Mahatma Gandhi

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MAHATMA GANDHI

Si Mahatma Gandhi o Mohandas Karamchand Gandhi ay ang pangunahing political at


espirituwal na pinuno sa bansang India. Isinilang noong 2 Oktubre 1869. Siya ay nagbigay inspirasyon  sa
mamamayan ng India upang magkaroon ng kasarinlan. Kilala at ginagalang siya sa Indiya at sa buong
mundo bilang Tinaguriang Mahatma na ang ibig sabihin sa salitang Sanskrit ay Dakilang nilalang at
bilang bapu o ama.

Nakilala siya sa kanyang matahimik at mapayapang paraan o non violence means ng pakikipaglaban para
sa kalayaan ng India. Nagtrabaho siya bilang representibo legal para sa Muslim Indian Traders na
nakabase sa lungsod ng Pretoria noong 1893. Siya ay 21 taong nanatili sa Timog Aprika, kung saan
pinalago niya ang kaniyang political views, etika at political leadership skills. Opisal siyang pinarangalan
sa India bilang ang Ama ng Bansa. Ang kanyang kapanakan ay itinalaga bilang Gandhi Jayanti, isang
pambansang araw, at Ang araw ng kawalan ng karahasan sa buong mundo. Napaslang si Gandhi noong
Enero 30, 1948.

Mga nagawa ni Mahatma Gandhi sa kanyang bansa:

1. Nangunang lider nasyonalista sa India at nagpakita ng mapayapang paraan sa paghingi ng kalayaan.

2. Tinuruan niya ang mga mamamayan na humingi ng kalayaan na hindi gagamit ng karahasan, dahil
naniniwala si Gandhi sa Ahimsa (lakas ng kaluluwa) at Satyagraha sa pakikipaglaban.

3. Hinimok niya ang pagboykot ng mga Indian sa lahat ng produkto ng mga Ingles at sa lahat ng may
kaugnayan sa mga Ingles.

4. Sinimulan niya ang CIVIL DISOBEDIENCE o hindi pagsunod sa pamahalaan.


5. Siya ang namuno upang ipaglaban ang hinaing ng mga Indian laban sa mga mananakop na Ingles.

6. Isinagawa niya ang pag aayuno o hunger strike upang makuha ang atensiyon ng mga Ingles at upang
mabigyan ng agarang pansin ang kanilang kahilingang lumaya.

7. Naging lider ng “Indian National Congress” noong 1921.

8. Nagtatag siya ng mga kampanya para sa pantay-pantay na batas sa Indiya.

Katulad rin ni JOSE RIZAL isa din siya sa mga itinuturing na isa sa pangunahing leader na
nakipaglaban para sa Kalayaan nating mga Pilipino. Ginamit niya ang kanyang talento sa pagsusulat at
kaalaman sa kaniyang mga nobela na naging sandata laban sa mga mananakop na Kastila. Ang
nobelang Noli Me Tangere ay tumatalakay sa paraan ng pamumuhay, paguugali at mga sakit ng Pilipino
noon. Samantala ang El Filibusterismo naman ay naglarawan ng paraan ng pamamahala ng mga Kastila
sa Pilipinas.  Ang dalawang nobelang ito ay kapuwa humikayat sa mga Pilipino na buksan ang kanilang
isip at puso ang pagmamahal sa bayan para makamit ang kalayaan.

You might also like