Professional Documents
Culture Documents
HR-FM-09, Rev. 02 Pahintulot NG Aplikante Sa Data Privacy
HR-FM-09, Rev. 02 Pahintulot NG Aplikante Sa Data Privacy
Alinsunod sa Republic Act No. 10173, kilala din bilang Data Privacy Act of 2012, ipinagbigay alam
sa akin ng Toplis Solutions, Inc. ("TSI") na ang aking personal na datos ay maaaring makolekta,
maiproseso, magamit, maibahagi at maitago nang may kaugnayan sa aking trabaho partikular na
nauukol sa aking aplikasyon, suweldo, benepisyo, panunungkulan, pag-unlad ng karera at profiling
(ang "Layunin").
ang aking personal na datos ay dapat makolekta, organisahin, maitala, at maitago sa mga
papel at elektronikong mga format pati na rin ang mga database at sasailalim sa mga update
at pagbabago upang mapanatili ang kawastuhan ng mga datos na may kaugnayan sa
Layunin;
ang aking mga personal na datos ay maaaring ibahagi sa ibang departamento ng opisina,
kanyang namumunong kumpanya, kaakibat, subsidiary, kliyente, mga kasosyo sa negosyo
(halimbawa: insurance at tagapagbigay ng pangangalaga ng kalusugan, mga bangko, bukod
sa iba pa) at mga institusyon ng gobyerno sa pagsulong ng Layunin;
maaring magsagawa ang TSI ng pagsusuri tungkol sa aking pagkatao upang matiyak kung
ang lahat ng impormasyong aking binigay ay tama.
Ang aking personal na datos ay dapat mapanatili lamang base sa mga sumusunod:
kapag ang aking personal na datos ay hindi na kinakailangan, ang TSI ay dapat gumawa ng
makatwirang mga hakbang upang ligtas na sirain o pemanenteng mabura ang naturang
impormasyon at hindi na ito mababawi o muling makukuha.
______________________________________
Pangalan at Lagda ng Nagmamay-ari ng Datos
Petsa ________________________
HR-FM-20, Rev. 02
Toplis Solutions, Inc.