EPP5IA 0b 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Insdustrial Arts

Aralin 2

MGA KAGAMITAN AT KASANGKAPAN SA PAGGAWA

NILALAMAN

Tatalakayin sa araling ito ang iba’t ibang uri at pangkat ng kasangkapan at kagamitan sa
paggawa ng mga gawaing kamay . Mahalagang malaman ng mga mag-aaral ang mga
kagamitang ito ang gamit ng bawat isa upang mapadali ang paggawa ng kanilang proyekto.

LAYUNIN

1.Natutukoy ang mga uri ng kagamitan at kasangkapan sa gawaing kahoy,kawayan,metal at iba


pa.

2.Natatalakay ang mga gamit ng mga kagamitan at kasangkapan sa gawaing


kahoy,kawayan,metal at iba pa.

ALAMIN NATIN

Ang kaalaman sa iba’t ibang kasangkapan sa paggawa ay makakatulong sa magaaral


upang makabuo ng isang gawaing pangindustriya.

LINANGIN NATIN
Basahin mo at isaisip ang mga uri at gamit ng mga kasangkapan at kagamitan sa
paggawa.

Mga Panukat

Foot Rule at Zigzag rule-ginagamit ito sa pagsukat ng taas,lapad, at kapal ng materyales tulad
ng kahoy.

Iskwala-ginagamit sa pagsusukat ng maikling distansya,pagtiyak sa lapad at kapal ng tabling


makitid at kung nais tandaan kung iskwalado ang sulok ng bawat bahagi ng kahoy.

Mga Pamukpok

Martilyo-ginagamit ito na pambaluktok,pampukpok ng materyal, at pambaon sap ait at


pako.Ang ulo nito ay yari sa bakal.

Malyete-kagamitang mukhang martilyo ngunit ang ulo ay yari sa kahoy na may goma,ginagamit
sa pambaon sap ait at yari sa kahoy o anumang kasangkapan na masisira ng bakal na martilyo.

Mga Pambutas

Barena-ginagamit sa paggawa ng maliliit na butas na hindi hihigit sa kalahating sentimetro.Ang


talim nito ay tinatawag na drill bit.

Brace-ginagamit sa paggawa ng malalaking butang.Ang talim nito ay tinatawag na auger


bit.Magagamit itong pambutas sa kahoy at sa ibang uri ng metal.

Electric drill-barenang dekuryente na mainam gamiting pambutas sa matitigas na bagay tulad


ng semento at bakal.

Mga Pang-ipit

Gato-ginagamit na pang-ipit sa mga materyales tulad ng kahoy at bakal kung ito ay


bubutasan,puputulin o kakatamin

C-clamp-isang uri rin ng pamg-ipit na mainam gamitin kung walang gato.

Mga Pamputol

Ripsaw-ginagamit na pamputol nang paayon sa hilatsa ng kahoy.

Crosscut saw-ginagamit na pamputol nang pahalang sa hilatsa ng kahoy.


Backsaw-ito ay maliit kaysa sa lagari at may maliliit na ngipin,Ginagamit para sa mga tiyak na
dugtungan ng kahoy.

Coping saw-ginagamit sa pagputol nang pakurba sa proyektong yari sa kahoy.

Compas o keyhole saw-patulak ang paggamit ng kasangkapang ito at maraming iba’t ibang
talim na pambutas nang pabilog.

Katam-ginagamit na pampakinis sa mga ibabaw ng tabla o kahoy.

Pait-ginagamit sa pagkorte,pagbawas, at paggawa ng butas sa kahoy.

Mga Panghasa

Oil stone-ginagamit sa paghasa ng karamihang tuwid na kasangkapang pamputol.

KIkil-ginagamit na panghasa sa mga ngipin ng lagari.

TANDAAN NATIN

Magiging magingawa at kasiya-siya ang paggawa ng proyekto kung gagamitin ang angkop na
kasangkapan at kagamitan sa paggawa.

GAWIN NATIN

A. Gumawa ng tsart ng mga kasangkapan sa paggawa ayon sa gamit

Kasangkapan Paggamit
Gawain B

Magbigay ng 2 halimbawa ng mga proyektong maaaring mabuo sa gawaing kahoy ,kawayan


at metal.

PAGYAMANIN NATIN

Ipatukoy ang mga kasangkapanng mayroon sila sa kanilang bahay at ipakuwento ang mga
karanasan sa paggamit ng mga ito.

KARAGDAGANG SANGGUNIAN

Makabuluhang Gawain Pantahanan at Pangkabuhayan ph. 180-193


Insdustrial Arts
Aralin 3

MGA PANUNTUNANG PANGKALUSUGAN AT


PANGKALIGTASAN SA PAGGAWA

NILALAMAN

Hindi lamang kaalaman sa paggawa ang iyong matutuhan sa mga gawaing pang-
industriya.Mahalagang magkaroon din ng kamalayan ang mag-aaral upang makaiwas sa
anumang sakuna habang gumagawa.

LAYUNIN

1.Nasusunod angpanuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa’

2.Napahahalagahan ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa


paggawa.

ALAMIN NATIN

Anu-anong kagamitan ang nagamit mo na sa paggawa ng iyong proyekto?Anong


kahandaan ang ginawa mo upang maiwasan ang sakuna?

LINANGIN NATIN

A.Dapat tandaan ang mga sumusunod na panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan


gawi.
1.Maglaan ng lugar ,kahon o kabinet para sa mga kasangkapan at kagamitan sa
paggawa.Makabubuting iayos ang mga ito ayon sa uri at gamit upang mapadali ang pagkuha at
pagbabalik sa mga ito.

2.Gamitin nang buong ingat ang mga kasangkapang dekuryente at kagamitang matatalim.Ang
mga dekuryenteng kasangkapan ay ginagamit lamang kung kinakailangan at hindi dapat
paglaruan.

3.Tiyakin na ang mga kasankapang gagamitin ay nasa maayos na kondisyon.Iwasan ang


paggamit ng mga kagamitang kinakalawang,mapupurol,maluwag ang turnilyo o kaya’y may
sirang bahagi.

4.Ibigay ang buong atensyon sa ginagawa .Huwag makipaglaro o makipag-usap habang


humahawak ng mga maseselang kagamitan at kasangkapan.

5.Basahin ang mga tagubilin sa paggamit ng mga kasangkapang dekuryente bago gamitin ang
mga ito.Makabubuting gamitin ang mga kasangkapang ito sa ilalim ng patnubay ng guro.

6.Gumamit ng damit pantrabaho tulad ng apron, overall,at magpalit kaagad ng kasuotan


matapos gumawa.

7.Maghugas mabuti ng kamay pagkatapos gumawa .Higit na mabuting maligo upang malinis
ang buong katawan matapos makapagpahinga sa paggawa.

8.Maglagay ng panakip sa mata, ilong obibig kung gagamit ng mga kasangkapang tulad ng
welding machine,lathe machine,mga kemikal,at iba pang mkapipinsala sa katawan.

9.Hawakan ng wasto ang mga kasangkapan sa paggawa.

B.Pangkatang Gawain.

Gumuhit ng larawan nagpapkita ng maling paggamit ng mga kasangkapan.ipaliwanag


ang iginuhit.

TANDAAN NATIN

Bakit kailangan asaalang-alang natin ang ating kaligtasan habang gumagawa?


GAWIN NATIN

Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng pangungusap, at M kung mali.

______1.Iwasan ang paggamit ng mga kasangkapang kinakalawang.

______2.Huwag makipagloro o makipag-usap habang gumagamit ng maselang kagamitan.

______3.Ilagay ang mga kasangkapan sa paggawa sa bulsa ng pantalon.

______4.Itaas ang switch box bago matanggal ng piyus.

______5.Maglagay ng pamakip sa bibig at mata habang gumagamit ng welding machine.

PAGYAMANIN NATIN

Paggawa ng skit tungkol sa panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasang


gawi.Pangkatang pagsasadula.

You might also like