Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

LAKERS vs.

GRIZZLES
Mainit na girian ang nangibabaw sa FedExForum ng Memphis, USA
sa sagupaan ng Los Angeles Lakers at Memphis Grizzles na nagtala ng
patas na iskor ( 1- 1 ) matapos ang una ( 128 - 112 ) at ikalawang laro
( 93 - 103 ) sa Wide Opening ng NBA Western Conference Playoffs
noong ika-16 at 19 ng Abril taong 2023.

Sa unang araw pa lamang ng torneyo nagtalaga kaagad ng matagumpay


na laro ang koponan ng Los Angeles Lakers matapos pagharian ang tatlo
sa apat na sets ng Game 1, 32-27, 27-38, 37-25, 32-22, pinangunahan
ito ni Rui Hachimura na may kabuoang iskor na 29 kasama ang 21 na
puntos sa secondhalf, habang nagdagdag naman si Lebron James ng 21
na puntos at 11 na rebounds na naging dahilan upang malamangan ng
seventh seeder Lakers ang No.2 seed na Memphis Grizzles.

Sa unang laro kakaibang determinasyon ang ipinakita ng dalawang


koponan, hindi nagpapigil ang mga basketbolista ng Memphis Grizzles
na makapuntos sa kabila ng malaking lamang ng lakers, pinangunahan
ni Jaren Jackson Jr. ang Memphis sa puntos na 31 habang umiskor
naman ng 22 si Desmon Bane, nagtalaga din si Ja Morant ng 18 puntos
bago magkaroon ng hand injury sa kalagitnaan ng huling set, ngunit sa
kabila ng lahat ng ito hindi naging sapat ang kabuuang puntos ng
Memphis upang malampasan ang karibal na Lakers (128 - 112).

Malaki din ang ginampanan ni Anthony Davis at Austin Reeves sa


kanilang koponan nagtalaga si Davis ng 22 points at 12 rebounds
habang si Reaves naman ay umiskor ng 23 puntos sa kabuuang laro,
dahilan upang makamit ng Lakers ang 16 na lamang sa Memphis
Grizzles.

" Rui was huge today, his skillset is crazy. For us to get him with all that
talent we have, it just brings another aspect to our team ” ani Austin
Reaves.

Naging malaking problema naman sa koponan ng Grizzles ang


pangalawang laro dahil sa malubhang hand injury ng kasamahan na si
Ja Morant, ngunit sa kabila niyan nagpatuloy padin ang kanilang
koponan kahit wala si Morant na malaki ang ginampanan sa unang laro
ng torneyo, ginanap ang ikalawang laro noong ika-19 ng Abril sa
parehong istadyum.

" I'm in a good bit of pain , my main focus was to be out there for my
guys. Another incident where, you know, that's pretty much in
jeopardy” ani Ja Morant.

Makatapos dominahin ang Grizzles sa Game 1 at ang hindi pagsulpot ni


Ja Morant sa ikalawang laro inasahan ng koponan ng Lakers na
maibubulsang muli ang panalo, ngunit mas lumakas pa ang dipensa ng
Grizzles kahit wala ang manlalaro na si Morant.

Nagtalaga ang koponan ng Grizzles ng malaking agwat sa unang set ng


laro, sa pangunguna ni Desmond Bane at Brooks na tinapos ang unang
kwarter na may lamang na 11 puntos ( 19 - 30 ).

Sa ikalawang kwarter ng laro naging dikit ang labanan ng dalawang


koponan, pinangunahan kaagad ni Lebron James ang pagtira sa ring na
nagtala ng ( 21 - 30 ) na pagitan habang umiskor naman si Bane ng 3
points sanhi upang mapangunahan padin ng Grizzles ang daloy ng laro ,
nagtala na si Bane ng 13 puntos para sa Memphis.

Sa kalagitnaan ng laro nagkaroon ng kaunting pagkakasakitan sa


pagitan ng mga manlalaro, natamaan ni Bane ang mukha ni Anthony
Davis habang sumusubok na umiskor sa jumball na tinatag ng referee,
dumugo ang mukha ni Davis na nagresulta sa pagkafoul ni Bane at
pansamantalang paghinto ng laro.

Sa pagpapatuloy ng ikalawang kwarter mas pinaigting pa ng Memphis


ang kanilang depensa upang mapanatili pa din ang pangunguna sa
naturang set, humakot ang koponan ng Memphis ng 15 puntos na
lamang sa Lakers ( 44 - 59 )sa kooperasyon ni Konchar na dalawang
beses nagpakawala ng pagharang sa pumupuntos na si Davis.

Nagdagdag naman si Jackson ng 9 puntos mula sa tatlong pagtira ng


3points sa pamamagitan ng pagtalo kay Hachimura at Lebron, habang
ilang beses naman na offensive foul at bigong pagtira ang nakamit ng
Lakers kung kayat hindi nila nasungkit ang panalo sa ikalawang set.

Sa sumunod na kwarter ng ikalawang laro nakamit ng Lakers ang panalo


sa ikatlong set ( 27 - 24 ) at ikaapat na set ( 22 - 20 ) kung saan
pinamayanihan itong muli ni Lebron James at Rui Hachimura ngunit
hindi ito naging sapat upang maibulsa ang hinahangad na panalo na ( 2
- 0 ) sa halip iginawad sa kopopan ng Memphis Grizzles ang
pagkapanalo sa ikalawang laro na may kabuuang score na ( 93 - 103 )
pinarangalan naman si Jaren Jackson Jr. bilang NBA's Defensive Player
of The Year at umiskor ng 18 puntos para sa Memphis habang si Xavier
Tillman naman na nagtangka ng 22 na puntos at 13 rebounds, si Tillman
ang may pinakamataas na iskor sa koponan ng Memphis Grizzles.
" Obviously, this is a big win for us , you know great performance from
Tillman and other guys as well ” pahayag ng coach ng Memphis na si
Taylor Jenkins.

" He was a big time for us tonight and big reason why we got to win "
ani Tyrus Jones.

Magkakaroon naman ng muling sagupaan ang Los Angeles Lakers at


Memphis Grizzles sa Game 3 ng NBA Western Conference Playoffs na
gaganapin ngayong sabado April 22 sa parehong lugar.

You might also like