Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: Saint Mary Jane Pino Taon&Pangkat: BEED IV-A

Ang Edukasyon sa Gitna ng Pandemya

Isa ako sa nahinto sa pag-aaral ng sumiklab ang pandemya dulot ng covid19.


Napilitan kami na tumigil kahit hindi pa tapos ang semestre. Ipinahayag na walang
papasok sa paaralan hanggat walang bakuna na ma didiskubre na mabisang pang
laban sa covid19. Hindi natin kayang isaalang alang ang buhay ng mga mag-aaral.
Pagkat sila ang pag-asa ng bayan sa hinaharap. Paano na man ang magandang bukas
ng mga kabataan kung hindi na man nila kayang makipag sabayan sa pag-aaral online?

Na sakhihan ko ang mga pakikibaka ng mga magulang hinggil sa online learning.


Wala nga silang sapat na pambili na pagkain, pambili pa ng laptop o kumpyuter meron
pa kaya? Malaki ang naidulot na kahirapan ng pandemya na kinakailangan mag sara ng
mga negosyo at matigil ang trabaho ng maraming mamamayang Pilipino. Itoy nag dulot
ng pag lipat nga mga mag-aaral sa pribadong paaralan sa pampublikong paaralan.
Mahigit 300,000 na mag-aaral na lumipat sa pampublikong paaralan sa taon ng pag-
aaral ng 2020-2021. May mga pribadong paaralan na deklara na ng pagkalugi at
magsara na lamang. Na saksihan ko ang mga bata dito sa amin na pumili ng modyul na
uri na pag-aaral. Yung mga may kaya ay nag online class na man sila. Batid din ng mga
magulang ang pakikibaka sa mahirap na paggamit ng makabagong teknolohiya tulad ng
laptop, kumpyuter, tablet at smartphone. May mga estudyante din na nakatira sa bukid
ay nag online class din kahit na mahina ang signal ng mobile data. Umaakyat na sila ng
mga puno at bundok para makasagap ng medyo maayos na signal ng internet. Yung
iba ay umaarkila ng gadyet para lang makasabay sa leksyon nila online.

Dito natin na pagtanto na hindi lahat ng araw ay parepareho. Dapat maging


handa tayo sa pampinansyal, ispiritwal, emosyonal at pampisikal. Sa panahon ng
pandemya na pagtanto natin ang kahalagahan ng pag iipon. Walang halaga ang mga
mamahaling mga damit,sapatos at iba. Hindi natin ito makakain at paglumaon wala
itong katumbas na halaga. Mahalaga din na may malalim tayo na relasyon sa
panginoon. Siya lang ang tanging pag-asa kahit sa anumang sakuna o bagyo sa buhay
na ating maranasan. Huwag tayong mawalan ng pag-asa dahil lahat ng itoy lilipas din.
Kapag may koneksyon tayo sa Panginoon titibay din ang ating pang emosyonal na
aspeto ng buhay. Huwag nating aalalahanin yaong mga bagay na hindi natin kayang
kontrolin sa kasalukyan. Mag pukos tayo sa mga bagay na meron tayong kayang
magawa. Higit sa lahat puhunan natin ang ating malakas na pangangatawan. Dahil tayo
ang haharap sa bagong pag-asa ng bagong umaga. Balang araw papasok na tayo sa
paaralan na may dalang ngiti at galak sa pagbabalik aral sa silid aralan.

You might also like