Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

I.

LAYUNIN Banghay-Aralin sa Filipino 7


A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa Ibong
Ikaapat naAdarna bilang isang obra maestra sa Panitikang Pilipino
Markahan
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal ng ilang
saknong ng koridong naglalarawan ng mga pagpapahalagang
Pilipino
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nakapagmumungkahi ng angkop na solusyon sa mga suliraning
narinig mula sa akda.(F7PN-IVc-d-19)
II. NILALAMAN Aralin 3

III. MGA KAGAMITANG PANTURO


Mga Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro TG. p141
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral
Gawaing Pagkatuto 3, Kwarter 4
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan Mula sa LR Portal
5. Iba Pang Kagamitang Panturo Laptop, powerpoint,
IV. PAMAMARAAN
Panimulang Gawain:
1. Panalangin
2. Pag-alam ng liban sa klase
3. Pagbibigay Panuntunan

Mga panuntunan:

Ang sumusunod ay ang mga panuntunan na dapat sundin ng mga


mag-aaral sa oras ng klase.
 Sa oras ng klase, pinapakiusapan ang lahat na iwasan
ang mga bagay na nakakahadlang sa pakikinig sa
oras ng talakayan.

Siguraduhing nakapagsanitized ng kamay, nakatsek ng


temperature ng katawan at nakasuot ng maayos ang
kani-kanilang mga facemask.

Panatiliin ang pagiging aktibo sa klase sa oras ng


talakayan.
 Kung may katanungan ay maaaring itaas ang kamay
bilang tanda ng paghingi ng permiso upang
makapagsalita.

 Ugaliin ang pagiging magalang sa lahat ng


pagkakataon lalo na sa oras ng klase.

 Irespeto ang bawat opinyong inilalahad ng mga


kamag-aral sa ating talakayan.

A. Pagsisimula ng Bagong Aralin BALIK-ARAL:


Ang mga mag aaral ay bubuuin ang mga salitang hindi
nakasaayos ang mga titik. Buhat sa mga salitang nabuo ay
magbibigay ang guro ng katanungan upang sagutin ng
nakahula.
Mga salitang dapat buuin:
 Korido
 Awit
 Berbanya
 Pananampalataya
 Kahalagahan

B. Paghahabi sa layunin ng Aralin


Ipapabasa ng guro ang layunin para sa buong oras ng pagklase.
Nakapagmumungkahi ng angkop na solusyon sa mga
suliraning narinig mula sa akda.(F7PN-IVc-d-19)

Ano ang inyong pagkaunawa sa salitang suliranin? Sa salitang


solusyon?
Ang mga mag-aaral ay malayang nakapagbibigay ng kanilang
opinion hinggil sa salitang ibinigay ng guro.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Paglalahad ng halimbawang karanasan bilang anak, kapatid
at kaibigan.
Ang mga mag-aaral ay maaaring mag-lahad ng mga karanasan
na maaaring maiugnay sa mga pangyayaring naganap sa akda.
Ibabahagi rin nila ang kanilang mga nagging solusyon sa
suliraning ito.
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1 Gawain 1: Hashtag ko, Ipaliwanag mo
Panuto: Ang mga mag-aaral ay kinakailangan makapaglahad ng
kanilang ideya batay sa kung anong suliraning panlipunan ang
ipinapakita sa larawan o hashtag na ipinakita ng guro. Sa bawat
suliraning ito ay inaasahan ng guro na makapagbibigay din ang
mga bata ng angkop na solusyon ukol dito.

Talakayan tungkol sa suliranin at solusyon.


E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng Manonood/makikinig ng ilang bahagi palabas tutukuyin ang
bagong kasanayan #2 problema at magbibigay ng solusyon
F. Paglinang sa Kabihasaan Gawain 3 : INDIBIDWAL NA GAWAIN
(Tungo sa Formative Assessment) Panuto: Ang mga mag-aaral ay pipili ng mga suliraning
kinakaharap ng mga pangunahing tauhan sa akda. Kinakailangan
nilang makapaglahad ng mungkahing solusyon sa pamamagitan
ng isa sa mga sumusunod:
1.Maikling tula
2. Slogan
3. Pagguhit
4. Pagsulat ng sanaysay

Pamantayan sa Pagmamarka

Naibigay Di Walang
ang gaanong naibigay
angkop na naibigay na
solusyon ang solusyon
solusyon
Kaugnaya
n sa paksa
(Nakapag 8 6 4
bigay ng
angkop na
solusyon)
Presentas Mahusay Di Di
yon ang gaanong maayos
presentas maayos ang
yon ang presentas
7 presentas yon
yon 3
5
Pagkakais May Di Walang
a ng mga pagkakais gaanong pagkakais
ideya a ang ang nagkaisa a mga
batay sa bawat ang mga ideyang
husay ng ideya ideya inilahad
paglalaha 5 4 3
d nito
Kabuuan
20 15 10

G. Paglalahat ng aralin Panuto: BUUIN MO AKO.


Bahagi na ng ating buhay ang mga suliranin,
pansarili,pampamilya, pampaaralan at panlipunan kaya nararapat
na tayo ay maging
_________________________________________________
__________________________________________________
Upang ito’y ating malampasan.
H. Paglalapat ng Aralin sa pang-araw-araw na buhay Panuto: MASAYA O MALUNGKOT?
Gamit ang emoji na smiley (nagpapakita na tama ang pahayag)at
sad face (nagpapakita na mali ang pahayag)ibigay ang inyong
kasagutan sa mga sumusunod na pahayag. Itaas lamang ang
emoji upang maipakita ang inyong sagot..
1.Mahalaga ang pananalig sa Diyos upang hindi tayo matalo ng
mga suliranin.
2.Nararapat na maging positibo sa pagharap sa mga suliranin
3.Ang mga problemang nararanasan natin ay dapat na sarilinin
na lamang.
4.Ang mga mabibigat na suliranin na dumarating sa ating buhay
ay nararapat na takasan na lamang.
5. Lahat ng suliranin ay may solusyon
I. Pagtataya ng Aralin Panuto:
Papakinggan ng mga mag-aaral ang mga bahagi ng Ibong
Adarna at magbibigay sila ng solusyon
sa suliraning inilahad.

J. Takdang-aralin/Karagdagang Gawain Takdang-aralin:


Magsaliksik ng mga suliraning panlipunan sa
kapaligiran/komunidad na nagaganap sa kasalukuyang panahon.

Inihanda ni:

John Harold C.Barba, LPT

Guro sa Filipino

You might also like