Professional Documents
Culture Documents
EPP - Industrial Arts Aralin 1 22
EPP - Industrial Arts Aralin 1 22
EPP
I. LAYUNIN:
1. Naipaliliwanag ang gamit ng bawat kagamitan sa pagsusukat
2. Naiisa-isa ang paggamit ng bawat kagamitan sa pagsusukat
3. Naipamamalas ang kahalagahan ng bawat kagamitan sa pagsusukat
III.PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Ipakita sa mga bata ang ruler at itanong:
• Saan ginagamit ang ruler?
• Paano ginagamit ang ruler?
B. PAGLALAHAD
Magpakita pa ng iba’t ibang uri ng kagamitang panukat sa mga bata at
itanong;
1. Paano ginagamit ang sumusunod na kagamitang panukat?
– iskwalang asero – meter stick
– zigzag rule – pull-push rule
– protraktor – tape measure
– t-square – triangle
– ruler
2. Isulat sa pisara ang kanilang mga sagot at iugnay ito sa aralin.
3. Bigyan ng pagkakataon ang ilang mag-aaral na ikuwento ang karanasan
sa paggamit ng mga kasangkapang panukat.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
1. Talakayin ang sagot ng mga mag-aaral na iyong isinulat sa pisara.
2. Simulan ang talakayan sa pamamagitan ng sumusunod na tanong.
• Bakit kailangang gumamit ng kasangkapang panukat?
• Paano gamitin ang mga kasangkapang ito?
Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng kanilang mga palagay
tungkol sa aralin.
3. Bigyan sila ng malayang pagpapahayag ayon sa kanilang pang-unawa.
4. Ipabasa ang Linangin Natin sa LM. Talakayin ang aralin tungkol sa mga
kasangkapang panukat at iugnay rito ang mga kasagutan ng mga
mag-aaral na nakasulat sa pisara.
5. Itanong sa mga mag-aaral ang kanilang karanasan sa pagsusukat na
ginawa.
6. Ipagawa ang isa pang gawain sa LM. Maaaring iugnay ang aralin na ito sa
Matematika tungkol sa pagsusukat.
Gawain:
Pasagutan sa mga bata.
Lagyan ng tsek (/) ang espasyo kung ano ang wastong kagamitan sa
pagsusukat ang gagamitin sa mga bagay na nasa tsart.
D. PAGLALAHAT
Ipabasa sa mga bata ang Tandaan Natin na nasa LM.
IV. PAGTATAYA:
Ipasagot sa mga mag-aaral ang ginagamit sa pagsusukat sa
sumusunod. Tingnan sa Gawin Natin sa LM.
V. TAKDANG- ARALIN:
Sagutin ang Pagyamanin Natin sa LM.
Petsa : ______________________________
EPP
I. LAYUNIN:
1. Nakikilala ang dalawang sistema ng pagsusukat
2. Nagagamit ang dalawang sistema ng pagsusukat sa mga gawaing pang-industriya
3. Napapapahalagahan ang tamang paggamit ng dalawang sistema ng pagsusukat
III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Ipakita sa mga mag-aaral ang isang pinalaki o drowing ng ruler at itanong;
• Saan ginagamit ang ruler?
• Paano ginagamit ang ruler
• Ano-ano ang ibig sabihin ng mga guhit at linyang makikita sa ruler?
B. PAGLALAHAD
Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang bawat bahagi ng ruler at mga yunit na bumubuo
rito.
Tingnan sa Linangin Natin sa LM.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Gawain 1:
Ipagawa sa mga mag-aaral
• Sukatin ang lapad ng pinto sa silid-aralan gamit ang pull push rule
ayon sa Sistemang English.
• Ibigay ang katumbas na sukat at lapad ng pinto sa SistemangMetrik.
Gawain 2:
Sukatin ang sumusunod na guhit gamit ang mga yunit sa sistemang English.
(Iguhit ang sumusunod na linya ayon sa ibinigay na sukat.)
1. 3 mm.
2. 1 ½ pulgada
3. 5 ½ sm.
4. ¾ pulgada
5. 50 mm.
Gawain 3:
Lagyan ng tsek (a) ang kahon kung ang yunit ng pagsusukat ay Sistemang English o
Metrik.
1. yarda
2. sentimetro
3. pulgada
4. metro
5. desimetro
D. PAGLALAHAT
Ang pagsusukat ay may dalawang sistema. Ito ay Sistemang English at
Sistemang Metrik.
IV. PAGTATAYA:
Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawin Natin sa LM.
V. TAKDANG- ARALIN:
Ipagawa sa mga mag-aaral ang Pagyamanin Natin sa LM.
Petsa : ______________________________
EPP
I. LAYUNIN:
1. Nauuunawan ang paggamit ng Sistemang English at Metrik
2. Naisasalin ang sistemang panukat na English sa Metrik at Metrik sa English
3. Naibibigay nang wasto ang pagsusukat sa Sistemang English at sa Metrik
III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Ipagawa ito sa mga bata. Maaari nilang hulaan ang yunit ng pagsusukat na
ginagamit ayon sa dalawang sistemang nakalagay sa ibaba. Ipalagay ang bawat yunit ng
pagsusukat sa kolum ng Sistemang English kung ang yunit ay English sa Sistemang Metrik
kung ito ay Metrik.
B. PAGLALAHAD
Gawain 1:
Ipagawa ang sumusunod sa mga mag-aaral. Ipagamit ang ruler sa paggawa ng
guhit o linya na pahalang sa papel na may sukat na:
1. pulgada
2. 1 ½ pulgada
3. 10 milimetro
4. 3 sentimetro
5. 3 ¼ pulgada
Gawain 2:
Ipagawa din ang gawain B. Sukatin muli ang mga guhit gamit ang mga yunit
ng pagsusukat sa ibaba.
1. milimetro
2. sentimetro
3. sentimetro
4. pulgada
5. desimetro
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Gawain 4:
Ipasagot ang mga tanong:
1. Ang linear measurement ba ay pagsusukat ng distansiya?
2. Ang milimetro ba ay ang pinakamahabang yunit sa sistemang
Metrik?
3. Ang 100 sentimetro ba ay katumbas ng 1 m.?
4. Kung ang isang yarda ay katumbas ng isang talampakan, ang 9 piye
ba ay katumbas ng 3 yarda?
5. Ang lapad ng isang kahon ay 3 piye at 18 pulgada, ilang yarda ito?
D. PAGLALAHAT
Ipasabi sa mga bata na ang bawat pagsusukat ay may katumbas na sukat sa
sistemang English at sa Metrik.
IV. PAGTATAYA:
Ipasagot sa mga bata ang Gawin Natin sa LM.
V. TAKDANG -ARALIN:
Ipagawa sa mga bata:
Sukatin ang pakuwadradong mesang kainan sa bahay. Ibigay ang katumbas na sukat nito
sa pulgada, piye at sentimetro. Ipaulat sa harap ang kinalabasan ng inyong gawain.
Petsa : ______________________________
EPP
I. LAYUNIN:
1. Nakikilala ang mga uri ng letra
2. Natutukoy ang mga uri ng letra
3. Napahalagahan ang gamit ng mga uri ng letra
III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Ipakita sa mga mag-aaral ang mga larawan na may nakaukit na iba’t ibang uri ng
letra.
• harapan ng munisipyo
• diploma
• karatula
• lumang gusali
• antique shop
• lapida
• disenyo sa t-shirt
B. PAGLALAHAD
Ituro sa mga mag-aaral ang iba’t ibang uri ng letra. Pansinin ang pagkakaiba ng
bawat isa.
• Gothic
• Roman
• Text
• Script
Ipasanay sa mga bata ang pagguhit ng letra batay sa ilustrasyon sa ibaba. Tingnan
sa Linangin Natin sa LM.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Ipaunawa sa mga bata ang kahalagahan ng sumusunod: Ang mga letra ay inuri sa
sumusunod:
1. Malalaking letrang patayo na isahang istrok
2. Maliliit na letrang patayo na isahang istrok
3. Malalaking letrang pahilis na isahang istrok
4. Maliliit na letrang pahilis na isahang istrok
D. PAGLALAHAT
Sabihin sa mga mag-aaral “Ang letra ay may iba’t bang uri. Ang bawat uri ay may
kani-kaniyang gamit at kahalagahan.”
IV. PAGTATAYA:
Ipasulat sa mga mag-aaral ang titik ng alpabetong English gamit ang iba’t ibang uri ng
letra.
Isagawa ang Gawin Natin sa LM.
V. TAKDANG- ARALIN :
Sabihin sa mga mag-aaral:
Ituloy ang di natapos na gawain sa bahay.
Petsa : ______________________________
EPP
I. LAYUNIN:
1. Naipakikita ang tamang paraan sa pagbuo ng iba’t ibang linya at guhit
2. Nakaguguhit ng iba’t ibang linya at guhit
3. Nakapagbibigay ng puna at mungkahi sa ginawa ng mga kaklase
III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Ipakita ang mga larawan na naglalarawan ng iba’t ibang linya o hugis katulad ng
gusali, tulay, puno, kalsada, tao, sasakyan, at iba pa.
B. PAGLALAHAD
Itanong sa mga mag-aaral
• Anong mga linya ang nakita ninyo sa mga larawang ipinakita?
• Bakit ang mga linyang nabanggit ang inyong ginamit?
D. PAGLALAHAT
Sabihin sa mga mag-aaral na ang bawat larawan ay binubuo ng mga guhit.
Ito ay naglalarawan ng iba’t ibang uri ng alpabeto ng linya.
Ang alpabeto ng linya ay kailangan upang mabigyang-buhay ang lahat ng bagay sa
ating paligid.
IV. PAGTATAYA:
Pasagutan sa mga mag-aaral ang Gawin Natin sa LM.
Kilalanin ang mga linyang ito. Isulat ang pangalan ng bawat uri ng alpabeto ng linya.
V.TAKDANG- ARALIN:
Sabihin sa mga mag-aaral na pag-aralan ang gamit ng bawat alpabeto ng linya
sa pagbuo ng ortograpiko at isometric na drowing.
Petsa : ______________________________
EPP
I. LAYUNIN:
1. Naibabahagi ang kaalaman ukol sa pagbuo ng linya, guhit, at pagleletra gamit ang
alphabet of lines
2. Nagagamit ang alphabet of lines sa pagbuo ng linya, guhit, at pagleletra
3. Napapahalagahan ang gamit ng alphabet of lines sa pagbuo ng titik, guhit, at letra
III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Itanong sa mga mag-aaral:
1. Anong hugis ang makikita sa ibabaw at ilalim na bahagi ng isang lata?
2. Anong alpabeto ng pagtititik ang naglalarawan sa ibabaw at ilalim na
bahagi ng lata?
B. PAGLALAHAD
Ilahad sa mga mag-aaral (Pagpapakitang muli ng isang lata)
ibabaw
ibabaw
harap
harap
A
B
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
A. B.
D. PAGLALAHAT
Sabihin sa mga bata na ang bawat larawan ay binubuo ng mga guhit.
Ito ay ipinapakita sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng alpabeto ng linya.
IV. PAGTATAYA:
1
2
V. TAKDANG- ARALIN
Magpaguhit ng isang tanawin gamit ang tatlo sa mga uri ng alphabet of line
Petsa : ______________________________
EPP
I. LAYUNIN:
1. Nababanggit ang mga produktong ginagamitan ng basic sketching, shading, at outlining
2. Nakaguguhit ng isang simpleng produkto
3. Napahahalagahan ang kaalaman sa basic sketching, shading, at outlining
III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Ipakita sa mga mag-aaral ang isang flower vase na nakapatong sa mesa.
Itanong, ….“Ano ang masasabi ninyo sa inyong nakikita?”
D. PAGSASANIB
* Sining - Pagdidisenyo * Entrepreneurship
E. PAGLALAHAT
Ipaliwanag sa mga mag-aaral na sa pagdidisenyo, dapat tandaan ang sumusunod:
1. Tamang modelo
2. Tamang tekstura na paglalapatan ng disenyo
3. Tamang kulay na nababagay sa modelo
4. Tamang kagamitan
IV. PAGTATAYA:
Ipasagot ang mga tanong:
1. Ano-ano ang dapat tandaan sa pagdidisenyo gamit ang shading,
basic sketching, at outlining?
2. Anong mga kulay ang nararapat gamitin sa pagdidisenyo?
V. TAKDANG- ARALIN
Itanong sa mga bata:
1. Ano ang kaibahan ng dalawang sistema ng pagsusukat.
2. Ano-ano ang mga yunit ng pagsusukat sa bawat sistema?
Petsa : ______________________________
EPP
I. LAYUNIN:
1. Natutukoy ang mga tao o negosyo sa pamayanan na ang pinagkakakitaan ay paggamit
ng shading, basic sketching, at outlining
2. Napahahalagahan ang mga mga tao na ang hanapbuhay ay gumagamit ng shading, basic
sketching, at outlining
III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Ipakita ang larawan ng iba’t ibang tao na may hanapbuhay na:
• inhenyero
• pintor
• tattoo painter
• nagtatatak ng t-shirt
B. PAGLALAHAD
Ipasagot ang mga tanong:
• Ano ang gawain ng isang inhinyero?
• Ano-anong mga paghahanda ang ginagawa ng isang pintor bago gumawa?
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Ipaliwanag sa mga bata na ang mga tao o hanapbuhay sa pamayanan na
pinagkakakitaan ang shading, basic sketching, at outlining.
Pamayanang Rural
1. pintor 4. gumagawa ng muwebles
2. nagtatatak ng t-shirt 5. guro
3.modista
Pamayanang Urban
1. pintor 5. inhinyero
2. draftsman 6. tattoo painter
3. arkitekto 7. guro
4. modesta
D. PAGSASANIB
E. PAGLALAHAT
VI. PAGTATAYA:
Pasagutan ang Gawin Natin sa LM.
V. TAKDANG- ARALIN
Pabigyang-pansin ang Pagyamanin Natin sa LM.
Petsa : ______________________________
EPP
I. LAYUNIN:
1. Natatalakay ang mga paraan sa pagdidisenyo ng proyekto
2. Nakalilikha ng isang mahusay na disenyo
3. Napahahalagahan ang pakinabang ng pagdidisenyo sa paggawa ng proyekto
II. PAKSANG ARALIN:
A. PAGGANYAK
1. Ipasuri sa mga bata ang halimbawa ng disenyo o krokis sa Alamin Natin sa letrang A
Ng LM.
2. Hayaan ang mga mag-aaral na sabihin ang kanilang mga palagay sa talakayan.
B. PAGLALAHAD
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Ipasagot sa mga bata ang mga tanong na nasa Linangin Natin sa letrang B ng LM.
D. PAGSASANIB
Magpagawa ng disenyo ng mga bagay sa paligid na ginagamitan ng pangunahin at
pangalawang kulay na may malayang ekspresyon ng damdamin (Integrasyon sa Sining).
E. PAGLALAHAT
Basahin at isaisip ang pangungusap sa Tandaan Natin sa LM.
IV. PAGTATAYA:
Susi sa pagwawasto:
1. c 4. c
2. c 5. d
3. b
V. TAKDANG- ARALIN
Magpasaliksik sa mga bata ng iba pang paraan ng pagdidisenyo na maaaring gamitin
Petsa : ______________________________
EPP
I. LAYUNIN:
1. Nakikilala ang iba’t ibang kagamitan sa paggawa ng krokis o disenyo
2. Nagagamit nang wasto ang iba’t ibang kagamitan sa paggawa ng krokis o disenyo
3. Napahahalagahan ang tamang kasangkapan sa pagbuo ng krokis o disenyo
III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
1. Ipasuri sa mga mag-aaral ang mga larawan ng iba’t ibang kagamitan na nasa
Alamin Natin sa LM.
2. Magpakita ng totoong halimbawa ng mga kagamitan.
3. Itanong sa mga mag-aaral kung alin sa mga ito ang nagamit na nila.
B. PAGLALAHAD
1. Talakayin ang iba’t ibang uri ng kagamitan sa pagguhit ng krokis na nasa
Linangin Natin letrang A ng LM.
2. Bigyan ng pagkakataon na makisali sa talakayan ang mga mag-aaral.
Tanggapin ang kanilang mga sagot.
3. Isulat sa pisara ang kanilang mga kasagutan. (Magbigay ng gawain para
lumawak pa ang kanilang kaalaman).
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Ipasuri sa mga bata ang Mystery Box Game na nasa Linangin Natin sa letrang B ng
LM.
D. PAGSASANIB
Itanong sa mga bata ang kahalagahan ng pangangalaga at paglalagay ng mga
kagamitan sa wastong lalagyan matapos itong gamitin. (Pagsasanib sa ESP)
E. PAGLALAHAT
1. Bakit mahalaga ang iba’t ibang kagamitan sa pagguhit ng krokis o disenyo?
2. Basahin at isaisip ang pangungusap sa Tandaan Natin sa LM
IV. PAGTATAYA:
Ipasagot ang Gawin Natin sa ng LM. Susi sa pagwawasto:
1. e 4. f
2. d 5. c
3. a
V. TAKDANG- ARALIN
Magpasaliksik sa mga mag-aaral gamit ang internet para sa iba pang kagamitan na
maaaring makatulong din sa pagbuo ng krokis o disenyo ng proyekto.
Petsa : ______________________________
EPP
I. LAYUNIN:
1. Nalilinang ang kakayahan sa paglikha ng disenyo
2. Nakasusunod sa wastong paraan ng pagguhit ng disenyo
3. Nakalilikha ng disenyo o krokis ng proyekto
II. PAKSANG ARALIN:
A. PAGGANYAK
1. Tanungin ang mga mag-aaral kung sino sa kanila ang mahilig gumuhit ng
iba’t ibang disenyo.
2. Ipasuri sa mga mag-aaral ang iba’t ibang halimbawa ng krokis na nasa Alamin
Natin sa letrang A ng LM. Ipatukoy ito sa mga bata.
B. PAGLALAHAD
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong na nasa Linangin Natin, letrang B ng
LM.
D. PAGSASANIB
E. PAGLALAHAT
IV. PAGTATAYA:
Ipaguhit sa mga mag-aaral ang disenyo na nasa Gawin Natin bilang 1 ng LM. Pahalagahan
ito gamit ang rubric na nasa ibaba:
Batayan:
5 – Napakahusay 86 – 90%
4 – Mas mahusay 81 – 85%
3 – Mahusay 76 – 80%
2 – Mahusay-husay 71 – 75%
1 – Di-mahusay 65 – 70%
V. TAKDANG- ARALIN
Magpagawa ng isang simpleng disenyo ng proyektong nais gawin ng
mga mag-aaral.
Petsa : ______________________________
EPP
I. LAYUNIN:
1. Natutukoy ang iba’t ibang sanggunian na mapagkukunan ng wasto at makabagong
impormasyon tungkol sa basic sketching, shading at outlining
2. Nagagamit ang internet, aklat, at iba pang teknolohiya sa pagsasaliksik ng wasto at
makabagong paraan ng basic sketching, shading at outlining
II. PAKSANG ARALIN:
A. PAGGANYAK
1. Itanong sa mga mag-aaral kung naranasan na nila ang makapunta sa mga silid-
aklatan. Ipalahad kung ano ang ginawa nila doon.
2. Itanong din kung marunong na silang mag-computer at ano-anong site ang alam nila na
mapagkukunan ng impormasyon.
3. Ipasuri sa mga mag-aaral ang semantic web na nasa Alamin Natin sa LM.
B. PAGLALAHAD
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
D. PAGSASANIB
Itanong sa mga mag-aaral ang tungkol sa wastong paggamit at pag-iingat ng mga aklat
at iba pang mahalagang babasahin. (Integrasyon sa ESP)
E. PAGLALAHAT
Paano nakatutulong ang internet at mga aklat sa pagsasaliksik ng makabagong
pamamaraan sa basic sketching, shading, at outlining?
IV. PAGTATAYA:
V. TAKDANG- ARALIN
EPP
I. LAYUNIN:
1. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng productivity tools na magagamit sa paggawa ng iba’t
ibang proyekto
2. Naipaliliwanag ang gamit ng iba’t ibang uri ng productivity tools sa pagdidisenyo
3. Nagagamit nang may kawilihan ang iba’t ibang productivity tools sa pagbuo ng angkop
na disenyo sa isang proyekto
II. PAKSANG ARALIN:
A. PAGGANYAK
PARAA 1. Ipasuri sa mga mag-aaral ang mga larawan na ginawa gamit ang iba’t ibang
productivity tools sa Alamin Natin, sa LM.
2. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang ipinagkaiba ng mga ito sa free hand drawing.
B. PAGLALAHAD
1. Talakayin ang iba’t ibang uri ng productivity tools na maaaring magamit sa paggawa ng
disenyo na nasa Linangin Natin sa letrang A ng LM.
2. Dalhin ang mga mag-aaral sa computer room at magbukas ng isang graphic editing
tool tulad ng Paint. Hayaan silang tuklasin ang mga bahagi at katangian nito.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
D. PAGSASANIB
Tanungin ang mga mag-aaral kung sa anong paraan pa nila maipakikita ang kanilang
pagkamalikhain.
IV. PAGTATAYA:
V. TAKDANG- ARALIN:
EPP
I. LAYUNIN:
1. Nalalaman ang mga panuntunang pangkaligtasan kaugnay ng mga gawain
2. Nakasusunod sa mga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan habang
gumagawa
3. Napahahalagahan ang mga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan sa paggawa
A. PAGGANYAK
1. Ipasuri sa mga mag-aaral ang mga larawan ng iba’t ibang uri ng kagamitan at
kasangkapan sa paggawa sa Alamin Natin letrang A sa LM. Tanungin kung paano
ginagamit ang mga ito.
2. Ipabasa ang kasabihan na nakasulat sa Alamin Natin, letrang B sa LM. Hayaang
magbigay ng kani-kanilang karanasan ang mga mag-aaral tungkol sa paggamit ng mga
kasangkapang mapurol at matalas.
B. PAGLALAHAD
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
E. PAGLALAHAT
Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kahalagahan ng pagsunod sa mga panuntunang
pangkaligtasan at pangkalusugan. (Tumawag ng mga tatlong mag-aaral para gawin ito).
IV. PAGTATAYA:
Ipasagot ang Gawin Natin sa LM. Susi sa pagwawasto:
1. a 4. x
2. x 5. a
3. a
V. TAKDANG- ARALIN:
Magpagawa sa mga mag-aaral ng islogan tungkol sa mga dapat tandaan upang maging
ligtas sa anumang gawaing isinasakatuparan.
Petsa : ______________________________
EPP
I. LAYUNIN:
1. Nababatid at nakikilala ang mga materyales na matatagpuan sa pamayanan
2. Nakakapili ng mga materyales na matatagpuan sa pamayanan sa paggawa ng kapaki-
pakinabang na proyekto
3. Nakabubuo ng plano sa paggawa ng proyekto
III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
1. Basahin ang rap na nasa Alamin Natin sa LM.
2. Tanungin ang mga bata kung tungkol saan ang rap.
3. Itanong sa mga bata ang mga materyales na matatagpuan sa pamayanan na
nabanggit sa rap.
B. PAGLALAHAD
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Pasagutan sa mga bata ang tanong na nasa Linangin Natin sa letrang B ng LM.
D. PAGSASANIB
Tanungin ang mga mag-aaral kung bakit dapat nating pangalagaan ang mga natural na
bagay sa ating kapaligiran. (Integrasyon sa Science).
E. PAGLALAHAT
Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang nabatid nila sa araling ito. Gabayan sila na
makabuo ng konsepto na may mga materyales sa pamayanan na magagamit sa kapaki-
pakinabang na proyekto.
IV. PAGTATAYA:
Ipasagot sa mga mag-aaral ang Gawin Natin sa ng LM. Susi sa pagwawasto:
1. f 4. a
2. e 5. d
3. b
V. TAKDANG- ARALIN:
EPP
I. LAYUNIN:
1. Natutukoy ang mga instrumento sa pagtataya ng proyekto
2. Napahahalagahan ang nabuong proyekto batay sa sariling puna at puna ng ibang mag-
aaral
3. Naisasagawa ang mga puna at suhestiyon ng iba
III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
1. Ipalabas sa mga mag-aaral ang isang natapos na proyekto sa nakaraang aralin.
2. Ipalahad sa mga mag-aaral kung sila ay nasiyahan sa nabuong proyekto.
Itanong din kung kanino sila humingi ng suhestiyon upang mapaganda pa ang
kanilang proyekto.
3. Ipasuri sa mga mag-aaral ang isang halimbawa ng scorecard na nasa Alamin
Natin sa LM
B. PAGLALAHAD
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Hayaan ang mga mag-aaral na pahalagahan ang kanilang nabu- ong proyekto ayon
sa scorecard na nasa Linangin Natin sa letrang B ng LM.
D. PAGSASANIB
E. PAGLALAHAT
IV. PAGTATAYA:
1. Mali 4. Mali
2. Tama 5. Tama
3. Tama
V.TAKDANG- ARALIN:
EPP
I. LAYUNIN:
1. Nasasabi ang wastong paraan sa pag-aayos ng mga produktong ipagbibili at sa
pagbebenta nito
2. Naisasagawa ang wastong paraan sa pag-aayos ng mga produktong ipagbibili at
sa pagbebenta nito
3. Natututuhan ang mga wastong paraan sa pag-aayos ng mga produktong ipagbibili
at pagbebenta nito
III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
B. PAGLALAHAD
1. Pagpapakita sa mga bata ng mga larawan ng mga produkto na makikita sa pamilihan.
2. Pagsasalaysayin ang mga piling bata tungkol sa karanasan kung sila ay nagbebenta at
bumibili ng mga produkto tulad ng mga gift items, mga handicraft, mga laruan, at iba pa.
3. Tatalakayin ng guro ang mga paraan sa pag-aayos ng mga produktong ipagbibili at
kung papaano ito ibebenta sa pamilihan gamit ang nakasanayang pagbebenta at ang paggamit
ng ICT (Linangin Natin sa LM)
4. Ipagawa ang Gawin Natin sa LM.
5. Sa paggawa o pagsign-up sa E-commerce site ng mga mag- aaral para maibenta ang
kanilang produkto, ang account ay dapat nakapangalan sa guro.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Ang mga mag-aaral ay gagabayan ng guro sa wastong pagsasa- ayos ng mga produktong
kanilang natapos.
- Paglalagay ng frame sa mga nagawang proyekto sa
• Sketching
• Outlining
• Shading
- Sa proyektong natapos sa Gawaing Agrikultura, ICT, at Home Economics
D. PAGSASANIB
E. PAGLALAHAT
IV. PAGTATAYA:
Ipagawa sa mga bata ang isang tseklist ng mga produktong kanilang nagawa sa ICT,
Gawaing-Agrikultura, Home Economics, at Industrial Arts na maaaring nilang ibenta.
V. TAKDANG- ARALIN
Magpahanda ng isang maikling dula-dulaan at ipakita ang mga natutunan sa aralin.
Petsa : ENERO 4,2016
EPP
I. LAYUNIN:
1. Naipamamalas ang kakayahan sa pagtutuos ng puhunan, gastos, at kinita
2. Nakapagtutuos ng puhunan, gastos, at kinita
3. Naipakikita ang tamang katuturan at kahalagahan ng pagtutuos
III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Ipakita sa mga mag-aaral ang mga nagawa nilang proyekto. Ipasabi sa kanila kung
magkano ang kanilang ginastos sa mga materyales na ginamit sa kanilang proyekto.
Itanong sa kanila kung nais nilang ibenta ang kanilang proyekto?
B. PAGLALAHAD
Ipabasa sa mga mag-aaral ang Linangin Natin. Gabayan sila upang masagot ang
kanilang katanungan.
Palawakin ang talakayan at ipahayag nang mabuti sa mga mag- aaral ang
kahalagahan ng puhunan at kinita.
Kapag natapos mo nang ipaliwanag ang konsepto ng aralin at naintindihan na
ng mga mag-aaral kung paano ang tamang pagtutuos ng puhunan at kinita, bigyan
ng manila paper ang mga mag-aaral, hatiin sila sa anim na grupo at ipagawa ang
gawain A na makikita sa LM.
Ipaulat sa mga mag-aaral ang kinalabasan ng kanilang ginawa.
Ang araling ito ay maaaring mong isanib sa Matematika
C. PAGPAPALALIM NG GAWAIN
Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain A sa LM. Ipatuos kung magkano ang kinita.
D. PAGLALAHAT
•Kung ikaw ay kikita sa mga ibinenta mong proyekto, paano mapapahalagahan ang
perang kinita mo?
IV. PAGTATAYA:
Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain B na makikita sa LM. Ipaunawa sa kanila
kung paano nila sasagutan ito.
V. TAKDANG- ARALIN
Ipagawa sa mga mag-aaral mga gawain sa Pagyamanin Natin A at B. Maaari mong
ipagawa ito sa bahay bilang takdang-aralin.
Petsa : ENERO 5,2016
EPP
I. LAYUNIN:
1. Naipakikita ang kasanayan sa pagpaplano ng proyekto gamit ang naunang kinita
2. Nakagagawa ng plano ng proyekto gamit ang naunang kinita
3. Napahahalagahan ang pagpaplano ng proyekto gamit ang naunang kinita
III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
B. PAGLALAHAD
Pangalan: _____________
Pangalan ng Proyekto:__________
I. Proyekto Bilang
II. Layunin
III. Sketch
IV. Talaan ng Materyales
V. Hakbang sa Paggawa
VI. Talaan ng Kasangkapan
D. PAGSASANIB
E. PAGLALAHAT
Itanong sa mga mag-aaral:
IV. PAGTATAYA:
V. TAKDANG- ARALIN
EPP
I. LAYUNIN:
1. Naibabahagi ang mga pag-iingat at pagmamalasakit sa kapaligiran sa pagpaplano at
pagbuo ng produkto tungo sa patuloy na pag- unlad
2. Naisasaalang-alang ang pag-iingat at pagmamalasakit sa kapaligiran sa pagpaplano
at pagbuo ng produkto tungo sa patuloy na pag-unlad at
3. Napahahalagahan nang may pagmamalasakit sa kapaligiran tungkol sa pagpaplano at
pagbuo ng produkto tungo sa patuloy na pag-unlad
III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Ipaawit sa mga mag-aaral ang kantang Kapaligiran. Pagkatapos itanong ang sumusunod:
B. PAGLALAHAD
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
1. Gamit ang litratong nakadisplay, gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng 5-10
pangungusap na nagsasaad kung paano iingatan ang kapaligiran.
2. Dalhin ang mga mag-aaral sa hardin. Ipamasid sa kanila kung ano-anong mga halaman,
puno, at damuhan ang maaaring gamitin sa pagbuo ng proyekto. (Pagsasanib sa EKAWP
at HEKASI)
D. PAGLALAHAT
IV. PAGTATAYA:
A. Magtala ng maaari mong imungkahi para sa wastong pag-iingat sa kapaligiran.
B. Pasagutan ang Gawin Natin at gabayan ang mga bata sa pagsasagawa nito.
V. TAKDANG- ARALIN
Magpagawa ng mga repleksiyon sa iyong mga mag-aaral tungkol sa pagmamalasakit
sa kapaligiran. Ipagawa ito sa isang illustration board na may kasamang larawan.
Petsa : ENERO 7, 2016
EPP
I. LAYUNIN:
1. Naiisa-isa ang mga gawi na dapat o di-dapat isaugali upang makatulong sa patuloy
na pag-unlad
2. Natututuhan ang mga gawi na dapat o di-dapat isaugali upang makatulong sa
patuloy na pag-unlad
3. Naitataguyod ang mga gawi na dapat o di-dapat isa-ugali upang makatulong sa
patuloy na pag-unlad
Paksa: Mga Gawi na Dapat o Di Dapat Isaugali Upang Makatulong sa Patuloy na Pag-unlad
Sanggunian: Aralin 21 K to 12 EPP4IA Oj – 10
Kagamitan: larawan talangka, walis tingting
III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Magpaskil ng larawan ng mga talangka na nag-uunahan sa pag- akyat sa isang
basket. Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng kanilang ideya tungkol sa larawan.
Isulat sa pisara ang kanilang mga ideya.
B. PAGLALAHAD
Ipakita ang paggamit ng walis tingting at isang pirasong tingting it1. Ano ang ipinakikita
ng mga talangka sa larawan habang sila ay nag-uunahan sa pag- akyat?
2. Ano ang epekto kung buong walis tingting ang gagamitin sa pagwawalis?
3. Papaano kung isang walis tingting lamang ang gagamitin sa pagwawalis?
4. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Linangin Natin at ipaunawa sa kanila ang kanilang
gampanin upang magkaroon ng patuloy sa pag-unlad.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
IV. PAGTATAYA:
Tseklist OO HINDI
V. TAKDANG- ARALIN
Repleksiyon:
Ang pag-unlad ng kapuwa ay hindi dapat kainggitan, bagkus ito ay magiging inspirasyon sa
lahat na bawat isa sa atin ay magsumi- kap sa buhay.
Petsa: ENERO 8, 2016
EPP
I. LAYUNIN:
1. Nalalaman ang iba’t ibang mga regulasyon at kautusan ng pamahalaang lokal kaugnay
sa napiling negosyong pang serbisyo at produkto
2. Napahahalagahan ang pagtupad sa regulasyon at kautusan ng pamahalaang lokal
kaugnay ng napiling negosyong panserbisyo at produkto
3. Naisasagawa ang iba’t ibang regulasyon at kautusan ng pamahalaang lokal kaugnay
sa napiling negosyong panserbisyo at produkto
III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
B. PAGLALAHAD
D. PAGLALAHAT
Sa isang negosyong panserbisyo, dapat na sumunod ang mga negosyante sa mga
regulasyong itinakda ng ating pamahalaan.
IV. PAGTATAYA:
Tseklist OO HINDI
V. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:
Sumunod sa mga regulasyon na ipinatutupad ng pamahalaan upang maiwasan ang aberya.