Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pilipinas, aksyon laban pang-aapi ng China

Ayon kay Clarita Carlos na dating national security adviser ng bansa ay dapat nang
manindigan ang gobyerno patungkol sa mga isyung matagal nang hinaharap ng Pilipinas laban sa
China patungkol sa South China Sea. Hindi makatarungan na nararapat pa tayong manghingi ng
permisyon sa paggawa ng akibidad sa sarilinating katubigan.

Ang sabi-sabi pa nga ay ang pinakamabisang paghihingi ng tawad ay ang pagbabago ng


paguugali. Kung saan ito ay hindi man lang masunod ng China, sabi pa ng ni Carlos ay
maraming bagay na ang ginawa ng Pilipinas, nag padala pa nga sila ng 203 note verbals upang
malutasan na ang isyu ng dalawang bansa ngunit ang China naman ang hindi nakikipag ayos ng
mabuti.

Isang suhestyon din ni Carlos na pababain ang diplomatic relations ng bansa sa China,
kung saan ikinabahala naman ng ibang Pilipino dahil wala nang bibili ng kanilang produkto.
Hindi lang naman ang China ang bansang nasa labas ng Pilipinas na mayroong interest sa mga
produkto ng bansa.

Nasabi rin ni Carlos ang ukol sa US bilang kaalyado ng Pilipinas noong 1946 pa. Maari
na mang hingi ng tulong ang bansa sa US, magtulungan dapat ang dalawang bansa upang mas
mapabisa ang pakikipaglaban sa China sapagkat hindi talaga sila umaatras.

Sabi naman ni Rommel Banlaoi na nararapat na maupo at magusap ng masinsinan ang


dalawang bansa, ngunit hindi ba ay ito na ang ginagawa ng gobyerno noon pa man? May
nakikita ba tayong pagbabago? Wala, kaya mainam lang na tayong mga Pilipino ay huwag nang
maging mahina kung patungkol sa suliranin ng bansa sa China.

Inaabuso na tayo ng China, hindi na makatarungan at hindi rin propesyonal ang kanilang
mga ginagawa sa atin, lalo na sa mga Philippine Coast Guard nating ginagawa lang naman ang
mga trabaho nila, nakakagalit, nararapat lang din naman talaga tayong magalit mga Pilipino sa
mga pinangagawa sa atin.

Patuloy lamang tayong aapihin ng China kung inaakala nilang ang Pilipinas ay takot pa
ring lumaban sa kanila, ngunit ito ay masyado nang nakakaapekto sa bansa at hindi na dapat ito
pinalalampas. Ang mga Pilipino ay dapat nang magalit at lumaban.

You might also like