Hebrews 9:27- Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at
pagkatapos ay ang paghuhukom. 1 Peter 4:17 - Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios: at kung mauna sa atin, ano kaya ang wakas ng mga hindi nagsisitalima sa evanghelio ng Dios? Ang umpisa ng kaligtasan ay makinig sa tamang magtuturo at ito ang nakasulat sa Efeso 4:11 – At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y evangelista; at ang mga iba'y pastor at mga guro; Ang tunay na kaligtasan ay ang pagkilala sa ating Diyos. Hebrews 1:1-2-Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta, Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan; Ang kaligtasam ng ating mga kaluluwa o sa pagiging anak na lalaki at anak na babae ng Diyos. Bautismosa tubig at sa espirito at bautismo sa apoy sa pagsunod. Mateo 7:21-Hindi ang bawat isa na nagsasabi sa akin: Panginoon, Panginoon, ay makakapasok sa paghahari ng langit, kundi ang gumagawa ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Ang ating ama ay ang salita ng Diyos: a. 1 Peter 1:23 - Yamang ipinanganak kayong muli, hindi sa binhing nasisira, kundi sa walang kasiraan,sa pamamagitan ng salita ng Dios na nabubuhay at namamalagi. b. Santiago 1:18 - Niloob niyang tayo'y maging anak niya sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang tayo'y maging pangunahin higit kaysa lahat ng kanyang mga nilalang. Ito ang ating Ina: a. Galacia 4:26 - Ngunit ang Jerusalem na nasa itaas ay malaya. Siya ang ina nating lahat. Ang asawa ng ating Diyos: a. Apocalypsis 19:7 - Tayo ay labis na magsaya at magalak at tayo ay magbigay ng kaluwalhatian sa kaniya sapagkat sumapit na ang kasal ng Kordero. At ang kaniyang kasintahang babae ay nakahanda sa kaniyang sarili. b. Apocalypsis 21:2 - At akong si Juan, nakita ko ang banal na lungsod, ang bagong Jerusalem na buma-babang mula sa Diyos na buhat sa langit. Ito ay inihanda na katulad ng isang babaeng ikakasal na ginayakan para sa kaniyang magiging asawa. c. Apocalypsis 21:10-Dinala niya ako sa Espiritu patungo sa isang dakila at mataas na bundok. Ipinakita niya sa akin ang isang dakilang lungsod, ang banal na Jerusalem. Ito ay bumababang buhat sa langit mula sa Diyos. d. Jeremias 3:14-Sinabi pa ng Panginoon, “Magbalik na kayo, kayong mga suwail na mga anak, dahil akin kayo. Kukunin ko ang isa o dalawa sa inyo mula sa bawat bayan o angkan at dadalhin sa Israel. At bibigyan ko kayo ng isang Pastor na kakandili sa inyo sa kaalaman at pagkaunawa. Itong lahat ay minana ko sa aking ama: Mateo 16:19-Ibibigay ko sa iyo ang kapangyarihan sa kaharian ng Dios. Anuman ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal din sa langit, at anuman ang ipahintulot mo sa lupa ay ipapahintulot din sa langit. Mateo 5:19-20-Kaya ang sinumang lumabag sa pinakamaliit na bahagi ng Kautusan,at magturo sa iba na lumabag din ay ituturing na pinakamababa sa kaharian ng Dios. Ngunit ang sinumang sumusunod sa Kautusan, at nagtuturo sa iba na sumunod din ay ituturing na dakila sa kaharian ng Dios.Kaya tandaan ninyo: kung hindi ninyo mahihigitan ang pagsunod ng mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga Pariseo sa kalooban ng Dios, hindi kayo makakapasok sa kaharian ng Dios. Apocalypsis 20:12-15- At nakita ko ang mga patay, malalaki at malilit, na nangakatayo sa harapang luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. At iblnigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Dito naman sa Juan 12:48 - Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita,aysiyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw.