Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Filipino 9

WEEK Ikatlong Markahan-Modyul 6

6
PANITIKAN: Noli Me Tangere (Nobela)
Si Sisa

Alamin

Inaasahan ko na pagkatapos ng ating paglalakbay nagagawa mo ang mga


sumusunod:
1. Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga pangyayaring naganap sa
buhay ng tauhan F9PN-IVd-58
2. Naipaliliwanag ang pagbibigay-pahiwatig sa kahulugan F9PT-IVe-f-59
3. Naihahambing ang mga katangian ng isang ina noon at sa kasalukuyan batay sa
napanood F9PD-Ivg-h-59
4. Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan sa pamamagitan ng
paguugnay sa ilang pangyayari sa kasalukuyan F9PN-IVe-f-59
5. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagtupad sa tungkulin ng ina at anak F9PS-IVg-
h-62

Aralin
“Si Sisa”
6 (Noli MeTangere)

TUKLASIN
Handa ka na ba sa susunod na gawain? Magaling! Bago natin basahin ang
nakasasabik na akda ay may inihanda muna akong gawain sa iyo. Galingan mo!

Gawain 1: Concept Map


Panuto: Magbigay ng mga katangian na taglay o dapat taglayin ng isang modernong ina.
ina

Gawain 2. Ina ko, Ipagmamalaki Ko!


Panuto: Ngayon naman, ihambing mo ang iyong ina sa isang bagay. Iguhit o gumupit ng
larawan ng bagay na ito at ipaliwanag ang pagpili rito.
Bagay

Pangalan
o
Larawan ng ina
( Opsyonal )
Paliwanag

Halika na! Tunghayan natin ang mga kapana-panabik na mga pangyayari sa buhay at
katauhan ni Sisa!

SISA
Isang gabi, umuwi na lamang si Basilio na duguan ang noo at may daplis ng isang
punglo. Nanginginig sa takot at nerbyos si Sisa sa hitsura ni Basilio at mag-isang umuwi na
hindi kasama si Crispin. Tumakas si Basilio sa kamay ng sakristan mayor. Naabutan siya ng
curfew kaya hinabol siya ng mga guwardiya sibil. Nang hindi siya tumigil ay tsaka siya
pinaputukan g mga ito.
Kinaumagahan, pinuntahan ni Sisa si Crispin sa simbahan ngunit laking gulat niya
nang sinabi ng mga utusan na wala na doon si Crispin sapagkat nakipagtanan daw ito. Hindi
malaman ni Sisa kung saan hahanapin si Crispin kaya’t bumalik siya sa kanilang dampa.
Pagdating sa kanilang tahanan, napatigagal si Sisa nang hindi nadatnan si Basilio at tanging
kapirasong punit ng damit nito na may dugo ang naiwan.
Hindi alam ni Sisa ang gagawin. Bumalik siya sa bayan. Iyak nang iyak si Sisa.
Hinahanap ang kaniyang mga anak. Nalaman ni Sisa na napagbintangan si Crispin ng salang
pagnanakaw ng dalawang onsa. Kaya maging siya ay hinuli at ikinulong ng mga guwardiya
sibil ngunit pinalaya rin. Labis na ikinabahala at ikinalungkot ni Sisa ang mga pangyayaring
ito. Di kalaunan ay kinain ito ng pagkawala sa sarili. Nakita na lamang itong nasa lansangan
at tumatangis. Si Pedro na asawa ni Sisa ay napatay rin sapagkat kasama siya sa pag-aalyan
laban sa mga guwardiya sibil.
Pagsapit ng Noche Buena, mahigit isang buwan na ring nanatili si Basilio sa
magasawang nakahanap at kumupkop sa kaniya. Nagpaalam at nagpasalamat siya sa mga ito
at sinabi niyang kailangan na niyang umuwi tiyak na nag-aalala na ang kaniyang ina. Umuwi
na si Basilio sa kanila upang hanapin ang kaniyang ina at kapatid na si Crispin. Wala siyang
nadatnan sa kanilang tahanan. Tumuloy siya sa bayan, nakita niya ang kaniyang ina na si
Sisa. Sinundan niya ito hanggang sa makarating sila sa lupain ng mga Ibarra at sa libingan ng
nuno ni Crisostomo. Doon, niyapos niya ng yakap ang kaniyang ina. “Ina, ako ito si
Basilio!.” “Basilio, anak ko!.” Nakilala ni Sisa ang kaniyang anak, ngunit sa pagkakataong
iyon unti-unting pinanghinaan si Sisa hanggang sa nalagutan ito ng hininga.

Suriin
Magaling kaibigan! Natunghayan mo ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ni
Sisa. Ngayon naman ay sagutan mo ang mga sumusunod na gawain:
Gawain 3. Opinyon Mo, Ipahayag Mo
Panuto: Ilahad ang iyong opinyon at ideya sa mga sumusunod na katanungan.
1. Sino si Sisa?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Masasabi mo bang ulirang asawa at ina si Sisa. Bakit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, maituturing mo bang isang biyaya ang pagkawala ng tamang
pagiisip ni Sisa? Bakit o bakit hindi?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
4. Sino ang may kasalanan sa kasawian ng isang pamilya? Ano nga ba ang tungkulin at
responsibilidad ng isang ama?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
PAGYAMANIN
Gawain 4. SISA-serye
Panuto: Ihambing si Sisa sa kasalukuyang maybahay batay sa mga napanood na teleserye.
Sisa sa Noli Me Tangere SISA sa teleserye

Gawain 5. Hanapin Mo
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Hanapin sa loob ng kahon ang
kahulugan ng mga salitang may salungguhit at ipaliwanag ang ipinapahiwatig nitong
kahulugan.

magasta nawala inasikaso


karaniwang kulay ng Pilipino kaakit-akit kasiya-siya

1. Ang asawa ni Sisa ay walang inatupag kundi ang magsabong at mag-aksaya ng


panahon.
2. Nang wala nang maipantustos si Sisa sa bisyo ng asawa, sinimulan na siyang saktan.
3. Makikita sa bakas ng mukha ni Sisa na siya’y maganda at kabigha-bighani.
4. Dahil sa kahirapan, bukod sa sama ng loob dulot ng walang-pusong asawa, ang
kanyang kagandahan ay naglaho.
5. Si Sisa ay halimbawa ng tinatawag na kayumangging kaligatan.

Isaisip
Panuto: Punan ang patlang upang makumpleto ang buong diwa nito.
1. Masasabi kong isang martir na asawa at mapagmahal na ina si Sisa sapagkat
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. May kasalanan din si Sisa sa ipinagkagayon ng kanyang asawa sa paraang:


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. Sinisimbolo ni Sisa ang _________________________________________________


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

You might also like