Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT (HEALTH 2)

KWARTER 2

Pangalan: _________________________________________________

Petsa:_____________________________Iskor:_____________________
MELCS:

a. nailalarawan ang mga pamamaraan sa pangangalaga ng mata, tainga, ilong, buhok, at balat upang maiwasan ang mga sakit na
karaniwan na sa mga bata
b. nailalarawan ang mga pamamaraan sa pangangalaga ng bibig at mga ngipin
c. naipapakita ang tamang pangangalaga sa iba’t ibang bahagi ng ating katawan

I. Panuto: Piliin ang titik o letra ng iyong sagot.


1. Anong bahagi ng iyong katawan ang ginagamit upang marinig ang huni ng ibon sa
paligid?

a. bibig
b. ilong
c. mata
d. tainga

2. Alin sa mga sumusunod na tunog ang nakabubuti sa tainga?

a. busina ng trak
b. tunog ng kwitis
c. malakas na kulog
d. banayad na musika

3. Alin sa mga sumusunod na gawain ang makabubuti sa pangangalaga ng mga tainga?

a. Magpahinga sa maingay na lugar.

b. Makinig sa mga malalakas na tugtog.

c. Magpunas ng tainga gamit ang malinis at malambot na tela.

d. Magpasok ng matutulis at kung ano-anong bagay sa tainga.

4. Ano ang mabuting naidudulot ng malusog na tainga?

a. Nagiging masipag
b. Gumagana sa pagkain
c. Lumalakas ang katawan
d. Naririnig nang malinaw ang kausap.

5. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pangangalaga sa mga tainga?

a. Kumakanta si Belle nang malakas.


b. Nagpupunta si Mark sa tahimik na lugar upang magpahinga.
c. Paulit-ulit na nagpapaputok ng labintador ang tatay ni Ramon.
d. Kinakamot ni Rolly ang loob ng kanyang nangangating tainga gamit ang hairpin.

6. Anong bahagi ng iyong katawan ang ginagamit sa pagnguya ng pagkain?

a. balat at buhok
b. mata
c. bibig at ngipin
d. tainga

7. Ano ang tawag sa manipis na hibla na ginagamit na pang-alis ng natirang pagkain sa


ngipin?

a. daliri
b. dental floss
c. sinulid
d. toothpick

8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong pangangalaga ng ngipin o bibig?

a. Kinakagat ni Larry ang kaniyang lapis.


b. Nagsesepilyo si Berna ng dalawa o tatlong beses sa isang araw.
c. Mahilig si Rodel kumain ng kendi.
d. Ayaw kumain ni Nani ng gulay at prutas

9. Alin sa mga pagkaing ito ang dapat kainin upang hindi masira ang ngipin?

a. matitigas na pagkain
b. matatamis na pagkain
c. makukunat na pagkain
d. masusustansiyang pagkain

10. Bakit kailangan ang tamang paraan ng pangangalaga sa bibig at ngipin?

a. makakain ng matatamis
b. maipangbukas ng softdrinks
c. maipangkagat ng matitigas na bagay

d. maiwasan ang sakit na may kaugnayan sa bibig at ngipin


11. Anong bahagi ng iyong katawan ang ginagamit upang maramdaman ang init at lamig ng
kapaligiran?

a. balat
b. bibig

c. mata
d. tainga

12. Ano ang gamit ng balat?

a. pandama at pangprotekta

b. pang-amoy at panghinga
c. pandinig at pangbalanse
d. panlasa at pangkain

13. Gaano kadalas ang dapat na paliligo?

a. Minsan sa isang linggo

b. Tuwing gabi bago matulog


c. Tuwing may pasok sa paaralan
d. Araw-araw

14. Ano ang isa sa mahalagang gampanin ng balat sa ating katawan?

a. Natutukoy nito ang amoy

b. Natutukoy ang ingay at tunog


c. Nalalaman ang lasa ng pagkain
d. Nagsisilbing proteksiyon ng ating katawan

15. Piliin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita nang wastong
pangangalaga sa balat at buhok?

a. Naglalaro si Roy kahit sa kasikatan ng araw.

b. Gumagamit si Gina ng sabon na pampaputi.


c. Nagkakamot ng balat si Helen gamit ang mahaba niyang kuko.
d. Naliligo si Ester araw-araw at naglilinis ng katawan kung kinakailangan.

II. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang “Tama” sa patlang bago
ang bilang kung ito ay nagsasaad nang wastong pangangalaga sa mga mata at
“Mali” naman kung hindi.
_____16. Manood ng telebisyon maghapon.

_____17. Magbasa sa madilim na lugar.

_____18. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa Bitamina A.

_____19. Kusutin ng kamay ang mga mata.

_____20. Komunsulta sa espesyalista tuwing may nararamdamang problema sa mata.

III. Panuto: Basahin ang mga sumusunod. Lagyan ng ( ) ang kahon kung ang
pamamaraan ay nagpapakita nang wastong pangangalaga sa ilong.

21. Gumamit ng malambot na panyo o tissue sa paglilinis sa ilong.

22. Suminga nang dahan-dahan kung may sipon.

23. Huwag sundutin ng daliri o anumang matutulis na bagay ang loob ng ilong.

24. Iwasan ang pagsinghot ng mga kemikal o bagay na may matapang na amoy.

25. Takpan ang ilong kung ang paligid ay maalikabok at mabaho.

SUSI SA PAGWAWASTO
KWARTER 2
Health 2

I.

1. d
2. d
3. c
4. d
5. b
6. c
7. b
8. b
9. d
10. d
11. a
12. a
13. d
14. d
15. d
II.
16. M
17. M
18. T
19. M
20. T
III.

21.

22.

23.

24.

25.

References:
CO_Q2_Health 2_ Module 1.2
CO_Q2_Health 2_ Module 2
CO_Q2_Health 2_ Module 1.1
CO_Q2_Health 2_ Module 1.3
CO_Q2_Health 2_ Module 1.4

You might also like