakabuo ng sagot. ang Nakalilito at na salita
ng sagot. Malinaw at pagkakabuo hindi tiyak ang ngunit
NILALAMAN
Malawak at tiyak ang ng sagot. mga punto. walang
(5 PUNTOS) marami ang pahayag at Tiyak ang diwa.
angkop na paliwanag. mga pahayag
pahayag at at paliwanag.
elaborasyon.

Sukatin
A. Panuto: Suriing mabuti ang mga kagamitang likas sa Hanay A.
Pagkatapos ay i-konek ang mga hugis puso na nagpapakita ng angkop na
pagpapahalaga ng tao sa Hanay B.

HANAY A HANAY B
1. Puno A. Nagsisilbing tahanan sa
pagdadasal ng mga tao upang
magpasalamat sa mga biyayang
2. Pisara
natatanggap.
B. Ito ay nagbibigay saya sa mga
3. Lapis at papel bata habang sila ay naglalaro.
C. Mahalaga ito sa pag-aaral ng mga
4. Palaruan bata sapagkat ito ang
nagsisilbing sandata nila sa
pagpasok sa paaralan.
5. Simbahan D. Nagsisilbing sulatan ng guro sa
loob ng silid-aralan.
E. Dito natin kinukuha ang
ginagawang lapis, papel at iba
pang mga kagamitan sa paaralan
at bahay.
F. Nagsisilbing paaralan ng mga
bata.

11
B. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin at
isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.
_____ 1. Halos lahat ng kagamitan sa bahay, paaralan, o maging sa
pamayanan ay nagmula sa kalikasan. Anong katangian ang dapat
nating ipakita habang ginagamit ang mga ito?
A. paggalang C. pagkamaingat
B. pagmamalasakit D. pagtitipid
_____ 2. Ano ang HINDI layunin ng Presedential Decree No. 705 o Revised
Forestry Code na inaprubahan noong Mayo 1975?
A. pagtatakda sa uri ng mga pampublikong lupain
B. pangangasiwa sa dami at uri ng kakahuyan na maaaring
putulin
C. Pagpapahintulot ng batas sa pagputol ng mga puno sa
kagubatan
D. epektibong pangangasiwa ng mga lupain at yamang-lupa ng
bansa
_____ 3. Karamihan sa muwebles na kagamitang matatagpuan sa ating
bahay, paaralan at komunidad ay gawa sa kahoy na mula sa ating
kalikasan. Paano mo maipakikita ang matalinong paggamit sa mga
ito?
A. Gamitin ang mga ito nang buong ingat.
B. Gumamit ng mga kagamitang yari sa plastic.
C. Punasan ang mga ito ng langis upang kumintab.
D. Huwag bumili ng mga kagamitang gawa sa kahoy para
walang punong mapuputol.
_____ 4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga sa mga
gamit o kagamitan sa inyong bahay?
A. Hinuhugasan ko ng sabong mabango ang aming mga
muwebles.
B. Itinatago ko sa kahong matibay ang mga gamit o
kasangkapang hindi ko na ginagamit.
C. Tumutulong ako sa paglilinis ng mga gamit o kagamitan sa
display cabinet para magandang tingnan.
D. Ginagamit ko nang may wastong pag-iingat ang mga gamit o
kagamitan sa aming bahay upang hindi masira.

_____ 5. Sino sa mga sumusunod ang nais mong tularan?


A. Si Gia na ginuguhitan ng mga bulaklak ang kanyang lamesa.
B. Si Fe na tumutuntong sa mesa kapag hinahabol siya ng
kanyang kapatid.
C. Si Bethena Andrea na buong ingat na isinasara ang pintuan
ng kanyang silid.
D. Si Loyd na inuuga ang kanyang upuan habang hinihintay
ang kanilang guro.

12
Mga Sanggunian:

• Abac, Felamer E., et. al., Edukasyon sa Pagpapakato 4 Kagamitan ng Mag-aaral (p. 343-350),
(DepEd IMCS) Vibal Group, Inc., Pasig City Philippines 1600

• Abac, Felamer E., et. al., Edukasyon sa Pagpapakato 4 Patnubay ng Guro (p. 206-209),
(DepEd IMCS) Vibal Group, Inc., Pasig City Philippines 1600

13
14
Palalimin Simulan
Gawain 1 Gawain 1
1. Tama 1. 
2. Mali 2. 
3. Mali 3. 
4. Tama 4. 
5. Tama 5. 
Gawain 2
Gamitin ang rubrik sa Gawain 2
pagwawasto ng sagot. 1. B
2. B
3. C
Sukatin 4. D
5. C
A.
1. E
2. D Galugarin
3. C
4. B Gawain 1
5. A 1. Happy Face
2. Happy Face
B. 3. Sad Face
1. B 4. Happy Face
2. C 5. Sad Face
3. A
4. D Gawain 2
5. C Gamitin ang rubrik sa
pagwawasto ng sagot.
Susi sa Pagwawasto

You might also like