Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mabalon, Romelyn A.

11 – CURIE

Ulayaw

Marahil ay naranasan mo nang maipagtanggol ang isang taong malapit sa iyong puso laban sa
mga maling sitwasyon na kaylan may hindi nila nilikha. Wika nga nila, kaibigan ang ating
kasama sa bawat lungkot at ginhawa sa buhay, dahil sa kanila nagmumula ang kasiyahan na sa
tuwing tayo ay nakararamdam ng pagkukulang sa ating sarili ay nandiyan sila upang pagaanin
ang ating kalooban. At dahil sa mga bagay na natatanggap ko mula sa mga taong malalapit sa
akin, ay nais ko na rin ibalik ang kasiyahang kanilang ipinaramdam sa akin upang masuklian ang
mga bagay na walang katumbas na anuman.

Sa lahat ng aking kaibigan ay dalawa lamang ang nagtagal. Sila ang aking nakasama simula
noong ako ay nasa ikawalong baitang pa lamang. Maraming pagsubok ang dumating sa aming
buhay at sama - sama namin itong nilabanan dahil alam namin sa aming mga sarili na makakaya
namin ang mga ito nang nagkakaisa. Ngunit, lahat ng saya na aming nararamdaman ay maaaring
mawala dahil sa mga bagay na hindi namin inaasahan. May isang taong sadyang may malaking
inggit at galit sa aking kaibigan at kaniya itong siniraan na naging dahilan nang pagkasira ng
reputasyon na iniingatan ng aking kaibigan. Hindi nakatutuwa ang mga nangyayari, kaya aking
ginawa ang mga bagay na alam kong nararapat na gawin. Sinubukan kong itama ang maling
sitwasyon na siyang kinalat ng taong galit sa aking kaibigan at sa awa ng maykapal, luminis ang
pangalan ng aking kaibigan sa maling bagay na hindi naman niya ginawa.

Ang pangyayaring ito ay habang buhay nang tatatak sa aking kaisipan, dahil nagawa ko ang
isang bagay na hindi ko akalain na aking magagawa. Sadyang nabago nito ang aking pananaw
na, ito ay ang marapat kong gawin kung mangyari man uli ang ganitong pangyayari. Ang
sitwasyon na ito ay maaari ring makaapekto sa ibang tao, ngunit sa mabuting paraan dahil
nalaman at nakita nila ang dapat gawin at kung may ganitong sitwasyon man ang mangyari sa
kanila. Sadya nga na ang pangyayaring ito ay hindi lang maaaring makatulong, ngunit ito rin ay
maaaring maka impluwensya sa iba.

Kahit ano man ang mangyari ay piliin nating ang nararapat at tamang gawi upang walang
maapektuhan sa maling impormasyon na kumakalat, kahit saang lugar man ito. Protektahan ang
taong handang magprotekta sa atin kahit malagay man tayo sa sitwasyong tayo ay maaring
madamay, dahil kahit ano pa man ang sabihin nila sa iyo ay alam mo kung ano ang totoo at alam
mo na wala kang ginawa na maaaring makasama sa iba.

You might also like