3rd Mastery Test 2nd Day Reviewer

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 43

3rd Mastery Test 2nd Day Reviewer

By: Mr. Vice (8-Love)

Math 8
Expressing Relations

A relation is a set of ordered pairs. The set of all 1st coordinates is the domain of the
relation. The set of all 2nd Coordinates is the range of the relation.

Domain = x

Range = y

4 ways to represent a relation:

1. Table of values

x y

1 1

2 3

3 5

4 7

5 7

2. Graph
3. Mapping

x y

1 1

2 3

3 5

4 7

5 7

4. Ordered Pairs

{(0,3) (3,6) (4,1) (7,6)}

3 Kinds of Relations

1.) Many-To-One Relation

Children Parents

Peter

James Lorna

Mary

Leah Diana

Jane

Domain: {Peter, James, Mary, Leah, Jane}

Range: {Lorna, Diana}

Kind: Many-To-One Relation

{Function}

If domain is not repeated it is a function.


2.) One-to-one Relation

1 1

2 4

3 9

4 16

5 25

Domain: {1, 2, 3, 4, 5}

Range: {1, 4, 9, 16, 25}

Kind: One-to-one Relation

{function}

3.) One-to-many relation

x y

2010 70

2009 60

2008 55

2007 50

2006 40

20

Domain: {2010, 2009, 2008, 2007, 2006}

Range: {70, 60, 55, 50, 40, 20}

Kind: One-to-many relation

{Not a function}
Graphing Linear Equations in two variables

A.] Using the table of values

Ex. 1.) Graph 2x+y=4

x -2 0 1

2x+y=4 2x+y=4 2x+y=4

2(-2)+y=4 2(0)+y=4 2(1)+y=4

-4+y=4 0+y=4 2+y=4

(transpose) (transpose) (transpose)

y=4+4 y=4-0 y=4-2

y=8 y=4 y=2

x -2 0 1

y 8 4 2
2.) Graph x-2y=4

x -2 0 2

y -3 -2 -1

x-2y=4 x-2y=4 x-2y=4

-2-2y=4 x-2(-2) =4 x-2y=4

-2y=4+2 x+4=4 x-2(-1) =4

−𝟐𝒚 𝟔 x=4-4 x+2=4


=
−𝟐 −𝟐 x=0 x=4-2
y=-3
x=2
B.] Using intercept method

Ex. 1.) Graph 3x-4y=-12

x-intercept (y=0) y-intercept (x=0)

3x-4y=-12 3x-4y=-12

3x-4(0)=-12 3(0)-4y=-12

3x-0=-12 0-4y=-12

3x=-12+0 -4y=-12-0
𝟑𝒙 −𝟏𝟐 −𝟒𝒚 𝟏𝟐
= = −
𝟑 𝟑 −𝟒 −𝟒
x=-4 (-4,0) y=3 (0, 3)

Slope of a line

Slope = m

A.] given 2 points

m = y2 – y1
x1 - x2

Ex. 1.) Find the slope of the line that passes through (4, 5) and (2, 1)
x1 y1 x2 y2
M = yx22 –– yx11
-4
= 12 –– 54 = -2

=m=2
Slope – The slope or gradient of a line is a number that describes both the direction and
the steepness of the line.

Types of slope:

 Positive slope (rising)


 Negative slope (falling)
 Zero slope (horizontal)
 Undefined slope (vertical)

Y=mx+b

m = slope

b = Y-intercept

B. Find the slope and the y-intercept of each type.

Ex.

1.) y=10x 2.) y=-2x+5

m = 10 m = -2

b=0 b=5

C. Convert the equation into the slope intercept form of the equation of a line form,
then find the slope and y-intercept of each line.

Ex.

1.) 9x+y=5 2.) 4y-6x=10 3.) 2(y-2)=2


4y = 6x - 10
y=-9x+5 2y-4x=2
4 4 4
y = 3x - 5 2y = 4x - 2
m=-9 b=5
2 2 2 2 2
m = 3x b = 5 y=2x+1
2 2
m=2 b=1

Filipino 8
Popular na babasahin

Ang pagbabasa ay an siyang libangan ng mga Pilipino hanggang ngayon.

Mahirap ituro ang pagbabasa lalo na kung kakaantok ang babasahin.


Pahayagan

Ang pahayagan ay isang uri ng paglilimbag. Ito ay naglalaman ng mga balita o tala
tungkol sa mga kaganapan na nangyayari sa lipunan. Nagbibigay din ito ng mga
impormasyon tulad ng mga patalastas.

Dalawang uri ng pahayagan:

Broadsheet – target na mambabasa class A at B

Tabloid – Pang-masa at masyadong binibigyang diin ang tungkol sex at kaharasan

Komiks

isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ang ginagamit
upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.

Magasin

Naglalaman ito ng mga maikling kwento at sunod-sunod na mga nobela. Naging


paraan ito upang mapalago ang kaalaman ng mga Pilipino.

Mga iba’t ibang uri ng magasin:

FHM – mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento


upang mapagusapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig
at iba pa.

Cosmopolitan – magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay nagsisilbing


gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa pinakamainit na isyu sa
kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.

Good Housekeeping – Magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong
nakasulat dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga responsibilidad
at maging mabuting maybahay.

YES! – Magasin tungkol sa balitang showbiz.

Metro – Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa
kagandahan ang nilalaman ng metro.

Candy – Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan.

Men’s health – Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa isyu ng kalusugan.


Mga pamamaraan sa pagehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa
pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman nito kung kaya ito ay naging paborito ng
maraming kalalakihan.

T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga pinakahuling
pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga napapanahong
balita at gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget.

Entrepreneur - Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo.

KONTEMPORARYONG DAGLI

Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling


kuwento. Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing
lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano.

Wika

 Isang bahagi ng pakikipagtalastasan


 Kalipunan ng mga simbolo, tunog at mga kaugnay na batas upang
maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.

Dalawang antas ng wika

Pormal

 Pambansa
 Pampanitikan

Di-Pormal

 Lalawiganin
 Kolokyal
 Balbal
 Banyaga

Pormal

 Mga salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng


karamihang nakapag-aaral sa wika
 Gumagamit ng bokabularyo mas komplikado kaysa sa ginagamit sa araw-araw
na usapan
 Kalimitang ginagamit sa paaralan at sa iba pang may pangkapaligirang
intelekwal
Antas ng wika na nabibilang sa Pormal:

Pambansa

 Karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika at pambalarila sa lahat ng


mga paaralan.
 Sa pamahalaan at paaralan.
 Normal na ginagamit na salita.

Pampanitikan

Ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitkan.

Karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining.

Antas ng wika na nabibilang sa Di-Pormal:

Di-Pormal

 Mga salitang karaniwan, palasak, pang araw-araw O madalas ginagamit sa


pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.

4 na uri ng Impormal o Di-Pormal

Lalawiganin (provincialism)

Ito ay salitang kilala at saklaw lamang sa pook ng pinanggalingan nito.


Kolokyal

Mga salitang ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit may


kagaspangan at pagkabulgar, bagamat may anyong repinado at malinis ayon sa
kung sino ang nagsasabi.

Balbal (slang)

 noong una ay hindi tinatanggap ng mga matatanda at mga may pinag-aralan


dahil hindi raw maganda pakinggan.
 kilala rin bilang salitang kanto o salitang kalye.

PALABUOAN NG MGA SALITANG BALBAL

Kung paano binubuo ang mga karaniwang salita, pagkalikha ng mga salitang balbal
ay mayroon ding pinagmulan. Narito ang mga kategorisasyon ng mga salitang malimit
nating narinig sa kasalukuyan di lamang sa mga kabataan kundi maging sa ilang
matatanda.

1. Hinango mula sa mga salitang katutubo

Halimbawa:

Bikol - gurang

Bisaya - matanda
2. Hinango sa wikang banyaga

Espanyol - tisoy, mestizo, mestiza

Ingles – orig

3. Binaligtad

gat-bi - bigat

astig - tigas

todits – ditto

4.Nilikha

paeklat - maarte

hanep - papuri

bonsai - maliit

5. Pinaghalo-halo

kilig to the bones - paghanga

in na in – uso

6. Iningles

Weird - Pambihira

Bad trip - walang pag-asa

7. Dinanglat

KSP - kulang sa pansin

SMB - style mo bulok

8. Paglalarawan o Pagsasakatangian

Lagay - tong

Basag - nawawala sa sarili

Banyaga

Mga salitang mula sa ibang wika. Ang ating wika ay mayaman sa wikang banyaga.
Karamihan sa mga itoay pangalang tiyak, wika, teknikal, pang-agham, simbolong
pangmatematika, o mga salitang banyagang walang salin sa Filipino.
Kontemporaryong Programang Panradyo

Isa sa pinakalaganap na libangan ng mga Pilipino sa kasalukuyan ay ang pakikinig ng


radyo. Ayon nga sa marami, ito ay nagsisilbing kasalo na nila sa kanilang almusal,
tanghalian, at hapunan. Tila hindi kompleto ang kanilang araw kung wala ito. Ang
radyo ay itinuturing na go-anywhere medium ng pamamahayag sapagkat ito ay
naririnig ng mga tao kahit habang sila naglalakad, nagbibiyahe, nagmamaneho,
nagtatrabaho, o namimili.

Malaki ang kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang popular na gumagamit ng


mga bagong kasangkapan na tinatangkilik ng maraming tao dahil sa kakaibang
paraan ng paglalahad. Isa na rito ay ang paggamit ng radyo sa pamamagitan ng mga
balita.

Nagsimula ang radyo noong 1924 sa Pilipinas sa pagkakatatag ng KZKZ (AM) ni Henry
Herman, Sr. sa Maynila na may-ari ng Electrical Supply Company. Isa siyang Amerikano
at dating sundalo. Nang natapos ang kaniyang tungkulin ay nanatili siya sa Pilipinas.

Ang radyo ay nananatiling kaaya-aya at dinamiko hanggang sa kasalukuyan bilang


daluyan ng impormasyon. Ito ay nakatutulong sa madaling paghahatid ng
impormasyon at komersyalisasyon, at sa pagpapalawak ng edukasyon at teknolohiya.

Ang mga brodkast na panradyo rin ay nagbibigay ng iba't ibang pananaw at tinig na
kailangan upang matugunan ang mga hamon na kinahaharap ng lipunan.
Mapapansin din na bawat lugar o lalawigan ay may istasyon ng radyo upang agad
maipaabot ang impormasyon sa mga mamamayan. Ang pinakamatandang istasyon
ng radyo sa bansa ay ang DZRH.

PAGSULAT NG ISKRIP NG PROGRAMANG PANRADYO

Mga hakbang sa pagsulat ng iskrip/pormat ng iskrip

ISKRIP

 Tagur sa manuskripto ng isang audio-visual


 material na ginagamit sa broadcasting.
 Nakatitik na bersyon ng mga salitang dapat bigkasin o sabihin.
 Ginagamit sa Produksyon ng programa.
 Naglalaman ng mga mensahe ng progamang dapat ipabatid sa mga
tagapakinig.
 Nagsisilbing gabay sa mga tagaganap, director, taga-ayos ng musika (musical
scorer), editor at mga technician.
 Ang iskrip ay isang transisyon lamang sa pakikipagkomunikasyon sa
pamamagitan ng radio.
Paano nga ba gumawa ng iskrip?

1. Gumamit ng malilit na letra sa pagsulat ng diyalogo.

2. Isulat sa malalaking titik ang musika, epektong pantunog, at ang emosyonal na


reaksiyon ng mga tauhan.

3. Guhitan ang SFX (sound effects) at MSC (music)

4. Hindi lamang ipinakikita ang paggamit ng musika at epektong pantunog kundi


kailangan ding ipakita kung paano gagamitin ang mga ito. Halimbawa: kailangan
bang naka- FADE UNDER ang musika habang nagsasalita ang isang tauhan.

5. Kailangang may dalawang espasyo (double space) pagkatapos ng bawat linya sa


iskrip kapag minakinilya o kinompyuter.

6. Lagyan ng numero ang bawat linya. Ilagay ang numero sa kaliwang bahagi bago
ang unang salita ng linya upang maging mdali ang pagwawasto kapag
nagrerekording.

7. Ang mga emosyonal na reaksyon o tagubilin ay kailangang isulat sa malaking titik.


Gagamitin lamang ang mga ito upang ipabatid kung paano sasabihin ang mga linya o
diyalogo ng mga tauhan.

8. Gumamit ng mga terminong madaling maintindihan sa pagbibigay ng indikasyon


kung sino ang nagsasalita at anong uri ng tinig ang maririnig.

9.Isulat sa malaking titik ang posisyon ng mikropono na gagamitin at ilagay ito sa


parentesis.

10. Maglagay ng tuldok o kolon pagkatapos isulat ang pangalan ng tauhang


magsasalita o pagkatapos isulat ang SFX o MSC.

11. Sa panibagong pahina ng iskrip, umpisahan ng paglalagay ng numero sa bawat


bilang.

Tuwing makikinig ng mga brodkast na panradyo, ilan sa mga madalas marinig mula sa
mga brodkaster ay ang mga ekspresyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw o
point of view. Madalas din silang gumagamit ng mga hudyat upang ipahiwatig ang
pagbabago o pag-iiba ng paksa at/ o pananaw.
MGA HUDYAT NG KONSEPTO NG PANANAW

Ekspresyong nagpapahayag ng pananaw

= naghuhudyat ng mga ekspresyong iniisip, sinasabi, o pinaniniwalaan ng tao.

Halimbawa: ayon, batay, sang-ayon sa/kay, ganoon din, sa paniniwala, sa pananaw,


at akala ko/ni

Ekspresyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw

hindi tulad ng mga naunang halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmulan ng
pananaw. Sa halip, ito ay nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw.

Halimbawa:

Kabilaman, sa isang banda, sa dako, at samantala

Ekspresyon sa Pagpapahayag ng konsepto o Pananaw

Sa pagbibigay ng konsepto o pananaw ay maaring banggitin o magpahayag batay sa


sariling damdamin, paniniwala, ideya, kaisipan o karanasan maging sa ibang tao. Ang
ganitong pahayag ay makikilala sa paraan ng paglalahad ng nagsasalita o
nagsusulat. Ilan sa mga ekspresyong ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw ay
ang :

 Alinsunod sa ...
 naniniwala ako na...
 Anupa't ang pananaw ko sa bagay na iyan ay..
 Ayon sa...
 Batay sa ...
 Kung ako ang tatanungin, nakikita kong...
 Lubos ang aking paniniawala sa ....
 Palinhasa'y naranasan ko kaya masasabi kong.....
 Para sa akin..
 Sa bagay na iyan masasabi kong...
 Sa ganang akin...
 Sang-ayon sa...

AP 8
Renaissance

I. Renaissance - nagmula sa salitang Pranses na renaistie na ang ibig sabihin ay


muling pagsilang o rebirth.
ll. Ang Renaissance ay tumutukoy sa patuloy na paghahanap ng tao sa karapatang
politikal, pagsagot sa mga katanungang panrelihiyon, at pagkahilig sa mga bagay
na materyal.

Bakit sinasabing ang Renaissance ay panahon ng transisyon sa pagitan ng Middle

Ages patungo sa makabagong Panahon?

Ito ay dahil nang mga panahong ito:

 Ang interes sa sining at literatura ay muling binuhay lalo ng sinaunang Griyego


at Romano; at
 Binuhay rin ng panahong ito ang pagbibigay- halaga sa tao bilang isang
indibidwal.

Bakit sa Italya

l. Heograpiya ng Italya

Dahil matatagpuan ang Italya sa pagitan ng dakong gitna ng

Kanlurang Europa at Asya, nagbigay ito ng magandang lokasyon para

makipagkalakalan sa mga bansang nasa Kanlurang Europa at Asya.

ll. Nananalaytay na Dugo

ltunuring ng mga Italyano ang kaugnayan nila sa mga Romano na

siyang nagtaguyod sa kadakilaan ng Roma kaysa alinmang bansa sa

Europa.

Ill. Papel ng mga unibersidad sa Italya

Naitaguyod at napanatiling buhay ang kulturang klasikal at mga pilosopiyang


kaalaman ng kabihasnang Griyego at Romano at nagkaroon ng malayang pag-
aaral.

IV. Mga mayayamang mangangalakal at mga Medici

Ginamit ng mga mayayamang mangangalakal at maharlika ang

kanilang kayamanan sa pag-aanyaya sa mga matatalino at malikhaing

artista para muling itaguyod ang kaalaman at kaisipang klasikal.


Cosimo Medici (1389-1464)

Ang pinakamayamang bankero ng Florence noong mga unang taon ng 1400 ay


ang pamilyang Medici.

Ninais ni Cosimo de Medici na makilala bilang pinakamagandang lungsod sa


mundo ang Florence kay umupa siya ng mga artista at arketikto upang
pagandahin ang kaniyang palasyo pati na iba pang gusali sa Florence.

Lorenzo de Medici

Kilala bilang "Lorenzo ang Dakila"

Gumugol ng limpak-limpak na salapi sa pagtataguyod ng kanilang natatanging


likhain.

Ang Pag-usbong ng Klasikal at Pandaigdigang Pagpapahalaga

l. Sa pag-aaral ng mga nabanggit na manuskrito, ang mga iskolar ay


naimpluwensyahan ng mga ideyang klasikal.

ll. Ito ay nakatulong sa paglilinang sa kanilang isipan ng makabagong pananaw sa


buhay at sining.

El Humanismo

 Ang Humanismo ay, mula sa salitang "HUMANITAS" na nangangahulugang


"kultura".
 Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga klasikong kultura gaya ng sa mga
Griyego.
 Nagsilbi itong tagapagtaguyod ng kultura ng mga tao.
 Binigyang halaga nito ang mga kakayanan at abilidad ng tao.

Humanismo

Ang ideyang klasikal ay nagbigay- daan sa humanismo na nagbibigay halaga sa


nagawa ng isang indibidwal sa halip na pisikal na daigdig o kalikasan.

I. Sinikap na aralin at unawain ng humanista mga ang mga pagpapahalagang


Griyego upang maimpluwensyahan ang mga artista at arkitekto sa tradisyong
klasikal.
ll. Higit sa lahat, pinatanyag nila ang pag-aaral ng mga araling klasikal tulad

ng kasaysayan, literatura, at at pilosopiya na kung tawagin ay Humanidades.

Ama ng Humanismo - Francesco Petrach

 Sa kanyang pag-aaral, mas pinili niyang pagtuunan ng pansin ang iniisip at


nararamdaman ng mga Roman.
 Sumulat ng Song Book, isang koleksyon ng mga sonata ng pag- ibig na
patungkol sa kanyang minamahal na si Laura.

Paghahambing ng Humanismo

Renaissance

 Pinapahalagahan ng mga Humanista sinaunang ang panitikan para sa sarili


nitong
 katangian.
 Hinalaw naman ito ng mga humanista upang magsilbing gabay sa
paglinang sa sariling kakayahan, kung paano sumulat at magsalita ng
mahusay at kung paano mabuhay ng matiwasay.

Middle Ages

 Tinangka ng mga iskolar iangkop ang pag-aaral na klasikal sa pananaw ng


Kristiyanismo.
 Ginamit ng mga skolar ng pilosopiyang greek upang patotohanan ang mga
aral ng simbahan.

Nicolas Copernicus

Naniwala na ang araw ang sentro ng sansinukob at umiikot dito ang lahat ng
planeta pati na ang daigdig.

Galileo Galilei (1564-1642)

Isang astronomo at matemateko, noong 1610. Malaki ang naitulong ng kanyang


naimbentong teleskopyo para mapatotohanan ang Teoryang Copernican.
Giovani Boccacio

Matalik na kaibigan ni Petrarch. Ang kaniyang pinakamahusay na panitikang


piyesa ay ang "Decameron", isang tanyag na koleksyon na nagtataglay ng isang
daang nakatatawang salaysay.

William Shakespeare

Ang "Makata ng mga Makta".

Naging tanyag na manunulat sa Ginintuang Panahon ng England sa pamumuno ni


Reyna Elizabeth l.

llan sa mga sinulat niya ang mga walang kamatayang dula gaya ng: "Julius
Ceasar," Romeo and "Juliet", "Hamlet", "Anthony at Cleopatra", at " Scarlet."

Desiderious Erasmus

"Prinsepe ng mga Humanista".

May akda ng "In Praise of Folly" kung saan tinuligsa niya ang hindi mabuting gawa
ng mga pari at mga karaniwang tao.

Francois Rabelais (1484-1553)

Nag may akda ng limang tamang aklat na pinamagatang Gargantua and


Pantagruel kung saan ginawa niyang katawa tawa ang mga taong hindi
naniniwala sa humanismo.

Johannes Kepler

Nakatuklas ng alintuntuning pangmatematika na tumutukoy sa landas na tinatahak


ng mga planeta habang umiinog sa araw ang mga ito.

Mga nagtaguyod ng renaissance sa Italy

Donatello (1386-1466)

Siya ay naglilok ng makatotohanang tindig at ekspresyon ng personalidad

ng isang indibidwal.
Mga sikat na likha ni Donatello:

David

Noong mga 1430, si Donatelo ay inatasan upang lumikha ng isang bronseng rebulto
ni David.

I. Si David ay nakatayo nang walang pag-iisip, walang kaguluhan, sa sumbrero ng


isang pastol na nagtatabing sa kanyang mukha;

ll. Sa kanyang kanang kamay ay may hawak siyang tabak, gamit ang kaliwang
paa, bilang tanda ngtagumpay, tinatapakan niya ang bagong putol na ulo ni
Goliath

Magdalene Penitent

l. Nakalagay ito sa Museo ng dell'Opera del Duomo sa Florence, taly.

ll. Gawa ito sa kinatay na kahoy at pinintahan.

Equestrian Statue of Gattamelata

l. Noong 1450, nakumpleto ni Donatello ang isang estatwang tanso na tinawag


Gattamelata, na ipinakita ang Erasmo na nakasakay sa isang kabayo sa buong
battle dress, minus isang helmet

II. Ito ang unang estatistang estatistika na itinapon sa tanso mula noong mga
Romano.

Statue of St.George

Ang orihinal na St. George ngayon ay namamalagi sa Museo barko Italya ng


Nazionale de.

St. John The Evangelist

Saint John the Evangelist, na kanyang ginawa sa pagitan ng 1409 at 1411, isang
akda na makabuluhang minarkahan ang paglipat sa sining mula sa huling bahagi
ng Gothic hanggang sa Maagang Renaissance.
RAPHAEL (1483-1521) (Raffaello Sanzio da Urbino)

I. Karaniwang kilala sa kanyang unang pangalan lamang (sa Italyano Raffaello)

ll. Tinaguriang "Ganap na Pintor" dahil sa pagkakatugma at proporsyon ng kanyang


mga ipininta.

Mga Sikat na Likha ni Raphael:

Sistine Madonna

I. Ang Sistine Madonna, na tinatawag ding Madonna di San Sisto, ay isang


pagpipinta ng langis sa pamamagitan ng Italian artist na si Raphael Sanzio.

ll. Ang pagpipinta ay inatasan noong 1512 ni Pope Julius Il para sa simbahan ng San
Sisto, Piacenza. Ang canvas ay isa sa huling Madonnas na ipininta ni Sanzio.

Ill. Tinawag ito ni Giorgio Vasari na "isang tunay na bihirang at pambihirang gawain"

The School of Athens

I. Ipininta sa mga pader ng isang silid-aralan sa Vatican gamit ang Frecso.

II. Ito ay naglalarawan sa mga pilosopo, sayantist, at makatang Griyego.

III. Ito ay para sa mga pope's apartment sa Vatican, nagpapakita na ang mga
iskolar ng sinaunang Griyego ay lubos na pinarangalan.

Betrothal of The Virgin

I. Ito ay ginawa noong 1504 para kay Citta de Castello, isang Pransiskanong Iglesia.

II. Ito ay naglalarawan ng kasal ni Maria at Joseph.

Transifiguration of Jesus

I. Ito ang huling painting na ginawa ni Raphael mula taong 1516 hanggang sa
mamatay siya noong 1520. Ito ay naging donasyon sa church of San Pietro sa
Roma, ngayon ito ay makikita sa Vatican Museum.
Michaelangelo (1483-1521)

I. Siya ay maraming talent.

ll. Nagdisenyo ng gusali,sumulat ng mga tula, naglilok ng eskultura, at nagpinta ng


mga kagila-gilas na larawan.

Mga Sikat na likha ni Michaelangelo:

Sistine Chapel

I. Ipininta nang direkta sa kisapresa ng Sistine Chapel sa Vatican, ang likhang ito
'ay naglalarawan ng mahahalagang tagpo mula sa Aklat ng Genesis. Ang
kumplikadong mga salaysay at kasanayang ipininta ay ikinagulat ng mga tao.

ll. Binuksan sa publiko noong 1512 at patuloy na pinahahalagahan ang Iibu-libong


pilgrims at turista mula sa iba't ibang panig ng mundo na bumibisita sa chapel
araw-araw.

La Pieta

Ito sumisimbolo sa pananampalataya at paghihirap nila Virgin Mary at Hesus.

Michaelangelo bilang isang Iskultor (sculptor)

Ipinapakita rito ang galit ni Moses nang makita niyang

sinasamba kanyang mga tao ang ginintuang guya sa

pagbalik niya mula sa Bundok ng Sinai.

Michaelangelo bilang isang magpipinta (painter)

Nagpapakita ito ng mahahalagang huwaran

ng tao sa mundo at ang kaugnayan nito sa

banal na lugar o sa Panginoon.


Michaelangelo bilang isang Arkitekto (architect)

Ang pinakabantog na gawain ni Michelangelo sa

arkitektura ay ang St. Peter’s Basilica, isang

simbahang matatagpuan sa Vatican City.

Itinuturing itong pinakamalaking gusali ng edad

nito at nananatiling pinakamalaking simbahan sa mundo.

Michaelangelo bilang isang Makata (Poet)

Si Michelangelo ay isa ring mahuhulaan makata. na Sumulat siya ng mahigit 300 na


"sonnet" at "madrigal" noong siya ay nabubuhay pa. Sikilalang Michelangelo ay
magsaya sa maliliit na linya ng mga talata habang siya mamumukadkad kanyang
mga iskultura.

Leonardo Da Vinci (1386-1466)

I. Isang skultor, imbentor, at siyentista.

ll. Kilala bilang “Renaissance man” na interesado sa maraming bagay sa mundo

Mga sikat na likha ni Leonardo:

Mona Lisa

I. Larawan ng isang babaeng mistulang tunay kung kaya maraming manunulat


nagtangkang ang ipaliwanag ang kahulugan nito.

The Last Supper

II. Kagila-gilalas ang pagkakapinta niya sa mukha ng mga dispulo ni Hesus na


naglalarawan sa personalidad ng bawat isa sa mga ito.

Iba pang ambag ni Da Vinci:

Disenyo ng Flying Machine o Ornithoper

Isa sa pinaka tanyag na disenyo ni da Vinci na gawa sa kahoy na may dalawang


pakpak na pwedeng ilipad ang sakay hanggang 33 ft.
Multi-Barrel

gunIsang instrumentong pandigma na mayroong 33 kalibre ng iba't-ibang baril na may


tatlong hanay (11 baril bawat hanay).

Machine Gun

!. Disenyo ng "machine gun" na gumagamit treadmill na

Crossbow o Ballista

II. Isang sandata na gumagamit ng worm at gear na mekanismo upang iguhit ang
bowstring na nakalagay sa mga gulong na nagbibigay ng isang matatag na base sa
magaspang na lupa.

Parachute

Ang disenyong ito ng parachute ay binubuo ng selyadong telang linen na nakabukas


sa pamamagitan ng isang pyramid ng mga kahoy na poste na may pitong metro ang
haba.

Disenyo ng Canal Bridge

Naglalayon na gumawa ng isang "movable dyke" na poprotekta sa lungsod ng Venice


sa mga mananakop.

Water Lifting Device

Isa sa kamangha-manghang pagpapakita ni da Vinci ng kanyang malalim na interes


sa agham at mekanikal na mga aparato.

Design for a boat

Kumpara sa iba niyang likha, sadya itong nagkulang sa paliwanag na tala at iba pang
detalye.
Drawings of Machine

Machine Design for grinding convex lenses

Design for parabolic compass


Nagsisilbing grapikong pananaw si Leonardo "casting pit" para sa kabayong Sforza.

Spring Device

Casting Mold for The Head and Neck

Ambag ni Da Vinci sa musika:

Organo de Agua

Carraca de tubos
Flauta Recta

Viola Organista

Timbal Mecanico

Organi de Papel
Lira de Plata

Lira de Caballo

Rembrandt Harmenszoon van Rijn (16 Hulyo 1606-4 Oktubre 1669)

l. Isang bantog na pintor at artista ng sining na Olandes.

II. Ipinanganak siya sa Leiden. Noong 1631, nagpunta at namuhay siya sa Amsterdam,
dahil maraming tao roon ang nakarinig na ng tungkol sa kanya at nais na magpapinta
sa kanya ng kanilang sariling mga larawan.

Namatay si Rembrandt sa Amsterdam noong 1669.

Mga likha ni Rembrandt:

The Night Watch


The storm on the Sea of Galilee

Tiziano Vecelli o Tiziano Vecellio (15 Hulyo 1606-4 Oktubre 1669)

l. Na kilala sa Ingles bilang Titian, isang Italyano na pintor, ang pinakamahalagang


miyembro ng ika-16 na siglong paaralan ng Venetian.

ll. Si Titian ay isa sa may mga pinaka- maraming nalalaman ng mga pintor ng Italyano,
pantay na sanay sa mga portrait, landscape background, at mitolohiko at relihiyosong
paksa.

Ill. Ang kanyang mga paraan ng pagpipinta, lalo na sa aplikasyon at paggamit ng


kulay, ay mag-ehersisyo ng isang malalim na impluwensya hindi lamang sa mga pintor
ng Italian Renaissance, kundi sa mga susunod na henerasyon ng Western art.

Mga Likha ni Titian:

Assumption of The Virgin


Diana and Actaeon

Iba pang nagtaguyod ng Renaissance sa Italy:

Baldossare Castiglione (1483-1521)

Sinulat niya ang aklat na "The Courier" noong 1528 kung saan itinuturo nya kung paano
maging isang Renaissance Man at Renaissance Woman.

Renaissance Man

Kinakailangang maging palabiro, may kasiya-siyang ngiti at edukado sa klasiko.

Renaissance Woman o Upper Class Woman

Kinakailangang may kaalaman sa klasiko at may kasiya-siyang ngiti at inaasahan


makapagbigay ng inspirasyon sining bagama't hindi sa inaasahang makabuo ng isang
obra maghangad O ng katanyagan.

Niccolo Machiavelli (1469-1524)

Isang politiko at isinulat ang "The Prince kung saan ipinaliwanag niya kung paano
mapapanatili ng isang pinuno kapangyarihan ang sa pamamagitan ng pagiging tuso.
Ambag ng Renaissance sa Musika

I. Sa Renaissance, naging instrumento ang musika para personal na pagpapahayag.

ll. Karamihan sa mga musikang nailimbag sa panahong ito ay mga musikang secular
tulad ng madrigal at chanson.

Ill. Pinakamahalagang ambag ng Renaissance sa musika ay ang estilong polyphonic


na binubuo ng ilang sabay-sabay na mga himig. Ginagamit ito para sa simbahan tulad
ng misa at motet.

Johannes Ockeghem

Isa sa mga pinaka-maimpluwensyang kompositor ng unang Renaissance at itinuturing


na isa sa mga ama ng Renaissance na musika.

Guillaume Dufay

Ang kompositor ng Franco- Flemish na si Guillaume Dufay ay kilala bilang transitional


figure sa Renaissance. Ang kanyang relihiyosong gawain ay inilatag ang pundasyon
para sa mga kompositor na sumunod sa huling kalahati ng 1400s.

Givanni Pierluigi da Palestrina

Ang Italyanong kompositor na si Giovanni Pierluigi da Palestrina ay nagsulat ng sekular,


liturhiko, at relihiyosong mga piraso at nagtrabaho sa St. Peter's Cathedral sa Rome.

Ang Paglaganap ng Renaissance sa labas ng Italy:

Bubonic Plague - ay isa sa pinakamalubhang pandemya sa kaysaysayan ng tao

 Noong 1450, ang bumabang bilang ng populasyon sa hilagang Europa dala ng


bubonic plague ay nagsimula nang lumaking muli.
 Noong 1453 ay mabilis na umunlad ang mga lungsod sa pagtatapos ng
Isandaag Taong Digmaan sa pagitan ng France at England.
Ang Flanders ay naging sentro ng sining sa

hilagang Europa dahil sa pagsuporta ng mga

negosyanteng pamilya nito.

Jan Van Eyck- kinikilalang nakalinang

tama at perpektong gamit ng oil-based

na pagpinta noong Flemish Renaissance.

Pieter Bruegel lhe Elder: Peasant Dance

Nang lumabas ang obra ni Pieter Bruegel noong 1550, ay naabot ng pintor na Flemish
ang tugatog ng tagumapay.

Pieter Bruegel - ang kaniyang mga pinta ay kinakitaan ng makatotohanang detalye ng


indibidwal at pangkat ng tao na kadalasa'y naglalarawan ng balanseng diwa ng
buhay at damdamin.

Francis I of France

l. Ang Renaissance sa England at France ay itinaguyod ng mga monarka.

II. Inimbita ni Haring Francis I ng France si Leonardo da Vinci na magretiro sa France at


umupa ng mga Italyanong artista upang pagandahin ang Kastilyo sa Fontainebleau
ginawang na museo ng sining ng Renaissance.

Albrecht Dürer

Dinala ng mga Europeong artista na nag-aral sa Italy ang ideya ng Renaissance sa


kani- kanilang lupain.

Albrecht Dürer - siya ay lumikha ng mga obrang inukit sa kahoy at makatotohanang


pintang relihiyoso. Ang popularidad ng kaniyang mga pinta ay nakatulong sa
pagpapalaganap ng Renaissance.

Elizabeih I

!.1500 lumaganap ang Renaissance sa England. Ang panahong ito ay tinawag na


Elizabethan Age, na kuha sa pangalan ni Elizabeth l, na reyna ng England mula 1559
hanggang 1603. Sinuportahan niya ang paglilinang sining at literaturang Ingles.
ll. Si William Shakespeare ang pinakabantog na manunulat sa panahong ito. Taghanga
ng klasikong panahon kung saan niya hinugot ang inspirasyon at balangkas ng
kaniyang mga istorya. Ang kaniyang mga obra ay naghahayag ng malalim na pag-
unawa sa sangkatauhan.

Mga Ambag ng Renaissance sa Daigdig:

Sa larangan ng sining

I. Ang estilong Griyego at romano sa sining ay naging panuntunan ng sining sa


kasalukuyan.

ll. Ang inilalarawan ng mga pinta at eskultura ng mga indibidwal at kalikasan sa higit
na makatotohanan paraan ay nagbibigay-linaw sa makatotohanang diwa ng tao.

Ill. Ang mga nabuong obra ng mga artista ay nagbigay-liwanag sa pagkakaiba ng


buhay sekular at relihiyoso.

IV. Naihayag ng mga manunulat ang kanilang tunay na ideya at damdamin sa


pamamagitan ng pagsusulat sa sariling wika.

Sa larangan ng panitikan

Miguel De CervaNtes (1547-1616)

Sa larangan ng panitikan isinulat niya ang nobelang "Don Quixote de la Mancha," aklat
na tumuligsa sa Medieval na batayan ng katapangan na nakasaad sa Chivalry.

Sa larangan ng Panlipunan

I. Bunsod ng printing press, lumabas ang maraming aklat na pumukaw sa interes ng


mga taong matuto.

ll. Ang pagkakalimbag ng mga balita tungkol sa mga bagong tuklas, mapa, at tsart ay
nagbigay-daan sa higit pang pagtuklas.

Ill. Ang pagkakalimbag at paglabas ng mga prosesong legal ay nagbibigay- linaw din
sa mga batas kung kaya't higit na natutuhan ng tao ang kanilang karapatan.

IV. Nagawan ng mga kristiyanog humanista na mabago ang pananaw ng lipunan sa


kung paano mamuhay.

V. Nagsimulang kuwestiyunin ng tao ang estrukturang polotikal at gawang relihiyoso.


Sa larangan ng Politika

l. Ang akdang "The Prince" ni Niccolo Machiavelli ay tumalakay sa ideyal na katangian


ng pamumuno.

ll. Ayon sa kanya ang paggamit ng puwersa sa pamumuno ay dapat unahin kaysa sa
paggamit ng kabutihan.

Ill. Sa wikang English, tinatawag itong "The End Justifies the Means"

Kasaysayan

Isang produkto ang kritikal na pagsusuri ng mga teksto ang sanaysay ni Lorenzo Valla
(Circa 1406-1457) na may pamagat na Declamation Concerning the False Decretals of
Constantine (1439- 1440). Sa akdang ito, pinatunayan ni valla na huwad ang
dokumentong nagsasaad na inilipat ni haring Constantine sa Santo Papa ang
kapangyarihan sa Santo Papa ang kapangyarihan sa pamumuno sa kanlurang bahagi
ng Imperyong Roman nang inilipat niya ang kabisera sa Constantinople.

Ang Pandaigdigang kasiyahan

l. Noong Middle Ages, naging kaugalian na ng mga Kristiyano ang pagsuot ng


maligasgas na pananamit at simpleng pagkain upang maipakita ang kanilang
kabanalan.

ll. Iminungkahi ng mga humanista na maaaring magsaya ang tao nang hindi
nagkakasala sa diyos.

Ill. Kung kaya't sa italyang Renaissance, ang mayayaman ay nag pakasaya sa


maluluhong bagay, musika, at pagkain.

IV. Maraming tao ang naging tapat na katoliko, ngunit ang pangunahing diwa ng
lipunang Renaissance ay seklar--makamundo sa halip na espiritwal at may kinalaman
sa kasalukuyan at kinaroroonan ng tao.

Panahon ng Eksplorasyon

Panahon ng Paggal ugad (Pagtuklas)

Tumutukoy sa panahon mula ika-15 na siglo hanggang ika-18 na siglo

I. Ito ang panahon kung kailan nagsimulang galugarin ng mga Europeo ang daigdig sa
daang dagat.

II. Layunin nilang makatuklas ng bagong rutang pagka/aka/an, kayamanan at


kaa/aman.
III. Sa panahong ito, nabigyan ng bagong anyo ang heograpiya na nababatay sa
modernong siyensya.

Lumang Paniniwala ng mga Europeo

Flat Earth – An paniniwala na patag ang mundo

Sea Monsters - Pinaniniwalaan na kaya hindi na nakabalik ang mga barkong


nagtangkang pumalaot dahil kinain na ito ng mga halimaw sa dagat.

Mga salik na nagbigay daan sa pagtuklas:

Pagtuklas ng Bagong Ruta

I. Nagnais ang mga Europeo na makatuklas ng bagong ruta patungo sa pinagmulan


ng mga rekadong kanilang nakilala mula noong panahon ng Krusada.

II. Nang mga panahong iyon, kontrolado lamang ng mga Italyano at Muslim ang daan
patungo sa pinagkukunan ng mga rekado.

III. Kung makatuklas sila ng bagong ruta patungo sa mga pinagkukunan nito ay hindi
na nila kailangang bumili sa mga Muslim at Italyano sa mataas na presyo.

Maipalaganap ang Kristiyanismo

Malaki ang paniniwala ng mga Europeo sa kanilang banal na tungkulin na


mapasampalataya ang buong mundo sa paniniwalang Kristiyanismo bukod sa
kagustuhan nilang mapigilan ang paglaganap ng Islam sa Europa, Africa at Asya.

Pagtuklas Sa Teknolohiya

Sa taong 1400, nakadisenyo na ang mga manlalayag sa Europa ng barkong maaring


lumayag sa karagatan - ang caravel.

 CARAVEL - matatag sasakyang Europeo. isang barkong higit na kumpara sa


naunang pandagat ng mga

ll. Nakagawa din sila ng paraan upang mapaigi ang kanilang kasanalayan sa
nabigasyon.

Ang mga kagamitang rudder, astrolabe na napaigi ng mga Muslim at magnetic


compass na imbensyon naman ng mga Tsino ang ilang sa mga kagamitang ginamit ng
mga manlalayag.
Ang Paglalakbay ni Marco Polo.

Marco Polo- isang Italyanong mangangalakal na taga Venice na anak ni Nico Polo.
Naglakbay siya ng napakahabang taon mula 1271 hanggang 1295 sakay ng isang
barkong gamit niya sa loob ng 24 na taon.

Sa kanyang paglalakbay, nakarating siya sa Tsina sa panahon ni Kublai Khan sa


dinastiyang Yuan, kung saan nagsilbi siyang tagapayo ng naturang emperador at
itinalagang maglakbay sa iba't-ibang lugar tulad ng Tibet, Burma (Myanmar), Laos,
Java, Japan at Siberia.

l. Nang bumalik siya sa Italya sa taong 1295 ay inilimbag niya ang aklat na "The Travels
of Marco Polo" kung saan inilahad niya ang mga nakita niyang mga magagandang
kabihasnan sa Asya lalong-lalo na sa Tsina kung saan inilarawan niya ang kayamanan
at karangyaan ng lugar.

ll. Rumesulta ito sa maraming Europeyong adbenturero na namangha at nahikayat na


makipagsapalaran at makarating sa Asya.

Ang Ekspolarsyon ng mga Portuguese at EspanyoL

Ang bansang Portugal ang nanguna sa mga bansa sa Europa sa paggagalugad. Si


Prince Henry the Navigator ang itinuring na naging sanhi ng pagtatagumpay ng
Portugal sa karagatan.
Bakit nga ba Portugal ang nangunguna sa paglalayag?

Dahi Sa Heograpikal nitong lokasyon

Ang Portugal ay nabibilang sa Iberian Peninsula na makikita sa Timog-Kanluran ng


Europa. Katabi nito ay ang Atlantic Ocean.

PRINCE HENRY THE NAVIGATOR (1394-460)

Siya ay anak ni Haring John I at Reyna Philipa ng Portugal kung saan lumaki siya bilang
isang matipunong kabalyero na mahilig makiisa at makisali sa mga kampanyang
militar.

Sa minsan niyang pagdayo sa lungsod ng Muslim sa Hilagang Africa ay nakita niya


ang mga tindahan ng nakasisilaw na mga yamang makikita sa labas ng Europa tulad
ng mga panindang paminta, nutmeg, at iba pang rekadong nagmula sa ibang bansa.
Ikinagulat rin niya ang maraming suplay ng ginto, tanso at iba't-ibang hiyas na
matatagpuan dito.

I. Matapos niyang masakhihan ang mga yamang ito ay nangalap siya ng pondo at
oportunidad na makiisa sa tradisyonal na kalakalan sa Kanlurang Africa. Tumulong rin
siya sa pagtatag ng kolonya ng Portugal sa Madeira sa kanlurang baybay-dagat ng
Africa.

Il. Palibhasa'y nahilig sa heograpiya, inubos ni Henry ang kaniyang panahon sa


pagsuportasa panggagalugad.

III. Nagtatag siya ng mga observatory at paaralan ng nabigasyon kung saan sama-
sama ang mga kartograpo, imbentor, siyentipiko at kapitan ng barko upang
magsanay sa paglalayag. At dahil sa kanyang mahalagang papel dito ay ginawaran
siya ng titulong "Henry the Navigator'.

Dahil Sa Hukbong Sandatahang Pandagat (Naval Force)

Matibay ang mga barkong nalikha ng mga Portuguese dahil na rin sa pagtuklas nila ng
teknolohiya.

Dahil sa matatag na Sistemang pang bangko


Ang Paglalakbay Bartolomeu Dias (1488)

l. Pinaniniwalaan ng mga Portuguese na mararating nila ang Asya sa pamamagitan ng


paglalakbay patungo sa dulo ng Africa.

ll. Noong 1488, si Dias ay naglakbay pababa sa baybay ng Africa hanggang sa


marating ang dulo nito, ngunit pagdating nila sa dulo ay sinalubong sila ng isang
matinding bagyo na nagpadpad sa kanila sa kabilang dulo ng Africa na kilalang Cape
of Storm.

I. Kanyang ginalugad ang timog- silangang baybayin ng Africa at balak pang


ipagpatuloy ang kanilang paglalayag hanggang India ngunit napilitan silang bumalik
sa Portugal dahil sa pagod at kakulangan ng suplay.

II. Dahil sa paniniwalang ang naturang paglalakbay ay isang malinaw na pangitain


para sa pagtatagumpay ng Portugal, pinalitan ang Cape of Storm ng mga monarko ng
pangalang Cape of Good Hope.

Ang Paglalakbay ni Vasco Da Gama (1498)

Ipinagpatuloy ng mga paglalayag Portuguese ang pasilangan. Noong 1498, narating ni


Vasco Da Gama ang himpilan ng Calicut sa timog-kanluran ng India.
I. Ang pangkat ni Da Gama ay nagitla at namangha sa nakitang pamilihan ng mga
rekado, kakaibang seda, at mamahaling hiyas ng lupain at dahil dito, dali-daling
namili at pinuno ni Da Gama ang kanilang barko at bumalik sa Portugal noong 1499.

ll. Nagkakahalaga ng 60 na ulit ang kanilang mga kargo na siyang ginastos nila ulit sa
paglalayag at dahil dito, nagkaroon ng direktang ruta ang Portugal patungog India.

Ang Paglalakbay ni Pedro Alvares Cabral (1500)

Sa taong 1500, nakarating si Pedro Alvares sa baybayin ng Brazil, kung saan kanya
itong inangkin para sa Portugal.

Ang Paglalakbay ni Christopher Columbus (1492)

l. Sa taong 1492, nakumbinsi ni Columbus, isang Italyanong kapitan ng barko, na


gastusan ng Spain ang kaniyang paglalayag.
ll. Pursigido si Columbus na makatuklas ng direktang ruta pakanluran patungog Asya
ngunit hindi siya nagtatagumpay, ngunit sa hindi inaasahan na pagkakataon ay
napunta siya sa America.

I. Noong Oktubre sa parehong taon ay narating ni Columbus ang isang pulo sa


Carribean at inaakala niyang nakarating na siya sa East Indies (Indonesia). Bagama't
hindi niya natuklasang ang kilalang New World, ang kaniyang paglalakbay ay
nagbigay daan sa pagsisimula ng isang siglong pananakop.

ll. Nagdulot ng malaking tensiyon sa pagitan ng Spain at Portugal ang paglalakbay na


ito ni Columbus. Dahil dito, sa taong 1493, bumuo ng hakbang si Papa Alexander VI
upang mapayapang magkasundo ang dalawang bansa sa pamamagitan ng Line of
Demarcation

Line of Demarcation- pagtatakda ng isang imahinaryong linya mula hilaga patungong


timog ng Atlantic Ocean. Sa pamamagitan nito, ang lahat ng lupain sa kanluran ng
Atlantic Ocean ay itinuturing para sa Spain, kasama ang Amerika. Samantala, ang
lahat ng lupain sa silangan ay pagmamay-ari ng Portugal.
Treaty of Tordesillas

isang kasunduan na nilagdaan ng bansang Portugal at Spain noong Hunyo 7, 1494


kung saan binibigay nila sa isa't-isa ang pagkakasundo na galangin ang linya.

Ang Paglalakbay Ferdinand Magellan (1519)

I. Pinangunahan ni Magellan ang pinakapangahas na panggagalugad.

Il. Nakumbinsi niya ang hari ng Spain na pondohan ang kaniyang paglalayag sa
bagong tuklas na karagatan.

l. Siya ay naglalayag patungong Pacific Ocean hanggang sa makarating sa Guam at


hindi naglaon sa pilipinas ngunit sa kasamaang palad siya ay nasangkot sa
pakikipaglaban at napatay.

ll. Bagamat hindi nakabalik si Magellan sa Spain. Ang natira niyang pangkat ng mga
tripulante ay patuloy sa ppaglalakbay sakay ng barkong Victoria at muling nagbalik sa
Spain noong 1522.

Ill. Sila ay kinikilalang kauna-unahang pangkat na nagawang maikot ang mundo


Ang Paglalakbay rd Amerigo Vespucci (1501)

I. Pagkatapos lamang ng isang taon, sunod na nilakbay ni Vespucci ang silangang


bahagi ng South America.

II. Inihayag niya na ang natuklasan ni Columbus ay hindi bahagi ng Asya at sa halip ay
bahagi ng New world, kung saan noong 1507, pinangalanan ang New World ng isang
kartograpo na "America" bilang parangal kay Amerigo Vespucci.

Ang Paglalakbay ni Vasco Nuffez de Balboa (1513)

l. si Vasco Nunez de Balboa ang kauna- unahang Europeo na nakakita sa silangang


baybayin ng Pacific Ocean.

ll. Namalas niya ito ng kanyang marating ang panama noong 1513.

Ill. Nang marating niya ang dalampasigan inangkin nya ito para sa Spain.
l. Napilitang bumalik si Balboa sa Hispania dahil unti-unting namamatay ang kanyang
mga tripulante.

ll. Noong 1519 siya hinatulan sa pagakasala ng treason at namatay.

Ang kalakalang Portugal sa Indian Ocean

l. Nang mabuksan ni Vasco da Gama ang tuwirang Ruta ng kalakalan sa Asya,


nagtagumpay ang Portugese na putulin ang dating ruta-

ll. Nag-agawan ang mga Europeo sa pagtatatag ng himpilang kalakalan sa baybayin


ng timog at timog-silangang Asya.

Ill. Maraming pagkakataon, sila ay napasubo sa matinding pakikipaglaban sa mga


katutubo ng mga lupaing kanilang narating gayun din sa isa't-isa.

Alfonso de Albuquerque

l. Noong 1506, ipinagkatiwala ng hari ng Portugal kay Alfonso de Albuquerque ang


pamumuno sa planong paglalayag patungong India.

ll. Noong 1510, nasakop ng Portugal ang Goa sa kanlurang baybayin ng India at
itinatag dito ang kabisera ng kalakalang imperyo ng Portugal.

Ill. Si Albuquerque ay nagpatuloy pasilangan hanggang sa marating ang East Indies na


Indonesia sa kasalukuyan.

Spice Island

l. Noong 1511, sinalakay ng Portugal ang strait of Malacca. ito ay nagbigay ng


pagkakataon kanilana mapamahalaan ang Moluccas, na kilalang pinakamayamang
pulo ng rekado at tinatawag itong Spice Island.

ll. Noong 1514, pinatibay pa ng portugal ang kanilang kapangyarihan pamamagitan


ng pagtatag ng himpilan sa strait of Hormuz.

You might also like