Kurikulum - GROUP

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

FIL 103

MGA TAGAPAG-ULAT

Panaligan, Juvida, Jenny


Lopez, Analy
Janine

Canal, Monique Alfonso, Alvin


BASP
CURRICULUM
PANGKAT IV - BSED I - FILIPINO
LAYUNIN
Natutukoy ang kahalagahan ng
pagiging handa at may kamalayan sa
paligid;
Natatalakay ang pagkakaroon ng
kaalaman sa oras ng mga kalamidad; at
Natutukoy ang mga positibong dulot
ng pagkakaroon ng kakayahan na
ipagtanggol ang sarili.
INTRODUKSIYON
Ang kurikulum ay kabuuan na nilalaman ng isang pinag aaralan, mga
gawain at mga pinagbatayan na puspusang pinili, isinaayos at ipinatupad
sa mga paaralan sa natatanging gawain pantao bilang isang institusyon
ng katarungan at makataong pagpapaunlad, sakop ng kurikulum ay
kabuuang tuon o layunin na dapat isakatuparan ng mga paaralan at
maabot ang mga tiyak na tunguhin ng pagtuturo. Bakit may kurikulum?
Ito ay upang makasabay sa kalakaran ng ating bansa at maging sa ibang
panig ng mundo. Ano ang kahalagahan ng kurikulum sa edukasyon? Ito
ang nagbibigay daan sa mga administrator upang magbigay ng isang
dinamika na programa ng edukasyon para sa mga mag aaral sa
kasalukuyan at hinaharap.
Ito ay nagbibigay din sa mga mag aaral ng pagunawa
sa kung ano ang nararapat na makamit nila upang
makakuha ng degree at nagsisilbing gabay ng mga
guro upang maituro ang mga nilalaman ng isang
aralin. Nagtataguyod din ito ng isang kaayusan at
istruktura sa paghahanap para sa tagumpay ng
akademiko, nakatutulong sa mga mag aaral upang
matuto ng maayos at makatulong sa pagpapaunlad
ng ating lipunan.
NILALAMAN
Ang BASP
ay akronim na binuo batay sa layunin na nais
maisatupad ng aming pangkat sa oras na kami ay magkaroon ng
pagkakataon upang magpatupad ng isang kurikulum sa
Edukasyong Sekundarya. Para ito sa pagpapatuloy at pagpapalago
ng kurikulum namayroon tayo sa kasalukuyan, ang K-12
Curriculum.
B -ASIC SELF-DEFENSE
A -IDING
S -ELF-AWARENESS &
P -REPAREDNESS
Sa pagpasok ng BASP Curriculum, nais namin na
panatilihin ang kasalukuyang kurikulum kung saan mayroong
Junior at Senior High School sa Edukasyong Sekundarya. Bilang
ang proyektong ito ay ginawa upang ang bawat guro, kawani
ng edukasyon, at mga mag-aaral ay malaman ang konsepto ng
self-defense, paunang lunas, pagkakarooon ng kamalayan, at
pagiging handa sa anumang oras sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng mga ito sa paksang pag-aaralan sa
Edukasyong Sekundarya. Ito ay upang malunasan at mabigyang
solusyon ang patuloy na pagdami ng nabibiktima ng mga
karahasan at maging ng mga sakuna.
NARITO ANG TALAAN NG MGA PAKSANG
PAG-AARALAN, ORAS NA GUGUGULIN, AT
ARAW NG PAGTATALAKAY PARA SA MGA
PAKSA BATAY SA NAKASAAD NA BASP
CURRICULUM:
Ang pag-aaral ng SAP (self-awareness & preparedness) sa
loob ng isang oras sa buong linggo (mula Lunes hanggang
Biyernes) at ang pagkakaroon ng talakayan sa ibang paksa sa
loob ng 50 minutos ang naging pagbabago batay sa BASP
Curriculum.

SENIOR HIGH
SCHOOL
Samantala, sa Senior High School naman ay ipapatupad ang
karagdagang pag-aaral ng dalawang paksa sa lahat ng strand. Ang Basic Self-
defense kung saan ay hahasain ang mga mag-aaral sa mga pamamaraan kung
paano ipagtatanggol ang sarili sa oras ng kapahamakan. At ang Aiding kung
saan ay ituturo sa mga mag-aaral ang mga pamamaraan ng paglunas sa mga
sugat, at iba pang paunang panlunas. Sa kurikulum na ito ay mananatili ang mga
kasalukuyang aralin at oras na laan para rito. Ngunit magkakaroon ng pasok sa
araw ng Sabado sa loob ng dalawang oras (8:00-10:00 am) para sa dalawang
subject na nadagdag sa pag-aaralan.
IMPLIKASYON SA
MAG-AARAL
Ang implikasyon ng kurikulum na ito sa edukasyon at maging
sa mag-aarral ay ang pagkakaroon ng advanced na kaalaman ang mga
mag- aaral patungkol sa pag protekta sa sarili, mataas na antas ng
paghahanda at mga paunang lunas. Ito ay maaaring magturo rin sa
kanila ng disiplina sa sarili. Ang pag-aaral ng pagtatanggol sa sarili ay
nangangahulugan ng higit pa sa pagsasanay sa mga partikular na pisikal
na kasanayan. Ang pinakamahusay na mga klase ay binibigyang-diin din
ang mga aralin sa pananatili sa isang moral na alituntunin at pamumuhay
sa tamang paraan. Samakatuwid, bilang karagdagan sa pag-aaral ng
isang serye ng mga galaw at gawain, natututo ang mga bata ng
kahalagahan ng pag-iisip sa pamamagitan ng mga isyung nararanasan
nila at pagpili ng tamang paraan ng pagkilos. Ano ang kahalagahan ng
pagtanggol sa sarili? Ang pag-aaral ng mga diskarte sa pagtatanggol sa
sarili ay makakapagbigay ng kumpiyansa at kapangyarihan - ang
kapangyarihang magkaroon ng kontrol sa panahon ng isang sitwasyong
nagbabanta sa buhay. Ang pagsasanay na ito ay dapat na mapabuti ang
konsentrasyon, pagtuon, pagpipigil sa sarili, kamalayan at pang-unawa.
IMPLIKASYON NG SAP SA MAG-AARAL
Ito ay kakayahang mag-focus ang mag-aaral sa sarili at kung
paano naaayon o hindi naaayon ang mga aksyon, pag-iisip, o
emosyon sa mga panloob na pamantayan.

Nagkakaroon ng mga priyoridad at pagpaplano kung ano ang


aksyon na gagawin upang makamit ang mga layunin.

Nakakagawa ng mabubuting pagpili batay sa sariling mga

pangangailangan at kagustuhan tungo sa pinakamainam na


desisyon para sa sarili.
IMPLIKASYON NG BASIC SELF-
DEFENSE SA MAG-AARAL

Makakatulong sa pagbuo ng tiwala sa sarili ng mga estudyante.


May sapat na kaalaman na maipagtatanggol ang sarili sa oras ng kapahamakan.
Pagsasanay na harapin ang suliranin
Napapaunlad ang kakayahan ng bawat mag aaral.
Pagpapatibay ng kanilang katawan at napapalawak ang kaisipan.

Pagkakaroon ng kamalayan sa kapaligiran at mahing handa sa lahat ng oras


(alerto).
IMPLIKASYON NG AIDING SA MAG-
AARAL
Makakatulong sa pagkakaroroon ng kasanayan sa mabisang pagpapagaling
May sapat na kaalaman sa pagpapagaling sa lalong madaling panahon at upang
maiwasan ang pagdami ng mamamatay dahil sa kakulungan ng panandaliang
lunas.
Makakatulong upang maseguro ng kaligtasan para sa sarili ,pamilya at ibang
nangangailangan.
Makakatulong sa pagpapagaan ng pakiramdam at sakit ng naaksidente .
Napapalawak ang pangkaisipan at napapaunlad ang kakayahan.
Nagkakaroon ng kamalayan na tumulong sa nangangailangan.
SANGGUNIAN
Sharma,H., 2022, Bakit Mahalaga ang Pag-aaral ng Self-Defense para sa
Iyong mga Anak?.
https://www.uniquenewsonline.com/tl/why-learning-self-defence-is-
important-for-your- kids/?
fbclid=IwAR2JyRotxpzMgoCQC8wpsFoAlgI2E7bXAIpMncaWvH4gUJ1QVNg
aMoaunAc

lwvworc.org, 2022, Bakit kailangan mong matuto ng self defense?.


https://lwvworc.org/tl/why-you-should-learn-self- defense?
fbclid=IwAR13lNQdHFVZ0ESW4Ib1PLHwlAf8Jj3vtrfEocdTS7ZRvxxmrlDJFB
vn5hY&__cf_chl_tk=SyW1GbXYQnus6vi8lAunqOWNTpdms_pSnkBXfox3mJ
g-1682558424-0-gaNycGzNDFA
SANGGUNIAN
Vineservidad, 2020, Kahulugan ng kurikulum at kalinangan ng kurikulum.pptx.
https://www.coursehero.com/file/52951599/Kahulugan-ng-kurikulum-at-kalinangan-
ngkurikulumpptx/fbclid=IwAR2jw5ivgc6JDqdzJZ7659iAl_E9VSKPmmRudRZ_FzPqgO
bitLtwwz081 X8

Scott, G., 2018, Five Reasons You Should Take a Self-Defense Class.
https://www.grabellaw.com/five-reasons-you-should-take-a-self-defense-
class.html?fbclid=IwAR0BrtZ7eQFxETDJL-
_F8wevimDUsl40z27dySYiw_J_0EwwmTRKQGlhtQM

Wikipedia, 2009, Paunang lunas.


https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Paunang_lunas?
fbclid=IwAR33nQ8C5q6fpe9DqoFDEC7O0_tRkb 67ytj5rzlPwGQETlMAYd-cfzsiR9E
LAUS DEO!

You might also like