Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

ARALING PANLIPUNAN 10

FIRST TERM EXAM

Pangkalahatang Panuto:
1. Basahin at unawain ang bawat tanong.
2. Itiman ang bilog sa iyong sagutang papel na siyang tumutukoy sa iyong sagot.
3. Huwag sulatan ang batayang papel.

1. Alin sa sumusunod ang angkop na kahulugan ng mga kontemporaryong isyu?


A. Ito ay mga mahahalagang kaganapan sa ating lipunan.
B. Ito ay mga suliraning mahirap hanapan o maaaring wala ng solusyon.
C. Ito ay pumapatungkol sa mga napapanahong kaganapan (current event) sa ating lipunan.
D. Ito ay ang mga makabuluhang usaping makatotohanan panlipunan sa loob nang mahabang
panahon.

2. Alin sa sumusunod ang HINDI halimbawa ng kontemporaryong isyu?


A. ang gutom ng isang palaboy
B. ang paglaganap ng terorismo
C. ang mga nakawan sa mga kalsada
D. ang pagkubkob ng Maute sa lungsod ng Marawi

3. Bakit mahalagang maging mulat sa mga usapin hinggil sa mga kontemporaryong isyu?
A. para makibahagi sa paglutas sa mga nasabing suliranin
B. para malaman natin ang mga nangyayari sa ating kapaligiran
C. para maging tiyak tayo sa mga suliraning mayroon ang ating bansa
D. para makulong ang mga taong dahilan ng paglala ng mga suliraning ito

4. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang bunga ng kontemporaryong isyu na climate change?


A. pagdalas ng mga tagtuyot
B. pagdami ng mga teroristang grupo
C. paglala ng korapsyon sa pamahalaan
D. pagdami ng mga nagugutom sa kalsada

5. Anong pangyayari sa kasaysayan ng mundo ang itinuturing na nagpalala ng Climate Change?


A. Rebolusyong Pranses C. Rebolusyong Amerikano
B. Rebolusyong Siyentipiko D. Rebolusyong Industriyal

6. Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan ng climate change?


A. Greenhouse Effect C. Global Warming
B. Greenhouses Gases D. Chlorofluorocarbon

7. Ang mga pinuno ng mga bansa ay nagkaroon ng isang pagpupulong sa Paris, France noong 2016 upang
talakayin ang mga hakbanging gagawin sa pagpapababa ng CO2 emission. Anong aspekto ng pag-aaral ng
climate change ang tinutukoy ng sitwasyon?
A. Aspektong Politikal C. Aspektong Pambayan
B. Aspektong Panlipunan D. Aspektong Pangrelihiyon

8. Ang patuloy na pagtindi ng mga sakuna tulad ng bagyo at tagtuyot ay ilan sa mga bunga ng climate
change. Anong aspekto sa pag-aaral ng climate change ang tinutukoy ng pahayag?
A. Aspektong Politikal C. Aspektong Pambayan
B. Aspektong Panlipunan D. Aspektong Pangrelihiyon

9. Alin sa mga sumusunod na gawain ang tumutukoy sa konsepto ng geoengineering?


Pahina 1 ng 8
ARALING PANLIPUNAN 10
FIRST TERM EXAM
A. Pagpapaputi ng ulap sa pamamagitan ng pagwiwisik ng tubig-dagat.
B. Paggamit ng enerhiyang nukleyar bilang kapalit sa paggamit ng fossil fuels.
C. Pagbebenta ng permiso o karapatan na magtapon ng karbon ng iba’t ibang nasyon.
D. Pagpipigil sa paglabas ng carbon sa pamamagitan ng pagbabaon ng pinaggamitang fossil fuels sa
ilalim ng lupa.

10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumatalakay sa epekto ng climate change?
A. Ang mahabang tagtuyot ay labis na nakakapekto sa mga bansang agrikultural.
B. Ang pag-init ng temperatura ng tubig dagat ay nagdudulot ng coral bleaching.
C. Ang pabago-bagong klima at nararanasang panahon ay nakapagdudulot ng sakit sa mga tao.
D. Ang mabilis na pagsulong ng globalisasyon at industriyalisasyon ay isa sa sanhi ng climate
change.

11. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng aspektong politikal ng pag-aaral ng climate change?
A. Ang pagtaas ng CO2 emission dahil sa pagdami ng mga pabrika sa ating lipunan.
B. Ang pangangailangan sa mas maraming fossil fuel para sa paggawa ng mga bagong produkto.
C. Ang pagtaas ng bilang ng mga mamamayan nating naaapektuhan ng mga lumalakas na sakuna.
D. Ang pagtalima ng ating pamahalaan sa mga pandaigdigang pagpupulong hinggil sa climate
change.

12. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang halimbawa ng aspektong pang-ekonomiya ng climate change?
A. Ang pagdami ng mga sakit na kumakalat sa ating lipunan.
B. Ang pagkamatay ng maraming tao dahil sa mga sakuna at kalamidad
C. Ang paglilimita ng pamahalaan sa maaaring CO2 emission ng mga kompanya.
D. Ang pagtaas ng kontribusyon sa CO2 emission ng mga industriyalisadong bansa.

13. Alin sa sumusunod ang angkop na kahulugan ng isang sakuna?


A. Ito ay tumutukoy sa mapaminsalang epekto ng mga kalamidad sa ating lipunan.
B. Ito ay tumutukoy sa pagkasira ng kaayusan sa lipunan na may kinalaman sa buhay at ari-arian
ng mga tao.
C. Ito ay tumutukoy sa walang humpay na pagtama ng mga bagyo sa isang lipunan na nagreresulta sa
mga malawakang pagbaha.
D. Ito ay tumutukoy sa pagpigil pagkasira sa mga impraestrukta at kabuhayan ng tao dahil sa mga
mapaminsalang mga sakuna.

14. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang halimbawa ng pagkakaroon nang mataas na


kapasidad na tugunan ang isang sakuna?
A. ang pagdating ng isang malakas na bagyo
B. ang pagkamatay ng mga tao sa isang sakuna
C. ang pananatili ng mga bahay sa ibabaw ng fault line
D. ang pagkakaroon ng mga barangay ng sariling fire truck

15. Ang maraming tubig ng Aral Sea ay nawala dahil sa maling sistemang pang-irigasyon ng Soviet
Union. Alin sa sumusunod na hazard napapabilang ang ganitong uri ng sakuna?
A. anthropogenic
B. bulnerabilidad
C. kapasidad
D. natural

Pahina 2 ng 8
ARALING PANLIPUNAN 10
FIRST TERM EXAM

16. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang upang ideklara ang isang lugar sa ilalim ng state of
calamity?
A. Labis na pagkawasak ng mga ari-arian at kabuhayan dulot ng storm surge.
B. Patuloy na digmaan sa pagitan ng mga rebelde at sandatahang lakas ng pamahalaan.
C. Malakas na bagyo na nagdulot ng matinding pagkawasak sa mga kabahayan at ari-arian at
pagkamatay ng maraming tao.
D. Paglulunsad ng malawakang strike ng mga samahan at organisasyon ng mga drayber dahil sa
pagtaas ng presyo ng krudo.

17. Nagiging madalas ang paghagupit ng habagat na nagdudulot ng mga suspesyon ng klase, pagkasira ng
kabuhayan, at iba pa. Anong paalala mula sa pamahalaan ang dapat gamitin ng mga tao upang
makapaghanda?
A. Tsunami Alert Levels C. Storm Surge Alert Levels
B. Rainfall Warning Levels D. Public Storm Warning Signal

18. Ang Bagyong Yolanda ang pinakamalakas na bagyong tumama sa kalupaan sa kasaysayan ng mundo.
Ang batayan ng naging lakas nito ay ang dala nitong hangin at hindi ulan. Anong paalala mula sa
pamahalaan ang dapat gamitin ng mga taong nakatira sa dalampasigan upang makapaghanda?
A. Tsunami Alert Levels C. Rainfall Warning Levels
B. Gale Warning Advisory D. Storm Surge Alert Levels

19. Paano maipapakita ng mamamayan ang pakikiisa sa pamahalaan sa panahon ng kalamidad at sakuna?
A. Pananatili sa loob ng tahanan sa kabila ng mga tagubilin ng pamahalaan na lumikas sa apektadong
lugar.
B. Agarang paglikas patungo sa evacuation centers upang makakuha ng suporta kahit hindi apektado ng
kalamidad.
C. Pagpo-post sa social media ng mga larawan sa panahon ng mga nagdaang kalamidad at sakuna
bilang babala sa nakararami.
D. Pagsubaybay sa mga warning signals mula sa mga ahensya at pagsunod sa mga patakaran sa
panahon ng kalamidad at sakuna kabilang na ang paglikas sa mga apektadong lugar.

20. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang marapat aksyunan ng Philippine Atmospheric, Geophysical,
and Astronomical Services Administration o PAGASA?
A. ang pagyanig ng lupa
B. ang banta ng pagsabog ng bulkan
C. ang maaaring pagtama ng isang bulalakaw
D. ang posibilidad ng pagkakaroon ng tsunami

21. Alin sa sumusunod ang angkop na sitwasyon kung saan dapat magpatupad ang pamahalaan ng
Gale warning?
A. kapag malalakas ang alon sa karagatan
B. kapag mayroong banta ng pagguho ng lupa
C. kapag marami ang ulan na dala ng isang bagyo
D. kapag tumaas ng bahagya ang alon sa dalampasigan

22. Bakit mahalagang bahagi ng pagkakatatag ng NDRRMC ang karanasan ng bansa sa Bagyong
Ondoy noong 2009 na muling umulit sa bagyong Yolanda?
A. dahil nagkulang ang ahensya sa pagbibigay paalala sa mamamayan
B. dahil nakitaan ng kakulangan sa paghahanda ang ating pamahalaan
Pahina 3 ng 8
ARALING PANLIPUNAN 10
FIRST TERM EXAM
C. dahil naging epektibo ang pamahalaan pagresponde noong bagyong Ondoy
D. dahil naging masyadong naging malakas ag bagyong Ondoy para kayanin ng Kamaynilaan

23. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang marapat aksyunan ng Philippine Institute of Volcanology
and Seismology o PHIVOLCS?
A. ang pagkakaroon ng solar eclipse
B. ang banta ng red tide sa mga lawa
C. ang paglakas ng mga bagyo sa bansa
D. ang posibilidad ng pagtama ng isang tsunami

24. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag sa pagkakaiba ng kalamidad at sakuna?


A. Ang kalamidad ay tumutukoy sa kamalasan samantalang ang sakuna ay ang dulot ng kamalasan.
B. Ang kalamidad ay suliraning dulot ng ilegal na gawain ng tao sa kalikasan samantalang ang sakuna
ay ang mga hindi inaasahang trahedya o aksidente.
C. Ang sakuna ay dulot ng mga biyolohikal na organismo tulad ng mga sakit samantalang ang
kalamidad ay dulot ng hindi balanseng kapaligiran.
D. Ang sakuna ay tumutukoy sa malubhang pagkasira sa kaayusan ng kapaligiran dulot ng
maling gawain ng tao samantalang ang kalamidad ay suliraning pangkalikasan na hindi
makokontrol ng tao.

25. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang halimbawa ng mitigation bilang paaran ng pagtugon sa sakuna?
A. Ang Brgy. San Jose ay bumili ng kanilang sariling mga rescue boat.
B. Ang mga mamamayan ng barangay ay naninirahan sa may paanan ng isang bundok.
C. Ang pamahalang pangbarangay ay nagsagawa ng pre-emptive evacuation bago pa man
dumating ang isang bagyo.
D. Ang pamahalaang pagbarangay ng Harapin ng Bukas ay nagsagawa ng search and rescue operation
habang kasagsagan ng isang bagyo.

26. Bakit ang pagiging bahagi ng Pilipinas sa Pacific Ring of Fire ay nagpapataas ng ating bulnerabilidad?
A. dahil dito ay nagkaroon tayo ng mga malalaking storm surge
B. dahil dito nakararanas tayo nang mahaba at matinding tagtuyot
C. dahil dito ay naging malalakas ang mga bagyong tumatama sa atin
D. dahil dito ay nakararanas tayo nang madalas at malakas na mga lindol

27. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang nagpapakita ng mabuting epekto ng globalisasyon?
A. mababang singil sa komunikasyon
B. pagkakaroon ng mabagal na transportasyon
C. pagkakaroon ng mataas ng death rate sa bansa
D. mababang porsyento ng mga naisisilang na sanggol

28. Paano naiiba ang export sa import batay sa mga sumusunod na halimbawa?
A. Napabababa nito ang dami ng reserbang dolyar ng bansa.
B. Napapataas ng export ang kita ng pamahalaan mula sa mga buwis.
C. Napapataas nito ang interes na ipinapataw sa mga utang ng isang bansa.
D. Napabababa nito ang dami ng mga negosyanteng nais mamuhunan sa bansa.

29. Paano naiiba ang export sa import batay sa mga sumusunod na halimbawa?
A. Napabababa nito ang dami ng reserbang dolyar ng bansa.
B. Napapataas ng export ang kita ng pamahalaan mula sa mga buwis.
C. Napapataas nito ang interes na ipinapataw sa mga utang ng isang bansa.
D. Napabababa nito ang dami ng mga negosyanteng nais mamuhunan sa bansa.
Pahina 4 ng 8
ARALING PANLIPUNAN 10
FIRST TERM EXAM

30. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng katangian ng globalisasyon bilang
“integrasyon”?
A. Ang mga bansa sa daigdig pinagbuklod ng Russia at United States sa pagsusulong ng kanilang
mga ideolohiya.
B. Sa panahon ng pandemya, ang paggamit ng teknolohiya ang naging daan upang maipagpatuloy ang
pagsusulong ng edukasyon.
C. Ang mga bansa sa Europa ay nagkaisa sa ilalim ng European Union sa pagsusulong ng mga
polisiyang pang-ekonomiya, pangpulitika at pangkapaligiran.
D. Ang Pilipinas ay bahagi ng ASEAN kung saan ang mga bansang sa Timog-Silangang Asya ay
nagkakaisa sa iba’t ibang larangan tulad ng kalakalan at pagnenegosyo.

31. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng mabilis na pagsulong ng globalisasyon?
A. pag-unlad ng teknolohiya
B. pag-iral ng mga bagong patakaran
C. paglaganap ng kulturang Kanluranin
D. kaganapang historikal tulad ng pagbagsak ng Soviet Bloc at Oil embargo noong 1973

32. Paano mailalarawan ang epekto ng globalisasyon sa politika?


A. Dahil sa globalisasyon, may mga nabuong bagong bansa.
B. Dahil sa globalisasyon, nabawasan ang mahahahalagang gampanin ng bansa sa kaunlaran ng
kakayahan ng yamang tao.
C. Dahil sa globalisasyon, lumawak at lumakas ang impluwensiya ng mga bansa.
D. Dahil sa globalisasyon, higit na nagkakaisa at nagkakasundo ang mga bansa tungo sa
kapayapaan.

33. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang HINDI nagpapakita ng mabuting epekto ng globalisasyon?
A. pagbaba ng antas kahirapan sa bansa
B. pagdami ng nalilikhang hanapbuhay sa isang bansa
C. pagbaba ng antas ng kawalan ng hanap-buhay sa bansa
D. paglipat ng mga lupaing sakahan na sumasailalim sa kombersyon

34. Ang globalisasyon ay maituturing na kaakibat sa pag-unlad ng isang bansa. Alin sa mga sumusunod na
halimbawa ang HINDI tumutukoy dito?
A. Napapaunlad nito ang antas ng edukasyon sa isang bansa.
B. Napapaunlad nito ang ginagamit na teknolohiya ng isang bansa.
C. Nababawasan nito ang sigalot sa hangganan o teritoryo ng bawat bansa.
D. Nababawasan nito ang pagdepende ng isang bansa sa karatig na bansa.

35. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng negatibong epekto ng globalisasyon sa
kultura?
A. Ang mga manggagawang Pilipino ay nangingibang bansa upang magkaroon ng mas malaking kita.
B. Higit na tinatangkilik ng mga millenials ang mga imported na pagkain mula sa Korea kaysa sa
lokal na pagkaing Pinoy.
C. Ang isang bansa ay sumasailalim sa industriyalisasyon kung kaya’t masa maraming likas na yaman
ang kinakailangan sa produksyon.
D. Ang isang Amerikanong negosyante ay mas piniling mag outsourcing sa Pilipinas kaysa sa Amerika
dahil sa mas mababang pasahod sa mga Pilipinong call center agents.
Pahina 5 ng 8
ARALING PANLIPUNAN 10
FIRST TERM EXAM

36. Ano sa mga sumusunod ang tumatalakay sa dimensyon ng globalisasyon bilang “cultural globalization”.
A. Ang mga bansa ay nagpapalitan ng kaisipan, pananaw at karanasan sa sistema ng pamamahala.
B. Ang mga bansa ay nagkakaisang pairalin ang malayang kalakalan at pag-usbong ng konsepto ng
liberalisasyon at deregularisasyon.
C. Pinaigting ng teknolohiya ang pagkakaunawan, pagkakaisa at kapayapaan sa kabila ng
pagkakaiba-iba ng iba’t ibang lahi.
D. Ang mga lider ng bansa ay nagkakaisa upang bumuo ng mga pamamaraan upang solusyunan ang
mga suliraning pangkapaligiran sa daigdig.

37. Paano nabuo ang konsepto ng sustainable development?


A. Nagpulong ang mga bansa upang lutasin ang suliranin sa kahirapan.
B. Nagpulong ang iba’t ibang bansa upang talakayin ang mga isyung pangkalusugan.
C. Nagpulong ang iba’t ibang bansa upang humanap ng mabisang paraan ng pagpapaunlad ng
ekonomiya.
D. Nagpulong ang iba’t ibang bansa upang matugunan ang pangangailangan ng kapwa
naghihirap at mayayamang bansa.

38. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa konsepto ng sustainable social development?
A. Pamimigay ng lokal na pamahalaan ng mga buto na maaaring itanim ng mga maybahay sa kani-
kanilang bakuran.
B. Paglulunsad ng lokal na pamahalaan ng mga proyektong pangkalikasan tulad ng Tree Planting at
Gardening Projects sa iba’t ibang barangay.
C. Katuwang ng pamahalaan ang mga organisasyon ng mga siyentipiko sa paghahanap ng mga
estratehiya kung saan mas mapapadali ang pagpapatubo at pag-ani ng palay.
D. Sinusubaybayan ng pamahalaan ang pagtaas ng bilang ng populasyon ng mga batang nag-
aaral sa isang paaralan upang masiguro ang sapat na bilang ng mga silid-aralan at guro.

39. Bakit itinuturing na hamon sa pagkamit ng sustainable development ang mataas na bilang ng
populasyon?
A. Ang mataas na bilang ng populasyon banta sa tahanan ng iba pang nilalang sa daigdig.
B. Ang mataas na bilang ng populasyon ay nangangahulugan ng mataas na ecological footprint.
C. Ang mataas na bilang ng populasyon ay nangangailangan ng mas malaking pagkonsumo sa
likas na yaman.
D. Ang mataas na bilang ng populasyon ay nangangahulugang mas maraming tao na makakatapos ng
pag-aaral at kinakailangang mabigyan ng trabaho.

40. Ano ang tinutugunan ng sustainable development program?


A. Ang mga pangangailangan ng mahihirap
B. Ang mga pangangailangan ng tao sa mundo
C. Ang mga pangangailangan ng tao sa susunod na henerasyon
D. Ang mga pangangailangan ng mga tao sa kasalukuyan at sa hinaharap

41. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagsasaad ng pagtalima ng mga bansa upang makamit ang
sustainable development?
A. Paglulunsad ng Tree Planting Project sa lungsod ng Mandaluyong sa pamumuno ng Sangguniang
Kabataan.
B. Paglulunsad ng mga pageant at fund raising upang maipamalas sa daigdig ang ganda at galing ng
mga kababaihan.

Pahina 6 ng 8
ARALING PANLIPUNAN 10
FIRST TERM EXAM
C. Paglahok ng mga bansa sa taunang Olympics upang magkaroon ng pagkakataong makahalubilo ang
iba pang lahi sa larangan ng sports.
D. Taunang Earth Hour kung saan ang mga kabahayan, opisina at pook gawaan sa buong mundo
ay hinihikayat na huwag gumamit ng ilaw sa loob ng isang araw.

42. Ano ang nagiging limitasyon upang makamit ang sustainable development?
A. nagbabagong klima sa buong mundo.
B. paglaki ng populasyon ng mga tao sa mundo.
C. mga likas na yaman na maaaring gamitin at pakinabangan.
D. kakulangan sa kasanayan ng mga tao sa iba’t ibang larangan.

43. Bakit mahalaga ang sustainable development?


A. Masisiguro na mapapakinabangan ng lahat ng mamamayan ang likas na yaman ng daigdig.
B. Magkakaroon ng pantay na hatian sa paggamit ng likas na yaman ang mga bansa sa daigdig.
C. Matutugunan ang mga suliraning panlipunan sa pag-papaunlad ng pamumuhay ng mga mamamayan.
D. Masisiguro ang pagiging balanse ng estado, ekonomiya at ng kalikasan kung saan hindi
maikokompromiso ang kinabukasan ng susunod na henerasyon.

44. Ang underemployment ay suliranin ng maraming manggagawang Pilipino sa bansa, alin sa mga
sumusunod ang maaaring implikasyon nito sa lakas paggawa?
A. Ang mga Pilipino ay magbubukas na lamang ng negosyo upang magkaroon ng dagdag na kita.
B. Patuloy na hindi masosolusyunan ang nararanasang kahirapan sa bansa dulot ng kawalan ng sapat na
kita at oportunidad.
C. Ang mga tao ay hindi na lamang magtatrabaho dahil walang oportunidad na naaangkop sa kanilang
kakayahan at pinag-aralan.
D. Ang bansa ay magkakaroon ng kakulangan sa mga propersyunal at skilled workers dahil
maraming Pilipino ang mangingibang bansa dulot ng kawalan ng oportunidad at mababang
kita.

45. Bakit maituturing na balakid ang pagiging underemployment ng mga manggagawa?


A. Hindi nabibigyan ng sapat na benepisyo ang isang manggagawang underemployed.
B. Hindi bahagi ng mga inaalok na benepisyo ng pamahalaan kung underemployed ang isang tao.
C. Ang mga underemployed na manggagawa ay hindi itinuturing na bahagi ng lakas paggawa sa bansa.
D. Hindi nabibigyan ng pagkakataon ang isang manggagawa na maipamalas ang kanyang galing
at abilidad sa larangan ng kanyang kakayahan.

46. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kasabihang “nagbibilang ng poste”?


A. walang trabaho
B. maraming trabaho
C. naghahanap ng trabaho
D. walang kakayahang magtrabaho

47. Alin sa mga sumusunod ang pangmatagalang solusyon ang maaaring ibigay ng pamahalaan sa mga
mamamayang walang hanapbuhay?
A. Pagbibigay ng regular na grocery supplies sa mga pamilyang walang pinagkakakitaan.
B. Pagbibigay ng financial assistance sa mga pamilyang walang pinagkakakitaan ang padre de pamilya.
C. Pagbibigay ng educational assistance sa mga mag-aaral na ang pamilya ay bahagi ng indigency
program.
D. Pagbibigay ng pagkakataon na makapaghanap ng employer sa pamamagitan ng job fair
program.

Pahina 7 ng 8
ARALING PANLIPUNAN 10
FIRST TERM EXAM
48. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang tumutukoy sa konsepto ng underemployment?
A. Si Carlo ay kumukuha ng kursong nursing at kasalukuyang nasa kanyang on job training.
B. Si Natalie ay nagtapos ng kurso sa pagkaguro at kasalukuyang nagtatatrabaho bilang guro sa
pribadong paaralan.
C. Si Joaquin ay nagtapos ng kursong mechanical engineering ngunit kasalukuyang nagtatrabaho
bilang call center agent.
D. Ang mga kabataang nagtapos ng short course na Automotive sa TESDA ay kasalukuyang empleyado
isang car manufacturing company.

49. Paano nakakaapekto ang globalisasyon sa pagkakaroon ng unemployment sa mga bansa?


A. maraming trabaho ang nagagawa sa loob ng isang bansa.
B. nagkakaroon ng di tamang distribusyon ng manggagawa sa mga bansa.
C. higit na tinatangkilik ng mga negosyante ang mga makina kaysa sa mga manggagawa.
D. umiigting ang sistema ng kontraktwalisasyon dahil sa dami ng mga potensyal na manggagawa.

50. Alin sa mga sumusunod ang HINDI angkop na hakbang upang matugunan ang suliranin ng
unemployment sa bansa?
A. Pagbabawas ng mga full time na empleyado upang makakuha ng mga part timers.
B. Paglikha ng mga proyekto ang pamahalaan tulad ng pagpapagawa ng mga imprastraktura.
C. Pagbaba ng buwis sa mga negosyante at himukin ang mga ito na magdagdag ng manggagawa.
D. Pagbaba ng kwalipikasyon ng mga mga manggaggawa sa pampubliko at pribadong sektor.

Pahina 8 ng 8

You might also like