Filipino Performance Task #1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

FILIPINO PERFORMANCE TASK #1

KALBARYO
TUNGO SA
TAGUMPAY
NI : MARIBETH M. RIVERA
KALBARYO TUNGO SA TAGUMPAY
NI : MARIBETH M. RIVERA

Sa murang katawan ni Rona, ang hirap ng trabaho at salat na


pagkain sa piling ng tiyahin ay hindi niya inalintana. Siya ay alilang-
kanin. Ang mahalaga’y patuloy siyang nakapag-aaral sa Baesa High
School. Lagi niyang nilalakad pauwi ang Caloocan at Quezo na halos
ay apat na kilometro ang layo

Wala siyang pocket-money, walang snack, laging nagugutuman.


Pagdating ng bahay, kahit pagod at gutom, kailangan niya munang
maghugas ng mga kaldero’t pinggan na nakatambak sa lababo bago
siya makakakain. Kadalasan, matutulog na lang siya ay pasigaw pa
siyang uutusan ng mga pinsan.

“Hoy, plantsahin mo muna yung maong! ‘yung polo!”


Dalawang taon nahirahan at nanilbihan si Rona sa tiyahin. Nang
makatapos ng high school ay kinuha siya ng kapatid at dinala sa Cebu
City.

Nagpatuloy ng pag-aaral si Rona, naging academic scholar at


nagtapos ng edukasyon nang may karangalan – Magna cum laude.
Muli siyang nag-aral tatlong kurso ang natapos niya at naging Doctor
of Education. Nakapag-asawa siya ng isang abogado.

Ngayon ay isa nang matagumpay na educator at businesswoman si


Rona. Isa na siyang milyonarya at maligaya sa piling ng tatlong anak
at mapagmahal na kabiyak.

Sino ang mag-aakalang ang dating inapi ay isa nang matagumpay,


at respetadong tao sa mataas na lipunan? Ang mga pinsan nasa kanya
ay nang-api ay walang natapos na pinag-aralan, ganoon pa rin ang
buhay hindi umasenso. Ang iba ay nakapag-asawa ng mga hirap din
ang buhay.
PALIWANAG SA PABALAT : Ang babaeng nasa larawan ay si Rona na
pinagmamasdan ang dagat. Pinili ko ang pabalat na ito dahil maihahalintulad ko ang dagat
sa buhay ng isang tao. Ang dagat ay isa sa biyayang nilikha ng Diyos. Kung minsan
nakakaranas ng mataas o taib na tubig. Malalim at nagbabadya ng panganib sa buhay.
Ikalawa, ang tubig sa dagat ay hibas o mababa na kung saan abot tanaw ang ilalim ng
dagat. Maihahalintulad ito sa buhay ng tao dahil lahat ng tao nakakaranas ng problema.
Kaya huwag nating hayaang masira tayo ng dagat (problema) bagkus gumamit tayo ng
sagwan (pag-asa) upang makapagpatuloy sa ating paglalakbay (buhay)

You might also like