Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAGBASA #4

Basahin at suriin ang teksto. Sagutin ang sumusunod na tanong


Ayon sa National Statistical Coordinating Board, ang pamilyang Pilipino na may limang miyembro ay dapat na may kitang
Php. 8,251.00 upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan. Sa badyet daw na Php. 275.00 kada araw, hindi
sila maghihirap.
Ito ang inilantad ng I-Witness nang makilala nila si Mang Ronaldo. Si Mang Ronaldo na walang regular na
hanapbuhay ay nagtitinda ng prutas sa tapat ng kanilang bahay kaya naman nakatutulong siya sa asawang
namamasukang tindera sa Divisoria.
Si Delma naman na ang asawa ay nagtitinda ng ice cream ay nakaraos sa pang-araw-araw na gastusin sa labis na pagtitipid.
Lahat yata ay tinipid niya; ilaw, tubig, luho sa katawan at hindi nila binibili ang mga hindi kailangan. Sa pagiging
mapamaraan at matiisin, nabibili nila ang mga pangunahing pangangailangan. Totoo nga naman.
Kung ang mamamayan ay may sistema, marunong magtipid at talagang marunong magbadyet, walang
maghihirap at walang mag- asawang mag-aaway nang dahil sa pera. Sanggunian: Kayumanggi Batay sa kurikulum na K-12
(Ikatlong Markahan)ni Perla Guerero, et. al
____________1. Ano ang paksa ng tekstong binasa?
A. Paraan kung paano makararaos sa pang-araw-araw na pangangailangan.
B. Paraan kung paano kikita nang malaki at mabibili ang mga luho.
C. Paraan kung paano makakukuha ng regular na hanapbuhay
D. Paraan kung paano makatutulong sa asawa sa pagtatrabaho.
_____________ 2. Sa pangungusap na may salungguhit sa unang talata, anong salitang pang-ugnay ang ginamit?
A. dapat B. kada C. upang D. sa.
_____________ 3. Si Delma naman na ang asawa ay nagtitinda ng ice cream ay nakaraos sa pang-araw-araw na gastusin sa labis na pagtitipid. Ang
pang-ugnay na sa ay nagsasaad ng ____________.
A. Kondisyon at Resulta B. Paraan at Layunin C. Paraan at Resulta D. Sanhi at Bunga
_____________ 4. Sa anong talata makikita ang pangungusap ng nagsasaad ng sanhi at bunga?
A. Unang talata B. Ikalawang talata C. Ikatlong talata D. Ikaapat na talata
_____________ 5. Kung ang mamamayan ay may sistema, marunong magtipid at talagang marunong magbadyet, walang maghihirap at walang
mag- asawang mag-aaway nang dahil sa pera. Ang pang-ugnay na may kung ay nagsasaad ng kamalayan
A. Kondisyon at Resulta B. Paraan at Layunin C. Paraan at Resulta D. Sanhi at Bunga

You might also like