Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Makilala Institute of Science and Technology

Senior High School Department


Poblacion, Makilala, Cotabato

Ipinasa ni: Marjorie J. Dag-om

Ipinasa kay: Maam Venus Niccolas

PICTORIAL ESSAY

“Ale pahingi po”, pamilyar ba sa iyo ang katagang nabanggit? Marahil dahil narinig mo na ito o di
kaya ay nakasalamuha mo na sila. Sino ba sila? Sino ba ang mga taong ito? Ano ba ang mga katayuan nila
sa lipunan? Paano sila namumuhay? Sila yung mga taong tinatawag nating “MAHIHIRAP”. Ilan sa kanila
ay nakikita natin sa kalye, sa tabi ng kalsada o kahit saan saan lang. Hindi madali ang buhay ng mahirap,
palagi silang nasa delikado na sitwasyon, at malapit sa sakit.

Maari naman natin itong maiwasan kung ang bawat isa sa ating ay makikipagtulungan, may disiplina,
hindi nagmamalabis at iniiwasan ang corruption.Sama-Sama tayong lahat na sugpuin ang kahirapan
upang umunlad ang ating bansa. Itigil na natin ang pag-aaway at mga digmaan dahil mas lalo lang
nakakasira sa bawat isa lalo na sa ating bansa.

Pero paano? Simple lang naman sa pamamagitan ng gawa. Tama na ang mga salita at magsimula na
tayong kumilos hanggan may oras pa. Dahil tayo at tayo rin naman ang maapektuhan nito.
Isa sa mga salik ng kahirapan ay ang “Mabilis na Pagdami ng Populasyon ng mga Tao”. Dahil
sa kakulangan ng kaalaman ng tao tungkol sa “FAMILY PLANNING” ay di nila maiiwasan na magkaroon
ng maraming mga anak. Ito rin ay dahil sa kasalatan nila ng salapi upang makapag aral at sa katayuan
nila sa lipunan bilang mga mahihirap lang. Hindi na sila nabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng
sapat na edukasyon at kamalayan sa maaari nilang sapitin sa hinaharap. Kasama rin nito ang PRE-
MARITAL SEX o ang pagtatalik bago ang kasal o pagtatalik kahit di pa sila kasal. Sumasalungat naman ito
sa tunay na kahulugan ng buhay ng tao at sa kautusan ng Panginoon.

Isa rin sa mga salik na nakakaapekto nito ay ang maagang pagbubuntis o TEENAGE PREGNANCY.
Kadalasan sa mga maagang nagbubuntis ay ang mga kabataan, lalong-lalo na ang mga kababaihan.
Nakararanas sila ng mga pang aabuso, karahasan at di pantay na pagtrato sa lipunan. Hindi madali ang
buhay bilang isang batang ina, lalo na kung wala kang alam kung paano mag alaga ng isang sanggol.

You might also like