Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

MALA MASUSING BANGHAY ARALIN

Sa Filipino
BATA BATA PA’NO KA GINAWA ?
I. LAYUNIN

1. Natutukoy ang mensahe ng nobelang nabasa

2. Nabibigyang kahulugan ang mga kabisaan sa nobela

3. Naiuugnay ang sariling pananaw sa akdang nabasa

II. NILALAMAN

Paksang Aralin: Bata.....Bata Pa'no Ka Ginawa ?

Sanggunian: Filipino 7

Kagamitan: Tulong Biswal at mga Larawan

III. PAMAMARAAN

A.PANIMULANG GAWAIN

PANALANGIN

PAGBATI

PAGTATALA NG LUMIBAN

BALIK-ARAL
B. PAGGANYAK

Base sa mga larawang inyong makikita ano ang inyong napapansin ?

C. PAGLALAHAD

Ang tatalakayin natin ngayon ay may kaugnayan sa Pamilya at ang katatagan ng ina ito ay ang
pinamagatang Bata Bata Pa'no Ka Ginawa ? Ni Lualhati Bautista

Ito ay isang uri ng panitikan na Nobela

D. PAGTALAKAY

Bago natin tuluyang tunguhin ang ating akdang tatalakayin, nais ko munang ibahagi sa inyo ang mga
inihanda kong tanong na magiging gabay ninyo sa inyong pagbabasa upang magkaroon kayo ng ideya sa
pagsagot ng mga katanungan mamaya.

Gabay na tanong:

1. Sino sino ang tauhan sa kwento ?

• Si Lea Bustamante ay isang mapag-aruga at mapagmahal na ina kay Ojie at Maya. Nagtratrabaho siya
sa isang organisasyon na kung saan ipinaglalaban ang karapatan ng tao o isang human rights
organization. Nagkaroon ng dalawang asawa at matiyagang binubuhay ang kaniyang dalawang anak.
• Si Raffy ang naging unang asawa ni Lea. Siya ang ama ni Ojie. Bumalik sa Maynila upang makasama ang
kaniyang anak.

• Si Ding naman ang pangalawang asawa ni Lea. Siya ang ama ni Maya. Naging karamay ni Lea sa mga
panahong hindi nabibigay ang nais ni Lea kay Raffy.

• Si Ojie ang panganay na anak ni Lea na nais sanang dalhin ni Raffy sa Amerika.

• Si Maya ang bunsong anak ni Lea.

• Si Mrs. Zalamea ang principal ng pinapasukang paaralan ng mga anak ni Lea,

2. Saan nangyari kuwento

• Sa bahay ni Lea nangyari ang halos lahat ng pangyayari sa nobela.

• Sa mall at karnibal nagkita muling si Lea at Raffy at nagbonding kasama ang mga bata.

• Sa eskuwelahan nagsimula ang nobela sa paggradwayt ni Maya sa Kinder at dito rin nagtapos ang
nobela sa paggradwayt ni Ojie at ang pagbigay ni Lea ng talumpati.

• Sa loob ng kuwarto ng principal nagkasagutan si Lea at ni Mrs. Zalamea na kalaunan ay naging


mabuting magkaibigan.

• Sa trabaho ni Lea inilahad sa nobela ang ginagawa ng isang miyembro ng organisation kung paano nila
ipinaglalaban ang karapatan ng bawat tao.

• Manila ang pinanggaganapan ng kuwento sapagkat naisaad dito ang nangyari sa pagkamatay,
paglibing kay Ninoy Aquino at pagprotesta ng mga tao laban sa gobyerno.
3. Sa anong panahon naisulat ang nobela?

• Ang nobela ay isinulat sa panahon ng Martial Law na kung saan ipinahayag sa nobela ang patayang
nagaganap sa bansa

4. Ibigay ang tunggalian sa nobela

• Tao laban sa Tao.

Bagaman walang nangyaring labanan o suntukan sa mga karakter, makikita pa rin ang tunggalian sa tao
laban sa tao. Si Lea laban sa dalawa niyang asawa at ng lipunan. Si Lea laban sa kaniyang dalawang
asawa na sina Raffy at Ding, pinakita ni Lea sa nobela ang kaniyang katatagan na kahit pilit na siyang
pinaaalis sa kaniyang trabaho ay mas pinili niya ang kaniyang trabaho at kahit na iniwan na siya ng
dalawa ay nananitili pa rin siyang matatag para sa kaniyang mga anak. Si Lea laban sa lipunan, sa
ganitong panahon, marami ang mga taong mahilig manghusga at dahil sa kalagayan ni Lea, dalawa ang
kaniyang anak at magkaiba ang ama hindi na maiiwasan ang mahusgahan ng mga taong nagmamalinis
katulad na lamang noong umatend siya ng miting sa paaralan nina Ojie at ang mga tingin sa kaniya ng
mga tao ay parang madaliang babae na kung sino-sino lang nagpapaano.

• Tao laban sa sarili

Sapagkat ipinakita ni Lea na kahit iniwan na siya nina Raffy at Ding ay nanatili siyang matatag para sa
kaniyang mga anak, nagpatuloy pa rin siya sa kaniyang buhay kahit wala ang mga ito.

5. Ano ang Paksang diwa ng nobela

• Ang paksang-diwang binibigyang diin sa nobela ay ang pagmamahal ni Lea sa kaniyang mga anak, ang
paninindigan ni Lea sa karapatan ng tao at pagiging pantay-pantay ng babae sa lalaki at ang mga
nangyayari sa lipunan
• Ang paksang umiiral sa nobela ay ang kasaysayang pag-ibig na kung saan ipinakita rito ang
pagmamahal ni Lea sa kaniyang mga anak at sa dalawang lalaking naging parte ng kaniyang buhay.

6. Ano ang pamamaraan ng may akda?

• Pamamaraan

Ang pamamaraang ginamit ng may-akda ay pinaghalo niya ang wikang Ingles at Filipino. Karamihan sa
parte ng kaniyang nobela ay ang kasalukuyang kaganapan ng mga panahon na iyon. Mas umiiral din ang
pagiging ina ng may-akda dahil mararamdaman ito ng mambabasa sa katauhan ni Lea, na kahit anong
mangyari ang kaniyang anak at sarili pa rin ang kaniyang pipiliin.

7. Ano ang istilo pananalita ng mga tauhan?

• Ang diyalogo ng bawat tauhan sa nobela ay makikita sa kanilang edad. Halimbawa na lang nito ay kay
Maya na kung saan makikita ang kainosentehan nito sapagkat tanong ito nang tanong na nangyayari
naman talaga sa ibang batang katulad niya. Si Lea na kung saan ang pananalita niya ay makikita ang
pagiging isang ina nito.

8. Ano ang dulog na ginamit sa nobela

• Dulog

Ang nobelang Bata, Bata…Pa’no ka Ginawa ni Lualhati Bautista ay gumamit ng dulog na Feminismo
sapagkat babae ang pangunahing tauhan ng nobela.

9. Ilarawan si Lea Bustamante ?


10. Bilang isang lalaki ano ang maipapangako mo sa iyong sarali sa oras na dumating na ikaw ay
magkaroon ng sariling pamilya? At Bilang isang babae paano mo mapapahalagahan ang iyong
pagkatao?

E. PANGKATANG GAWAIN

Papangkatin ko ang klase sa dalawang grupo

Pangkat :1

Panuto: Gumuhit ng simbolo ng isang ina

Pangkat :2

Panuto: Gumawa ng isang tula patungkol sa ina

Pamantayan sa Paggawa

• Paglalahad ng mensahe……....5 puntos

• Pagkamalikhain……………5 puntos

• Kooperasyon…….……10puntos

• Kabuuan............ 20(dalawangpung) puntos

F. PAGPAPAHALAGA
Ano ang mensahe ng nobelang nabasa?

• Ang mensahe ng “Bata, Bata.. Pa’no ka Ginawa” ay isang nobelang isinulat ng batikang manunulat na
si Lualhati Bautista. Ay ang mga babae ay hindi lamang basta babae dahil lahat ay kaya din nitong gawin
tulad ng mga single parent diyan na mag isang itinataguyod ang anak pinagsasabay ang pagiging ina at
ama para sa anak sila ay maituturing na superhero ng lipunan wala mang supernatural powers ngunit
ang puso at damdamin nila ay makapangyarihan na lahat ay gagawin para sa pamilya. Kaya sa lahat ng
kapwa ko babae speak and loud be proud as a women dahil tayoay parang ginto na kaylanman ay hindi
kumukupas.

G. PAGLALAHAT

Ngayon ay ating tungguhin ang Bisang Pampanitikan ng nobela

a. Bisa sa Kaisipan

b. Bisa sa Damdamin

c. Bisa sa Kaasalan

a. Bisa sa Kaisipan

Ang nobelang Bata, Bata…Pa’no ka Ginawa ay maituturing kong isang napakagandang nobela sa
panahon ng Martial Law. Bagaman nakapokus ang nobela sa karapatan ng mga kababaihan sa mundong
ibabaw, ipinahayag din sa nobela ang mga pangyayaring naganap.

b. Bisa sa Damdamin

Ang pagiging isang babae ay mahirap, hindi lang dahil sa buwan-buwan itong dinadatnan o kaya ay
nanganganak. Mahirap din ang maging isang ina sapagkat lahat ay kaniyang ginagawa para lamang sa
kaniyang mga anak, si Lea ay isang halimbawa ng babaeng matapang at mapagmahal. Lahat ng ina ay
gagawin ang ikakabuti sa kanilang anak.

c. Bisa sa Kaasalan
Sa panahon ngayon marami na ang mga kataang sa sobrang curiousidad ay ginagawa ng experiment na
ang mga bagay bagay nagiging mapusok sila. Malungkot man isipin pero ganito na ang nangyayari sa
lipunan ngayon, mas pinapairal ang puso kaysa utak. Sarap bago hirap. Kapag nagbunga ang ginawa,
iiyak, pagkatapos kapag hindi pinanagutan ng lalaki, ipapalaglag ang bata o di kaya ay magsu-sucide.
Malikot na mag-isip ang mga kabataan ngayon, lahat gustong maranasan agad-agad, hindi iniisip ang
mga mangyayari. Pagkatapos, ano? Iiyak sa magulang at hihingi ng tawad. Hindi masama na gawin ang
gustong gawin, pero kung maaari lamang ay isipin ang mga posibleng mangyari bago gawin ang gusto.
Ipairal muna ang utak bago puso. Masasaktan ka lang pagnagkataon.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Sino si Lea Bustamante?

• Ang ina nila ojie at maya

2. Sino ang dalawang anak ni Lea Bustamante?

• ojie at maya

3. Sino ang una at pangalawang asawa ni Lea Bustamante?

• Ding at Raffy

4/5. Mananatili ka ba sa iyong inang mahirap ngunit mayaman sa pagmamahal o sa iyong ama na ikaw
ay iniwan sa oras ng kagipitan ?

V. Takdang Aralin:
Panuto : Gumawa ng Family tree

Inihanda ni:

Kristel Marie M. Cabusao

BSE FILIPINO III

Sinuri at Iwinasto ni:

Gng. SHIRYL M. ABEJON, MA.ED

Gurong Tagapagsanay

You might also like