Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Pinal na Draft

Ang pinal na draft ay ang huling pagsulat ng burador ng pananaliksik. Sa bahaging ito
ay kailangang labis na bigyang pansin ang mga pagwawastong isinagawa ng tagapayo
sa mga naunang burador na ipinasa.

Ang pinal na papel ay isusulat batay sa pormat na nailahad. Matapos ang pagsulat nito,
nakahanda na ang mananaliksik na sumailalim sa mga pagtatanong tungkol sa naisagawang
pananaliksik. -after maisagawa ang pananaliksik, humanda nang sumailalim and mga
mananaliksik sa mga posibleng tanong na itatanong sa inyo tungkol sa naisagawang
pananaliksik.
1. Pag-isipang mabuti ang mga ideya o konsepto na kailangang isama sa sulating pananaliksik.
-pag isipan ang ideya nang mabuti kung anong gustong maparating
2. Balikan at basahing muli ang nilalaman ng sulating pananaliksik. Ayusin at baguhin ang
pormat kung inaakalang hindi ito nasunod.
- Dito titignan o idodouble check ng mananaliksik ang nilalaman ng sulating pananaliksik. Kung
may maling format yung laman o nagkaroon ng typo o hindi pagkakasunod sunod at itsura
Example: appendices dapat nasa dulo pero nalagay sa unahan (typo at laman ng topic)
3. Pagtuunan ng pansin ng pormat ng sulating pananaliksik. Ayusin at baguhin ang pormat kung
inaakalang hindi ito nasunod.
-pareho lang sila sa number 2 pero yung topics ang di pagkakasunod sunod ng laman ng bawat
topic(aralin 4 aralin 3 aralin 5) table of contents, Body, survey, Resume. Nalagay sa unahan
yung resume tas table of contents yung nalagay sa dulo (pagkakasunod sunod ng bawat topic)
4. Suriin ang mga ginamit na pangungusap kung inaakala na hindi ito gaanong maayos
gayundin ang mga bantas nito .
-Idouble check mo rin kung yung mga bantas ba na ginamit ay tama o sakto dun sa
pangungusap. Kunyare panipi (“) yung kailangan pero yung nilagay comma (,) o tuldok (.)
(bantas=punctuation marks)
5. Bilang panghuli, basahing mabuti ang buong sulating pananaliksik at gumawa ng
pagwawasto sa mga kamalian pang makikita.
-ireview mo lahat ng laman pag may nakita kang mali itama mo.
6. Gumawa ng bibliograpiya sa mga ginamit na sanggunian sa pagbuo ng sulating pananaliksik.
-bibliograpiya(parang dictionary) ano yung mga terminologies na ginamit nyo sa research
BIBLIOGRAPIYA-Ano bibliograpiya ito ay tinatawag na ugnayan o listahan ng isang hanay ng
mga libro o sulatin na ginamit bilang sanggunian materyal o suportang dokumentaryo para sa
pagsasaliksik at pagpapalawak ng isang nakasulat na akda
7. Ipalimbag ang sulating pananaliksik at hirap ito sa iyong guro o tagapayo.
-ipalimbag=ipublish ibig sabihin mag dedefense na kayo

You might also like