Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

"Hantungan" (Spoken poetry tungkol sa "Mabangis na Lungsod")

Sa simbahan ng Quiapo matatagpuan

Isang batang nanlilimos, sumasalubong sa mga taong nagsisilabasan

“Palimos po”, “Maawa nap o kayo” ani ng bata

Ilang araw nang tinitiis kumakalam niyang sikmura

Sundan natin ang istorya ni Adong

Labin’dalawang taon niyang paghihirap, saan na humantong

Walang muwang, nag-iisa, sumasabay sa karera ng buhay

Nag-hihirap, walang tahanan, walang magulang na gumagabay

Mag-isang humaharap sa magulong mundo

Mapapatanong ka nalang, “Paano kaya niya kinakaya ito?”

And makaalis sa kanyang sitwasyon, ay tila isa malaking ilusyon

Lugmok sa kahirapan at walang ibang masandalan

Idagdag mo pa ang mga taong tulad ni Bruno, sakim na si Bruno

Kaunting barya na maghapong pinaghirapan, bigla nalang naglalaho

“Di ko kayang tumanggi, baka saktan niya ako eh” bakas sa tinig ang takot

Presensya pa lamang ni Bruno, sa kanya’y naghahatid na ng matinding kilabot

Pero sa araw na ito, sa araw na ito!, pinili ni Adong na tumakbo

“Naloloko ka na ba Adong?, sasaktan ka ni Bruno!” sigaw ni Aling Ebang

araw nilang magkasama ni Adong ay di na rin mabilang

Siya yung matandang pilay sa may simbahan? , mga paghihirap ni Adong, kanyang araw-araw nasisilayan

Ngayon, sa muling pagdating ni Bruno, si Adong ay mabilis na tumakbo

Sa kanyang paglayo sa Quiapo, siya’y umaasa na sila’y di na magkakatagpo

Ngunit sadya nga namang napaka-bangis ng lungsod na ito


Sa huli’y naabutan pa din siya ng malupit na palad ni Bruno

Ang naramdaman niya kaninang tagumpay, ay saglit lang pala

At patikim lang ng mapait na kahahantungan niya

Sa sandaling iyon tila hindi niya na nararamdaman ang kabangisan ng lungsod

Para bang saglit na kapayapaan, nawala bigla ang kanyang pagod

Parang nawala ang kanyang paghihirap

sa kabila ng pait na kanyang hinaharap

At doon na nga humantong

Ang istorya ng labin’dalawang taong gulang na si Adong

You might also like