Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

IKALAWANG LINGGO- UNANG MARKAHAN

ARALIN 2: WIKA: GAMIT AT POKUS NG PANDIWA

PAGLALARAWAN SA SABJEK

Ang sabjek na ito ay naglalayong mapunan ng kaalaman, pag-unawa at mahalagang


pangkatauhan ang bawat mag-aaral. Ito rin ay magiging daluyan ng pagpapalitan ng karunungan
sa pagpapaunlad ng kamalayan sa gramatika at panitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
interaktibong pamamaraan upang mahubog ang kanilang kakayahan sa kasanayang
pangkomunikatibo.

PAGLALARAWAN SA PAKSA

Ang pandiwa ay salitang nagpapahayag ng aksiyon, kilos, o galaw, proseso o pangyayaring


karaniwang sadya o di-sadya, likas o di-likas, at karanasan o damdamin. Magiging makulay,
malinaw at mabisa ang paglalahad sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na pandiwa.

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

     Naipamamalas ng mag-aaral  ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikang


Mediterranean.

 PAMANTAYANG PAGGANAP

     Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang critique sa


alinmang akdang  pampanitikang Mediterranean.

 MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES

 1. Nagagamit nang wasto ang pandiwa sa pagsasaad ng aksyon, pangyayari at karanasan.

2. Nagagamit ang pokus ng pandiwa bilang tagaganap, layon sa pagsulat ng paghahambing,


pinaglalaanan at sa pagsulat ng saloobin sa paghahambing ng sariling kultura at ng ibang bansa,
tagaganap at layon sa    isunulat na sariling kuwento.  

MGA LAYUNIN

1. Nagagamit nang wasto ang pandiwa sa pagsasaad ng aksyon, pangyayari at karanasan.

2. Nagagamit ang pokus ng pandiwa bilang tagaganap, layon sa pagsulat ng paghahambing,


pinaglalaanan at sa pagsulat ng saloobin sa paghahambing sa sariling kultura at ng ibang, at
tagaganap at layon sa isinulat na sariling akda.

3. Nakagagawa ng isang halimbawa gamit ang pokus at gamit ng Pandiwa

GAMIT NG PANDIWA

POKUS NG PANDIWA

FILIPINO 10 Guro: Bb. Maraia S. Vanzuela


IKALAWANG LINGGO- UNANG MARKAHAN

GAWAIN

Pangalan: _________________________ Baitang at Seksyon: ______________

SAGUTIN NATIN!

I- Panuto: Tukuyin ang gamit ng pandiwang may salungguhit (1-10) at tukuyin ang pokus
ng pandiwa na hiningi sa bawat aytem (11-15) . Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Nagdalamhati si Warren matapos malamang namatay ang kaniyang alagang aso.


a. damdamin
b. pangyayari
c. aksiyon
2. Nalunod ang bata dahil sa kapabayaan ng kaniyang magulang.
a. aksyon
b. pangyayari
c. damdamin
3. Ginamit ni Seyong ang lahat ng kaniyang lakas upang maisalba ang kasintahan sa tiyak na
panganib.
a. karanasan
b. aksyon
c. pangyayari
4. Nasira ang bahay dahil sa matinding unos.
a. karanasan
b. aksyon
c. pangyayari
5. Si Bing ay nalumbay sa kaniyang narining na balita.
a. karanasan
b. aksyon
c. pangyayari
6. Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.
a. pangyayari
b. karanasan
c. aksyon
7. Patuloy na naglakbay si Psyche at pinilit na makuha ang panig ng mga diyos
a. pangyayari
b. karanasan
c. aksyon
8. Dahil sa paghihirap ay natukso siyang tumalon sa bangin.
a. pangyayari
b. karanasan
c. aksyon
9. Nagtulungan ang mga diyos at diyosa sa paglikha kay Pandora.
a. aksyon
b. karanasan
c. pangyayari
10. Bigla siyang nangilabot nang makita ang nagliparang mga kulisap.
a. karanasan
b. pangyayari
c. aksyon
11. Ang mga Pilipino ay nagprotesta para sa kanilang mga karapatan sa labas ng palasyo.
a. layon
b. tagatanggap
c. aktor
d. ganapan
12. Ang labas ng palasyo ang pinagprotestahan ng mga Pilipino para sa kanilang mga karapatan.

FILIPINO 10 Guro: Bb. Maraia S. Vanzuela


IKALAWANG LINGGO- UNANG MARKAHAN

a. ganapan
b. sanhi
c. layon
d. tagatanggap
13. Ikinatuwa namin ang walang patid na paglaban para sa mga karapatan nating lahat.
a. gamit
b. sanhi
c. ganapan
d. tagaganap
14. Pinuntahan ni Inay sa palengke ang tiyuhin ng madaling-araw.
a. sanhi
b. ganapan
c. layon
d. gamit
15. Ipinaayos ni Ben ang sala sa parating na bisita.
a. tagaganap
b. ganapan
c. tagatanggap
d. layon

II. Panuto: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na pandiwa na nagpapahayag ng aksyon,


pangyayari, at karanasan. Isulat ang nabuong pangungusap sa patlang.

 a. aksyon
1.gumawa___________________________________________________________________
2. nagtulungan_______________________________________________________________
b.pangyayari
1. nakatulong:________________________________________________________________
2.nawala:____________________________________________________________________
c. karanasan
1. nabigla:___________________________________________________________________
2.mangha:___________________________________________________________________

B. Bumuo ng  sarili mong pangungusap na kinapalooban ng pandiwa ayon sa pokus nito. Isang
pangungusap lamang sa bawat pokus. Isulat ang nabuong pangungusap sa patlang.

a.tagaganap:________________________________________________________________
b.ganapan:__________________________________________________________________
c.tagatanggap:______________________________________________________________
d.gamit:_____________________________________________________________________
e.sanhi:______________________________________________________________________
Ang Buwan ng Wika ay isang pagdiriwang sa wikang Filipino na ginugunita taon-taon tuwing Agosto.
Layon nitong pagtibayin at maipalaganap ang kamalayan sa pagdiriwang at kahalagahan ng Wikang Filipino. 

Ang tema ng Buwan ng Wikang Filipino 2021 ay “Filipino at mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng
Pag-iisip ng mga Pilipino.” Ayon sa KWF, “ang tema na ito ay pakikiisa ng Komisyon sa 2021 Quincentennial
Commemorations in the Philippines (2021 QCP) na nakatuon sa mahahalagang pangyayari sa bansa sa nakalipas na
500 taon partikular na sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 103 na mahigpit na nagtatagubiling ang mga pagdiriwang
ay nararapat na maging “Filipino-centric” na nararapat na sumasalamin sa Pilipinong pananaw at nagbabantayog sa
pag-unawa at damdamin ng pagmamalaki sa ating mga ninuno at mayamang pamanang kultural sa porma ng
panitikan, wika, mga sining, at iba pang manipestasyong kultural. Nararapat ding bigyang-diin nito ang Pilipinong
Identidad at halagahan ukol sa pagkakaisa, kahinahunan, at kalayaan.”

Panuto: Pipili lamang ng isa sa nagustuhan na gawain na nakaatas sa ibaba.

FILIPINO 10 Guro: Bb. Maraia S. Vanzuela


IKALAWANG LINGGO- UNANG MARKAHAN

PAGGAWA NG TULA
• Ang gagawing tula ay angkop sa tema na: “Filipino at mga Wikang Katutubo sa
Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.”
• Ang tula ay binubuo ng apat na taludturan na may apat hanggang limang saknong.

PAMANTAYAN:
• Nilalaman at Pamamaraan………………....45%
• Kaugnayan sa Tema.....…………………..……30%
• Orihinalidad…………………….…………..........25%
KABUUAN…………............………….……...…..100%

PAGGAWA NG POSTER
• Dapat angkop sa tema ng Buwan ng Wika ang iguguhit – “Filipino at mga Katutubong
Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”
• Gumamit ng kahit anong materyales sa paggawa ng poster maaaring bond paper,
illustration board at iba pa.

PAMANTAYAN:
• Sining ng Pagkakabuo……….30%
• Kaugnayan sa Paksa………….25%
• Pagpapakahulugan……………20%
• Pangkalahatang Biswal………10%
• Orihinalidad……….......………..15%
KABUUAN………………..........100%

PAGGAWA NG ISLOGAN
• Kailangan angkop sa tema ng Buwan ng Wika ang gagawing islogan – “Filipino at mga
Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”
• Gumamit ng kahit anong materyales sa paggawa ng poster maaaring bond paper,
illustration board at iba pa.

PAMANTAYAN:
• Kaugnayan sa Paksa………..30%
• Pagkamalikhain…………….....25%
• Pangkalahatang Anyo……….15%
• Orihinalidad……………….........20%
KABUUAN……………….............100%

FILIPINO 10 Guro: Bb. Maraia S. Vanzuela

You might also like