Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
BALAYAN SENIOR HIGH SCHOOL
CALOOCAN, BALAYAN, BATANGAS

STRATEGIC INTERVENTION SA
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG
TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Inihanda nina:

FRANCIS IAN A. SARMIENTO WILSON P. SOCORRO


Guro II Guro II

GEMMALYN P. PINAŇO AIZLE A. SACDALAN


Guro II Guro I

PRINCESS I. ISAR KRISTINE JOY MIGANO


Guro II Guro I

MELANIE A. CARAIG ANGELICA B. VILLARIN


Guro I LSB Teacher

Sinuri at Pinatunayan ni:

MYRA M. ABSIN MA. RHODA E. PANGANIBAN AILEEN H. BANAGUAS


Dalubhasang Guro II Dalubhasang Guro I Dalubhasang Guro I

Binigyang-Pansin ni:

APRILYN I. GATPANDAN
Pangulo, SBM Principle II: Curriculum and Instruction

Pinagtibay ni:

ELEAZAR C. MAGSINO
Punongguro II

Address: Caloocan, Balayan, Batangas 4213


Email address: 342209@deped.gov.ph
Kard ng Patnubay
Ang mga gawaing nakalaan ay makatutulong upang lumawak ang pang-
unawa at kasanayan sa paksang tinalakay sa ikatlong markahan. Makatutulong
din ang mga gawaing ito upang makamit ang mga sumusunod na layunin:
Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa (CS_FA11/12PN-
Og-i-91)
Layunin:
- natutukoy ang mga kinakailangang ihanda sa pagbuo ng talumpati
- nakabubuo ng isang kaisipan gamit ang mga susing salita
- nakasusulat ng talumpati gamit ang mga pamprosesong tanong

Kinakailangang makumpleto ang tatlong gawain:


• GAWAIN 1 – ULAP NG KARUNUNGAN
• GAWAIN 2 – SUSING-SALITA
• GAWAIN 3 – PAGBUO NG TALUMPATI

Pangkalahatang Ideya

Ang Pagsulat ng Talumpati

Ito ay isang paglalahad ng kaisipan o opinyon sa pamamagitan ng


pagsasalita sa entablado sa harap ng grupo ng mga tao.

Layunin ng Talumpati Mga Bahagi ng Talumpati


• manghikayat ng ibang tao • Pamagat/Panimula
• tumugon sa isang isyu • Katawan
• magbigay ng katuwiran • Konklusyon/Katapusan
• magsaad ng paniniwala
• magbigay ng karagdagang kaalaman

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati

a. Paghahanda - Mahalagang mapukaw ang atensiyon ng mambabasa sa unang


pangungusap pa lamang

b. Pag-unlad - Siguraduhing nakatutok ang atensiyon ng takapakinig sa bawat


salitang gagamitin. Lumikha ng tensiyon, magkuwento, magbigay ng mga
halimbawa, maghambing at magtambis, gumamit ng mga tayutay, at mga
talinghagang bukambibig

c. Kasukdulan - Ilahad ang pinakamahalagang mensahe ng talumpati. Ito rin ang


bahaging pinakamatindi na ang emosyon.

d. Pagbaba - Maaaring ibuod ang mahalagang puntong tinalakay sa talumpati.


Kailangang mahuli ng kongklusyon ang diwa ng talumpati.
Kard ng Gawain/Aktibiti
GAWAIN 1 – ULAP NG KARUNUNGAN

Layunin:
Sa pagtatapos ng gawain, ikaw ay inaasahan na:
- natutukoy ang mga kinakailangang ihanda sa pagbuo ng talumpati

Panuto: Punan ang mga ULAP NG KARUNUNGAN ng mga paghahanda na


kinakailangan sa pagbuo at pagbigkas ng talumpati.

Manaliksik ng mga
impormasyon na
maaaring magamit
kaugnay ng paksa

Mga gabay na katanungan:


1. Bakit kinakailangang paghandaan ang pagsulat at pagbigkas ng talumpati?
Ipaliwanag.

2. Bilang isang mag-aaral, naranasan mo na ba ang bumuo ng talumpati? Ano


ang naramdaman mo sa gawaing ito? Paano mo ito pinaghandaan?
GAWAIN 2 – SUSING-SALITA

Layunin:
Sa pagtatapos ng gawain, ikaw ay inaasahan na:
- nakabubuo ng isang kaisipan gamit ang mga susing salita

PANUTO: Punan ng angkop na SUSING SALITA ang bawat bilang upang mabuo ang
talumpati.

ugnayan samahan millenial Social media

filter kabataan

Outfit of the day hashtag kalikasan trending

Talumpati Tungkol Sa
Kabataan
Minsan na raw sinambit ng bayaning si Dr. Jose Rizal na ang (1)kabataan ang pag-asa
ng bayan. Habang lumilipas ang panahon, maraming nagdududa kung tama pa ba
ang tinurang iyon ng dinadakilang bayani. Sa panahon ng mga (2) ,
sinasabi ng ilan na ang mga kabataan ngayon ay mapusok at tamad. Gayunman,
hindi nakikita ng iba ang kahalagahan at talentong taglay ng mga kabataan ngayon.
Mahusay sa teknolohiya ang mga kabataan ngayon na siyang kinakialangan at
tinitingala ng mundo.
May mga nauusong (3) ngayon na mayroon palang mas malalim na
kahulugan.
SquadGoals
Sumasalamin ito sa mga samahang matitibay na hinahangaan ng marami. Para
sa maraming kabataan ngayon, ang squadgoals ay ang pagbuo ng mas marami
pang
makabuluhang (4) . Kung mayroong magandang (5) ang
bawat isa ay tiyak ang pagkakaisa na susundan naman ng pag-unlad. Sa panahon ng
teknolohiya, madali nang bumuo ng samahan kaya naman mas madaling makamit
ang mithiing ito.
OOTD
Ang (6) o #OOTD ay isang mababaw na hashtag kung tutuusin. Tungkol
lamang ito sa mga isinusuot at porma ng kabataan na ibinibida nila sa (7)
. Ngunit sa mas malalim na konteksto, pinahahalagahan ng mga kabataan ngayon
ang kanilang pinakamagandang #OOTD, ito ay ang uniporme nila sa paaralan. Ilang
taon matapos ito, ang #OOTD naman nila sa kanilang mga trabaho ang kanilang
isusuot.
NoFilter
Kapag maganda ang kuhang larawan sa mobile phones, #nofilter ang hashtag
diyan. Ang mga kabataan ngayon ay naglalayong gumising sa isang mundo na hindi
kailangan
pa ng (8) upang gumanda ang paligid. Layunin ng mga kabataan na
pangalagaan ang (9) upang mas marami pang henerasyon ang
makinabang rito. Kung magiging maayos at maganda ang paligid, siguradong hindi
na kailan pa ng anumang filter.

Panghawakan natin ang sinabi ni Rizal tungkol sa kabataan. Sabay-sabay


nating tunghayan na maging (10) ang hashtag ng mga kabataan!
- Sipi mula sa panitikan.com.ph
Mga gabay na katanungan:
1. Ano ang nilalaman ng talumpati?

2. Sang-ayon ka ba sa binahaging opinyon ng manunulat? Bakit?

GAWAIN 3 – PAGBUO NG TALUMPATI

Layunin: Sa pagtatapos ng gawain, ikaw ay inaasahan na:


- nakasusulat ng talumpati gamit ang mga pamprosesong tanong

PANUTO: Bumuo ng isang maikling TALUMPATI tungkol sa Limited Face-to-face


classes. Gamitin ang mga gabay na katanungan upang mabuo ito, isulat nang
patalata sa sagutang papel.

Gabay na tanong:
1. Ano ang pamagat ng iyong talumpati?
2. Bigyan ng makabuluhang depinisyon
ang limited face-to-face classes. (Ito ang
magsisiling introduksyon ng iyong
talumpati.)
3. Ano ang epekto ng pagsasagawa ng
limited face-to-face classes?
4. Ano ang mga paghahandang
kinakailangan upang mapatupad ito?
5. Bilang isang mag-aaral, kung ikaw ay
papipiliin, makikilahok ka ba sa limited
face-to-face classes? Ipaliwanag. (Ito
ang magsisilbing katawan ng iyong
talumpati.)
6. Ano ang mensaheng iyong maibabahagi
sa kapwa mag-aaral, mga magulang at
guro tungkol sa usaping ito. (Ito ang
magsisilbing konklusyon ng iyong
talumpati.)
Kard ng Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Gamit ang jumbled letters
punan ng tamang sagot ang bawat bilang.

Konklusyon 1. (SKNLOONKU) Ito ang bahagi kung saan nilalagom o


binubuod ang isang talumpati
2. (KAGAPNITAGI) Sila ang kaharap ng isang mananalumpati
3. (KASPA) Ito ang pinag-uusapan o ipinapaliwanag sa isang
talumpati
4. (ITTALAPMU) Pagpapahayag ng opinyon o saloobin hinggil sa
isang paksa
5. (ONYNIOP) Ito ang mga sariling kaisipan o paniniwala na
galing sa tagapagsalita
6. (LAMUPANI) Ito ang unang bahagi ng balangkas ng talumpati
7. (MAAHUTYKI) Isa sa katangian ng tagapagsalita upang
maniwala ang tagapakinig
8. (AAAAKSNYN) Ito ay isang mabisang sangkap upang
maipakita ang kaalaman at kahandaan ng isang
mananalumpati
9. (RIOMBOMPIAT) Isa sa layunin ng talumpati na nagbibigay
ng impormasyon sa pinag-uusapang paksa
10. (KSDAUNKULA) Ito ang bahaging naglalaman ng
pinakamatinding emosyon

Kard ng Pagpapayaman
TEKSTONG COLLAGE

Panuto: Bumuo ng TEKSTONG COLLAGE na naglalaman ng katangian ng


isang magtatalumpati. Isulat ang mga ito sa loob ng linya o balangkas
upang mabuo ang imaheng tao. Gawing gabay ang mga halimbawa sa loob
ng balangkas
handa

may
sapat
na
kaalaman
Kard ng Sanggunian
Mga link upang magkaroon ng karagdagang kaalaman hinggil sa pagsulat ng
talumpati:

https://youtu.be/_72uCCN3Wn4

https://youtu.be/tpXglg_cWeQ

https://youtu.be/PzaH9ENghek

Mga sanggunian na ginamit sa pagbuo ng SIM:

https://www.panitikan.com.ph/

De Chavez, A.C. (2020) Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang-Akademik Kaya


Mong Magsulat! Unang Edisyon. Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas
City, Philippines.

Baisa-Julian, A. & N, Lontoc (2016) Pinagyamang Pluma (K to 12). Quezon City:


Phoenix Publishing House

Kard ng Pagwawasto
Pamantayan sa pagmamarka sa Gawain 3 – PAGBUO NG TALUMPATI

KATEGORYA NAPAKAHUSAY MAHUSAY NA BAHAGYANG HINDI NAKAMIT


NA NAKAMIT NAKAMIT ANG NAKAMIT ANG ANG
ANG INAAASAHAN INAASAHAN INAASAHAN
INAASAHAN 3 PUNTOS 2 PUNTOS 1 PUNTOS
5 PUNTOS
NILALAMAN Ang mensahe ay Di gaanong Medyo magulo Walang
mabisang naipakita ang ang mensahe. mensaheng
naipakita mensahe. naipakita
KAUGNAYAN SA May malaking Di gaanong may Kaunti lang ang Walang
PAKSA kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa
paksa ang paksa ang paksa ng paksa ang
nabuong nabuong nabuong nabuong
talumpati. talumpati talumpati talumpati
PAGGAMIT NG Napakaganda, Malinaw at Di gaanong Magulo at hindi
ANGKOP NA napakalinaw at angkop ang mga malinaw at angkop ang
SALITA angkop ang mga ginamit na salita. angkop ang mga ginamit sa salita
ginamit na salita. ginamit na salita. sa talumpati

SUSI SA PAGWAWASTO SA PAGTATAYA:

1. KONKLUSYON 6. PANIMULA
2. TAGAPAKINIG 7. HUMIKAYAT
3. PAKSA 8. KASANAYAN
4. TALUMPATI 9. IMPORMATIBO
5. OPINYON 10. KASUKDULAN

You might also like