Professional Documents
Culture Documents
Modyul 2-Kasaysayan NG Wikang Pambansa (Pedrita)
Modyul 2-Kasaysayan NG Wikang Pambansa (Pedrita)
Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
NAME:
IKATLONG LINGGO
Isang mapagpalang pagbati mula sa iyong guro sa Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
1 |K o m u n i k a s y o n a t P a n a n a l i k s i k s a W i k a a t K u l t u r a n g P i l i p i n o
Sa sanayang papel na ito, mamumulat ka sa mga simulain ng wikang pambansa.
Tatalakayin ang sitwasyong pangwika sa iba’t ibang panahon. Mahalagang matutunan
mo bilang mag-aaral ang Kasaysayan ng Wika dahil makatutulong ito sa iyo upang
madagdagan ang iyong karanasan, kaalaman, at kamulatan sa mga kaalamang
pandaigdig nang sa gayo’y mapakinabangan ito ng iyong komunidad at lipunan.
PAUNAWA:
Lahat ng kasagutan sa mga pagsasanay at
gawain ay kailangang ilagay sa hiwalay na long
bond paper. Sa pagsagot, sundin ang
pagkasunod-sunod ng bawat gawain at
pagsasanay upang maiwasan ang pagkalito.
Gamitin ang sumusunod na format: Arial Font,
Font size 12, Margin Normal
Para sa naka-offline na mag-aaral: Magsumite
ng hard copy (maaaring encoded o sulat-kamay)
ng mga nasagutang pagsasanay at gawain.
Para sa naka-online na mag-aaral: Magsumite
ng soft copy ng mga nasagutang pagsasanay at
gawain. (Isumite ito sa google classroom)
Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung saan nagmula ang wika? Saan nga
kaya ito nagmula? Isulat sa kahon ang iyong mga hinuha kung paano at
saan nagmula ang wika.
Minsan ko nang naitanong sa aking sarili kung saan nga ba nagmula ang wikang
ating binabalangkas ngayon. Ang aking mga hinuha kung paano at saan ito
nagmula ay maaaring ito ay nanggaling sa mga tunog na ating nalilikha kapag
tayo ay nakakaramdam ng iba’t ibang emosyon at bugso ng damamin. Maaaring
ito rin ay nagmula sa pakiramdam nating makipagkomunika sa ating kapwa at
gumawa ng wika base sa ating nararamdaman at naoobserbahan sa ating
paligid.
Ngayon ay tuklasin natin kung may kahawig na teorya ang naisip mo. Layon
ng araling ito na maipaliwanag ang pinagmulan ng wika at ang
pinanggalingan ng wikang pambansa.
ALAM MO BA?
3 |K o m u n i k a s y o n a t P a n a n a l i k s i k s a W i k a a t K u l t u r a n g P i l i p i n o
Batid natin ang kahalagahan ng wika sa ating buhay. Ito ay isang instrumento ng
pagkakaunawaan. Ayon sa mga propesor sa Komunikasyon na sina Emmert at
Donaghay(1981), ang wika, kung ito ay pasalita, ay isang sistema ng mga sagisag na
binubuo ng mga tunog; kung ito naman ay pasulat, ito ay iniuugnay natin sa mga
kahulugang nasi nating iparating sa ibang tao. Ngunit saan nga ba nagmula ang wika?
Walang nakaalam kung paano ito nagsimula ngunit maraming mga haka-haka at teorya
tungkol sa pinagmulan ng wika. Ang mga lingguwistang nag-aral at nagsuri ng wika ay
nakakalap ng iba‟t ibang teoryang maaaring magbigay-linaw at nagsuri ng wika,
bagama‟t ang mga ito ay hindi makapagpapatunay o makapagpapabulaan sa
pinanggalingan ng wika. Ang ilan sa mga ito ay makikita sa ibaba.
I. Paniniwala sa Banal na Pagkilos ng Panginoon
Sa simula'y iisa ang wika at magkakapareho ang mga salitang ginagamit ng lahat
ng tao sa daigdig. Sa kanilang pagpapalipat-lipat sa silangan,[a] nakarating sila
sa isang kapatagan sa Shinar at doon na nanirahan. Nagkaisa silang gumawa ng
maraming tisa at lutuin itong mabuti para tumibay. Tisa ang ginagamit nilang bato
at alkitran ang kanilang semento. Ang sabi nila, “Halikayo at magtayo tayo ng
isang lunsod na may toreng abot sa langit upang maging tanyag tayo at huwag
nang magkawatak-watak sa daigdig.”
Bumabâ si Yahweh upang tingnan ang lunsod at ang toreng itinayo ng mga tao.
Sinabi niya, “Ngayon ay nagkakaisa silang lahat at iisa ang kanilang wika.
Pasimula pa lamang ito ng mga binabalak nilang gawin. Hindi magtatagal at
gagawin nila ang anumang kanilang magustuhan. Ang mabuti'y bumabâ tayo at
guluhin ang kanilang wika upang hindi sila magkaintindihan.” At ginawa ni
Yahweh na ang mga tao ay magkawatak-watak sa buong daigdig, kaya natigil
ang pagtatayo ng lunsod. Babel[b] ang itinawag nila sa lunsod na iyon, sapagkat
doo'y ginulo ni Yahweh ang wika ng mga tao. At mula roon, nagkawatak-watak
ang mga tao sa buong daigdig dahil sa ginawa ni Yahweh
(https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis+11&version=MBBTAG)
II. Ebolusyon
4 |K o m u n i k a s y o n a t P a n a n a l i k s i k s a W i k a a t K u l t u r a n g P i l i p i n o
e. Teoryang Yo-he-ho – Ang wika ay nabuo mula sa pagsasama-sam, lalo na
kapag nagtatrabaho nang magkakasama. Ang mga tunog o himig na
namumutawi sa mga bibig ng tao kapag sila ay nagtatrabaho nang sama-
sama ay sinasabng pinagmulan ng wika.
Sa sanayay na isinulat ni Jean-Jacques Rosseau, ang pagkalikha ng wika ay hindi
nagmula sa pangangailangn nito ngunit nanggaling sa silakbo ng damdamin. Ang
pangangailangan ay maaaring makapag-hati-hati sa mga tao at magtulak sa kanilang
magkanyakanya, ngunit ang silakbo ng damdamin ang nagtutulak na mamutaw sa bibig
ng mga tao ang iyak, halakhak, sigaw, galit na maaaring pinagmulan ng sinaunang
wika. Sa kabila ng maraming teoryang nagtangkang magpaliwanag sa pinagmulan ng
wika, hindi pa rin matiyak kung saan, paano, at kalian nagsimula ang paggamit ng tao
rito.
ALAMIN NATIN!
Mahusay! Nalaman na natin ang iba’t ibang teorya ng wika kung saan nagmula ang
wika.. Upang mas lumawak pa ang iyong kaalaman, balikan natin ang kasaysayan ng
wikang pambansa. Buksan ang aklat sa pahina 3-34. Basahin at unawain ang
kasaysayan ng wikang pambansa sa iba’t ibang panahon.
PAGYAMANIN
1.
React: Ayaw ng mga Espanyol na matuklasan natin ang mga ginawa ng ating
mga katutubo sapagkat maliban sa ito ay magiging sagabal sa
pagpapalaganap nila ng pananampalatayang Katoliko, ang ating mga nais ay
limitado rin. Ang karapatang maibuklod natin ang ating mga damdamin at
mamulat sa reyalidad ang pinakaayaw nilang mangyari.
3.
Read: Noong panahon ng mga Espanyol, naging malaking usapin ang wikang
gagamitin sa pagpapalawak ng Kristiyanismo. Naniniwala ang mga Espanyol
noong mga panahong iyon na mas mabisa ang paggamit ng katutubong wika
sa pagpapatahimik sa mamamayan kaysa sa libong sundalong Espanyol.
4.
Read: Matagumpay na nahati at nasakop ng mga Espanyol ang mga
katutubo. Hindi nila itinanim sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng
isang wikang magbibigkis ng kanilang mga damdamin
6 |K o m u n i k a s y o n a t P a n a n a l i k s i k s a W i k a a t K u l t u r a n g P i l i p i n o
React: Ayaw ng mga Espanyol itanim sa ating isipan ang kahalagahan ng
isang wikang magbibigkis ng ating mga damdamin. Sila ay takot na
magkabuklod-buklod ang ating mga damdamin at tuluyang mamulat sa mga
B. Masasabing hindi naging madali ang pinagdaanan ng wikang pambansa.
Maraming pagkakataong ito ay nanganib na maisantabi na lamang. Natatandaan
mo pa ba ang mga pagkakataong ito? Balikan at isulat ang mga pangyayaring
nagpakitang muntik nang maisantabi ang pambansang wika. Isulat ang
pangyayari sa tamang panahon sa bawat kahon.
MAGAGAWA MO!
7 |K o m u n i k a s y o n a t P a n a n a l i k s i k s a W i k a a t K u l t u r a n g P i l i p i n o
Panuto: Magtala ng tigdalawang tiyak na pangyayari ng kasaysayan ng wikang
pambansa sa bawat panahon (Panahon ng Kastila hanggang sa kasalukuyan). Isulat
ang sanhi at bunga ng bawat pangyayari na napili mo at naidulot nito sa pag-unlad ng
wikang pambansa.
2. Napag-alaman na
walang malinaw na
resulta and
puspusang pagtuturo
ng Ingles sa mga
Pilipino.
3. Panahon ng 1. Mensahe ni 1. Mabilis na 1. Ito ay nakatulong
Komonwelt Pangulong Quezon sa pagtugon ng sa pagsuri ng kung
pagbubugkas ng unang Pambansang anong wika ang
sesyon ng Asemblea kung saan kikilalaning wikang
Pambansang Asemblea ipinasa agad ang pambansa.
na nagdidiin sa Batas Komonwelt Blg.
probisyong pangwika 184 na pinamagatang 2. Dito ay unti-unti
ng Saligang Batas at “An Act to Establish a nang nagiging
paghihiling sa mga National Language malinaw kung anong
mambabatas na Institute and Define Its wika ang dapat
isaalang-alang ito. Powers and Duties.” gamitin
Ayon sa Seksiyon 5
2. Masusing pag-aaral ng batas, ang
pagkaraan ng ng pangunahing
mahigit isang taon. magiging tungkulin ng
Surian ng Wikang
Pambansa ay
magsagawa ng pag-
8 |K o m u n i k a s y o n a t P a n a n a l i k s i k s a W i k a a t K u l t u r a n g P i l i p i n o
aaral sa mga wika ng
Pilipinas upang
tukuyin mula sa mga
ito ang pauunlarin at
kikilalaning wikang
pambansa.
2. Inirekomenda ng
SWP Tagalog bilan g
batayan ng wikang
pambansa.
4. Panahon ng 1. Pnanakop ng mga 1. Unti-unting binura 1. Nagkaroon ng
Hapones Hapones. ang anumang pagppalit at
impluwensiya ng pagbabaliok ng
2. Pinalawak ni wikang pamana ng wika.
Pangulong Laurel ang Estados auanidos.
Kautusang 2. Mas lumawak at
Tagapagpaganap Blg. 2. Pinalawak nito ang napadali ang
10. dating probisyonng pagtuturo ng wikang
Kautusang pambansa.
Tagapagpaganap Blg.
263.
Pamantayan 5 4 3 2
Napakahusa Mahusay Katamtaman May
y kakulangan
Malinaw ang 5
pagkakahanay ng kaisipan
Naipaliwanag nang 5
malinaw ang sanhi at
bunga ng mga pangyayari
Makatotohanan ang 5
impormasyong inilahad
Malikhain ang ginawang 5
grapikong pantulong
9 |K o m u n i k a s y o n a t P a n a n a l i k s i k s a W i k a a t K u l t u r a n g P i l i p i n o
Kabuoan 20
Mahalagang tanong:
10 |K o m u n i k a s y o n a t P a n a n a l i k s i k s a W i k a a t K u l t u r a n g P i l i p i n o