Abstrak

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Dahilan at Epekto ng

Pagkasangkot ng mga
Kapulisan sa mga illegal na
Gawain

Ipinasa nina: Ipinasa kay:

Tristan John Santos Mrs. Melissa Franco

John Carlo Fernando

Khen Pangilinan

Liandsey Pangilinan

Seksiyon: 12-Humss Beethoven


ABSTRAK

Pangalan ng Institusyon: Bp. Pueblos Senior High School

Address/Kinatatayuan: Butuan City

Pamagat: Dahilan at Epekto ng Pagkasangkot ng mga Kapulisan sa


mga illegal na Gawain

May Akda: Jessie Jane Pulido

Kurso: Kriminolohiya

Pondo: Personal

Petsang Nagsimula: Ika-3 ng Marso, 2017

Petsang Natapos: Marso 2017

I. Panimula

Ang pagkakasangkot ng mga kapulisan sa mga illegal na mga


gawain ayunti-unti nang dumarami. Ayon kay Marvell at Moody
(2006), ang pag-aaral ukol sarelasyon sa pagitan ng pulis at
krimen, tulad ng marami pang ibang Criminologicaltopics, ay paksa
na walang tiyak na direksyon sa pananahilan at kontrol na
nakaligtaan. Idinagdag din nila na mayroong magkaibang epekto ang
krimen
sa bilang ng kapulisan at ang epekto ng pulis sa mga uri ng krime
n.

Ayon sa naunang nabanggit ay mayroon lamang katamtamang


epekto at matibay na epekto naman sa ikalawang nabanggit. Ayon
naman kay Romero (2017) ang mga krimen na kinasangkutan ng PNP ay
ang pagpapapatay at pagbabayad sa mga hindi kilalang tao upang
iutos ang pag papatay sa mga hindi kilalang taong nasangkot
o hinihinalang suspek sa mga krimen na may kaugnay sa illegal na
droga. Ito ay para sumunod sa mga utos na nanggaling mismo sa
pinakataas-taasang posisyon sa gobyerno.

II. Mga Layunin ng Pag aaral

Ang pamanahonang-papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon


hinggil sa mga dahilan at epekto ng pagkakasangkot ng kapulisan
sa illegal na gawain:

1. Ano ang mga dahilan ng pagkakasangkot ng mga kapulisan


sa illegal na gawain?

2. Paano nakaka-epekto ang pag kakasangkot ng mga kapulisan sa
illegal na gawain sa mga kapwa nitong kapulisan?

3. Saloobin ng mga ibang kapulisan na hindi sangkot sa illegal na


mga gawain?

III. Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri sa pananaw


ng mga mag-aaral hinggil sa pagkakasangkot ng mga kapulisan sa
illegal na Gawain. Saklaw nito ang mga mag aaral ng BP. Pueblos
Senior High School.

Nililimitahan ang pag aaral na ito sa BP. Pueblos Senior


High School, sapagkat nakakabahala ang mga krimen sa syudad. Ang
limitasyon na ito ay ekslusibo lamang sa mag aaral ng BP. Pueblos
Senior High School.

IV. Pamamaraan ng Pananaliksik


Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kwantitatibong
pananaliksik na may komparatibong pamamaraan. Ito ay naglalayong
nakakalap ng mga datos at impormasyon sa mga dahilan kung bakit
nasasangkop sa illegal na gawain ang mga kapulisan. Gumamit ng
mga structured research instrument o pigura ang mga mananaliksik
upang makumpirma kung bakit nasasangkop sa illegal na gawain ang
mga kapulisan. Upang mas maging matibay at mapatunayan ang
paksang napili ay nangalap ng mga karagdagang impormasyon at
awtentikong datos ang mga mananaliksik sa mga kaugnayan na
literatura.

V. Buod ng Natuklasan at Kongklusyon

A. Mga Natuklasan

Mula sa mga nakalap na literatura at pag aaral ang mga sumusunod;

1.) Naniniwalang pinansiyal ang dahilan ng pagkasangkot ng


kapulisan sa ilegal na gawain.

2.) Inaabuso ang kapangyarihan bilang isang pulis.

3.) Naiimpluwensyahan ng ibang tao.

4.) Naniniwalang pinagbabantaan ang kapulisan kaya sila


nadadawit.

5.) Pagkawala sa trabaho ang epekto ng pagkakasangkot ng mga


kapulisan sa ilegal na gawain.

6.) Pagkadamay ng pamilya ang epekto kung nasasangkot sa ilegal


na gawain.

7.) Nasisira ang Reputasyon ng PNP

Batay sa mga nakalap ng mga mananaliksik;


8.) Nawawalan ng tiwala ang karamihan sa kapulisan

9.) Nababahala sa pagkakasangkot ng kapulisan sa illegal na


gawain.

10.)Nakakaimpluwensya sa ibang kapulisan

11.)Hindi nababahala sapagkat may katungkulan sa gobyerno

12.)Nakakaapekto ito sa pagkakaroon ng pag babago sa sistema ng


PNP.

B. Konklusyon

Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay


humantong sa mga sumusunod na konklusyon;

1.) Karamihang sagot sa dahilan ng pag-kakasangkot ng mga


kapulisan sa illegal na gawain ay financial

2.) Karamihang dahilan ng pagkadawit ng ibang kapulisan sa ilegal


ay gawain na ginagawa nag iba ay dahil sa kadahilanang
pinagbabantaan ng mga nasa taas na posisyon sa sangkot na ilegal
na gawain.

3.) Ang epekto ng pagkakasangkot ng mga kapulisan ilegal na


gawain sa mga kapulisan ay dito mismo nasisira ang kanilang
reputasyon.

4.) Ang epekto ng pagkakasangkot ng mga illegal na gawain sa PNP


bilang kabuuan ay pagkawala ng tiwala ng mga tao sa PNP.

5.) Ang saloobin ng mga pag aaral sa pagkasangkot ng mga


kapulisan sa krimenalidad ay pagkawala ng kanilang tiwala sa
kapulisan.
6.) Ang pwedeng gawin upang malimitahan ang pagkasangkot ng mga
kapulisan sa illegal na gawain ay iwasan ang temptasyon sa
paggawa ng illegal.

VI. Rekomendasyon

Kaugnay ng mga konklusyon na nabanggit, buong-


pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga
sumusunod;

a.) Para sa mga mag-aaral, nararapat na umiwas ang mga kapulisan


sa mga temtasyon upang maiwasan ang pagkakasangkot ng kapulisan
sa illegal na gawain.

b.) Para sa dekano ng kriminolohiya, makakabuti na mas higpitan


ng katas-taasang namamahala sa kapulisan ang pagpapatibay ng mga
parusa sa mga kapulisan na gumawa ng mga illegal na gawain. Upang
matuto sila, at para unti-unting matigil at maiwasan ito ng
sagayon ay mabalik ang tiwala ng mga tao sa kapulisan.

Sanggunian

Pulido, J. J. (n.d.). Dahilan at Epekto ng pagkasangkot ng mga


kapulisan sa illegal na gawain.

https://www.scribd.com/document/343712581/DAHILAN-AT-EPEKTO-NG-
PAGKASANGKOT-NG-MGA-KAPULISAN-SA-MGA-ILEGAL-NA-GAWAIN-pdf?
fbclid=IwAR3dSCRcIBEE_8myMokZP6lakLdVXAYlyF-wiZ-
VB2VUyw1aDibX0wPODbo#

You might also like