Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

April 11, 2023

1:50-2:20 p.m.
Grade 5 - AQUINO

Mala-Masusing Banghay Aralin


sa MAPEH 5 – HEALTH

I. LAYUNIN
CONTENT STANDARDS:
The learner understands the nature and effects of the use and abuse of
caffeine, tobacco and alcohol.

PERFORMANCE STANDARDS:
The learner demonstrates the ability to protect one’s health by refusing to
use or abuse gateway drugs.

LEARNING COMPETENCY:
Explains the concept of gateway drugs. H5SU - IIIa – 7
Identifies products with caffeine, tobacco and alcohol. H5SU – IIIb - 8

LEARNING OBJECTIVES:
 Natutukoy ang konsepto ng gateway drugs.
 Natatalakay ang wastong paggamit ng caffeine, nicotine at
alcohol.
 Nabibigyang halaga ang kaalaman sa wastong paggamit ng produktong may
caffeine, nicotine at alcohol sa isang indibidwal, pamilya, o pamayanan.

II. PAKSANG-ARALIN
a. Paksa: Gateway Drugs
b. Sanggunian: K to 12 Grade 5 Learner's Material in Health. Lhora
light, 2016.
c. Kagamitan: Powerpoint presentation, Computer (online), pictures,
video clip.
d. Values Integration: Pagkakaroon ng disiplina sa tamang paggamit ng
produktong kabilang sa gateway drugs.
e. Medium of Instruction: Filipino
(KRA 1, OBJ. 3: Displayed proficient use of Mother Tongue, Filipino and
English to facilitate teaching and learning)

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda
 Paglalahad ng layunin.
 Ipakita ang batayan ng pagbibigay puntos sa bawat grupo.
Batayan ng Pagbibigay Puntos

Batayan ng Pagbibigay Puntos G1 G2 G3 G4 G5


1.Disiplina
5 (lahat ng miyembro ay nakikilahok at maayos sa gawain)
4(halos lahat ng miyembro ay nakikilahok at maayos sa
gawain)
2 (kaunti lamang sa miyembro ng grupo ang nakikilahok at
maayos sa gawain)
2.Tamang Paggamit sa Oras na Itinakda
5 (Natapos ang gawain bago ang itinakdang oras)
4 (Natapos ang gawain sa itinakdang oras)
2 (Natapos ang gawain higit sa itinakdang oras)

Kabuuang Puntos na Nalikom

 Paglalahad sa patakaran sa loob ng klase.

Pagbibigay ng
magandang pagpupuri
sa kanilang
partisipasyon sa klase.

2.Pagganyak
- Sa ilalim ng upuan ng mga mag-aaral, makikita nila ang iba’t
ibang produkto na naglalaman ng sangkap na alcohol, tabacco,
o caffeine.
- Ididikit nila ang larawang nakita nila sa kahon kung saan ito
napabilang base sa kanilang personal na kaalaman.
- Kung ito man ay may mali, iwawasto ito sa oras ng talakayan

TABACCO CAFFEINE ALCOHOL

- Pagtatanong tungkol sa mga nakikita:


Nakakain o nakatikim na ba kayo ng mga ito?
Sa iyong palagay, ano ang dulot nito sa iyong katawan?
B. Paglinang ng Gawain
1. Paglalahad
 Pagbibigay opinion sa napanood
na balita
 Anong produkto ang naging
dahilan ng pagkasira sa kalusugan
ng nasa balita?
 Sa iyong palagay, alin pa kayang
mga paninda ang nakakasama sa
mga tao kung labis ang paggamit
nito?

2. Pagtatalakay
 Pagkatapos na magbigay ng idea ang mga mag-aaral tungkol sa
mga produktong may sangkap na caffeine, tobacco at nicotine.
 Itatalakay ng guro ang mga produktong may gateway drugs at
ang mga epekto nito sa ating katawan.

Ang Gateway Drugs ay isang terminolohiya para sa mga


gamot na ginamit upang mag-abuso sa mga sangkap. Ito
ay hindi talaga gamot ngunit binubuksan nila ang sistema
ng katawan upang maging adik ang isang tao.

MGA HALIMBAWA NG IPINAGBABAWAL NA GAMOT


• Ipinagbabawal na gamot ang heroin o cocaine.
• Mga gateway drugs tulad ng mga
pagkaing may caffeine, tobacco at alcohol.
• Ang pag-inom ng higit sa 100mg na kape.
• Ang pag-inom ng mga inuming may
alcohol tulad ng beer at alak.
• Paggamit ng sigarilyo na naging daan sa
paggamit ng Marijuana at iba pa.
MGA URI NG GATEWAY DRUGS
A. CAFFEINE
Ito ay isang pampasigla na makikita sa kape, tsokolate, tea, cola o
soft drinks at iba pang mga gamut.
Halimbawa
1.KAPE
Espresso
 pinakamalakas na kape at naglalaman ng 50mg caffeine per
ounce.
Instant Coffee
 Naglalaman ng kaunting caffeine
2. TSOKOLATE - naglalaman din ng caffeine
 Milk Chocolate - naglalaman ng 18mg ng caffeine per 100g
 Dark Chocolate - Naglalaman ng 70mg ng caffeine per 100g bar.
3. Tsaa o Tea - Naglalaman ng 50mg per tasa.
4. Cola o Soft Drinks - Naglalaman ng pinaka-malaking bilang ng
caffeine.

B. TOBACCO
Naglalaman ng nicotine

C. ALCOHOL
Ang alcohol ng beer, alak at iba pang inumin ay nagdudulot ng
pagkalito, nabawasan ang pagka-alerto ng isip, mahinang
koordinasyon, malabong paningin, pati ang pagkamatay kung ito
ay kinuhang mabilis sa malaking halaga.

3.Paglalapat
Panuto
1. Bawat grupo ay may iba’t ibang larawan na bubuuin.
2. Ang lider ng bawat grupo ay pipili ng GAWAIN na kanilang gagawin
sa pangkat.
3. Ididikit ito sa manila paper at sasagutan nila ang dalawang
katanungan base sa larawang kanilang bubuuin. (5-8 minuto)

GAWAIN 1 GAWAIN 2

GAWAIN 3 GAWAIN 4
GAWAIN 5 Sagutin ang mga Tanong:
1. Anong sangkap ng gateway drugs ang
ipinapakita sa larawan?
____________________________________
2. Ano ang iyong masasabi sa mensahe ng
larawang inyong binuo?
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________

4.Paglalahat
 Sa pamamagitan ng Flower Venn Diagram, isusulat ng napiling
mag-aaral ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga sangkap ng
produktong kabilang sa gateway drugs.

ALCOHOL

Nakakalasing

Malabong paningin

CAFFEINE Gateway TABACCO


Drugs
Nicotine
Pampasigla
Nakakasira sa puso at
baga

 Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong gagawin kung mayroon


kang kapamilya na labis na kumukunsumo ng mga produktong
kabilang sa gateway drugs?

IV Pagtataya
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang nakapagdudulot ng karagdagang
enerhiya subalit kung labis ang paggamit nito ay nakasasama sa
ating katawan?
a. alcohol b. caffeine c. nikotina d. protina
2. Anong sangkapm ang matatagpuan sa halamang tabako na
tinatawag na Nicotiana Tabacum?
a. alcohol b. Bitamina c. caffeine d. nikotina
3. Ano ang isang neurotransmitter na nagbibigay ng kaluguran o
kasiyahan sa mga taong naninigarilyo?
a. caffeine b. nikotina c. dopamine d. carbon
dioxide
4. Alin sa mga sumusunod ang inuming may ethanol?
a. alak b. gatas c. lemonade d. soda
5. May mga kabataang nalululong sa inuming may alcohol dahil
sa impluwensya ng .
a. kaibigan b. guro c. lola d. nanay

IV. Takdang- Aralin

Panuto: Isulat sa notebook ang inyong saloobin sa tanong na


“Sangayon ka ba na legal ang pagbili ng mga gateway drugs sa mga
tindahan at supermarket? Oo o Hindi? Bakit?”
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Pagninilay

a. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% pataas sa pagtataya.


AQUINO ZAMORA

b. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% pababa sa pagtataya.


AQUINO ZAMORA

Remarks

Prepared by:

MICHELLE E. FUERZAS, T-II


Teacher

Observed and processed by:

AMELIE A. IHALAS, MT-III


Coordinating Master Teacher

You might also like