Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

School: Igpit Elementary Grade IV

DAILY School Level:


LESSON Teacher: Learning Araling
LOG Area: Panlipunan
IV
Teaching Dates Februay 28, 2023 Quarter: 3 Quarter
rd

and Time:

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pang unawa sa bahaging ginagampanan ng
pamahalaan sa lipunan, mga pinuno at iba pang naglilingkod sa
pagkakaisa, kaayusan at kaunlaran ng bansa
B. Pamantayan sa Pagganap Nakapagpapkita ng aktibong pakikilahok at pakikiisa sa mga
proyekto at Gawain ng pamahalaan at mga pinuno nito tungo sa
kabutihan ng lahat
C. Kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri ang balangkas o istruktura ng pamahalaan ng Pilipinas
Natutukoy ang mga namumuno sa bansa
II. NILALAMAN Ang mga namumuno sa bansa
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
- Mga pahina ng gabay ng guro
- Iba pang kagamitan Video clips, mga larawan, mga panturong biswal
IV. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng
Mag-aaral
A. Balik-aral sa nakaraang Bago tayo magsimula nais kong malaman kung naaalala nyo pa ba ang pinagusapan Teacher ako po,
aralin at/o pagsisimula natin noong isang linggo? Sino ang gustong magbahagi? Ang ating pinagusapan po
ng bagong aralin noong nakaraang linggo ay
tungkol sa antas ng
pamahalaan

Cher ang pamahalaang


Tama! Ang mga antas ng pamahalaan. Ano ang dalawang antas ? lokal at pamahalaang
pambansa po.

Magaling!
B. Paghahabi ng layunin Sa ating pagpapatuloy may gagawin tayo
ng aralin
(Ipakita ang inihandang graphic organizer)

Alam nyo ba kung ano ito ?


Hindi po!
Kung ganon, ito ay isang graphic organizer na kung saan ginagamit ito upang ibigay
ang kategorya ng konsepto. Ang kategoryang nakalagay dito ay ang balangkas ng
Pamahalaan.
Opo!
Ngayon, may inihanda ako dito, ang gagawin ninyo ay punan ng tamang sagot ang
mga nawawalang elemento sa graphic organizer na ito. Hahatiin ko kayo sa
dalawang grupo at pagtulongan ninyong punan ang mga hinihingi sa graphic Opo!
organizer na ito. At kung kayo ay tapos na, magtala ng isa o dalawang reporter at
ipaliwanag ang inyong awtput.

Naintindihan ba ? Tapos na po

Kami po cher!
Handa na ba kayo ? (ipinagpatuloy ng
ikalawang grupo)

Tapos na ba ?
Opo!
Magaling, at sino ang gustong mauna magpaliwanag ?

Magaling! Nasiyahan ba kayo sa ating ginawa?


C. Paguugnay ng mga Mabuti!
halimbawa sa bagong
aralin Mula sa ating natalakay noong isang linggo ipagpapatuloy natin iyon ngayon. Diba
ang ating aralin ay tungkol sa balangkas at istruktura ng pamahalaan ng Pilipinas?

Opo!

Ano nga ulit ang dalawang antas ng pamahalaan?


Ako po cher, ang lokal at
ang pambansang
pamahalaan po.

Tama, at ang bawat saklaw ay may mga namumuno.


Sa araw na ito ating tatalakayin ang mga gigampanang trabaho ng mga pinuno ng
ating bansa.
Opo!
Handa na ba kayong makinig ?

D. Pagtatalakay ng bagong Ang bawat bansa ay pinamumunuan ng isang lider na siyang nagbibigay ng
konsepto at paglalahad direksyong politikal at may kontrol sa mga gawain ng kanyang mga miyembro,
ng bagong kasanayan maging sa mga mamamayan, kumonidsad, at buong bansa.
#1 Tulad ng nabanggit sa sa nakaraang aralin, nahahati sa tatlong sangay ang
pamahalaan ng Pilipinas-ang tagapagpaganap, tagapagbatas, at tagapaghukom. May
kani-kaniyang saklaw na gawain ang bawat sangay. Magkagayon man, iisa at
nagkakaisa sila sa layunin na pagpapaunlad ng bansa at mamamayan nito.

Sangay na Tapagapagpaganap

Pangulo
 Pinuno ng pamahalaan
 Punong kumander ng sandatahang lakas
 Kinakatawan ang bansa sa iba pang mga bansa sa daigdig
Pangalawang Pangulo
 Siya ang maaring pumalit sa pangulo kung siya ay mamatay o hindi na
karapatdapat sa kanyang tungkulin
Gabinete
 Binubuo ng iba’t-ibang ahensya o kagawaran
 Ang bawat kagawaran ay pinamumunuang ng isang kalihim na katulong ng
Pangulo sa pagpapatupad ng mga pambansang programa o proyekto

Mga Ahensiya sa ilalim ng Sangay na Tagapagpaganap


1. KAGAWARAN NG AGRIKULTURA O DEPARTMENT OF AGRICULTURE
(DA)
- ito ang nangangasiwa sa mga usapin at programa hinggil sa agrikultura ng bansa.
2. KAGAWARAN NG EDUKASYON O DEPARTMENT OF EDUCATION
(DepEd)
- Ito ang nangangasiwa at nagpapatupad ng mga programa sa edukasyon sa bansa
maging publiko man o pribadong paaralan.
3. KAGAWARAN NG PAGGAWA AT EMPLEYO O DEPARTMENT OF
LABOR AND EMPLOYMENT (DOLE)
- Tungkulin ng kagawarang ito na pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa
sa loob o labas man ng bansa. Gayundin ang pagpapatupad ng mga batas sa
paggawa.
4. KAGAWARAN NG PANALAPI O DEPARTMENT OF FINANCE (DOF)
- Ito ang nangangasiwa sa mga usaping may kinalaman sa pananalapi ng bansa.
5. KAGAWARAN NG PAGAWAING PAMBAYAN AT LANSANGAN O
DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS (DPWH)
-Ang pangangasiwa sa mga programang imprastraktura tulad ng mga gusali, daan at
tulay ay nasa ilalim ng kagawarang ito.
6. KAGAWARAN NG TANGGULANG PAMBANSA 0 DEPARTMENT OF
NATIONAL DEFENSE (DND)
- Ito ang naatasang manguna sa pangangasiwa at pangangalaga sa seguridad ng
bansa
7. KAGAWARAN NG KALUSUGAN O DEPARTMENT OF HEALTH (DOH)
- Ang ahensiyang ito ang nangunguna sa pangangalaga sa kapakanang
pangkalusugan ng mga mamamayan ng bansa.
8. KAGAWARAN NG INDUSTRIYA AT KALAKALAN 0 DEPARTMENT OF
TRADE AND INDUSTRY (DTI)
- ang mga usaping hinggil sa pagpapaunlad ng kalakalan at industriya ng bansa ay
pinamumunuan ng ahesiyang ito. Maging ang pagtiyak sa tamang presyo ng mga
bilihin ay pinangangasiwaan nito.
9. KAGAWARAN NG PANLIPUNAN PAGLILINGKOD AT PAGPAPAUNLAD
0 DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT (DSWD)
-ang ahensiyang ito ang nangangasiwa at nagkakloob ng iba’t-ibang serbisyong
panlipunan lalo na sa mga kapuspalad na mamamayan
10. KAGAWARAN NG REPORMANG PANSAKAHAN O DEPaARTMENT OF
AGRICULTURAL REFORM (DAR)
- Ipinapatupad ng ahesiyang ito ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa mga
repormang agraryo.
11. KAGAWARAN NG LIKAS NA YAMAN AT KAPALIGIRAN
(DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES, DENR).
Kabilang sa mga gawain ng ahensiyang ito ang pagtiyak na napangangalagaan ang
mga likas na yaman ng bansa.
12. KAGAWARAN NG INTERYOR AT LOKAL NA PAMAHALAAN
(DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT DILG).
Ang ahensiyang ito ang namamahala sa mga usaping may kinalaman pamahalaan.
sa mga lokal na pamhalaan
13. KAGAWARAN NG TURISMO (DEPARTMENT OF TOURISM, DOT). Ito
ang ahensiyang nangangasiwa sa mga usapin kaugnay ng turismo o pagpapakilala
tungkol sa Pilipinas sa loob at labas man ng bansa.
14. KAGAWARAN TRANSPORTATION AND COMMUNICATION, DOTC).
Pinagtutuunan ng ahensiyang ito ang pagpapaunlad ng sistema ng transportasyon at
komunikasyon sa bansa. Ito ang nangangasiwa sa pagkakaloob ng prangkisa mga
komunikasyon at sa telekomunikasyon gayundin ng mga gamitan na may
kaugnayan dito.
15. KAGawaran ng Enerhiya (Department of Energy, DOE). Ito ang kagawaran na
nangangasiwa sa tiyak na pagkakaroon ng sapat na tustos ng koryente sa bansa.
Minamatyagan din nito ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
16. KAGAWARAN NG BADYET AT PAMAMAHALA (DEPARTMENT OF
BUDGET AND MANAGEMENT, DBM). Ang pamamahala tamang sa paggastos
ng pamahalaan sa kaban nito ang pangunahing gawain ng ahensiyang ito. Nababatay
ang gawaing ito sa batas sa pambansang gastusin ng pamahalaan o ing General
Appropriations Act.\

Madami-dami nga ang mga ahensiya ng gobyerno at lahat ng iyong ay mahalaga


para sa ating mga mamamayang Pilipino.\
Ilan nga ang ahensiya na sakop ng sangay na tagapagpaganap?

16 (labing anim)po !

Tama! Sa tingin nyo paanong mapapaunlad ng mga ahensiyang iuto ang ating buhay
Tutulungan po nila tayo!

Tama, tutulongan nila tayto gamit ang mga programang kanilang ipapatupad alang-
alang sa kapakanan nating mga pilipino.Ipagpoatuloy natin ito.

E. Pagtatalakay ng bagong Sangay na Tagapagbatas


konsepto at paglalahad  Ito ang Senado at Kapulungan ng mga kinatawan.
ng bagong kasanayan  Binubuo ito ng 24 na senador.
#2  Kalahati sa mga ito ay tuwirang inihalal tuwing ikatlong taon at
manunungkulan sa loob ng anim na taon. Binubuo ito ng 24 na senador
pinaamumunuan ng pangulo ng senado.
 Ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay binubuo naman ng mga kinatawan ng
mga distrito sa buong bansa at ng mga miyembro ng partylist ng iba't ibang
sektor.
 Maninilbihan sila sa distritong kanilang kinabibilangan sa loob ng tatlong taon.
Ang mga kinatawan ay pinamumunuan ng ang Ispiker na inihalal ng mga
kinatawan

Sangay na Tagapaghukom
 Ang sangay tagapaghukom ay na pinamumunuan ng Korte Suprema o Kataas-
taasang Hukuman. Binubuo ito ng isang Punong Mahistrado at 14 na katulong
na mahistrado. Maaring Manungkulan ang mga mahistrado hanggang sumapit
sila Sa gulang na 70.
 Ang Court of Appeals o Sandiganbayan ay isang espesyal na hukuman para sa
mga opisyal ng pamahalaan na may kaso ng korapsyon.

Ano ang sangay na binubuo ng senado at kapulungan ng mga kinatawan ? Sanya na tagapagbatas!

Sino naman ang namumuno sa sangay na tagapaghukom? Punong Mahistrado at 4 na


katulong na mahistrado!

F. .Paglinang sa Isulat ang letra ng tamang sagot.


Kabihasaan  (Tungo sa
Formative Assessment) 1. Ito ang nangangasiwa sa mga usapin at programa hinggil sa agrikultura ng bansa. a
a. kagawaran ng agrkultura
b. kagawaran ng turismo
c. kagawaran ng turismo

2. Binubuo ito ng 24 na senador. b


a. Tagapaghukom
b. Tagapagbatas
c. Tagapagpaganap

3. Ito ay isang espesyal na hukuman para sa mga opisyal ng pamahalaan na may


kaso ng korapsyon.
a. Court of Appeals a
b. Tagapaghukom
c. DILG
G. Paglalapat ng aralin sa Bilang isang mag-aaral ano ang maaring maitulong nga mga ahensiya sa inyo.\
pang araw-araw na Makaktulong po sila sa
buhay aming pag-aaral, na
mnagkaroon ng libreng
matrikula
Tama! Maraming bagay ang pwedeng maitulong ng mga ahensiyang ito sa ating
pangaraw-araw na buhay. Nandiyan na ang libreng matrikula para sa mag-aaral,
trabaho para sa ating mga magulang, pati na iyong 4ps. Sino sa inyo ang miyembro
ng 4ps?
Ako po cher!

Mabuti, natutulongan nito ang mga pamilyang naghihirap lalo na at masuportahan


ang mga batang nag-aaral.

H. Paglalahat ng Aralin
Paano nakakatulong sa mga ahensiya ng ating bansa sa atin mga mamamayan?
Sa pamamagitan ng
pagprotekta sa atin
Magaling, makakatulong ang mga ahensiya sa atin sa pamamagitan ng pagprotekta,
magbibigay ng mga programang angkop sa ating mga pangangailangan tungo sa
ating magandang kinabukasan. .
I. Pagtataya ng Aralin Kunin ang inyong mga kwaderno at sagutan iyo.
Hanapin sa hanay B ang pagdadaglat na hinahanap sa hanay A. Isulat ang titik ng
tamang sagot.

Hanay A Hanay B

1. Department of Education a. DENR


2. Department of Health b. DILG
3. Department of Interior and Local c. DepED
Government d. DOH
4. Department of Trade and Industry e. DTI
5. Department of Environment and f. DBM
Natural Resources g. DWD
6. Department of National Defense h. DA
7. Department of Social Welfare and i. DOE
Development j. DND
8. Department of Agriculture
9. Department of Energy
10. Department of Budget and
Management

J. Karagdagang gawain Iguhit ang kung ang isinasaad ng pangungusap at tama at kung mali.
para sa takdang-aralin at
remediation _____1. Ang Pangulo ang namumuno sa pamahalaan
_____2. May tatlong sangay ang pambansang pamhalaan
_____3. Nakakatulong ang mga ahensiya sa mamamayang pilipino
_____4. Ang senado ay binubuo ng 24 na senador
_____5. Korte Suprema ang namumuno sa sangay na Tagapaghukom
_____6. Isa lang ang antas ng pamahalaan
_____7. Sa barangay namumuno ang gobernador
_____8. Ang alkalde ang namumuno sa lungsod
_____9. Kagawaran ng agrikultura ang nangangasiwa sa mga usapin at programa
hinggil sa agrikultura ng bansa.
_____10. Kagawaran ng Edukasyon ang nangangasiwa at nagpapatupad ng mga
programa sa edukasyon sa bansa maging publiko man o pribadong paaralan.
Inihanda ni:
Rusgin M. Enerio
Pre-Service Teacher
Grade IV - Friendly

You might also like