Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Lakbay-Sanaysay

 Ang lakbay-sanaysay ay isang uri ng sanaysay na hindi lamang tumatalakay sa mga


kaganapan sa isang paglalakbay. Maaari rin nitong talakayin ang kultura o paraan ng
pamumuhay ng pinuntahang lugar.
 Tandaan lamang na ang pagsulat nito kinakailangang madala ang imahinasyon ng
mambabasa sa mga lugar na tinatalakay.
 Binubo ito ng tatlong bahagi: simula, katawan, at kongklusyon o wakas.
Mga dapat tandan sa paggawa ng lakbay-sanaysay:
1. Alamin ang ilang mahahalagang bagay tungkol sa lugar na pupuntahan (kulttura, wika at
paraan ng pamumuhay ng tagaroon)
2. Kailangang maramdaman at makita mo mismo ang esensiya ng kulturang namamayani
sa naturang lugar
3. Huwag kalimutang ang pagkakaiba ng isang turista at manunulat. Ang turista ay naroon
para mabgakasyon at magsaya samantalang ang isang manunulat ay pumupunta sa
naturang lugar upang makita ang halaga at natatagong yaman ng lugar na yaon.
4. Sumulat sa unang panauhan punto de-bista
5. Tukuying ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay. Ito ay makakatulong upang matiyak
ang sakop ng nilalaman ng lakbay-sanaysay. Tinatawag din itong delimitasyon.
6. Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa dokumentasyon
habang naglalakbay
7. Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay.

 Ang lakbay-sanaysay ay lagging kinapapalooban ng tatlong mahahalagang konsepto:


sanaysay, sanay at lakbay.
ABSTRAK
Ang abstrak ay isang bahagi ng papel-pananaliksik na nagubuod sa kabuuan ng papel. Kadalasan
sa abstrak ay binubuo ng 100 hanggang 300 salita at isinusulat pagkatapos ng isinasagawng
pananaliksik upang mailahad ang kumpletong detalye.

Mahahalagang tandan sa pagsusulat ng abstrak:

 Pamagat- Naglalaman ng paksang pag-aaralan. (Hal. Ekonomiks sa Diwang Piliino: Halo-


halo, Tingi-Tingi at Sari-sari)
 Paksang pangungusap- Pinakadiwa ng kabuuan ng sulatin.
 Layunin ng pag-aaral- Naglalaman ng obhetibong tunguhin ng gagawing pananaliksik.
(Hal. Ang layunin ay hindi lamang upang makapagbigay ng panimulang introdukyon sa
isag mahalagang sangay ng agham panlipunan)
 Metodolohiya- Tumutukoy sa pamamaraang ginamit sa pag-aaral. (Hal. Tinalakay at
sinuri ang limang pangunahing konsepto)
 Hulwaran o teoryan ginamit sa pananaliksik- ibat ibang hulwaran o pattern ng
isasagawang pananaliksik. Kadalasan, ang hulwaran ay mula sa mga kilala at respetadong
mananaliksik, mga pilosopo, at mga taong may malaking naiambag na sa akademya.
(Hal. Ang mga katangi-tanging sulatin na pinagsimulan ng mga Pilipinong propesor
tulad nina Nicanor Tiongson, Virgilio Enriquez, Emerita Quito etc.)
 Resulta ng pag-aaral o konklusyon- Nakapaloob dito ang kinalabasan ng isinagawang
pag-aaral.

TALUMPATI
 Ang talumpati ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapahayag ng opinion
ng isang taong bumibigkas sa entablado. Maituturing ito bilang isang sining ng
pagpapahayag sa paraang pasalita sapagkat gumagamit ka dito ng ibat ibang uri ng
panghikayat sa madla upang making at maniwala sa iyong sinasabi.
 Ayon kina Constantino at Zafra maaari ring ituring na talumpati ang iba pang anyo ng
pormal na pampublikong pahayag. Ilan sa mga ito ay ang lektura, presentasyon ng
papel sa mga kumperesiya, keynote address, talumpating panseremonya, talumpating
nagbibigay-inspirasyon, at iba pa.
 Hinati din sila sa tatlong yugto ang proseso ng pagsusulat nito: paghahanda,
pananaliksik, at pagsulat ng talumpati.
 Ito ay nabibilang sa Akademikong sulatin, nangangailangan din ito ng masusing pagpili ng
mga gagamiting salita.

Mga layunin ng Talumpati:


Magbigay sigla o mang-aliw
Magbigay ng papuri
Magbigay ng mga bagong kaalaman
Magbigay katwiran o paliwanag

Dalawang Uri ng Talumpati


1. Pinaghandaan- pinaglaanan ng sapat na panahon para maihanda
2. Di-Pinaghandaan (Impromptu)- biglaang talumpati
Proseso sa Pagsulat
1. Paghahanda- Bago gumawa ng talumpati, alamin muna ang layunin ng kasyon,
mananalumpati, sino ang manonood at kung saan ang tagpuan upang maiakma ang
mga salitang gagamitin.
2. Pananaliksik- Pagbuo ng plano, pagdedebelop ng paksa, pangangalap ng material na
gagamitin sa pagsulat.
3. Pagsulat- Ito ay nahahati sa dawalang proseso: ang mismong pagsulat nito.
Tatandaan na sa pagsusulat, lagging iiwasan ang mahaba o kaya ay mga teknikal na
salita. Gumamit ng abstraktong saita na lumilikha ng imahen sa isipan ng
tagapakinig. Gawing buhay at magaan ang talumpai sa pamamagitan ng paggamit ng
mga estratehiya gaya ng mga sumusunod:
 Matatalinhagang salita
 Paggamit ng kuwento o anekdota
 Pagpapatawa o pagbibiro
 Parallelism
 Mga halimbawa
 Tatlong halimbawa para maipaliwanag ng mabuti ang isang ideya o paksa
Nahahati sa tatlong bahagi ang talumpati:
1. Introduksyon- Inilalahad ang laynin ng talumpati at istratehiya upang makuha ang
atensyon ng madla.
2. Katawan- Paksang tatalakayin ng tagapagbigkas
3. Katapusan- Pinkasukdol ng buod ng isang talumpati. Pinakakonkretong katibayan sa
argumento upang mahikayat ang pagtugon sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati.

MEMORANDUM:
 Isang kasultang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalal tungkol sa
mahalagang impormasyon, Gawain, tugkulin, o utos.
 Nakasaad dito ang layunin o pakay ng gagawing miting. Sa pamamagita nito, nagging
malinaw sa mga dadalo ng pulong kung ano ang inaasahan mula sa kanila.
 Maituturing na sining.
 Ayon kay Dr. Darwin Bargo ang mga kilalang kompanya at mga institusyon ang
kalimutang gumagamit ng mga colored stationery para sa kanilang memo:
Puti- Pangkalahatang kautusan, derektiba, o impormasyon
Pink o Rosas- Para sa request o order na nanggagaling sa purchasing department
Dilaw o Luntian- Para sa memo marketing at accounting department.
Mahahalagang tandan sa paggawa ng memo:
1. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon, o
organisasyon gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at minsan
maging bilang ng numero ng telepono.

2. Ang bahaging Para sa/Para Kay/ Para Kina ay naglalaman ng pangalan ng tao
o mga tao o kaya naman ay mga grupong pinag-uukulan ng memo.
Impormal na memo: kahit first name na lamang ang isulat
Pormal na memo: mahalagang isulat ang buong pangalan

3. Ang bahagi naming Mula Kay ay naglalaman ng gumawa o nagpadala ng


memo. Hindi na kailangan lagyan ng G., Gng., Bn., at iba pa maliban na
lamang na nakapormal ng memong ginawa.

4. Sa bahaging petsa, iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 11/24/15 sa


halip isulat ang buong pangalan ng buwan kasama ang araw at taon upang
hindi malito.

5. Ang bahaging Paksa ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw, at


tuwiran upang agad maunawaan ang nais ipabatid nito.

6. Kadalasang ang Mensahe ay maikli lamang ngunit ito ay isang detalyadong


memo. Kailangan ito ay magtaglay ng sumusunod:
a. Sitwasyon- Makikita ang panimula o layunin ng memo
b. Problema- Suliraning dapat pagtuunan ng pansin. Hindi lahat ng memo
ay nagtataglay nito.
c. Solusyon- Inaasahang dapat gawin ng kinauukulan
d. Paggalang o pasasalamat- wakasan ang meron sa pamamagitan ng
pagpapasalamat o pagpapakita ng paggalang.

7. Ang huling bagahi ay ang Lagda ng nagpadala. Kadalasang inilalagay sa


ibabaw ng kaniyang pangalan sa bahaging Mula Kay.

You might also like