Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PT FIL/AP script

Leander: Ano nga ba ang edukasyon? paano nga ba tinutugunan ng pamahalaan ang isyu pag dating sa
edukasyon? Sapat na ba ang mga pasilidad at gamit sa paaralan? Bilang Pilipino ayos na ba para sa atin
ang pag papatakbo at pag oorganisa ng gobyerno pagdating sa budget ng edukasyon?

Venice: Ang edukasyon ay ang proseso ng pagpapadali sa pag-aaral, o ang pagkuha ng kaalaman,
kasanayan, halaga, paniniwala, at mga gawi. Kasama sa mga paraan ng pang-edukasyon ang
pagkukuwento, talakayan, pagtuturo, pagsasanay, at itinuro na pananaliksik. 

Jean: Sa kasalukuyan ang pangunahing suliraning kinakaharap ay ang kalidad ng edukasyon. Ito ay dahil
sa kakulangan ng pondo sa sa sector ng edukasyon, mataas na matrikula, at kahirapan.

Josiah Maraming mga bata ang pumapasok sa mga pampublikong paaralan, ngunit ang ilang mga
paaralan ay walang sapat na silid, aklat, upuan, o guro.

Venice: Napatunayan din na maraming mahuhusay na titser ang nag-abroad lalo na sa Amerika at
Canada dahil kulang ang sahod nila para matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya.

Leander: Karamihan sa kabataan ang hindi nakakapagtatapos sa kanilang pag-aaral. Pero hindi ito
nagiging hadlang sa isang estudyanteng pursigidong mag-aral kaya pinagbubutihan nya ang pag-aaral nya
para makakuha ng scholarship.

Jean: Maraming solusyonan ang mga problemang ito kapag ang ating gobyerno ay maayos ang
pamamahala. Ang mga buwis ay napupunta sa mga pangunahing mga problema ng bansa.

Josiah: Ito ang mga solusyon para sa mga problemang ito.

Jean: Una Taasan ang sahod ng mga guro, at bawasan ang trabahong inaatang sa mga guro ang reports at
kung anu-ano pa, sapagkat marami ang ayaw kumuha ng kursong Teacher sa koleheyo sapagkat hindi
lingid sa kanilang kaalaman na hindi sapat ang sahod ng isang guro sa hirap ng trabaho na ginagawa nila.

Josiah: Ibaba ang matrekula sa mga pamantasan, magtayo ng mas maraming pam publikong paaralan
para sa mga mahihirap, mag tayo ng mga programang tutulong sa mga bata upang makapag aral
hanggang kolehiyo.

Venice: Maglaan ang pamahalaan ng budget para sa mga aklat. Isipin ang mga batang nasa liblib na lugar
na di pa abot ng sibilisasyon na tanging aklat lang ang aasahan upang matuto sila, Turuan din ang mga
bata kung papaanong mag ingat ng mga aklat, upang hindi ito masira at mapakinabangan pa ng mas
maraming kabataan.

Leander: Ang edukasyon ang pangunahing paraan upang mapaunlad ang ating bansa. Kaya dapat lang na
bigyang pansin at unahing ayusin ito para maingat ang ating bansa patungo sa kaunlaran.

You might also like