Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

PANULAAN SA PANAHON NG PROPAGANDA

Ang Kilusang Propaganda


Walang pakay na maghimagsik o maglunsad ng karahasan ang mga propagandista, ni
lumabag sa batas o lumaban sa may kapangyarihan. Mga pagbabago ang hinihiling nila – mga
reporma na kikilalanin ng pamahalaang Espanya (Austero at Suguran, 2012). Ang ilan sa mga
layunin ng kilusan ay ang mga sumusunod:
1. Pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Espanyol sa harap ng batas;
2. Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas;
3. Pagkakaroon ng Pilipinong kinatawan sa Kortes ng Espanya;
4. Pagtatalaga sa mga Pilipino bilang kura-paroko;
5. Kalayaan sa pagpapahayag, pagsasalita, pagtitipon, pagpupulong at pagkakaroon ng hustisya
Ang Mga Propagandista
1. Dr. Jose Rizal – manggagamot, makata,mananalaysay, dalubwika
2. Marcelo H. del Pilar – abogado at mamamahayag
3.Graciano Lopez Jaena – mananalumpati at kritiko
4. Mariano Ponce – mag-aaral ng medisina, mananalaysay
5. Antonio Luna – parmasyotiko at mananalaysay
6. Juan Luna – pintor
7. Felix Resurreccion Hidalgo – pintor
8. Pedro Paterno – abogado at manunulat
9. Jose Maria Panganiban – tagapagsaling-wika at mananalaysay
10. Jose Alejandrino – inhinyero
11. Pedro Serrano Laktaw – guro at leksikograpo
12. Isabelo delos Reyes – poklorista at mamamahayag
13. Dr. Dominador Gomez – manggagamot at mananalumpati

TATSULOK NG KILUSANG PROPAGANDA

1. Dr. Jose P. Rizal


Dr. Jose Rizal. Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda ang buo niyang pangalan. Siya
ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa bayan ng Kalamba, lalawigan ng Laguna. Ang kanyang
buhay ay nagwakas noong Disyembre 30, 1896, nang ipabaril siya ng mga Espanyol na
nagparatang sa kanya ng sedisyon at paghihimagsik laban sa pamahalaan. Ginamit niya ang mga
sagisag na Laong-laan at Dimasalang sa kanyang mga panulat.
Sa Aking Mga Kababata
Ni: Dr. Jose Rizal
Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka’t ang salita’y isang kahatulan


Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At ang isang tao’y katulad kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita


Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa Inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin


Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagkat ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati’y huwad din sa iba


Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

Sa Kabataang Pilipino
(A La Juventud Filipina)
Ni: Dr. Jose Rizal
Itaas ang iyong noong aliwalas,
Mutyang kabataan sa iyong paglalakad;
Ang bigay ng Diyos sa tanging liwanag,
Ay paigtawin mo, pag-asa ng bukas.

Ikaw ay bumaba, o katalinuhan,


Mga puso namin ay nangaghihintay;
Magsahangin ka nga’t ang aming isipa’y
Ilipad mo roon sa kaitaasan.

Taglayin mo lahat ang kagiliw-giliw,


Na ang silahis ng dunong at sining;
Kilos, kabataan at iyong lagutin,
Ang gapos ng iyong diwa at damdamin.

Masdan mo ang putong na nakasisilaw,


Sa gitna ng dilim ay dakilang alay;
Ang putong na yaon ay dakilang alay,
Sa nalulugaming iyong Inang Bayan.

O, ikaw na iyang may pakpak ng nais,


At handing lumipad sa rurok ng langit;
Upang kamtan yaong matamis na himig,
Doon sa Olimpo’y yamang nagsisikip.

Ikaw na ang tinig ay lubhang mairog,


Awit ni Pilomel na sa dusa’y gamot;
Lunas na mabisa sa dusa’t himutok,
Ng kaluluwang luksa’t alipin ng lungkot.

Ikaw na ang diwa’y nagbibigay-buhay,


Sa marmol na batong tigas ay sukdulan;
At ang alaalang wagas at dalisay,
Sa iyo’y nagiging walang kamatayan.

At ikaw, o diwang mahal kay Apeles,


Sinuyo sa wika ni Pebong marikit;
O sa isang putol na lonang makitid,
Nagsalin ng kulay at ganda ng langit.
2. Marcelo H. Del Pilar
Marcelo H. del Pilar. Siya ay ipinanganak noong ika-30 ng Agosto, 1850 sa Cupang, San
Nicolas, Bulacan. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Itinatag niya
ang Diarong Tagalog at naging patnugot din ng La Solidaridad. Bukod sa sagisag na Plaridel,
ginamit din niya ang mga pangalang Dolores Manapat, Piping Dilat at Pupdoh sa kanyang
mga panulat. Namatay siya noong ika-4 ng Hulyo. 1896 sa Barcelona, Espanya.

Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas


Ni: Marcelo H. del Pilar
Puso ko’y nahambal nang aking marinig,
bunso, ang taghoy mo’t mapighating hibik;
wala ka na anak ko ng sariling hinagpis
na hindi karamay ang ina mong ibig.

Wala kang dalita,walang kahirapan,


na tinitiis kang di ko naramdaman;
ang buhay mo’y bunga niring pagmamahal
ang kadustaan mo’y aking kadustaan.

Ang lahat nang ito’y ninanais sana,


na mamalaging lunas ng sinta mong ina
ngunit aanhin pa, ngayo’y matanda na,
hapo na sa hirap ako’y walang kaya.

Ito na nga lamang maisasagot,


nang salantang ina sa hibik mo, irog
sasakyan mo’y gipo huwag matutulog
ang mga anak mo’y may sigwa sa laot.

Prayle’y manlalaban, ngunit alin kaya?


sa galit ng bayan ang magiging kuta
ang payapang dagat ‘pag siyang nagbala,
ay walang bayaning makasasansala.

3. Graciano Lopez Jaena


Graciano Lopez Jaena. Ipinanganak siya noong ika-18 ng Disyembre, 1856 sa Jaro, Iloilo.
Nagtungo siya sa ibang bansa para matakasan ang pag-uusig ng mga prayle dahil sa mga
akdang sinulat niya laban sa kanila. Sa Espanya. Itinatag niya ang La Solidaridad, ang opisyal
na pahayagan ng Kilusang Propaganda, at siya rin ang unang namatnugot dito. Nakilala rin
siya bilang mahusay na mananalumpati ng Kilusang Propaganda. Namatay siya dahil sa sakit
na tuberculosis sa Barcelona, Espanya, noong Enero 20, 1896.

ANG KILUSANG KATIPUNAN


Hindi naipagkaloob sa mga Pilipino ang mga hinihinging pagbabago ng mga Propagandista.
Naging bingi ang pamahalaan, nagpatuloy ang pang-aapi at pagsasamantala at naging mahigpit pa
sa mga Pilipino ang pamahalaan at simbahan. Ang mga mabuting balakin sana ng inang Espanya sa
Pilipinas ay nasasalungat pa rin ng mga prayleng nangaghari dito.
Nang dahil sa pangyayaring iyon, ilan sa mga mamamayang Pilipinong kabilang sa pangkat ng
La Liga Filipina na tulad nina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini at iba pa ay
nagsipagsabi na “Wala nang natitirang lunas kundi ang maghimagsik!” Kaya itinatag nila ang Kataas-
taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK na pinamunuan ni Andres
Bonifacio. Ang naging laman ng panitikan ay pawang pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan at
pagbibigay-payo sa mga Pilipino upang magkaisa at maghanda nang matamo ang inaasam na
kalayaan (Santiago, et. al., 1989).
Taluktok ng Kilusang Katipunan

1. Andres Bonifacio. Siya ay isinilang sa Tondo, Maynila noong ika-30 ng Nobyembre, 1863.
Dahil sa kahirapan at maagang pagkaulila, nahinto siya sa pag-aaral at napilitang maghanapbuhay
para sa kanyang mga kapatid. Bagaman nahinto sa pag-aaral, naging masigasig siya sa pagbabasa.
Ilan sa kanyang binasang aklat ang Noli at Fili ni Rizal, Les Miserables ni Victor Hugo, Historia de la
Revolucion Frances, El Judio Errante at Las Ruinas de Palmira. Kinilala siyang “Ama ng
Demokrasyang Pilipino”, at “Ama o Supremo ng Katipunan.” Namatay siya noong Mayo 10, 1897 sa
Bundok Buntis, sa Maragundon sa kamay ng kapwa Pilipino.
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Ni: Andres Bonifacio
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya

Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Pagpupuring lubos ang palaging hangad


Sa bayan ng taong may dangal na ingat
Umawit, tumula, kumatha’t sumulat
Kalakhan din niya’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog


Ng may pusong mahal sa bayang nagkupkop
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod
Buhay ma’y abuting magkalagut-lagot.

Bakit? Alin ito na sakdal ng laki


Na hinahandugan ng buong pagkasi,
Na sa lalong mahal nakapangyayari
At ginugugulan ng buhay na iwi?

Ito’y ang inang bayang tinubuan,


Siya’y ina’t tangi na kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanag ng araw,
Nagbibigay-init sa buong katawan.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa bayan


Ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal,
Mula sa masaya’t gasong kasanggulan
Hanggang sa katawa’y mapasa-libingan.

Sa aba ng abang mawalay sa bayan


Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
Walang alaalang inaasam-asam
Kundi ang makita lupang tinubuan.

Pati ang nagdusa’t sampung kamatayan


Wari ay masarap kung dahil sa inang bayan,
At lalong maghirap, oh himalang bagay,
Lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y mapapasa-panganib


At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid,
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Hayo na nga, hayo, kayong nangabuhay


Sa pag-asang lubos ng kaginhawaan,
At walang tinamo kundi kapaitan
Hayo na’t ibangon ang naabang bayan.

Sa aba ng abang mawalay sa bayan


Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
Walang alaalang inaasam-asam
Kundi ang makita lupang tinubuan.

Pati ang nagdusa’t sampung kamatayan


Wari ay masarap kung dahil sa inang bayan,
At lalong maghirap, oh himalang bagay,
Lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y mapapasa-panganib


At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid,
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Hayo na nga, hayo, kayong nangabuhay


Sa pag-asang lubos ng kaginhawaan,
At walang tinamo kundi kapaitan
Hayo na’t ibangon ang naabang bayan.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak


Kahoy niyaring buhay na nilanta’t sukat
Ng bala-balaki’t makapal na hirap
Muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

Ipahandog-handog ang buong pag-ibig


Hanggang sa may dugo’y ubusing itigis
Kung sa pagtatanggol buhay ay mapatid
Ito’y kapalaran at tunay na langit.
2. Emilio Jacinto
Emilio Jacinto. Isinilang siya sa Trozo, Maynila noong ika-15 ng Disyembre, 1875. Dahil sa
maagang pagyao ng kanyang amang si Mariano Jacinto, kinupkop siya ng kanyang amain at pinag-
aral ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Sumapi siya sa Katipunan sa edad na labingwalo.
Ginamit niya ang ngalang Pingkian bilang sagisag sa Katipunan. Kinilala siyang Utak ng Katipunan at
kanang kamay ni Andres Bonifacio. Siya rin ang namatnugot ng Kalayaan, ang opisyal na pahayagan
ng Katipunan. Ang kanyang mga akda ay pawang naglalaman ng pagtuligsa sa pamahalaan at sa
simbahan, panawagan sa mga Pilipino na magkaisa at ipaglaban ang minimithing kalayaan. Dimas-
ilaw ang sagisag na kanyang ginamit sa pagsulat. Namatay siya habang nagtatanggol sa bayan
noong Abril 16, 1899.

3. Apolinario Mabini
Apolinario Mabini. Si Apolinario Mabini, ang kinikilalang “Utak ng Himagsikan” at “Dakilang Lumpo”,
ay ipinanganak sa Talaga, Tanawan, Batangas noong ika-22 ng Hulyo, 1864. Bagama’t nagmula sa
maralitang pamilya, nagsikap at nagtiyaga siya para matapos ang kursong abogasya sa Unibersidad
ng Santo Tomas. Dinapuan siya ng sakit na pagkalumpo sa panahong nagsasanay siya bilang
abogado. Subalit hindi naging sagabal ito upang huminto siya sa kanyang pakikipaglaban para sa
kalayaan ng bayan. Dinakip siya ng mga Espanyol dahil sa pag-anib niya sa grupo nina Bonifacio
subalit pinawalan din nang maitatag ang unang republika ng Pilipinas, hinirang siyang kanang-kamay
at tagapayo ni Emilio Aguinaldo. Dahil sa mga akdang laban sa pamahalaang Amerikano, dinakip
siya at ipinatapon sa Guam. Namatay siya noong ika-10 ng Mayo, 1903 sa sakit na kolera.

You might also like