Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“Patayin ang Kahirapan, Hindi ang Mahirap, Huwag ang Kabataan” isang spoken

word poetry na isinulat ni: Jing Buenaflor

Paano kaya kapag ikaw ay nasakdal at napagbintangang nakapatay, ano ang gagawin mo? Tatakbo?

Lilisan at mawawala na para bang isang bula? O aamin sa isang bagay na kahit kailanman ay hindi mo

ginawa. Minsan na akong namasyal sa luneta noong isang gabi. Sa ilalim ng maliwanag na buwan ay

may naglalaro at nagtatagu-taguan. Pagbilang kong sampu, ang lahat ay nakatago na. Ganyan ang

eksena sa isang kalye, habang hinahabol ng pulis ang isang binata. KAPAYAPAAN---kapayaan sigaw ng

nakararami.

KABATAAN PAG-ASA NG BAYAN! Ang sabi ng isang bayaning nagmulat ng tunay na estado ng

pamumuhay sa isang bansang mas importante ang kapangyarihan kaysa sa kapuwa.

Mistulang mga baril na nakatutok sa lahat, at kapag ikinalabit ang gatilyo ay isang buhay ang kapalit.

Mga binata’t dalagang imbes na magpatuloy sa pag-aaral at pag-pupunyagi ay binawian ng buhay,

ngunit ito’y hindi dahil sa sila’y may malubhang karamdaman, kundi dahil sila di-umanoy

napagbintangan. Ang saklap! Mga magulang ay nagpalaki ng mga batang gagawing mga usa at pag-

babarilin ng mga naka unipurmi! Ang Tugon!

“Silang mga nangakong papatayin ang kahirapan ngunit mahirap ang pinapatay.”

Kian delos Santos--- isang estudyante, nanlaban! Ngunit nakapusas ang mga kamay na mistulang isang

haring trinaydor ng kanyang sariling mga pinagkakatiwalaan… binaril…biglang tumulo ang dugo mula sa

kaniyang katawan na mistulang isang gripong dinidiligan ang mga halamang nag-nanais ng kasagutan…

kung bakit! Bakit nasakdal sa dusa ang isang binatang minsan nang tinawag na pag-asa ng bayan? Ang

reporma sa pamahalaan ay isang propesiyang hindi matupad-tupad ang TUGON!


“Silang mga nangakong papatayin ang kahirapan ngunit mahirap ang pinapatay.”

Joshua Cumilang--- labing walong taong gulang na binatang may pangarap para sa mga magulang…

Binaril, patay… nakahandusay na para bang isang baboy na kinakatay sa katayan. Ang TUGON!

“Silang mga nangakong papatayin ang kahirapan ngunit mahirap ang pinapatay.”

Jefferson Bunuan--- isang estudyante, nag-nanais na maging isang pulis!

Upang sa kahirapan ay makaalis. Ngunit imbes na kahirapan ang matapos at magwakas ay siya ang

winakasan ng buhay… patay… tila ba isang simpleng taong nangangahoy sa kagubatan at nahulog sa

bangin…. Pinagdiskitahan ng mga leong nakasuot ng unipurmi at hawak-hawak ang mga baril sa kanilang

mga kamay na mistulang nag-nanais na halos sa lahat ng oras ay kalabitin ang gatilyo. Ang TUGON!

“Silang mga nangakong papatayin ang kahirapan ngunit mahirap ang pinapatay.” Ang bayan ay

yinurakan at pinagsamantalahan…

Ngunit patuloy ang pag-tataas ng mga kamao--- hanggat ang mga kabataan ay patuloy na minamaltrato

ng mga nasa kapangyarihan, hindi titigil ang kahirapan kung ang sagot nyo lamang ay napag-diskitahan.

Papaano na ang bayan? Mananatili na lang ba tayong lugmok sa kahirapan at umaaray sapagkat ang

sikmura’y walang laman? O kung meron man ay bala ang siyang kinakain! Walang TUGON!

Ako’y naaawa sa inang bayan. Matatawag pa kayang isang ina ang isang nanay na wala nang mga anak?

HULING TUGON!

“Silang mga nangakong papatayin ang kahirapan ngunit mahirap ang pinapatay.”

Patayin natin ang kahirapan!

Hindi ang Mahirap!

Huwag ang Kabataan.

You might also like