Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“ANG ALAMAT NG BULKANG MAYON”(Rene O.

Villanueva)
Noong unang panahon sa bayan ng Ibalon ay may nakatirang isang kabigha-
bighaning dalagang nagnga ngalang Daragang Magayon. Anak siya nina Rajah
Makusog ng Rawis at Darawi, ngunit namatay ang kanyang ina matapos siyang
isilang.
Ang kagandahang taglay ni Daragang Magayon ay nakaakit sa maraming manli
ligaw mula sa iba't ibang tribo. Isa sa kanila ay ang mapagmataas at palalong si
Pagtuga, isang magaling na mangangaso at malakas na pinuno ng Iriga, na
nagpapakita ng panliligaw sa pamamagitan ng mga mamahaling regalo sa ama ni
Magayon.
Ngunit hindi iniibig ni Daragang Magayon si Pagtuga. Ang puso niya ay pag-aari na
ni Panganoron, ang matapang na anak ni Rajah Karilaya ng Katagalugan. Iniligtas
siya nito sa bingit ng kamatayan nang isang umagang maligo siya sa log Yawa.
Habang binabalanse ang sarili sa isang bato, siya'y napadulas at nahulog sa ilog.
Hindi siya marunong lumangoy kaya't tinangay siya ng agos. Tiyempo namang
nagdaan si Panganoron. Sinaklolohan siya nito. Nang marinig siyang sumisigaw,
tumalon sa ilog at sa isang sandali, naroon na siya sa tabi ng dalaga. Maingat
niyang dinala ang takot na dalaga sa pampang. Di kalaunan, nagtapat siya ng pag-
ibig sa dalaga. Nahihiyang aminin ni Daragang Magayon na nahuhulog din ang
loob
niya sa binata Ang kanilang pag-iibigan ay nagbigay sa kanila ng lakas ng loob
upang makatuntong sa bahay ni Rajah Makusog. Napagtanto ni Rajah Makusog na
mahal ng kanyang anak ang binata at hangad din niya ang kaligayahan ng kanyang
anak. Sa gayon ay binigyan at si Panganoron sa kanila upang paghandaan ang
nalalapit nilang kasal niya ng basbas ang magsing-irog. Dala ng matinding
kasiyahan, nagpunta Ang balitang ikakasal ang dalaga ay nakaabot sa pandinig ni
Pagtuga. Lubos siyang nagalit at gumawa siya ng paraan upang mapigilan nalalapit
na kasal nina Panganoron at Magayon. Isang araw, nang pumunta sa bundok si
Rajah Makusog upang mangaso, hinarangan siya ni Pagtuga at dinala sa kanila
upang gawing bihag. "Palalayain kitá kung ibibigay mo sa akin si Magayon para
maging asawa ko," sabi ni Pagtuga kay Rajah Makusog.
"Ang kasagutan ay wala sa akin. Tanungin mo si Magayon at sa kanya mo
malalaman ang sagot," sabi ni Rajah Makusog. At dinala si Daragang Magayon sa
harap ni Pagtuga. Sinabi ni Pagtuga na papatayin ang ama ng dalaga kung hindi
papayag magpakasal sa kanya. Umiiyak siyang sumang-ayon sa gusto ng binata.
"Magaganap ang ating kasal sa loob ng pitong araw," sabi ni Pagtuos Dali-dali
niyang inutusan ang kanyang mga tauhan na paghandaan ang darating na kasalan.
Dahilan sa biglaang pangyayari, iniwan ni Panganoron ang paghahanda sa kasal
nila
ni Magayon, nagmamadali itong nagtungo sa Rawis dala ang kanyang mga
mandirigma. Mabilis ang sumunod na mga pangyayari. Sa mga pangkaraniwang
araw, kapag ang tuktok ng bulkan ay napapalibutan daw ng mga hamog at ulap,
sinasabi nilang hinahagkan daw ni Panganoron si Magayon. At kapag naman daw
umuulan at bumubuhos ito pababa ng bundok, palatandaan daw na umiiyak si
Panganoron dahil sa pagkawala ng kanyang minamahal.
Mula noon, ang bulkan ay tinawag sa pinaiksing pangalan ni Magayon, tinawag
itong "Mayon." Ang magandang hugis nito ang siyang nagpatanyag sa bayan ng
Albay.

You might also like