Neokolonyalismo Handout

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Neokolonyalismo

● Nagmula sa salitang neo “bago” at kolonyalismo “pananakop ng isa o higit pang makapangyarihang
bansa sa isang mahinang bansa.
● Tumutukoy sa bago at ibang uri ng pananakop.

● Ito ay hindi tuwirang pananakop dahil walang madugong digmaang nagaganap, bagkus ay kontrolado
ng isang mayamang bansa ang aspekto ng kabuhayan ng isang mahirap na bansa.
● Pananatili ng panlipunan at pampolitikang impluwensya ng dating mananakop sa mga bansang dating
nasakop.
● Ito ay isang uri ng pananamantala sa mahihirap ng bansa, na karaniwang kabilang sa Third World.

● Ang mga bansang kabilang sa Third World ang madalas na makaranas at magkaroon ng mahinang
ekonomiya sapagkat patuloy silang umaasa sa mga bansang kailang sa First World o bansang may
maunlad na ekonomiya at industriya.

● Gumagamit ang mga mananakop, o malalakas na bansa ng mga teknolohiya, at mga social media sa
pananakop.

Mga Uri ng Neokolonyalismo


1. Ekonomiko
● Ipinakikita ito sa pagbibigay kunwari ng tulong at pagpapautang para sa pagpapaunlad ng isang
bansa subalit ang totoo ay itinatali lang nito sa mga patakaran na pabor sa kaniya.
● Halimbawa:

● Foreign Aid- dayuhang pagpapautang

● Debt Trap- pagkalubog sa utang

2. Kultural
● Ipinapakita ng mga dayuhan ang kanilang mga musika, sayaw, palabas, babasahin, at iba pa
na mas pinapahalagahan ng tao kaysa kanilang mga sariling gawa.
● Halimbawa: paraan ng pamumuhay, kaugalian, paraan ng pananamit, sayaw,
awit, ostilo ng buhok, pagkain, libangan, globalisasyon ng edukasyon, at pati na ang paraan ng
kanilang pagdiriwang.

3. Politikal
● Sa pamaamgitan ng tahimik na paraan, nagagawa ng makapangyarihan na kontrolin ang
pamamahala sa bansang mahihirap .
● Halimbawa: ang pagkontrol sa eleksiyon, pagsasagawa ng mga batas (international laws, mula
sa UN), at COVID Vaccines
● White Man’s Burden- katulad ng konsepto ng Neokolonyalismo, mapagpanggap at may lihim na
layunin. Lahat ng tulong ay may kapalit.
4. Pangmilitar
● Nagagawang tumulong ng Kanluraning bansa sa mga dating kolonya na nanganganib na
sakupin o lusubin ng ibang bansa.
● Halimbawa: pagtulong sa Kuwait ng United States nang lusubin ito ng bansang Iraq, nagbigay
ng hukbong sandatahan ang bansang America upang lumaban para sa Kuwait.
● Covert Operation

You might also like