Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

SOSYEDAD AT LITERATURA/PANITIKANG PANLIPUNAN (SOSLIT)

TEORYANG PAMPANITIKAN  sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral


na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin ng may-akda sa pagsulat
at layunin ng tekstong panitikan na ating binabasa. Mayroong iba't ibang teorya para sa
pag-aaral na ito.
TEORYA  pormulasyon ng palilinawing mga simulain ng mga tiyak na kaisipan upang
makalikha ng malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag ukol
dito.
1. REALISMO  Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit
sino, ano mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.
Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad. Tulad sa akda, totoong
ang tao ay nasisilaw sa ginhawang maibibigay ng kayamanan. Natanggap ng isang tauhan
ang nangyari subalit tinakasan ng isang tauhan ang katotohanan at siya ay nawala sa
sarili. Ang sobrang paghahangad ng materyal na bagay ay totoong makasisira rin sa tao.
 Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay na buhay
pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng korapsyon, katiwalian,
kahirapan at diskriminasyon Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno 2.
HUMANISMO  Ang tao ang sentro ng daigdig. Binibigyang-pansin ang kakayahan o
katangian ng tao sa Maraming bagay 3. SIKOLOHIKAL  makikita ang takbo ng isip ng
may katha antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan, pinahahalaganahan at mga
tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may-akda. 4. FORMALISMO  Pinagtutuunan ng
pansin sa ang mga istruktura o pagkabuo kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang
pahayag (sukat, tugma, kaisahan ng mga bahagi, teknik ng pagkakabuo ng akda 5.
IMAHISMO  Umusbong noong 1900 Nagpapatalas sa pandama ng mga mambabasa
larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng akda mga salitang kapag binanggit sa akda ay
nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa 6. MORALISTIKO 
sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit pinahahalagahan ang moralidad,
disiplina at kaayusang nakapaloob sa akda 7. MARXISMO  Pinakikita ang
pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat na puwersa malakas at mahina
mayaman at mahirap Kapangyarihan at naaapi 8. ARKETIPO / ARKITAYPAL 
gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento ng akda nangangailangan
ng masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda sapagkat ang binibigyang-diin dito ay mga
simbolismong ginamit upang maipabatid ang pinakamensahe ng akda 9.
SOSYOLOHIKAL  mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha
ang panitikan Downloaded by Caren Tobello (carentobello4@gmail.com)
lOMoARcPSD|23183313 10. BAYOGRAPIKAL  Ang layunin ng panitikan ay
ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may- akda. Ipinahihiwatig sa mga
akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang
pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang
magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo. 11. HISTORIKAL
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na
ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.  Kumikilala sa gampanin ng
isang institusyon, may malaking papel na ginagampanan ang institusyon sa pagbubukas
ng daan sa uri ng panitikang dapat sulatin ng may-akda. -ang wika at panitikan ay hindi
maaaring paghiwalayin. 12. KLASISMO  Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng
mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-
iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng
mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan. Grecia bago isinilang si Kristo. 
Nakasentro sa mga dulang itinatanghal Komedya at Trahedya; bilang dalawang
pinakatanyag na uri ng dula. Gintong Panahon (80 B.C) nakilala ang panulaan bilang
pinakamahalagang genre sa pagsulat at pagsusuri (epiko, satiriko, tulang liriko at
pastoral)  Panahon ng Pilak Paglaganap ng prosa at bagong komedya. Talambuhay,
liham-gramatika, pamumuna at panunuring pampanitikan. Paniniwala: kahit ang diwa ng
tao ay nakabatay sa bagay, ang pisikal na bagay at espiritu ay dapat isabuhay at dakilain.
 Pinapahalagahan ng mga klasista ang pagsasabuhay ng isang dakilang kaisipan sa
isang dakilang katawan. Pananaw: sa itaas matatagpuan ang kapangyarihan at ito ang
lundayan ng klasismo. Matipid sa paggamit ng wika ang mga klasista – “ hindi angkop
ang paggamit ng mga salitang balbal. Hindi rin angkop ang labis na emosyon.” 13.
HUMANISMO  Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo;
ay binibigyang- tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino,
talento atbp. Renacimiento o Muling Pagsilang sa Italya  Pokus ng teoryang ito ay ang
itinuturing na sibilisado ang mga taong nakatuntong ng pag-aaral na kumikilala sa
kultura. Humanismo – ang humuhubog at lumilinang sa tao Tao bilang sukatan ng lahat
ng bagay kung kayat mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag
ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya.  Nakasulat ang panitikan ng mga humanista sa
wikang angkop sa akdang susulatin. (magkakaugnay at nagkakaisang balangkas, may
buong kaisipan, nakaaliw at pagpapahalaga sa katotohanan) 14. ROMANTISISMO 
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa
tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.
Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang
maipaalam lamang ang kanyang pagibig sa tao o bayang napupusuan. Europa (ikalawang
hati ng ikalabinwalong dantaon)  Binibigyang-halaga ang indibidwalismo, rebolusyon,
imahinasyon at likas. Pagtakas mula sa realidad o katotohanan nagpapakita ng
pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa, bayan at iba pa mga sanaysay na nagpapahayag
ng mga kaisipan sa pamamaraang ‘di tuwiran, maaring di kapanipaniwala o sa paraang
nakakatawa ngunit kung ito'y titignan ng mabuti ay makikita nating may iba itong
kahulugan at kaisipan  naniniwala ang mga romantiko sa lipunang makatao,
demokratiko at patuloy sa pag-unlad. Inspirasyon + Imahinasyon = natatanging
instrumento ng mga romantiko para matuklasan ang nakakubling katotohanan/ bumubuo
sa pagiging totoo, maganda. Kapangyarihang rebolusyonaryo at damdamin.
Pagpapahalaga sa kalikasang personal, kahalagahang kombensyunal, katotohanan,
kabutihan at kagandahan.  Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at
nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa
totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo Downloaded by Caren Tobello
(carentobello4@gmail.com) lOMoARcPSD|23183313 sapagkat isinaalang-alang ng may-
akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat. Rebolusyong Industriya: Ika-
19 na siglo  Mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan. Ayon sa mga realista, ang
sinumang tao, anumang bagay at lipunan, ay dapat maging makatotohanan ang
isasagawang paglalarawan o paglalahad. PAKSA: Kahirapan, kamangmangan,
karahasan, krimen, bisyo, katiwalian, kawalan ng katarungan, prostitusyon, atb. 15.
PORMALISTIKO  Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais
niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang
sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa
– walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na
malalimang pagsusuri’t pang-unawa.  tanging pisikal na katangian ng akda ang
pinakabuod ng pagdulog na ito. Tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman,
kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda. Kailangang masuri sa akda ang
tema o paksa ng akda, ang sensibilidad at pag- uugnayan ng mga salita, istruktura ng
wika, metapora, imahen, at iba pang elemento ng akda. 16. SIKO-ANALITIKO 
tanging ang ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan. “nasa paghahanapbuhay ang
tugon upang lasapin ang sarap ng buhay.” -nagkakaroon lamang ng maturidad ang isang
tao bunga ng kanyang kamalayan sa kahirapan. Bago ipanganak si Kristo 17.
EKSISTENSYALISMO  Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao
na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang
pananatili sa mundo (human existence). Huling bahagi ng ikalawang dekada ng
nakaraang dantaon  ang teoryang eksistensyalismo ay walang simulain.
Maihahalintulad ito sa dalawang teorya: romantisismo dahil mahilig sa paghanap ng
tunay na paraan ng pagpapahayag o ekspresyon; modernismo dahil nagpipilit itong
magwasak ng kasaysayan. 18. ISTRUKTURALISMO  Wika ang mahalaga dahil bukod
sa hinuhubog nito ang kamalayang panlipunan – ipinalalagay ng maraming teorista na
napakahalaga ng diskurso sa paghubog ng kamalayang panlipunan. -’dimakatao’ Unang
dekada ng ika- 20 dantaon 19. DEKONSTRUKSYON  Ang layunin ng panitikan ay
ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng
ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nagudyok sa may-akda
na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng
pagtao at mundo. Dekada ’60: ipinakilala ni Jacques Derrida  Batay sa ideyang walang
permanenteng kahulugan ang teksto dahil ang wika ay di matatag at nagbabago. Higit na
mahalaga ang mambabasa kaysa sa may-akda sa pagtiyak ng kahulugan ng teksto.
Layunin ng pag-aanalisa ang paglalantad sa mga magkakaslungat na kahulugan o
implikasyon ng teksto at ng mga salita at pangungusap. 20. FEMINISMO  Ang layunin
ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang
pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay
feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang
mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.  ang mga babae ng panitikan ay
inilarawan ng ilang manunulat bilang mahina, marupok, tanga, sunud-sunuran,
maramdamin, emosyonal, pantahanan at masama. Ito ang sistemang pangkababaihan
bilang mga indibidwal na di-kapantay ng kalalakihan.  maaring tingnan ang imahen,
pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga babae sa loob ng akda at maaring ilantad
din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda layon nitong labanan ang
anumang diskriminasyon, exploitation , at operasyon sa kababaihan Lualhati Bautista,
Genoveva Edroza Matute, Elynia Ruth S. Mabanglo Downloaded by Caren Tobello
(carentobello4@gmail.com) lOMoARcPSD|23183313 21. EKSISTENSYALISMO 
Binibigyan-diin ang bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at gawi ng
tauhan Ang tao ay may malayang pagpapasya para sa kaniyang sarili upang mapalutang
ang pagiging indibidwal nito at sa gayon ay hindi maikahon sa lipunan 22.
KLASISISMO  Pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri Layon ay katotohanan,
kabutihan at kagandahan Malinaw, marangal, payak, matimpi, obhetibo, magkakasunud-
sunod at may hangganan Mga Akdang Nakaimpluwensya sa Buong Daigdig 1. Ang
Banal na Kasulatan o Bibliya – Bibliya ng mga Kristiyano na mula sa Palestina at Gresia
at naging batayan ng sangka-Kristiyanuhan at ng pananampalataya. Ang Bibliya (66
books) ay nahahati sa dalawang bahagi: Lumang Tipan (39 books) at Bagong Tipan (27
books). 2. Ang Koran o Qu’ran – Pinaka-Bibliya ng mga Muslim at galing sa Arabia. 3.
Ang Iliad at Odyssey ni Homer – kinapapalooban ng mitolohiya o palaalamatan ng
Gresia. 4. Ang Mahabharata ng India – pinakamahabang epiko sa buong daigdig na
kinapapalooban ng kasaysayan ng mga Indo at ng kanilang pananampalataya at
pamumuhay. 5. Ang Divina Commedia ni Dante ng Italya – nagtataglay ng ulat hinggil sa
pananampalataya, moralidad at pag-uugali ng panahong kinauukulan. 6. Ang El Cid
Compeador ng Espanya ni Rodrigo “Ruy” Diaz de Vivar – nagpapahayag ng katangiang
panlahi ng mga Kastila at ng kanilang mga alamat at kasaysayang Pambansa noong
unang panahon. a. El – Spanish article “El” means “The” b. Cid – dialectal Arab “sidi”
(sayyid/english) means “Lord” c. Compeador – master of military arts 7. Ang Awit ni
Rolando - kinapapaboran ng Roncesvalles at Doce Pares ng Pransia na nagsasalaysay ng
gintong panahon ng kakristiyanuhan at ng dating makulay na kasaysayan ng mga
Pranses. 8. Ang Aklat ng mga Aral ni Confucio ng Tsina – naging batayan ng
pananampalataya, kalinangan at karunungan ng mga Instik. 9. Ang Aklat ng mga Patay
ng Ehipto – kinapapalooban ng kulto ni Osiris ng mitolohiya at teolohiyang Ehipto. 10.
Ang Sanlibo’t isang Gabi ng Arabia at Persia – nagsasaad ng mga kaugaliang
pampamahalaan, panlipunan, pangkabuhayan at panrelihiyon ng mga Silanganin. 11. Ang
Canterbury Tales ni Geoffrey Chaucer ng Inglatera – naglalarawan ng pananampalataya
at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon. Tumatalakay ang Canterbury tales sa
isang kuwento ng 12 naglalakbay sa relihiyosong paglalakbay simula Southwark
hanggang Canterbury para bisitahin ang dambana ni St. Thomas Becket at ang
Canterbury Cathedral. 12. Ang Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe ng Estados
Unidos - nakatawag ng pansin sa karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at naging
batayan ng simulating kaisipang demokrasya. Downloaded by Caren Tobello
(carentobello4@gmail.com) lOMoARcPSD|23183313 Panitikan • Ang salitang panitikan
ay nag mula sa unlaping pang- na nagiging pan- kung ang kasunod na salitang-ugat ay
nag-uumpisa sa titik d, l, r, s, at t. • Ang panitikan ay paglalahad ng mga makukulay na
damdaming Pilipino na may kinalaman sa mga bagay-bagay sa daigdig sa kanilang
pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika at pananampalataya sa
Diyos sa pamamagitan ng pasalita at pasulat na paraan. Paraan ng Pagpapahayag ng
Panitikan 1. Pasalaysay - ito’y isang uri ng pagpapahayag na nagsasalaysay ng isang
karanasan. 2. Paglalahad - ito’y isang paraang nagbibigay ng katuturan sa isang konsepto.
Nagmumungkahi rin ito ng paraan ng paggawa ng isang bagay. Tumatalakay rin ito sa
suliranin, nagbibigay dahilan at nagpapayo ng mga kalutasan. 3. Paglalarawan - ito’y
isang paraang naglalarawan ng isang tao, bagay o lunan. Ang mga detalye ng mga
katangian o kapintasan na namamalas ay nababanggit dito. 4. Pangangatwiran –
naglalayong humikayat sa bumabasa o sa mga nakikinig na pumanig sa opinyon ng
nagsasalita o sumusulat ng paraang ito. Malinaw na ang katwiran ay sinasamahan ng mga
pagpapatunay upang lalong mapaniwala sa kaniyang mga kuru-kuro ang mga bumabasa o
nakikinig. Dalawang Pangunahing Anyo ng Panitikan 1. Tuluyan o Prosa - Ito ay
tumutukoy sa mga akdang nakasulat sa karaniwang takbo ng pangungusap, at madalas
nakasulat sa mga talata. Maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng
pangungusap. 2. Patula o Panulaan - Ito ay tumutukoy sa mga akdang nakasulat sa
anyong patula na nagpapahayag ng mga salitang binibilang ang mga pantig at
pagtutugma-tugma ng mga dulo ng huling salita nito. Naglalaman ng mga salitang may
sukat at tugma. Uri ng Akdang Tuluyan o Prosa 1. Alamat - isang uri ng panitikan na
nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Hal. Alamat
ng Pinya 2. Anekdota - isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o
kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Hal.
Tsinelas ni Pepe, Ang Munting Gamu-gamo 3. Nobela - isang mahabang kuwentong
piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Hal. Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni
Dr. Jose P. Rizal, Banaag at Sikat ni Lope K. Santos 4. Pabula - isang uri ng kathang-isip
na panatikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang - buhay ang gumaganap
na mga tauhan. Hal. Si leon at daga, Si Pagong at Matsing, at Si Langgam at Tipaklong 5.
Parabula - mga maikling salaysay o pahayag na hango sa Bibliya na maaaring nasa
anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hingil sa isang pangyayari, na
kadalasang isinalalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Hal. Ang Mabuting
Samaritano, Ang Alibughang Anak 6. Maikling kuwento - Isang maiksing salaysay na
nababasa sa iisang upuan lamang na hinggil sa isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang.
Downloaded by Caren Tobello (carentobello4@gmail.com) lOMoARcPSD|23183313
Ang ama ng maikling kuwento sa buong daigdig ay si Edgar Allan Poe na isang
Amerikanong manunulat. Siya ay kilala sa pagsulat ng mga maiikling istorya, tula, at
kritiko. Isa siya sa mga sikat na Amerikano na nagtakang kumita at mabuhay gamit
lamang ang pagsusulat. Ang ilan sa mga kilalang sulatin niya ay ang “The Rave” at “The
Masque of the Red Death.” Samantala, ang ama ng maiikling kuwentong Tagalog ay si
Deogracias A. Rosario. Siya ay ipinanganak sa Maynila at nagsimulang magsulat ng
taong 1917. Ilan sa mga akda niya ay ang Ako’y Mayroong Isang ibon at Manika ni
Tadeo. Paglalayag sa Puso ng Isang Bata ni Genoveva Edroza-Matute, ang mga alaala ng
kahapon ay lilipas ngunit hindi ang mga aral na ikintal nito sa ating mga puso at isipan.
Ang Kalupi ni Benjamin Pascual, may mabigat na pagkakasala sa batas si Aling Marta
dahil sa mali niyang paghatol sa katauhan ng bata. Bangkang Papel ni Genoveva Edroza-
Matute, may mga bagay mula sa pagkabata na palaging magpapaalala ng masasakit na
bahagi sa buhay ng isang pamilya. Ang Kuwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute,
naunawaan ni Fe na ang kanyang guro na si Mabuti ay tao rin na kagaya niya —
nagmamahal, nasasaktan, at nagkakasala. Sandosenang Sapatos ni Luis Gatmaitan,
naintidihan ng ate ni Susie na hindi perpekto ang buhay pero may mga perpektong
sandaligaya ng mga sandaling nilikha ng kanilang tatay ang pinakamagagarang sapatos
para sa kanyang kapatid. Utos ng Hari ni Jun Cruz Reyes, tinanggap ng pangunahing
tauhan ang katotohanan na sa kaharian ng akademya, may mga hari at reyna na
nagpapatupad ng kani-kanilang batas. Sa Bagong Paraiso ni Efren Abueg, nilisan nina
Ariel at Cleofe ang kinagisnang daigdig upang lasapin ang biyayang handog ng
itinuturing nilang bagong paraiso. Walang Panginoon ni Deogracias Rosario,
napatunayan ni Marcos na may nakalaang kaparusahan ang Poong Maykapal sa anumang
sala ng tao. Tata Selo ni Rogelio Sicat, sinubukan ng magsasakang si Tata Selo na bawiin
ang lahat ng sa kanya sa pamamagitan ng pagpaslang kay Kabesang Tano. 7. Dula -
Nahahati ito sa ilang yugto na ang bawat yugto ay maraming tagpo. Ito ay ginagawa sa
ibabaw ng entablado. Hal. Sa Pula sa Puti ni Francisco Soc Rodrigo 8. Sanaysay - isang
maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na opinyon, saloobin o
kuro-kuro ng may-akda. Nauuri ito sa dalawa: maanyo o pormal kung saan tinatalakay
rito ang isang paksang nangangailangan ng masusing pananaliksik, ginagamitan ng mga
salitang pormal at matalinghaga samantalang ang malaya o di pormal ay may himig
nakikipag-usap, madaling maintindihan dahil gumagamit ang may-akda ng mga simpleng
pananalita. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, “ang sanaysay ay salaysay ng isang sanay.”
Siya ang kinikilalang Ama ng Malayang Taludturan na may-akda ng tulang “Ako ang
Daigdig”. Hal. editoryal o pangulong-tudling ng isang pahayagan 9. Talambuhay - isang
anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay
na tala, pangyayari o impormasyon. Maaaring pansarili o sa iba. Hal. Talambuhay ni Dr.
Jose P. Rizal Downloaded by Caren Tobello (carentobello4@gmail.com) lOMoARcPSD|
23183313 10. Talumpati - isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid
sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado. 11. Kuwentong-bayan - ay mga salaysay
hinggil sa mga likhang-isip na tauhan na kumakatawan ng mga uri ng mamamayan,
katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.
12. Balita – Ito ay naglalaman ng mga pangyayaring nagaganap sa loob at labas ng bansa.
Uri ng Akdang Patula o panulaan Tula - Masining na pagsama-sama ng mga salita upang
makabuo ng taludtod na may sukat at tugma. Ang sukat ay ang dami o bilang ng mga
pantig ng mga salita sa isang taludtod. Ang tugma naman ay ang pagkakapareho ng tunog
ng mga huling pantig ng mga huling salita sa bawat linya sa isang taludtod. Taludtod ang
tawag sa bawat linya na bumubuo sa tula samantalang saknong naman ang tawag sa
grupo ng bawat taludtod. Spoken poetry o spoken word poetry ay isang uri ng pagtula
kung saan ang pagbigkas ng makata ay sinasabayan ng mga instrumentong musikal. Isa
ito sa mga nauusong oral art ng mga kabataan na ginagamitan ng masining na
pagpapahayag upang maisiwalat ang kanilang saloobin sa paraang pasulat o impromptu.
Mga Anyo ng Tula 1. Tradisyunal - Ito ay isang anyo ng tula na may sukat, tugma at mga
salitang may malalim na kahulugan. 2. May sukat na walang tugma o Berso Blangko -
tulang may sukat bagamat walang tugma 3. Walang sukat na may tugma - mga tulang
walang sukat ngunit may tugma 4. Malayang taludturan - tulang walang sukat at walang
tugma. Ang anyo ng tulang ito ay siyang nanaluktok na anyong tula sa panahon ng
paghingi ng pagbabago ng mga kabataan Apat na Uri ng Tula Tulang Liriko/Damdamin
Itinatampok dito ng makata ang kanyang sariling damdamin at pagninilay at hindi gaano
ang mga panlabas na pangyayari at tagpo sa buhay o ang kalagayang kinaroroonan. a.
Oda- Ito ay nagpapahayag ng isang papuri ng isang panaghoy o ng iba pang masiglang
damdamin, walang tiyak na bilang ng pantig o taludtod sa isang saknong. Tulang
nagpaparangal sa dakilang gawain ng isang tao. b. Dalit- Ito ay mga awit na pumupuri at
nagpaparangal sa Diyos o Maykapal at nagtataglay ng pilosopiya sa buhay. c. Soneto-
Tulang walang saknong, may palagiang anyo na 14 na taludtod na hinggil sa damdamin
at kaisipan at nagtataglay ng aral sa buhay kadalasang ukol sa pag-ibig. d. Elehiya-
Tumatalakay sa damdamin, panaghoy o panangis para sa alaala ng isang yumao. Ito ay
tula na may kaugnayan sa kamatayan. Nagpapahayag ito ng damdamin o guniguni
tungkol sa kamatayan o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita sa isang yumao.
Ang halimbawa ay tula ni Jose Corazon De Jesus na “Isang Punong Kahoy”.
Downloaded by Caren Tobello (carentobello4@gmail.com) lOMoARcPSD|23183313 e.
Awit- Ang karaniwang paksa nito ay pag-ibig, kaligayahan, pag-asa, kawalang pag-asa o
pamimighati, pangamba, at kalungkutan. 2. Tulang Pasalaysay Naglalarawan ito ng mga
mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay na na

You might also like