Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAGSASAGAWA NG SURVEY GAMIT ANG TEKNOLOHIYA SA PAGKALAP NG

DATOS PATUNGKOL SA PRODUKTO


(Una hanggang Ika-apat na Araw)

Nilalaman:
Sa araling ito ay may pagsasagawa ng mga pamamaraan ng
pagkalap ng datos sa pamamagitan ng survey. May mga produkto sa
ating komunidad na mabibili at nararapat na tangkilikin. Ang mga
disenyo, materyales at pamamaraan ng pagbuo ng proyekto ay
mahalagang malaman. Ang ating pamilihan ay may mga
pangangailangan sa ganitong mga produkto na sa pamamagitan ng abilidad na mangolekta ng
datos ay lubos itong matutunghayan.

Layunin:
1. Naipaliliwanag ang pagsasagawa ng survey gamit ang teknolohiya at ibang paraan ng pagkalap
ng datos.
2. Nakapagsasagawa ng Internet Research patungkol sa iba’t ibang produktong mabibili gawa sa
iba’t ibang materyales.
3. Natatalakay ang mga materyales, kagamitan at pamamaraan sa pagbuo.
4. Naipamamalas ang pangangailangan sa pamilihan o market demands.
ALAMIN NATIN
Ipakita ang mga larawan ng mga produktong makikita sa komunidad sa isang powerpoint
presentation at itanong ang mga sumusunod:
Sagutin ang mga tanong
1. Ano-ano ang mga produkto ang maaaring magawa mula sa materyales na makikita sa
pamilihan.
2. Saan kaya matatagpuan ang mga ito sa ating pamayanan?

LINANGIN NATIN
Mga Pamamaraan sa Pagsasagawa ng Survey

1. Computer at Internet Connecton


2. Pagtatanong gamit ang lapis, papel o ballpen

Mga Bagay na Dapat Isaalang alang sa Pagsasagawa ng Survey

1. Budget o Salapi
2. Facilidad
3. Oras
4. Manpower o Yamang Tao

TANDAAN NATIN
Upang maisagawa ang survey kinakailangan na malaman ang mga pamamaraan nito at mga dapat
isaalang alang sa pagsasagawa ng survey.

GAWIN NATIN

Magpangkat-pangkat at magkaroon ng research work gamit ang computer at internet.Itala ang


mga produktong makikita sa komunidad. I-print ang mga larawan at i-report sa klase.

Gumuhit sa kartolina ng produktong napili at maaaring gumawa ng tulad nito at magsagawa ng


“Gallery Walk”. Hayaang ang bawat mag-aaral ay pumila at tingnan ang bawat ginawang
produkto.
Magpangkat-pangkat at itala ang mga materyales ng mga nakalap na proyekto sa komunidad at
isulat ang kahalagahan nito sa pamilihang pangangailangan.

PAGYAMANIN NATIN
Ipapaliwanag ng mga bata ang kanilang karanasan sa pagsasagawa ng survey. Isasalaysay ng
bawat mag-aaral ang kanilang mga natutuhang aral sa kanilang mga ginawa tungkol dito.
Pagdalahin ng mga produkto ang mga bata para sa susunod na araw upang ipakita sa klase,

You might also like