Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

“Totoong Ganda”

Group 2
Tauhan: Kang Soo-jin, Lim Joo-kyung, at Lee Su-ho

Tagapagsalaysay: Sa paaralan ng Saebom High School may


isang dalaga na napaka ganda ngunit mayroon itong tinatagong
kasamaan ng ugali.
Student 1: Uy pare! Siya ba yung bagong estudyante rito?
Student 2: Oo, Siya nga! Napaka naman niya!
Tagapagsalaysay: Lumalakad papuntang silid-aralan si
Joo-Kyung at lahat ay nakatingin sa kaniya at na huhumaling sa
kaniyang kagandahan.
Tagapagsalaysay: Pagpasok niya sa silid-aralan lahat ng
kaniyang kaklase ay lumingon sa kaniya.
Classmate 1: OMG sino siya!
Classmate 2: Napaka ganda niya!
Tagapagsalaysay Lahat ng kaniyang kaklase ay pinuri siya sa
kaniyang kagandahan.
Guro: Magandang araw mga estudyante mayroon tayong
bagong makakasama sa ating klase.
Lim Joo-Kyung: Magandang araw mga kaklase ako nga pala si
Lim Joo-Kyung, at na gagalak akong makilala kayong lahat!
Tagapagsalaysay: Nakalipas ang ilang buwan, hindi rin tumagal
at lumabas na rin ang tunay na kulay ni Joo-Kyung.
Lim Joo-Kyung: Ano ba yan Soo-jin! Simpleng bagay di mo
maguwa!
Kang Soo-jin: Patawarin mo ako Joo-Kyung.
Lim Joo-Kyung: Dun ka na nga!
Tagapagsalaysay: Sabay tulak kay Soo-jin.
Lee Su-ho: Lim Joo-Kyung! Bat mo ba pinapahirapan si Soo-jin
di mo naman sya katulong!
Lim Joo-Kyung: Ay! Su-ho nandiyan ka pala, nagkamali ka di ko
siya pinapahirapan.
Tagapagsalaysay: Hinila ni Su-ho si Soo-jin at pagkatapos ng
hinila ni Su-ho si Soo-jin, ay sumigaw sa galit si Joo-kyung.
Lee Su-ho: Ayos ka lang ba Soo-jin?
Kang Soo-jin: Ayos lang ako Su-ho, salamat nga pala.
Lee Su-ho: Napakasama talaga ng ugali ni Joo-kyung
Maganda nga siya ngunit kasing itim ng budhi ang kaniyang
ugali.
Kang Soo-jin: Pabayaan mo na siya Su-ho.
Tagapagsalaysay: Matapos ng makita ni Joo-kyung na
tinulungan ni Su-ho si Soo-jin ay mas naging malupit pa si
Joo-kyung kay Soo-jin.
Tagapagsalaysay: Isang araw tinanong ni Joo-kyung si Soo-jin
kung may gusto ba ito kay Su-ho.
Lim Joo-kyung: Soo-jin, may gusto ka ba kay Su-ho?
Tagapagsalaysay: Tinawanan lamang ito ni Soo-jin.
Kang Soo-jin: Pano mo naman naisabi yan?
Lim Joo-kyung: Napapansin ko kasi parating kayo magkasama.
Kang Soo-jin: Magkaibigan lamang kami Joo-kyung.
Lim Joo-kyung: Mabuti naman iyon.
Kang Soo-jin: Bakit mo naman naitanong?
Lim Joo-kyung: Mahal ko kasi siya at may balak nga akong
aminin ang nararamdaman ko sa kaniya.
Kang Soo-jin: Ah, Ganun ba.
Tagapagsalaysay: Nalungkot si Soo-jin nung na laman nito na
may gusto si Joo-kyung kay Su-ho dahil gusto rin naman talaga
ni Soo-jin si Su-ho ngunit ayaw nya umamin dahil baka masira
ang kanilang pagkakaibigan at di rin naman siya ganun ka ganda
kumpara kay Joo-kyung.
Tagapagsalaysay: Umiiwas na lamang si Soo-jin kay Su-ho
upang mawala ang nararamdaman nito sa binita, at
naramdaman rin ni Su-ho na umiiwas si Soo-jin sa kaniya kaya
kinausap niya ito.
Lee Su-ho: Kang Soo-jin, iniiwas mo ba ako?
Kang Soo-jin: Hindi ah! Paano mo naman na sabi yan?
Tagapagsalaysay: Sabay tingin sa sahig.
Lee Su-ho: Pag nagkikita kasi tayo lumalayo ka kapag ako ay
lumalapit sayo.
Lee Su-ho: May problema ba tayo Soo-jin?
Kang Soo-jin: Di mo kasi maiintindihan.
Narrator: Sabay iyak at hagulgol.
Kang Soo-jin: Umiiwas ako dahil may gusto si Joo-kyung saiyo.
Lee Su-ho: Anong di ko maiintindihan doon?
Kang Soo-jin: Di mo maiintindihan na gusto kita! at lumalayo
ako dahil baka masira ang pagkakaibigan natin at di rin naman
ako ganun ka ganda para magugustuhan mo!
Lee Su-ho: Nag ka mali ka Soo-jin, di naman kagandahan ang
aking hinahanap kagandahang loob naman ang aking gusto, at
sa totoo lamang matagal na rin akong may gusto sayo Soo-jin.
Kang Soo-jin: Ha? Totoo ba yan?
Lee Su-ho: Oo, Soojin. Mahal na mahal kita, aking binibini.
Kang Soo-jin: Mahal na mahal rin kita Su-ho.
Tagapagsalaysay: Niyakap nila ang isa’t-isa at hangang ngayon
ay nag mamahalan parin sila ng buong puso.

Pagtatapos.

You might also like