Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Dilim na Dala’y Sakit

May mga pangyayaring hindi natin inaasahang mangyari sa buhay ng isang tao, tulad na
lamang ng aksidenteng aking nasilayan noong ako’y paslit pa lamang. Sabay nating alamin ang
mga pangyayari sa paksang aking tatalakayin.

Isang gabi ay umalis kami ng aking pamilya upang masaksihan ang pagtatapos ng aking
pinsan sa kolehiyo sa paaralang PCST sa Oriental, Mindoro. Habang kami’y nanonood ng mga
mag-aaral na magsisipagtapos biglang lumapit sa amin ang aking pinsan sabay sabing “
Nakalimutan ko ang aking diploma sa ating tahanan. ” kaya dali-dali kaming umuwi agad ng
aking ina upang kuhanin ang diploma nito. Sa aming paglalakbay pauwi, bigla kaming napatigil
sa nakita naming hindi kaaya-ayang sagupaan ng isang motor at tribike.

Ang malakas na pagsalpok ng binata na nakamotor sa tribike ng mamang lalaki ay naging


dahilan ng pagkamatay ng binata. Dugo niyang dumadaloy sa kalsada, ang paghigpit ng
kaniyang paghinga, at mga taong humihingi ng tulong upang maisalba pa ang buhay ng binata ay
aking nabanaag noong araw na iyon. Ang binata ay lasing nang uuwi sa kanilang tahanan at iyon
ang naging dahilan kung bakit niya nasalpok ang tribike ng mamang lalaki.

Pag-usad ng kuwento, kami’y pabalik na sa paraalan upang ibigay sa aking pinsan ang
kaniyang kailangan. Ikinuwento ko sa kaniya ang mga nangyari at ang kaniyang sinabi ay “
Nabalitaan ko na iyan, at ang lalaking iyon ay aking dating kasintahan na hanggang ngayon ay
naghihintay pa rin. ”

Bilang isang bata na nakasaksi ng isang trahedya na hindi kaaya-ayang makita ay nagdala ng
trauma at takot na hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa aking kaisipan ang mga pangyayaring
iyon. Nagdala rin ng takot sa iba at sakit sa kaniyang pamilya dahil siya lamang ang inaasahang
makapagtatapos ng pag-aaral sa kanilang magkakapatid.
Aral na dulot sa akin ng paksang ito ay huwag aalis ng nakainom upang maiwasan ang
disgrasya at sakit na maidudulot sa iba.

Mag-iingat kapag nasa kalsada upang hindi madisgrasya.

You might also like