Detailed Lesson Plan Sa Araling Panlipunan 4 (4a's Approach)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Detailed Lesson Plan sa Araling Panlipunan 4

(4a's Approach)

PAGKATUTO NG KAKAYAHAN: Natutukoy ang mga pangunahing likas na yaman ng bansa.

II. PAKSANG ARALIN

A. PAKSA: Mga pangunahing likas na yaman ng bansa.

B. SANGGUNIAN: Araling panlipunan (kagamitan ng mag-aaral) IV, pahina 67-72

C. KAGAMITAN: bidyo, biswal eyd, skats teyp, manila paper, pilot pen, envelope, kayumanggi envelop,
gunting, pandikit, construction paper

D. PAGPAPAHALAGA: Ang wastong pangangalaga ng likas na yaman.

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Bago natin simulan ang araling ito, magsi tayo tayong Opo guro, "sa ngalan ng ama, anak, espiritu santo, ama
lahat at manalangin. Angeline, pangunahan mo kaming namin..."
panalangin.

2. Pagbati

Magandang umaga sa inyong lahat!


Magandang umaga din po guro!
Bago kayo umupo, nais kong hilingin sa inyo na pulutin
ang mga pirasong papel at itapon sa basurahan at
ayusin ang mga upuan ninyo.
Opo guro
3. Pampasigla

Napansin ko medyo inaantok na ang iba sa inyo ngayon.


(Ang mga mag-aaral ay nag-sasayaw)
Kaya gusto ko mag sipa you kayong lahat para sa
pampasigla na sayaw. Sundan ang galaw ng sayaw sa
bidyo para hindi kayo aantukin.

Masigla na ba kayong lahat?


Opo guro
Mahusay!
4. Paglista ng mga lumiban

May mga lumiban ba sa klase ngayon? Wala po

5. Pag-alala ng mga tuntunin ng silid-aralan

Margo nothing simulating aralin, gusto ko ng walang


anumang gamit na nakakasagabal sa pagkatuto. ang
mga mata at ang pandinig ay sa akin nakatuon, kung
may katanungan, itaas lamang ng kanang kamay.
malinaw ba mga bata?
Opo guro
6. Pagganyak

Mayroon akong ipapakita ng tula na may kinalaman sa


ating leksyon ngayon. pero bago iyon, hahatiin ko muna
ang klase sa apat na grupo. Ito ang magiging pangkat
1... at 4

(Ipinakita ang tula)

Opo guro!

Makinig ng mabuti dahil ito tula ko ang aking tula at


pagkatapos ay magtatanong ako, kaya makinig nang
mabuti. maliwanag ba?

(Itinula ang tula)

Paglalahad ng aralin...

Batay sa inyong napakinggang tula, ano kaya ang


tatalakayin natin ngayon?
Inaasahang sagot

likas na yaman ng bansa


Okey, napakuhusay! ang aralin natin ngayon tungkol sa
likas na yaman. pag-aaralan natin ngayon ang mga
pangunahing likas na yaman ng bansa.
AKTIBIDAD

Ok class sa oras na ito, magkakaroon tayo ng isa pang


aktibidad upang mas maunawaan ang paksa mga
pangunahing likas na yaman ng bansa.

ang inyong gawain ay gumawa ng talakayan sa


pangunahing likas na yaman. naghanda ako ng mga
materyales dito para magawa niyo ang aktibidad.
bibigyan ko kayo ng mga materyales at mayroon kayo
na 5 minuto upang tapusin ang gawain, at ipakita ito sa
klase

Aktibidad 1.1- Talahayanan

Panuto: basahin ang sumusunod na mga likas na yaman


ng bansa. Isulat ang mga ito sa tamang kolumn sa
Talahayanan. Gawin ito sa manila paper

Okey, magaling! binabati ko kayo. Sa pagkakataong ito,


magkakaroon tayo ng isang aktibidad kung papaano
maalagaan ng wasto ang likas na yaman ng bansang
pilipinas
Ang inyong gagawin ay iguhit ng larawan, bibigyan ko
kayo ng materyales upang magawa ninyo ang aktibidad

Aktibidad 1.2- Iguhit mo!

Panuto: Gumawa ng isang kahon, sa loob ng kahon,


gumuhit dito ang isang paraan ng gawain upang
maalagaan nang wasto ang likas na yaman ng bansang
pilipinas.

Inaasahang sagot
Mayroon kayo ng 5 minuto upang tapusin ang gawain at
ipakita ito sa klase. Maaaring iba-iba ang sagot ng mag-aaral

Mahusay sa pagkakataong ito magkakaroon tayo ng


pang huling aktibidad mga pangalan ng mga ilog,
bundok.

Ang inyong gawin ay isulat ang iyong sagot sa loob ng


caterpillar

Aktibidad 1.3

Panuto: Sumulat ng sampung pangalan ng bundok o ilog


o iba pang likas na yaman na matatagpuan sa iyong
pamayanan.
Okey klase, naipakita niyo ang nang maayos ang inyong
gawain at para diyan, binabati ko kayo!
Inaasahang sagot

Maaaring iba-iba ang sagot ng mag-aaral

ANALYSIS

Sa oras na ito, naghanda ako ng mga katanungan para


malamang ko kung nakuha niyo ba ang kaalaman
tungkol sa ating aktibidad kanina.

Gabay na tanong:

1. Anu-ano ang mga pangunahing likas na yaman ng


bansa?

2. Bakit mahalaga Ang wastong pangangalaga sa mga


likas na yaman ng bansa?
Inaasahang sagot
3. Ano ang dapat gawin para mapanatiling malinis ang
ilog sa ating bansa? Maaaring iba-iba ang sagot ng mag-aaral

4. Paano ka makakatulong sa wastong pangangalaga sa


mga likas na yaman sa iyong pamayanan?

5. Anu-ano ang mga dapat gawin sa mga likas na yaman


upang tugunan ang mga panggailanagan ng
mamamayan.

ABSTRACTION

Isa sa mga likas na yaman ng bansa ay ang yamang lupa.


itinatanim at nakapag-aani ng play, gulay at prutas ang
mga magsasakang Pilipino. umaasa rin sa lupa ang mga
hayop.

Ano nga ulit ang inaasahan ng mga magsasakang at mga


hayop?
Ang yamang lupa po.
Tama. dito naman tayo sa yamang mineral. Isa rin sa
pangunahing likas na yaman ay ang yamang mineral.
may mineral na metal tulad ng ginto, bakal at Tanso.
may mineral din naman di-metal tulad ng langis,
petrolyo at geothermal na pinagkukunan ng
elektrisidad.

Ano nga ulit ang dalwang yamang mineral?

Mga bata, ang likas na yaman ng bansa ay sapat upang Metal at di-metal.
maibigay ang mahalagang pangangailangan ng
mamamayan. dapat pagyamanin at pangangalaga natin
ito.

Bilang batang pilipino, kailangan ang inyong tulong


upang mapayaman at masagip ang likas na yaman ng
ating bansa. Naiintindihan ba mga bata?

Opo.

APLIKASYON

Okey klas, para matuto nang higit pa upang makuha


talaga ang konsepto nang tiyak.
may ipapakita ako sa inyo ng
larawan.

(Sa bawat larawan magpapaliwanag Ang guro at ihingi


ng ilang kasagutan sa mga mag-aaral sa magiging
katanungan ng guro).

a. Narito ang unang larawan

Ito ang pangunahing yamang Tubig ng bansa ng mga


pangingisdaan ay sa dahilan ang ating bansa ay
napaligiran ng tubig.

Bakit mahalaga ang yamang tubig? Dahil ito ay nagbibigay ng buhay sa atin at dito tayo
nakakakuha ng makakain natin.
b. Narito ang ikalawang larawan

Ang yamang lupa ay pangunahing likas na yaman na


nagtutustos ng mga kailangan ng tao upang mabuhay.
ang mga pangunahing pangangailangan ito ay pagkain,
tahanan, kasuotan at mga gamot.

Bakit ang yamang lupa itinuturing na pinakamahalaga sa


pangunahing likas na yaman?
Dahil ito ang nagsisilbing taniman ng mga panananim
c. Narito ang ikatlong larawan para sa mga magsasak at tirahan ng mga tao.

Ito ang yamang mineral na nakukuha sa kailaliman ng


lupa. natural ito at di-gawa ng tao. makukuha ito sa
pamamagitan ng pagmimina.

Bakit mahalaga ang yamang mineral?

Dahil ito ay nagbibigay ng enerhiya na kung saan


nakakatulong din sa ating pangkabuhayab pang araw-
araw na gawain.

PAGLALAHAT

Bilang isang mag-aaral, paano mo nakakatulong sa Pagtapon ng basura sa tamang lalagyanan, pagsunod sa
wastong pangangalaga sa ating mga likas na yaman? waste segregation ng mabawasang kalat ng basura
upang hindi tayo makadagdag pa sa suliranin sa
kapaligiran

Maasahan ko na mula sa araw na ito ay


maisasakatuparan ba natin sa tunay na buhay ang na
pag-aralan natin Opo guro.

PAGSASANAY

A. Multiple choice

Panuto: Piliin ang tamang sagot at isulat ang tanging titik ng iyong pagpilian.

1. Ito ay nakakapagtaniman, pag-aani ng palay, sari-saring gulay at prutas.

A. Yamang gubat B. Yamang lupa C. Yamang Tao D. Yamang Tubig

2. Ito ay ginagawang pangingisdaan kung saan nakukuha ang iba't ibang uri ng isda at lamang dagat.

A. Yamang Mineral B. Yamang Gubat C. Yamang Tubig D. Yamang Lupa


3. Ito ay mahalagang sangkap sa paggawa na kailangan ng mga pabrika at industriya.

A. Yamang Lupa B. Yamang Tubig C. Yamang Mineral D. Yamang Gubat

4. Bakit mapalad ang bansang pilipinas?

A. Dahil ang lupain at katubigan ito ay maraming biyaya

B. Dahil hindii sapat ang pangangailangan ng mamamayan

C. Dahil sa yamang lupa maraming ginto ano ang mga pilipino

D. Dahil nakakatutulong ito sa wastong pangangalaga sa likas na yaman ng bansa

5. Alin sa mga sumusunod ang tamang pangungusap ng likas na yaman?

A. Ang likas na yaman ay mga bagay na nagmumula sa langit

B. Ang likas na yaman ay nagmumula sa akin

C. Ang likas na yaman ay dapat gamitin ng dinamita sa pangingisda

D. Ang likas na yaman ay nagmumula sa lupa kabundukan kagubatan at ilog

B. True or False:

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama, at isulat ang MALI kung ang pahayag ay mali.

1. Isang arkipelago ang Bansang Pilipinas.

2. Ang enerhiyang geothermal ay isang uri ng mineral na metal

3. Kailangan ay Hindi magugutom ang mga pilipino kahit hindi alagaan ang mga likas na yaman nito.

4. Masagana sa likas na yaman ang Bansang Pilipinas.

5. Mula sa mga likas na yaman nakukuha ang pang araw-araw na mga pangangailangan ng mamamayan.

Inihanda nina:

Alviar, Vanessa A.

Braza, Margie B.

Cuadra, Angelica P.

Elavasantos, Reynalyn H.

Mosura, Maria Esteza May B.


Toribio, Shereen B.

You might also like