Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang mga nilalang ay may iba’t ibang wikang gina gamit.

Mula sa kanyang pagsilang hanggang sa


kanyang paglaki ay mayroon syang natutuhang wika. Ang unang wikang natutunan ng isang
indibidwal simula pagkabata ay tinatawag na Unang wika. Ang unang wika ay tumutukoy sa mga
katutubong wika ng isang tao sa bawat rehiyon. Sinasabing ang Pilipinas ay mayroong humigit
kumulang na 165 na katutubong wika. Ang naimbag a bigat mo na nangangahulugan ng “Magandan
Umaga sa Ilokano, ang unsay pangalan nimo na ngangangahulugang “aano ang pangalan mo?. Ang
Diin ka nag halin? Sa Hiligaynon na nangangahulugang Saan ka galing?, habang ang Karuyag ko ini sa
Waray na nangangahulugang Gusto ko to! At ang Daragang magayon ng Biclano na
nangangahulugang Magandang Dalaga ay ilan lamang sa mga unang wika o katutubong wika ng
Pilipinas. Ang pagkakaiba-iba ng wikang giangamit ng mga tao ay dahil sa sistemang heroglapikal ng
bansang Pilipinas kung saan magkakahiway – hiwalay ang mga lalawigan nito. Malaki ang papel na
ginagampanan ng katutubong wika sa larangan ng edukasyon sapagkat ito ay ginagamit bilang
wikang pantulong sa lahat ng paaralan. Ang patakarang ito ay napapaloob sa Kautusang
Pangkagawaran Blg. 74, S. 2009 na nag-utos ng institusyunalisasyon ng MTB – MLE sa Sisteman
pang- Edukasyon.
Ang makabagong MTB – MLE o Tongue Based na Sistema ng
Edukasyon ay nagbibigay diin sa mahalagang papel ng katutubong wika sa Edukasyon. Ito ay naiiba
sa Bilinggwal na Edukasyon na nilagdaan noong 1974 sa katauhan ng Kautusang Pangkagawaran Blg.
25, S. 1974 na nagtatakda na Ingles ang gagamitin bilang wikang panturo sa mga asignaturang
Agham at Matematika at wikang Filipino naman sa lahat ng iba pang asignatura sa mababa at
mataas na paaralan. Anupa’t ang kahalagahan ng katutubong wika ay hindi matatawaran. Sapagkat
ang mga tao ay likas na rehiyunalistiko kung minsan hindi kaagad magkakaunawaan sa isang iglap
lamang. Kung kaya, ang pamahalaan ay gumawa ng paraan upang pamag-ugnay ang mga tao sa
pamamagitan ng iisang wika na magagamit sa pakikipagkomunikasyon ng mga mamayan
nakinasasakupan nito. Ito ang tinatawag na pambansang wika kung saan laganap ito sa buong
Pilipinas. Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino at habang nililinang pa ito ay dapat
pagyabungin at pagyamanin salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika. Ito ay
nakasaad sa Artikulo VIV, Seksyon 6 ng Saligang Batas. Ang Filipino ay tinaguriang L2 o ikalawang
wika ng mga mamamatan sa Pilipinas kung saan natutunan nila ito sa pakikipaghalubilo sa
kapaligiran. Ang opisyal na wikang panturo sa Pilipinas ay Filipino at Ingles habang wala pang ibang
umiiral na wika. Ang wikang panturo ay itinadhana ng batas upang magamit bilang midyum ng
edukasyon upang matamo ang mataas na antas ng edukasyon habang ang wikang opisyal ay ang
wika na itinandhana upamg gamitin bilang midyum ng komunikasyon. Dapat isaisip na ang wika
maging wikang Pambansa o wikang katutubo ay mahalaga sa isang tao.

Ang wika ay may may dalawang pangkalahatang uri. Ito ay ang wikang pormal at di pormal.
Ang wikang pormal ay ginagamit sa mga sitwasyong ang pinag-uusapan ay mga
makakatutuhanang bagay o mga pangyayari kagaya ng balita o nang mga talakayang
pang-edukasyon. Ang di pormal na wika naman ay ginagamit sa di – pormal na sitwasyon
kagaya nang sa palengke o di naman kaya’y sa mga variety show o sa kaswal nap ag-
uusap ng magkakaibigan. Ang paggamit ng wika ay nakabatay ayon sa grupong
kinabibilangan ng isang indibiduwal at sa pagkakataon sa pagkakagamit.
Ang wika ay may iba’t ibang antas ayon sa pagkakagamit nito. Iniisa – isang inilarawan sa
ibaba ang mga antas ng wikang ginagamit ng tao sa iba’t ibang sitwasyon at pagkakataon.
Ang wika ay inilarawan bilang isang hagdanan kung saan ang wikang balbal ang nasa pinakadulo
sapagkat ito ang pinakamababang antas ng wika. Narito ang mga karagdagang
paglalarawan ng mga ito.
Ito ay ang pinakapormal na wika na ginagamit ng wika tao sa buong kapuluan. Mga
halimbawa nito ay ang mga sumusunod na salita: ina, ama, kuya, bulaklak at iba pa.
Ang antas na ito ay tinatawag ding masining. Sa ibang aklat ang masining na antas ay ang
pinakamataas na antas ng wika. Ito ay ginagamit sa pagsulat ng kwento, tula, talumpati at
iba pang komunikatibong sitwasyon. Ito ay kadalasang binubuo ng mga tambalang salita,
mga pahiwatig at salitang may konotasyon. Ang mga halimbawa nito ay ang mga
sumusunod na salita: hampaslupa, kadenang ginto, anakpawis at marami pang iba.
Ang wikang lalawiganin ay ang mga wika na ginagamit sa iba’t ibang lalawigan ng buong
Pilipinas. Ang mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod na salita: bulak, maupan na
aga, Diin ka halin?
Ang wikang kolokyal ay ang mga di pormal na salita na nabubuo mula sa pormal na salita
sa pamamagitan ng pagkaltas ng ponema sa isang salita. Ang mga halimbawa nito any ang
mga sumusunod:
 Mayroon - Meron
 Nasaan ka? – Nasan ka?
 Hintay ka – Teka

Ang wikang balbal ay ang pinakamababang antas ng wika. Ito din ay tibaguriang wika ng kalye
sapagkat ito’y ginagamit ng mga tao na napabilang sa iisang particular na grupo. Ito ay nabubuo sa
pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
 Baligtad na salita

Hal. Noypi, lespu,

Bilang
Hal. 14344, 5254, 50/50 at iba pa.
 Mga akrronim

Hal. SWU, UC, CPU


 Mga likhang Salita

Dada, Datong at iba pa


 Gay Linggo

Shudi, waki, mutog


 Mga Salitang Dinaglat

You might also like