Cyberbullying Pagbasa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

"Laganap na Isyu ng Cyber bullying"

Isinulat nina Crisleigh Cajes


Franz Gabriel Sale, at
Hannahbelle Reños

Mayroong iba't ibang isyung kinakaharap ang ating henerasyon ngayon. Isa sa mga
isyung ito ay ang cyber bullying. Ito ay kasalukuyan paring laganap ngayon. Ayon sa
termpaperwarehouse, ito ay isang negatibong pag-uugali na kung saan ay maraming
nabibiktima lalong lalo na sa mga taong gumagamit ng internet at kung saan madaliang
mapapasok sapagkat sa ating henerasyon ay mayroong makabagong teknolohiya na
maaaring gamitin, bata man o matanda. Mayroon nang mga batas na pinapairal sa
Pilipinas na nauugnay sa kasong ito katulad na lamang ng Anti Bullying Act of 2013
(RA10627) ay itinakda upang magkaroon ng proteksyon ang mgs mamamayan sa banta
ng Cyber bullying. Naglalayong tugunan ang masamang kapaligiran sa paaralan. na
nakakagambala sa proseso ng edukasyon na, sa turn, ay hindi nakakatulong sa.
kabuuang pag-unlad ng isang bata sa paaralan. (cite some examples na case or what
so ever)

Ayon kay Smith noong 2008, ang mga uri ng Cyber bullying ay ang iba't ibang pag-
uugali tulad ng panliligalig, paninirang-puri, pagbabalatkayo, at higit sa lahat ay ang
cyber stalking.

Panliligalig- panliligalig ay isang agresibo at sinadya na kilos, na isinasagawa nang


paulit-ulit, sa pamamagitan ng paggamit ng mga elektronikong anyo ng pakikipag-
ugnay ng isang pangkat o isang indibidwal laban sa isang biktima na hindi madaling
maipagtanggol ang kanyang sarili.
Halimbawa: humiling na makipagtipanan at ang hindi tumatanggap ng “hindi” bilang
sagot
Paninirang-puri- ang pagkilos ng pagkasira ng mabuting reputasyon ng isang tao;
paninirang-puri o libelo.
Halimbawa: pagtawag sa isang tao na mabaho, madungis at iba pa.
Pagbabalatkayo- tumutukoy sa mapagkunwari, mapagkaila at mapangloko.
Halimbawa: Ang pag panggap ng isang nasa hustong gulang na tao bilang minor de
edad upang makipag usap sa ibang minor de edad.
Cyber Stalking- Ang Cyberstalking ay isang kriminal na kasanayan kung saan ang
isang indibidwal ay gumagamit ng Internet upang sistematikong panggulo o
pagbabanta sa isang tao. Ang krimen na ito ay maaaring magawa sa pamamagitan
ng email, social media, chat room, instant messaging client at anumang iba pang
online medium.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga epekto ng Cyber bullying;
1. Maaaring maka apekto sa mentalidad at nagiging sanhi ng depresyon.
2. Ang pagbabago ng ugali ng biktima na kung saan maaaring magsimula itong mag-
inom, pag yosi at iba pang maling gawain o bisyo upang ma "cope up" ang iniindang sa
loobin.
3. Pagbaba ng self-esteem.
4. Problema sa kalusugan.
5. Maaaring makaranas ng harapang bullying.
6. Maaari ding mawalan ng gana sa lahat lalo na sa pag-aaral.

Paano maiiwasan ang Cyber bullying


1. Maiiwasan ang cyber bullying sa pamamagitan ng pag respeto sa mga tao na
napapaloob sa social media.
2. Isipin muna kung tama ba ang iyong "ipopost"
3. Gawing pribadi ang personal na impormasyon.
4. Huwag magpapadala sa mga propaganda upang walang mangyaring hindi maganda.

Karagdagang Impormasyon
• Iwasan ang pagbababad ng sarili sa social networking sites tulad ng Facebook,
Twitter, Instagram at iba pang pwedeng gamitin. Ang gawaing ito ay mayroong
negatibong epekto para sa atin, hindi lamang tayo mapapabilang sa internet addiction
ngunit posible ring madawit sa cyber bullying. Maraming kaso ang cyber bullying na
maaaring tayo ang maging biktima o tayo ang mabibiktima kaya nawa ay huwag natin
itong tularan

You might also like