Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

GRADE 5 POST FILIPINO POST TEST

Itanong ang mga sumusunod.


Pagganyak: Bakit nga ba bumabaha? Ano ang sanhi nito?
Pagtakda ng Layunin: Alamin natin sa seleksyon.
Babasahin ng guro ang pamagat: Ang pamagat ng ating seleksyon ay “Iligtas ang Kapaligiran”

Basahin ang kuwento.

Dumaan ng habagat sa Luzon. Nagdulot ito ng pinsala sa tao. Maraming lugar sa Maynila,
Pampanga, Quezon, at Aurora ang lumubog sa baha. Nagmistulang malaking karagatan ang mga
ito. Lumutang din at natangay ng baha ang tambak na basura. Malaking halaga ang nawala sa
libo-libong mamamayan. Maraming pananim ang nasira sanhi ng malakas at patuloy na pag-ulan.
Marami ring buhay ang nakitil. Nasira ang mga bahay, tulay, at malalaking gusali. Isang dahilan
nito ay ang pagguho ng lupa o landslide.

Maiiwasan sana ang pagguho ng lupa sa mga kabundukan kung isasagawa ng mga tao ang
programa ng Kagawaran ng Pangangalaga sa Kapaligiran at Likas na Yaman. Ang muling
pagtatanim ng puno sa gubat o reforestation sa mga nakalbong kabundukan ay makatutulong sa
pag-iwas ng pagguho ng lupa.

Malaki ang magagawa nating mga kabataan. Iwasan natin ang paggamit ng mga plastik at
ang pagtatapon ng basura kung saan-saan.Mag-umpisa tayong maglinis ng paligid at magtanim
ng mga puno sa mga bakanteng lupa ng ating bakuran. Gawin itong luntian upang maging
maganda ang kapaligiran.

Level: Grade 5
Bilang ng mga salita: 172
Makinig sa mga tanong at piliin ang tamang sagot.

1. Ano ang sanhi ng paglubog ang mga bahay at pananim?

a. Natumba ang mga puno.


b. Malakas ang hanging habagat.
c. Dumaan ang habagat sa maraming lugar.
d. Nagmistulang dagat ang maraming lugar.

2. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng pangungusap sa kahon? Nagmistulang malaking


karagatan ang maraming lugar.

a. Maraming lugar ang lumubog sa karagatan.


b. Naging bahagi ng karagatan ang maraming lugar.
c. Malapit sa malawak na karagatan ang lugar na nabanggit.
d. Maihahambing sa karagatan ang nangyari sa maraming lugar.

3. Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakitil sa binasang seleksyon?

a. naalanganin
b. nagkasakit
c. nagulo
d. nawala

4. Ano kaya ang sanhi ng pagguho ng lupa?

a. Walang bakod ang mga lupain.


b. Maraming mga puno ang pinuputol.
c. Kulang sa paghahanda ang mga tao.
d. Hindi agad nasabi ang pagdating ng habagat.

5. Bakit kailangang alagaan ang kapaligiran? Kailangang alagaan ang kapaligiran upang
__________________________.

a. maiwasan ang habagat


b. maiwasan ang pagbabaha
c. makatulong sa komunidad
d. maitayo ang nasirang mga bahay

6. Ano ang pangunahing ideya na tinalakay sa seleksyon? Tinalakay sa seleksyon ang


____________________________.

a. sanhi ng habagat
b. mga tinamaan ng habagat
c. pangangalaga sa habagat
d. habagat at ang mga dulot nito

7. Ano ang ginamit ng may-akda upang ipaabot ang mensahe nito?

a. Tinalakay ang bunga at solusyon ng paksa.


b. Ibinigay ang mga problema tungkol sa paksa.
c. Inilahad ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.
d. Gumamit ng maraming halimbawa sa buong seleksyon.
Gabay sa Pagwastong Panapos na Pagtatasa sa Filipino Sets A (Baitang 1 – Baitang 7)

Set A

Gr. 1 Gr. 2 Gr. 3 Gr. 4 Gr. 5 Gr. 6 Gr. 7

Laro Ang Magtulungan Bote Kapaligiran Si Jose Rizal Digmaan


Tayo! Punong Tayo Dyaryo sa Dapitan
Narra
1.b 1.b 1.b 1.c 1.c 1.d 1.a
2.b 2.a 2.b 2.c 2.d 2.b 2.c
3.c 3.c 3.b 3.b 3.d 3.a 3.c
4.c 4.b 4.c 4.b 4.b 4.b 4.d
5.a 5.c 5.a 5.c 5.b 5.d 5.c
6.c 6.a 6.d 6.d 6.a
7.a 7.a 7.b
8. c 8.d

You might also like