Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG KAPANGANAKAN

Ipinresenta ng ICENHS – SPA Class

Mga Tauhan:

Miguel Yanez bilang Jose

Kurtny Adorniga bilang Haring Herodes

Princess Jane Baguio bilang Maria

Brienstein Baller

Charles Onga – Tatlong Hari

Zshaney Burgos

Kierra llagas bilang Elizabeth

Queenie Tagle bilang Anghel

Sa palabas na aking napanood na may pamagat na “ Ang Kapanganakan” may isang batang
babaeng nagngangalang Esang na parang nagtataka kung bakit nagdidiriwang tayo ng pasko. Kaya
ikinwento ng kanyang Inay ang mga nangyari noong panahong iyon. Ang kwento na nagsimula sa lugar
na kung saan dinalaw ng isang anghel si Maria upang ipagbigay alam na magkakaanak siya ng isang
batang lalaki sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Napagabag mn si Maria sa sinabi ng
anghel ngunit sinabihan siya ng anghel na ito’y magiging sariling anak ng Diyos. Nasabi ng mga Pantas na
Lalake kay Herodes ang tungkol rito dahil sa gusto ni Herodes na siya lang ang hari. Sinabi niya sa
kanyang mga kawal na patayin ang lahat ng sanggol sa Betlehem at mga kalapit na lugar. Buti nalang at
nakatakas sila Maria at Jose at napunta sa Bethlehem. Ang bayan ay puno ng mga tao. Kaya pinalipas
nina Maria at Jose ang gabi sa isang kural ng mga hayop. Nang gabing iyon ang sanggol na si Jesus ay
isinilang! Sa malayong lugar, nakita ng mga Pantas ang bagong bituin. Alam nila na tanda iyon na
isinilang na ang Tagapagligtas. Sinundan nila ang bituin hanggang sa matagpuan nila si Jesus. Nagbigay
sila sa kanya ng mga regalo at sumamba sa kanya.

Natutunan ko sa natunghayan kong palabas na ang pasko ay hindi nakatuon sa matatanggap sana
na material na Aguinaldo o sa mga bonggang handaan o selebrasyon dahil nga sa ipinanganak si Hesus
sa araw nayan. Kundi sa tunay na regalo na ipinagkaloob ng Dios ang buhay na walang hanggan na dapat
ay may buong pusong pananampalataya sa Panginoong Hesukristo na siyang pumasan ng kasalanan ng
sanlibutan.

Masasabi kong naging maganda naman ang takbo ng storya na ipinresenta nila lalong- lalo na sa
dekorasyon ng kanilang entablado. Maganda ang pagkakasunod-sunod ng bawat eksena at naganapan
naman ng mabuti ng mga karakter ang kani-kanilang mga papel sa palabas. Isa itong palabas kung saan
pinaghandaan talagang mabuti upang maiparating ng maayos sa mga manonood ang nais nilang
ibahaging mensahe tungkol sa kapanganakan ng ating Hesus.

You might also like