Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Handa ang Loob!

Maraming kalamidad ang hindi natin inaasahan na mangyayari sa ating bansa. Mga
kalamidad na susubok sa ating katatagan at pagkakaisa. Ilang beses na ba tayong natapilok?
Ilang beses na ba tayong bumangon mula rito? Walang salita ang maaaring itumbas sa tatag ng
mga Pilipino sa pagharap sa anumang sakuna.
Sa mayamang rehiyon ng Ilocos, malapit sa karagatan at mayaman sa lupain ng taniman,
hindi maikakailang lapitin tayo sa bagyo. Malaking pinsala ang natatamo natin mula sa mga
kalamidad na ito, mapa-agrikultura man o mapa-industriya. Hindi din nawawala ang mga
natural disasters na kalamitan ay earthquake, aminin natin na hindi magkahumayaw sa bilis ng
pintig ang atjng puso sa tuwing ito ay nangyayari subalit nananatili naman tayong matatag.
Malakas, maparaan at masisipag tayong mga Ilokano, hindi natin yan maikakaila. Tuwing
may bagyo, lahat ay handa. Mga tengang nakabikas para sa mga balita, mga mata na nasubaybay
sa pagbaha, mga kamay na naghahanda para sa paglikas at mga labing nagpapaalala. Hindi din
naahuhuli ang mga lokal na opisyal sa pagpapaalala sa atin na lumikas na ang mga naninirahan
sa lugar na mababa upang makaawis sa mas malaking pinsala. Nariyan din ang pagtatali sa mga
alagang hayop para hindi mawala at ang iba ay dinadala pa ito sa evacuation center para
masiguro ang kaligtasana. Matapos ang malakas na bagyo, kaliwa’t kanang paglilinis na,
pagtutulungan sa isang barangay at kaliwa’t kanan ding pagpo-post ng pinsala ng bagyo at pag-
update na sila ay ligtas.
Kapag naman natural disaster ang sa atin ay tumama, mas nauuna pagpopost sa social
medi. Ito ay pwersang hindi ntin pwedeng paghandaan dahil kahit anong oras ay pwedeng
mangyari o tumama sa ating lupain. Ang nakakatakot pa dito ay ang posibilidad na magkaroon
ng tsunamin matapos ang malakas na pagyanig, lalo pa at malapit tayo sa karagatan.
Magmasid, makinig, makiramdam, hindi mapipigilan ang pagtama ng sakuna sa ating
bayan subalit maaari naman natin ito palitan ngunit kung buhay ang nawala, wala ng balikan pa
kaya hanggat maaari lumikas na bago pa magkapinsala ng malakihan-kamatayan.

You might also like