Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 1

I. Layunin:
Matatalakay ang konsepto ng bansa.

Mabubuo ang kahuligan ng bansa.

Mapapaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa.

II. Paksang-Aralin: Pagkilala sa Bansa


A. Teacher’s Guide, pahina 1-4

B. Sanggunian: Araling Panlipunan Curriculum Guide

C. Kagamitan: Mga Larawan, Charts, Manila Paper at Marker

D. Integrasyon ng aralin sa Filipino at MTB

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:

1. Panalangin

2. Pagbati

3. Pagtatakda ng Alintuntunin

4. Pagganyak:

Panuto: Hulaan at ayusin ang mga letra upang mabuo ang mga hinahanp
na salita. Mayroong 5 segundo upang sumagot.

a. A N I C H
( Sagot: CHINA)
Ang bansang China ang may pinakamalaking populasyon ng tao sa
buong mundo na umaabot sa mahigit isang bilyon.

b. U S R S I A
( Sagot: RUSSIA)
Ang Russia and pinakamalikng bansa ayon sa teritoryo

c. N A D A C A
( Sagot: Canada)
Ang pamahalaan ng Canada ay tinatawag na Constitutional Monarchy

d. N A S P I L I P I
( Sagot: PILIPINAS)
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog-Silanganang Asya.
B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

PILIPINAS

Ang Pilipinas ay isang kapuluan at matatagpuan sa Timog-Silangan Asya. Dito


tayo naninirahan at nabubuhay. Dito tayo naninirahan at namumuhay.

Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo at nagtatamasa rin tayo ng ganap na


kalayaan o soberanya.

Mayroon ding pamahalaan ang ating bansa. Ang ating pamahalaan ay


naglulunsad ng mga programa upang magbigay ng serbisyong kailangan ng
mamamayan. Ang bansa ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng 4 na element
– tao, pamahalaan, teritoryo ay soberanya.

Talahulugan:

BANSA- lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may


magkakatulad na kulturang pinanggagalingan kung saan makikita ang iisa o pare-
parehong wika, pamana, relihiyon at lahi.

KULTURA- ito ang sibilisasyon ng isang bansa, na nagpapakilala ng


teknolohiya, wika, sining at kaugalian ng mga tao.

PAMANA- ito ang kontribusyon sa kalinangan ng bansa o daigdig.

LAHI- anomang uri o grupo ng tao na makikilala batay sa kanilang kulay ng


balat, hugis ng mata kulay ng buhok, taas, laki ng katawan at iba pa.

TERITORYO- tumtutkoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang


himpapawid at kalawakan sa itaas nito.

PAMAHALAAN- samahan o organisasyong political na itinaguyod ng mga grupo


ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong
lipunan.

SOBERANYA- tinatawag din na ganap na kalayaan, ito ay tumutukoy sa


kapangyarihan ng pamahalaang namamahala sa kaniyang nasasakupan..

Pagganyak na Tanong:

1. Anong lugar ang maituturing sarili mong bansa? (Sagot: Pilipinas)

2. Anong lahi ang kinabibilangan mo? (Sagot: Pilipino)

3. Ano ang tawag sa anomang uri o grupo ng tao na makikilala batay sa


kanilang kulay ng balat, hugis ng mata, kulay ng buhok, taas, laki ng
katawan at iba pa? ((Sagot: Lahi)

3. Pagsasanay

Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag at MALI kung hindi wasto ang
nakasaad.

(TAMA) 1. Ang bansa ay isang lugar o teritoryo na may naninirahang tao.


(TAMA) 2. Ang bansa ay matatawag na bansa kung binubuo ito ng wika, pamana,
reluhiyon at lahi.

(MALI) 3. Ang bansa ay hindi kinakailangan ng mga mamayan.

(TAMA) 4. Ang teritoryo ay tumtukoy sa lawak ng lugar na nasasakopan ng isang lugar.

(TAMA) 4. Ang Pilipinas ay maituturing na bansa.

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat:

Paano mo masasabi na ang isang ligar ay inatawag na bansa? Bakit tinatawag na


bansa ang Pilipinas?

Tandaan: Kailangan ng bawat bata ng masusustansiyang pagkain upang siya ay


lumaking malusog.

(Sagot: Kapag ang lugar ay may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad
na kulturang pinanggagalingan at makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana,
relihiyon at lahi kagaya ng sa Pilipinas)

2. Paglalapat:

Hatiin ang klase sa 2 grupo at magtakda ng gawain para sa kanila.

Gwain para sa bawat Grupo: Gumawa ng semantic web kung saan nagpapakita ng
elemento ng bansa. Magbigay din ng limang halimbawa sa bawat element pagkatpos
ay iulat ito loob ng klase.

Rubriks sa Pag-uulat:

PAMANTAYAN 10 NA PUNTOS 8 NA 6 NA 4 NA
PUNTOS PUNTOS PUNTOS

PAGKAMALIKHAIN Nakikita ang lahat ng Kulang ng Kulang ng Kulang ng


nakasulat sa manila isa ang dalawa ang tatlo ang
paper. Akma ang pamantayan. pamantayan. pamantayan.
inuulat sa paksa at
malinaw na nababasa
ang mga nakasulat.

NILALAMAN a. Walang mali sa Kulang ng Kulang ng Kulang ng


ispeling ng ulat. isa ang dalawa ang tatlo ang
b. Malinis ang pamantayan. pamantayan. pamantayan.
pagkakasulat.
c. Hindi paulit-uli ang
laman ng ulat.
d. Naiintindihan ang
mga nakasulat.

PAGSAGOT SA Nsasagot ang tatlong Kulang ng Kulang ng Kulang ng


MGA TANONG tanong mula sa guro, isa ang dalawa ang tatlo ang
walang kopya sa pamantayan. pamantayan. pamantayan.
pagsagot, malakas at
malinaw ang boses.

PAKIKINIG Lahat ng kamag-aral ay Kalahati lang Konti lang Walang


nakikinig. ng klase ang ang interesado at
ankikinig.. nakikinig. walang
nakikinig.

IV. PAGTATAYA:
Pagyan ng kung ang bilang ng pangungusap ay nagsasabi ng

katangian ng isang lugar para maituring na isang bansa at naman kung

hindi.

______1. May mga mamamayang naninirahan sa bansa.

______2. Pinamahalaan ng iba pang bansa.

______3. Binubuo ng tao, pamahalaan at teritoryo lamang.

______4. May sariling pamahalaan ang isang bansa.

______5. May sariling teritoryo na tumutukoy sa lupain at katubigan kasama na ang


himpapawid at kalawakan sa itaas nito

V. Kasunduan:

Sa isang short bondpaper, iguhit an gating bansang Pilipinas. Kulayan ang Luzon ng
asul, Dilaw sa Visayas at pula naman sa Mindanao.

Inihanda ni:

You might also like