Professional Documents
Culture Documents
Modyul 1 Aralin 6 Panitikan NG Rehiyon Rehiyon IV A Calabarzon PDF

Modyul 1 Aralin 5
REHIYON IV – A CALABARZON
Kaligirang Pangkasaysayan
Sagana ang Rehiyon IV-A sa mga magagandang pook na may magagandang tanawin
tulad ng Talon ng Pagsanjan, Hidden Valley at Bundok ng Makiling na pawang matatagpuan sa
Laguna; ang Puerto Asul, Covelandia Resort, Picnic Groove at Palace in the Sky sa Cavite.
Ipinagmamalaki rin ang mapuputi at pinong buhangin sa mga dalampasigan ng Batangas at
Quezon.
May dalawang malalaking lawa ang rehiyong ito, ang Lawa ng Laguna at ang Lawa ng
Taal na siyang pinagkukunan ng kabuhayan ng maraming mamamayan na mga nananahanan sa
mga baybayin ng lawa.
Nasa rehiyon ding ito ang mga artista sa pelikula at telebisyon ng kasalukuyang
panahon na sina Jericho Rosales, Toni Gonzaga, Francis Magalona, Jestoni Alarcon, Jessa
Zaragoza, Nikki Gil, John at Camile Pratts at marami pang iba.
Tagalog ang wika ng mga mamamayan nito bagamat may iba-ibang baryasyon. Iba ang
Tagalog Laguna at Quezon sa Tagalog ng mga Taga-Rizal gayundin ang Batangas at Cavite.
Mayaman ang Rehiyon IV-A sa literatura maging sa panahon n gating mga ninuno.
Pinatutunayan ito ng mga bugtong, salawikain, kasabihan, mga awiting bayan at mga
kwentong bayan na nagpapasalin-salin sa bibig ng mga mamamayan.
Higit na naging mayaman ang literatura ng rehiyon ukol sa mga ambag sa literatura ng
mga bantog na manunulat na kinabibilingan nina Jose P. Rizal, Claro M. Recto, Lope K. Santos,
Ildefonso Santos, Alejandro Abadilla, Buenaventura S. Medina Jr., Ligaya T. Rubin, Fr. Arnel S.
Vitor, Clemente Bautista at iba pa sa kasalukuyang panahon.
MGA BUGTONG
Ang mga bugtong natin ay maituturing na isa sa mga gintong bahagi ng ating kultura
na hindi nakuhang wasakin, sunugin at ibaon sa limot ng mga lapastangang banyagang
lumupig sa ating pagkabansa, sapagkat ang marami sa ating mga bugtong,salawikain at
kasabihan ay di natitik sa mga aklat.
ANG PAMAHIIN
Ang lalawigan ng Laguna ay tulad ng ibang lalawigan na mapamahiin. Maraming mga
kilos ang nabibigay at nagbubunga nang hindi mabuti. May mga bagay na nakapagdudulot ng
kasiyahan at mayroon din naming nagbibigay ng kapighatian at kalungkutan sa buhay.
Masama sa magkapatid ang magpakasal ng sukob sa taon, dahil ang isa raw sa kanila
ay magdaranas ng hirap.
Masama ang magwalis o magpalis kung gabi, sapagkat mawawala ang grasya.
Pagdating sa bahay ng ikakasal, ang lalaki ang dapat munang pumanhik upang hindi siya
maging talun-talunan o ander de saya.
Kung ikaw ay magsasabong, kailangang lumakad ka nang tuloy-tuloy at nang manalo ang iyong
manok.
Pag ang manok ay tumilaok sa hatinggabi at tumugong tilaok din ay tiyak na mananalo ang
iyong manok.
Pag namatay raw ang kandila ng ikakasal, mamamatay raw ang mga ito.
Sanaysay:
Ang Tunay na Sampung Utos ng Dios ni Apolinario Mabini
Una. Ibigin mo ang Dios at ang iyong puri ng lalo sa lahat ng bagay: ang Dios na siyang bukal
ng boong katotohanan, katoiran at kalakasan; ang paghahangad ng puri ang siya lamang
makapigil sa iyo sa pagbubulaan at makapipigil na huag kang suminsay sa daan ng katowiran at
laging magtaglay ng kasipagan.
Ikalawa. Sambahin mo ang Dios sa kaparaang lalong minamarapat ng iyong bait at kalooban o
konsiencia, palibhasa’y sa iyong konsiencia na sumisisi sa gawa mong masama at pumupuri sa
magaling ay doon nangungusap ang iyong Dios.
Ikatlo. Dagdagan mong pilit ang talos ng isip at katutubong alam na ipinagkaloob ng Dios sa iyo
sa pamamag-itan ng pag-aaral, at magsumakit ka ng ubos lakas sa gawang kinahihiligan ng
iyong loob, na huag kang sisinsay kailan man sa daang magaling at katowiran, upang matipon
sayo ang lalong maraming kagalingan at sa ganitong paraa’y makatulong ka sa ikasusulong ng
lahat; ito nga’y siya mong pagkasunod sa pinatutungkol sa iyo ng Dios sa buhay na ito, at kun
yao’y maganap mo ay magkakapuri ka at kun may puri ka na’y maitatanghal mo naman ang
kapurihan ng iyong Dios.
Yka apat. Ibigin mo ang iyong Inang bayan nasa kaikalawa ng Dios at ng iyong puri at higit sa
iyong sarili, sa pagka’t siya ang nakaisaisang Paraisong pinaglagyan sa iyo ng Dios sa buhay na
ito; siya lamang ang pinaiikawan ng iyong lahi; na kaisa-isang mana mo sa iyong pinagnuno; at
siya lamang inaasahan ng iyong angkan; dahil sa kanya’y nagtitikim ka ng kabuhayan, pagsinta
at pag-aari; natatanawan mo ang katimawaan, kapurihan sa Dios
Ikalima. Pagpilitan mo ang katimawaan ng iyong bayan bago ang iyong sarili, at papaghariin mo
sa kanya ang bait, ang katowiran at kasipagan; sa pagka’t kun tyimawa siya ay matitimawa rin
ikaw at ang iyong kamag-anakan.
Ikaanim. Pagpilitan mo ang kasarinlan ng iyong bayan, sa pagka’t ikaw lamang ang tunay na
makapagmamasakit sa kanyang ikasusulong at ikatatanghal, ang kanyang kasarinla’y siya mo
naming kalayaan o kaluwagan, ang kanyang pagkasulong ang kayamanan mo sa lahat ng bagay
at ang kanyang pagkatanghal ang siya mo naming sariling kabantugan at kabuhayang walang
hangan.
Ikapito. Huwag mong kilalanin sa loob ng iyong bayan ang pangyarihan nino mang tawona
hindi sa lagay ninyong magkakababayan, pagka’t ang boong kapangyariha’y sa Dios
nagmumula at ang Dios ay sa konsiencia ng bawa’t isa nangungusap; kaya’t ang tawong ituro
at ihalal ng mga konsiencia ng sangkabayanan ang siya lamang makapagtataglay ng tunay na
kapangyarihan.
Ikawalo. Ihanap mong pilit ang iyong bayan ng Republica, yaon baga ang lahat na namamahala
ay palagay ng bayan, at huag isipin kailan man ang Monarquia, ang pagkakaroon baga ng hari;
sa pagka’t ang hari ay walang binibigyan ng kamahalan kundi isa o ilang angkan lamang, upang
maitayo niya ang kanyang sariling angkan na siyang pangagalingan ng lahat na maghahari;
hindi ganito ang Republica na nagbibigay ng kamahalan at karapatan sa lahat palibhasa’y ang
kabaitan ang pinaiiral, at ang baya’y nagiging dakila alang-alang sa kalayaan o kaluagan, at
marilag at masagana gawa ng kasipagan.
Ikasiyam. Ibigin mo ang kapua mo tawo paris ng pag-ibig mo sa iyong sarili, sa pagka’t siya’y
binigyan ng Dios, at ikaw ay ganon din naman, ng katungkulang tulungan ka at huag niyang
gawin asa iyo ang di niya ibig na gawin mo sa kaniya; nguni’t kapag ang kapua mo tawo ay
nagkukulang dito sa kamahalmahalang katungkulan at pinagtatangkaang lipulin ang iyong
buhay at kalayaan at pag-aari, ay dapat mo naming ibual at lipulin siya, pagka’t ang mananaig
ay ang kaunaunahang utos ng Dios, mag-ingat ka at iningatan kita.
Ikasampu. Palalaloin ng kaonti sa loob mo ang iyong kababayan sa iyong kapua tawo; aariin
mong palagi siya na parang isang katoto, kapatid kaya o kasama man lamang, palibhasa’y iisa
ang inyong kapalaran, iisa din ang inyong tuwa at kapighatian at magkakaayon din naman ang
inyong mga hinahangad at pag-aari.
Pagsasanay 1
_______________________________________________________________________

____________________________________________________

_____________________
2. Magbigay ng halimbawa sa bawat isang utos (25 puntos) gumamit ng ekstrang papel

____________________
Sa Aking mga Kababata, Kundiman, Noli Me Tangere (Huwag Mo Akong Salingin ) 1887, El
Filibusterismo -1891, Huling Paalam -1896, Sobre la Indolencia de los Filipinos (Hinggil sa
Katamaran ng mga Filipino), Ala Juventud Filipina (Sa Kabataang Filipino) 1879, Filipinas Dentro
de Cien Anos (Ang Filipinas sa Loob ng Isandaang Taon), El Consejo de los Dioses (Ang
Kapulungan ng mga Bathala)1880, Junto al Pasig (Sa Tabing Ilog) 1880, Me Piden Versos
(Hinihingian Nila Ako ng Tula) 1882, Alas Flores de Heidelberg (Sa mga Bulaklak ng Heidelberg)
1886, Notas Alas Obrea”Sucesos de las Filipinas” por el Dr. Antonio de Morga (Mga Tala sa
Akdang “Mga Pangyayari sa Pilipinas” ni Dr. Antonio de Morga) 1889.
LOPE K. SANTOS
Ang Buhay Pangginggera
CLEMENTE M. BAUTISTA
May Daigdig sa Karagatan
B.C.MARQUEZ
Ikaw ang Banyaga, Ang Karma, at Tula sa Aking Panahon
ROGELIO ORDONEZ
Apoy sa Madaling Araw, at Dugo ni Juan Lazaro
PASCUAL POBLETE
Nagsalin ng Noli Me Tangere sa Filipino, at Buhay ni San Vicente Ferrer
MODESTO DE CASTRO
Urbana at Felisa, Novena kay San Isidro at Platicas Doctrinales
TEODORO AGONCILLO
The Story of Bonifacio and the Katipunan, at sa Dalampasigan
BIENVENIDO LUMBERA
Ang Palabas Bukas at Likhang Diwa – Likhang Dila
SIMPLICIO BISA
Mahihintay ang Pagsikat ng Gintong Liwanag
CELSO AL CARUNUNGAN
Satanas sa Lupa at Man of Craft
PAZ LATORENA
Sunset, at Swall Key
MACARIO ADRIATICO
Editor ng El Diario de Felipinas
Pagsasanay 2

A. Mga Aklat