Professional Documents
Culture Documents
Kabanata 2 at 3 Fildis Realismo Anak
Kabanata 2 at 3 Fildis Realismo Anak
Kabanata 2 at 3 Fildis Realismo Anak
9. Maaari mo bang ipaliwanag kung anu-ano ang mga nagbago sa inyong pamilya,
simula nang nangibang-bayan ito? Positibo o negatibo?
_________________________________________________________________.
Ang mga mananaliksik ay gumamit simple random sampling kung saan ang
pagpili ng respondente ay malaya mula sa kinabibilangan nitong grupo. Ang napiling
respondente sa pagsusuring ito ay ang mga piling mag-aaral mula sa Nueva Ecija
University of Science and Technlogy, San Isidro Campus. Malayang pumili ang
mananaliksik nang sampung (10) mag-aaral na maaring kumatawan sa kabuuan ng
pag-aaral.
Kabanata 3: Resulta at Pagtalakay
Ito ay tungkol sa
isang ina na
nagtatrabaho sa Hong
Kong bilangdomestic
helper. Ginawa niya ito
upang makapagpadala
ng pera sa mgaanak
niya upang matustusan
ang kanilang
pangangailangan. Ang
Anak ay isang pelikula
noong 2000 na handog ng Star Cinema para sa mga OFW (Overseas Filipino
Workers) sa iba't ibang dako ng mundo. Sa natatanging pelikula na ito na sumikat sa
takilya at kumita ng mahigit 160 milyon piso ay pinagbibidahan nina Vilma Santos at
Claudine Baretto. Noong 2000,ang pelikulang ito ang pinakatanyag na pelikula sa
kasaysayan ng pelikulasa industriyang Pilipino dahil sa laki ng binatak nito sa takilya.
Amy Austria -bilang Lyn- matalik na kaibigan ni Josie na isa ring OFW sa
Hong Kong.
Tagpuan:
Hong Kong- Bansa kung saan nagtrabaho si Josie.
Balangkas:
Simula
Gitna
1. Saglit na Kasiglahan
Sinalubong siya ng kaniyang dalawang anak na si Michael at Daday sa
airport. Sa kanilang bahay naman, sinalubong siya ng mga kaibigan at mga
kamag-anak. Masayang- masaya silang nagkukukwentuhan at nagpapamigayan
ng mga pasalubong. Binigyan din ni Josie ng mga pasalubong ang kaniyang anak
upang makuha ulit ang loob, ngunit nang dumating si Carla, ang panganay na
anak ni Josie ay nagpakita ito ng hindi magandang asal.
2. Tunggalian
Sa paglipas ng ilan pang mga araw, hinarap niya ang mas malaking hamon
sa Pilipinas kagaya ng problema sa mga anak niya at mga problemang dumating
pa sa buahy niya. Si Daday, ang bunsong anak ay hindi siya kilala. Nagpatuloy rin
ang hindi magandang asal ni Carla at hindi niya tinatrato ng tama si Josie. Unti-
unti nakikita ni Josie ang mga bisyo at karanasan ni Carla kagaya ng
paninigarilyo, tattoo, paghihithit ng droga, panlalalake at paglalaglag ng bata.
Nabangga pa ang taksing pinundar ni Josie at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo.
Lumala pa ang alitan ni Josie at Carla, umabot sa sakitan at lumayas si Carla sa
bahay at lalong nalulong sa kanyang bisyo. Dagdag pa dito ang pagkawala ng
iskolarship ni Michael.
3. Kasukdulan
Dahil sa sunod-sunod na problema, minabuti nalang niyang bumalik sa
Hong Kong. Isang gabi bago siya babalik sa Hong Kong, napuno si Josie sa
pagtrato sa kanya ni Carla. Malaki ang alitan ng dalawa hanggang sa binuhos nya
ang lahat lahat ng kanyang nararamdaman sa mga anak.
Wakas
Namulat ang mga mata ni Carla sa katotohanang sya ang sumira sa buhay niya at
wala na siyang mapagbabalingan ng sisi kundi ang sarili nya dahil sa pagkakalulong nya
sa kaniyang bisyo. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi
ang nag taboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan
rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama't malayo sya sa kanilang tabi.
Bisa:
Naimpluwensiyahan ng pelikula na ito ang pagiisip ng mga manonood ukol sa mga
karanasan ng mga OFW. Namulat nito ang mga kaisipan na hindi lahat ng OFW ay
maganda ang nagiging trabaho at trato ng amo nila sa ibang bansa, kasabay pa nito ang
mapait na katotohanan na nalalayo ang loob ng mga anak nila sakanila dahil sa matagal
na pagkakawalay.
Napukaw nito ang damdamin ng bawat manonood anak, magulang, lalong lalo na ang
isang OFW. Halu-halong emosyon ang nadama sa pelikulang ito, maaring nalungkot o
naiyak dahil sa nangyaring pagrerebelde ng anak ni Josie kahit wala naming siyang ibang
ninais kundi mapaganda ang kinabukasan ng kaniyang mga anak. Maaari ring
makaramdam ng inis dahil sakabila ng paghihirap at pagtitiis ni Josie ay nagawa pa rin ng
anak niya na magrebelde. Ngunit ssa huli sa maaari rin matuwa at pukawin ang puso ng
mga manonood dahil naintindihan na ng anak ni Josie ang lahat kung bakit siya umalis ng
bansa, kung bakit sila iniwanan, at kung bakit natiis ni Josie na mawalay sakanila.
Ang pelikulang “Anak” ay akma sa Teoryang Realismo dahil ipinapakita rito ang
mga katotohanang nagaganap at karanasan sa buhay ng isang magulang na ninais maging
OFW upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak. Marahil
ngayon, karamihan sa ating kababayan ay ninanais na mag ibang bansa dahil hangad nila
na magkaroon ng mas magandang trabaho at mas malaking sweldo dahil aminin natin na
hamak ang laki ng sweldo sa ibang bansa kaysa sa ating bansa. Tinitiis nila ang matagal
na pagkakawalay, mahigpit na amo, mahirap na trabaho, ang mag-alaga ng hindi nila
kaano –ano, ang maging alipin sa ibang bansa, at ang pagtitiis sa lahat ng lungkot at
pangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay. Lahat ng iyan ang kayang gawin ng
isang magulang na OFW para lang sa kanilang mga anak, ngunit nakalulungkot lamang
na sa kabila ng sarkipisyo ng mga OFW, ilan sa anak nito ay hindi lubos na naiintindihan
ang hirap at sakripisyo nila at ang iba ay sinusuklian pa ito ang pagrerebelde at problema.
Kagaya nalang ni Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtiis ng matagal na panahon sa
Hong Kong para sa mga anak niya. Tiniis at hinarap niya lahat ng hirap upang mabigyan
ng maganda kinabukasan ang mga anak niya. Ngunit si Carla (Claudine Baretto), ang
panganay na ay kahit na hirap na hirap ang nanay niyang si Josie sa ibang bansa ay
sinuklian niya ito ng pagrerebelde dahil iniisip lamang niya ang kaniyang sarili, iniisip
niya na iniwanan siya ng kaniyang nanay. Si Michael, ang pangalawang anak naman ay
ilap at walang imik, habang ang bunsong si Daday ay hindi kilala ang kaniyang nanay. .
Ngunit kahit ganon ay nagtiis si Josie na ayusin ang relasyon niya sa mga anak dahil wala
siyang ibang hangad kundi ang magandang kinabukasan ng mga anak.
Sa totoong buhay, karaniwang nangyayari ito kung saan dahil sa tagal na
pagkakawalay sa mga anak ay hindi na nakikilala ng magulang ang anak o kaya naman
hindi na kilala ng anak ang magulang. Ngunit kahit ganon ay handa pa rin harapin ng
mga magulang ang ganong problema at gawin ulit ang lahat ng makakaya upang
magbalik ang loob ng kaniyang mga anak at itama ang landas na tinatahak nito.
Republika ng Pilipinas
President Ramon Magsaysay State University
Sta. Cruz Campus
Unang Semestre, 2021-2022
FILN3
Sinesosyedad/Pelikulang Panlipuan
Isang Pagsusuring Pampelikula
Pagsusuri sa Pelikulang “Anak”