Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Kabanata 3: Mga Akdang Pampanitikan sa Kanluran at

Timog Asya
Aralin 2
Panitikan : Mahatma Gandhi
Wika : Mga Kataga/Pahayag sa Pagpapasidhi ng Damdamin

Mga Layunin:

 Naisusulat ang isang anekdota o liham na nangangaral; isang halimbawa ng elehiya


 Nagagamit ang mga pang-angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin

Mahatma Gandhi

Basahin at unawain sa inyong aklat ang pamagat ng elehiyang na nasa itaas.


Matatagpuan ito sa mga pahina 308-312.

AWIT, ELEHIYA, AT IBA PANG TULANG PANDAMDAMIN

1. Awit (Dalitsuyo)
- tungkol sa pagmamahal, pagmamalasakit at pamimighati ng isang mangingibig
Hal: “Kay Selya” ni Francisco Baltazar
2. Elehiya (Dalitlumbay)
- dalawang katangian: a. tula ng panangis b. himig nito ay matimpi at mapagmuni-muni
3. Pastoral (Dalitbukid)
-maglarawan ng buhay sa bukid
Hal: “Bahay Kubo” ni Victor S. Fernandez
4. Oda (Dalitpuri)
- tulang may kaisipan at estilong dakila at marangal
Hal: “Manggagawa” ni Jose Corazon de Jesus
5. Dalit (dalitsamba)
- maikling awit na pumupuri sa Diyos. Kalimitang may 8 pantig.
6. Soneto (dalitwari)
- tulang may labing-apat na taludtod

TANDAAN:
Mga Kataga/Pahayag sa Pagpapasidhi ng Damdamin
Mga Paraan kung paano maipahahayag ang masidhing damdamin
1. Pag-uulit ng Pang-uri
 Magandang-maganda ang tinig ng mga Pilipino kapag binibigkas ang sariling wika.

2. Paggamit ng panlaping napaka-, nag-an, pagka- at kay-, pinaka, ka- an upang mapasidhi o
maipakita ang pasukdol na katangian ng pang-uri
 Napakaganda ang wika nating mga Pilipino.
3. Paggamit ng mga salitang gaya ng ubod, hari, sakdal, tunay, lubhang, at ang pinagsamang
walang at kasing
 Walang kasinsarap sa pandinig ang wikang Filipino.

Page | 1
4. Sa pamamagitan ng pagpapasidhi ng anyo ng pandiwa
 Paggamit ng panlaping magpaka-
 Paggamit ng panlaping mag- at pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat
 Pagpapalit ng panlaping –um sa panlaping mag- at nagkakaroon ng pag-uulit sa unang
pantig
 Pagpapalit ng panlaping –um sa panlaping magpaka-

5.Sa pamamagitan ng paggamit ng mga pangungusap na walang paksa


6. Maikling Sambitla – ito ay mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng
matinding damdamin

Aralin 3
Panitikan : Sino ang Nagkaloob?
Wika : Panandang Pandiskurso

Mga Layunin:

 Nasusuri ang mga tunggalian (tao vs. tao, at tao vs. sarili) sa kuwento batay sa
napakinggangpag-uusap ng mga tauhan
 Nagagamit ang pang-angkop na pang-ugnay na hudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa lilikhaing kuwento

Sino ang Nagkaloob?

Basahin at unawain sa inyong aklat ang pamagat ng Maikling Kuwentong nasa


itaas. Matatagpuan ito sa mga pahina 326-332.

Iba Pang Uri ng Maikling Kuwento


Panandang Pandiskurso

1. Kuwento ng 3.Kuwentong Sikolohiko


Pakikipagsapalaran
- Ang pagkawili ay nasa -pinapasok ang isipan ng 5. Kuwentong
balangkas tauhan Pangkatauhan

2. Kuwentong Kababalaghan 4.Apologo -nangingibabaw ay ang


- Lumitaw dahil sa paniniwala -layunin na mangaral sa katauhan ng
ng mga tao sa mga mga mambabasa pangunahing tauhan
pangyayaring kababalaghan
TANDAAN:

Nakatutulong sa pagbibigay-linaw at ayos ng pahayag ang paggamit ng panandang


pandiskurso. Maaaring ang pananda ay maghudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari o di kaya ay maghimaton tungkol sa pagkakabuo ng diskurso.

Basahin ang paksang “Panandang Pandiskurso” sa mga pahina 341-342 upang higit
pang mapalawig ang iyong kasanayan sa maayos na pakikipagtalastasan.

Page | 2
Tandaan
Ang bawat maikling kuwento ay may tunggalian. Ito ang suliraning kailangang
mabigyan ng solusyon upang magkaroon ng saysay ang kuwento. May apat na uri
ng tunggalian: (1) tao laban sa sarili; (2)tao laban sa tao; (3)tao laban sa lipunan;
(4)tao laban sa kalikasan. Kadalasan ng maikling kuwento ay hindi nakapokus
lamang sa iisang uri ng tunggalian. Gumagamit ito ng kombinasyon ng alinman
sa mga nabanggit.

Aralin 1
Gawain 1 Pait ng Nakaraan
Balikan ang alaala na kung saan ikaw ay namatayan nang malapit na kaibigan, kapamilya o
kakilala. Ibalik sa iyong alaala ang mga pagkakataon na kayo ay magkasama. Isa-isahin ang mga
katangian na labis mong kinasasabikan sa kanya. Pagkatapos, sikaping makasulat ng isang
tulang elehiya tungkol sa kanya.

____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
___________________________________

Gawain 2
Gamitin sa sariling pangungusap ang sumusunod na mga pang-uri sa pagpapahayag ng
matinding damdamin. Isulat ito sa mga nakalaang linya.

1. Pagkatapang-tapang
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Katangi-tangi
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Page | 3
3. Napakahusay
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
4. Magpakatapat
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. Labis-labis
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Aralin 2
Gawain 1 Sino ang katunggali?
Panuto. Basahin at suriin ang pahayag ng mga tauhan sa kuwento. Isulat ang uri ng tunggaliang
nangibabaw sa pahayag at ipaliwanag kung bakit ito ang uring iyong napili. (5 puntos)

“ Sabihin ninyo, mahal kong mga anak, sino ang nagkakaloob ng lahat ng inyong kinakain?”
Anim sa kanila ang dagling sumasagot: Amang hari, kayo po ang nagkakaloob n gaming
pagkain.” Ngunit ang ikapitong prinsesa ay lagging tahimik lamang.

Isang araw pinilit ng hari na sumagot din ang ikapitong prinsesa. Sabi nito, “Ama, Diyos po ang
nagkakaloob ng lahat. Lahat ng nasa atin, lahat n gating kinakain, kinukuha natin sa kanya.”
Ang sagot na ito’y ikinagalit ng palalong hari, “Lumayas Ka!” sigaw niyon, at inutusan nito ang
isang alila para ilabas ang prinsesa at iwan ito sa gitna ng gubat.

Paliwanag:

Uri ng Tunggalian

Gawain 2 Nakaraang di Malilimutan


Panuto : Magsalaysay ng iyong naging karanasan noong ikaw ay nasa ikawalong
baitang pa lamang na nag-iwan sa iyo ng magandang aral sa buhay. Ipahayag ang iyong
karanasan sa isang talatang binubuo ng limang pangungusap.Gumamit ng mga
panandang pandiskurso sa paglalahad. (5 puntos)

Page | 4

You might also like